webnovel

Teach The Big Demon King How To Chase Girls

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 241: Turuan ang Big Demon King na maghabol ng babae

Sabi ng kutob niya…ito si YS, 'yung taong sinasabi ni Ning Xi na mapanganib pero 'di siya sasaktan kahit kailan…

Matagal na pinagmasdan ni Lu Tingxiao ang side profile ng lalaki. May sumagi sa isip niya, pero sobrang bilis nito at bigla rin itong nawala nang maisip niya.

Bakit parang…medyo pamilyar 'tong taong 'to?

Kilala niya ba 'to…

"Lu Tingxiao, patapos na 'ko dito! Ikaw ba?" Hila hila ni Ning Xi ang isang malaking maleta sa likod niya at lumingon pagkatapos magtanong.

"Mm, tapos na." Ibinalik ni Lu Tingxiao ang litrato nang 'di napapansin.

Pagkalipas ng sampung minuto, nasa baba na si Ning Xi at nakatayo sa tabi ng mga bag na iba't iba ang laki.

Tapos naintindihan niya na kung bakit siguradong sigurado si Lu Tingxiao na kakasya lahat ng gamit niya.

May Lincoln liimousine na tahimik na nakaparada sa labas…

Ugh…

Wala nang kabutihan sa mundo…

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com