webnovel

Take A Look At Her

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1400: Makita Siya

"Anong trauma?" Nanigas si Ning Xi.

"Mahihirapan siya tumanggap ng ibang tao. 'Di mo ba napansin na wala siyang pakialam na baka hindi na niya kayang magkaanak? Plano niya mag-isa hanggang mamatay siya. Kung ipapaalam mo agad sa kanya ang nararamdaman ko, hindi maganda ang mangyayari," suri ni Qin Mufeng.

"Nag-aalala rin ako tungkol doon," sabi ni Ning Xi.

"Hindi mo kailangan mag-alala. Syempre, hindi 'to kaya ng iba, pero professional ako!" Binigyan ni Qin Mufeng si Ning Xi ng ngiting tagumpay.

Tiningnan siya ng mabuti ni Ning Xi. "Qin Mufeng, na-realize ko lang na malaking tulong yung trabaho mo pagdating sa mga babae!"

"Syempre. Walang babaeng hindi ko kaya makuha bukod sa mga babaeng hindi ko gusto."

Tinitigan siya ni Ning Xi. "Ilang babae na niligawan mo dati?"

"Hanggang ngayon, si Tianxin lang ang babaeng nakakapagpabilis ng tibok puso ko!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter