webnovel

Stand Out Even More

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1539: Mas Nangibabaw

Nagtinginan ang dalawang host sa stage. Isa lang ang iniisip nila.

Kaya pala ayaw sabayan ni Ye Zixuan si Ning Xi!

Siguradong hindi ito hiniling ni Ning Xi. Si Ye Zixuan siguro ang tumanggi.

Hindi lang si Ye Zixuan, walang babaeng gugustuhin ito. Mapapahiya lang sila!

Sinadya ni Ning Xueluo bumagal para lang makita si Ning Xi na nasa likod niya. Gusto niya makita ang mukha niya pag makita niyang magkasama siya at si Su Yan, pero hindi niya inasahan na makukuha niya ang atensyon ng lahat gamit lang ang mukha niya. Mas nangibabaw ang itsura niya kay Ning Xueluo… 

Bruha! Puta talaga siya!

Na-distract si Su Yan sa tabi niya. Kahit nagulat siya tulad ng iba, noong nakita niya ang pagtingin ng ibang lalaki sa kanya, may naramdaman siyang hindi niya matukoy.

Ang maliit na babae noon, ngayon isang sikat na artista na… 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com