webnovel

So, Then, Still Want To Continue?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1359: Oh Ano? Gusto Mo Pa?

Hindi man lang minulat ni Ning Xi ang kanyang mga mata. Mas nakakatakot pa ang boses niya kesa sa lalaki. "Wala ako sa mood ngayon. Payo ko sa'yo lumayo ka sa'kin." 

Dahil sa nakakasindak na boses ng babae, kinilabutan ang mga buto ni Mo Yuxiu. Nang-asar pa siya, "Ha? Wala ka sa mood? Anong nangyari? Magbebreak na ba kayo?" 

Sa sandaling ito, ang salitang "break" ay sapat na para pasabugin ang isang bariles ng bomba… 

Sa sumunod na segundo, narinig ang isang malakas na kalabog. Inatake si Mo Yuxiu gamit ang isang shoulder throw ni Ning Xi at bumagsak siya sa sahig. Nakatayo ang babae sa harap niya at galit siyang tinititigan. Kahindik-hindik ang mga mata niya na kaya nitong palamigin ang dugo ng isang tao. 

Ikinagulat ng mga tao sa opisina ang senaryong ito… 

Nagkatinginan sina Qin Ran, han Yucheng, Luo Fan at Li Lekai. Diyos ko, bakit na naman nag-aaway ang dalawang ito? 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com