webnovel

Play Mahjong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1481: Maglaro Ng Mahjong

Para maging madali para sa lahat, malapit lang ang karaoke center. Nasa tapat lang ito ng building kaya tumawid lang si Ning Xi pagkalabas niya sa exhibition center. 

Hmm… Kung kaya niya lang mahulaan ang hinaharap, kung alam lang niyang gagawing miserable ni Jiang Muye ang buhay niya, hindi siya pupunta… 

Nang makarating siya, tinawagan ni Ning Xi si Jiang Muye habang umaakyat ng hagdan. 

"Blondie, nahanap ko na. Anong room kayo?" 

"Uh, teka… tungkol dito…" Nau-utal magsalita si Jiang Muye. 

"Saan nga? Hindi mo ba alam kung saang room kayo?" Naiinis na si Ning Xi. 

Umubo ng mahina si Jiang Muye. "Hindi, hindi 'yun ang ibig kong sabihin… Ning Xiao Xi, sa tingin ko… Hindi ka na dapat tumuloy dito…" 

Mas tumindi ang inis niya. "Hoy Blondie, niloloko mo ako?! Nandito na ako!" 

"Hindi 'yan ang pangalan ko," mahinang sinabi ni Jiang Muye. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com