webnovel

Oh My, My Wife is Really Cute~

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

 Chapter 162: Wow, ang cute ng asawa ko~

Nang tumawag ang butler kay Qin Mufeng, nasa bar ito. Hinila siya ni Lu Jingli para makichismis.

Nang malaman nilang hinimatay si Ning Xi, mabilis silang dalawang sumugod sa ospital.

Sa First People's Republic Hospital sa capital, sa loob ng VIP ward sa pinakataas na palapag.

Pagkarating nina Qin Mufeng at Lu Jingli, nakita nila ang isang maputlang Ning Xi na nakahiga sa hospital bed at may nakaturok na IV sa braso niya. Nakaupo naman sa tabi si Lu Tingxiao, mabigat ang mukha niya dala ng pag-aalala at maulap ang itsura.

Nagkatinginan sila Lu Jingli at Qin Mufeng at napagtanto nilang pareho silang natakot sa itsura ni Lu Tingxiao.

Sa oras na 'yun, dumating ang isang nurse na ma dalang gamot, agad siyang hinila ni Lu Jingli at tinanong, "Kamusta 'yung kundisyon ng pasyente? Anong problema sa kanya? Malala ba?"

 "Umabot po ng 39.6 ºC ang lagnat ng pasyente," sagot ng nurse.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com