webnovel

Ning Xi Stole His Woman?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1292: Inagaw Ni Ning Xi Ang Babae Niya?

Nagulat sila sa lambot ng katawan ni Ning Xi. Umiwas siya patalikod. Hindi tumigil si Mo Yuxiu. Ayaw sana ni Ning Xi saktan ito, kaya defensive lang siya.

Nagtaka ang lahat.

Bakit gumagawa ng away si Mo Yuxiu?

Ano nangyayari?

Hinimas ni Qin Ran ang baba niya. "Mmm, baka parang si Le Lekai, may inagaw si Mo Yuxiu kay Ning Xi?"

Umirap si Han Yuncheng. "Kung ganun, si Ning Xi dapat ang naghahanap ng away. At babae si Ning Xi, okay?!"

"Oh, oo nga pala… kung ganun, inagaw kaya ni Ning Xi ang babae ni Mo Yuxiu?"

Maraming babae rin ang may gusto kay Ning Xi.

Tiningnan siya ni Han Yuncheng na para siyang tanga. "Tingin mo ba may paki si Mo Yuxiu kung sino ang ginagalaw ng mga babae niya?"

"Nope." Umiling si Qin Ran.

Wala siyang pakialam kung ano ginagawa ng mga babae niya. Siya rin naman mismo nanloloko lang, kaya hindi importante kung sino ang kasama ng mga babae niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com