1138 Just Chop It Off!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1138: Tagain Mo Na!

Sa madaling salita, halatang hindi magandang ideya ang makipag-away sa kanila!

Sa sandaling ito, nagtinginan ang dalawang kaibigan ni Zhuang Rongguang bago sinabi ng isa, "Guang, pano kung gan'to, lalabas kami ni Qiang para kunin 'yung pera, kung hindi, walang ibang kukuha ng pera kung nandito lang tayo!"

"Oo nga! Kukunin agad namin yung pera at ipapadala sa'yo!"

Napatingin si Zhuang Rongguang sa mga malalaking lalaki at sinabi, "Basta bilisan niyo!"

"Oo, oo, oo…" Tumakbo ang dalawa palabas.

Tapos, dinala si Zhuang Rongguang sa isang inabandunang tindahan na hindi malayo sa casino. Pagkarating nila dito, hindi na siya pinansin at naglaro sila ng baraha at nag-inuman dahil hinaharangan nila ang tanging daan palabas; walang paraan tumakas.

Malalim na ang gabi at liblib ang lugar, nakakatakot at may amoy na parang inaamag. Takot siya na kapag pinatay siya doon, walang makakaalam…

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter