webnovel

Indescribable Scene

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 2015: Hindi Mailarawang Senaryo

Nailabas na rin sa wakas ni Han Zixuan ang galit niya habang lahat ay pinagtutulungan si Ning Xi. Pineke niya ang isang dismayadong ekspresyon habang pinapanood niya si Ning Xi. "Ning Xi, nirespeto kita bilang senior ko. Hindi ko ito gustong gawin pero hindi ko rin inasahan na hindi ka magbibigay ng sagot. Sa tingin mo ba hindi mali ang pagiging kabit mo at ang paninira mo ng pamilya? Nandidiri ako na kasama kita sa iisang silid ngayon!" 

Parang isang moral officer si Han Zixuan. Kampi siya kay Ning Xueluo habang pinupuna niya ang pagkatao ni Ning Xi. Hindi naiisip ng mga tao na baka sobra na ang mga sinasabi niya dahil maraming sumasang-ayon sa kanya.

Nakaupo lang si Ning Xi. Nakapatang ang ulo sa kamay habang pinapanood ang nanggagalaitiing si Han Zixuan. Ngumiti lang siya at nagbigay ng naaawang ekspresyon. "Gusto mo ng sagot? Ito, ibibigay ko sa iyo." 

Sumenyales si Ning Xi kay Xu Tao. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com