webnovel

How Cruel

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 155: Napakalupit

Papasok na sana si Lu Jingli sa loob ng kwarto para iligtas si Ning Xi nang biglang nabaligtad ang sitwasyon at natigilan na lang siya sa kinatatayuan niya at gulat na gulat.

"Mag-isa…at may baril pa! Holy sh*t! Kung 'di ako nagkakamali Beretta 92F 'yan! Sa'n niya kaya nakuha 'yan?" Bumilib si Lu Jingli.

Bigla namang may naisip si Lu Jingli na ikinalungkot niya nanaman: pangalawang pagkakataon na sana niya para maging "the hero who saved the beauty" pero pumalpak nanaman!

Sa loob ng bahay, tinitigan ni Zhang Qiang ang baril sa kamay ni Ning Xi dahil sa takot na magpaputok nanaman siya kahit sa maliit napagkaka-udyok tulad kanina. Ni hindi nga nagkaron ng katiting na panahon para makapagreact ang props master, napakalupit!

"Nag…. nagsa… nagsasabi ako ng totoo! Totoo bawat salitang sinabi ko! Kahit pa tamaan ako ng kidlat ngayon!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com