webnovel

Gusto mo akong ikama pero ayaw mo akong pakasalan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 15: Gusto mo akong ikama pero ayaw mo akong pakasalan?

Parang naiiyak na ang itsura ni Ning Xi, pero sumunod siya at naupo na parang isang estudyante sa klase.

Ipinatong ni Lu Tingxiao ang kanyang ulo sa isang kamay. "Ganoon ka ba katakot sa'kin?"

Mas walang pasubali ang Lu Tingxiao sa gabi kaysa ang Lu Tingxiao sa umaga, kaya mas delikado.

Umiling si Ning Xi na parang isang rattle pero tumango rin. "Hari ka. Sino bang 'di matatakot sa'yo?"

Inikot ni Lu Tingxiao ang tubig na nasa kanyang baso at mahinang sinabi, "Edi dahil takot ang ibang tao sa'kin, takot ka na rin? Kung ganoon, lahat ng babae gusto akong mapangasawa, bakit ikaw hindi?"

Halos ikahulog ni Ning Xi sa upuan ang tanong. Akala niya naiwasan niya na 'tong balang 'to kahapon, wala pa rin pala siyang muwang.

Sa tanong na 'to, pakiramdam niya ay may sanlibong kutsilyo na nakatutok sa kanya. Paano ba siya dapat sumagot?

Nagtaas si Ning Xi ng nanginginig na kamay. "Bago ko sagutin 'yung tanong, pwede bang magtanong muna ako?"

Tumango si Lu Tingxiao, "Sige."

"Bakit ako? Dahil ba umaasa sa'kin si Little Treasure? Tingin ko naman pansamantala lang 'to eh; hintayin nating humupa 'yung mga emosyon niya, magiging maayos rin. Kahit naman palagi na siya maging ganito, hindi mo…hindi mo kailangan ipilit 'yung sarili mo…" Madiin na pagpayo at paghikayat ni Ning Xi.

Ibinaba ni Lu Tingxiao ang baso at tinagpo ng mga mata nito ang mata ni Ning Xi. "Miss Ning, ang alam ko, malinaw ko nang naipaliwanag simula pa lang: dahil iniligtas mo si Little Treasure, napagdesisyunan kong gawing kabayaran ang katawan ko."

Sobrang labo ng ganoong paliwanag, nalilito ako. Hindi ko 'to matatanggap, okay? Sigaw ni Ning Xi sa puso niya.

Pakiramdam ni Ning Xi ay imposibleng ipaintindi kay Lu Tingxiao kung ipagpapatuloy nila sa ganitong usapan. Ang nagawa na lamang niya ay ipakita ang panghihinayang sa mukha at sabihing, "Mister Lu, ipinasasalamat ko po ang intensyon niyo pero hindi ako yung tipo ng tao na gustong magpakasal, kaya…"

Napakunot ng noo si Lu Tingxiao. "Bale gusto mo lang akong ikama? At hindi mo ako gustong pakasalan?"

"Tama… ha! Este hindi, hindi, hindi…'di ganoon ang ibig kong sabihin!" handa nang lumuhod si Ning Xi sa harap niya. Pwede bang 'wag ka magbanggit ng ganyang karumaldumal na mga bagay?

"Sayang naman, pumapayag lang ako sa sexual relationships kung kasal ang mauuna."

"Sinong maniniwalang…"'Di napigilan sumagot ni Ning Xi. 'Di ba may anak ka nga kahit 'di kasal?

Tumingin si Lu Tingxiao sa may bintana nang may bahagyang malayong pag-iisip na ekspresyon. "Aksidente si Little Treasure. Kahit ako 'di ko alam kung sino ang ina niya."

"…" Bakit parang mali ang dating nito?

"Dahil ba iniisip mo na may anak ako?" mabilis na tinanong ni Lu Tingxiao.

"Imposible!" sabi nga ni Lu Tingxiao, kung hihiwain ang mga utak ng lahat ng kababaihan sa syudad nila, malalaman mong lahat sila gustong maging stepmother ni Little Treasure. Bakit naman niya ikababahala 'yun!

"Edi bakit?"

Sa nakita niyang itsura ni Lu Tingxiao, alam niyang 'di ito titigil hangga't sagutin niya ang tanong.

Tumingala si Ning Xi at napabuntong hininga. "Mister Lu, 'di laro ang pag-aasawa. Maging para man sa pagbabayad mo sa'kin o kung ano mang dahilan, dapat makilala muna natin ang isa't isa. Alam mo ba kung anong klaseng tao ako? Alam mo ba ang nakaraan ko?"

"Ang gusto kong pakasalan, 'yung ikaw ngayon. Walang kinalaman 'yung nakaraan mo sa'kin." Syempre ito'ng isasagot ni Lu Tingxiao - kasing mapanghari at dominante ng maaari siyang maging.

Naging malamig ang ekspresyon ni Ning Xi. "Maliban sakin, parte ko ang nakaraan ko. 'Di ko pwedeng kalimutan na lang 'yung bahagi na 'yun ng buhay ko para lang pakasalan ka. Mister Lu, walang patutunguhan ang magiging pagsasama kung 'di kayo pareho ng prinsipyo sa buhay. Kung ako sa'yo, bawiin mo na lang 'yang nahihibang mong alok."

Malamig na katahimikan ang sumunod sa litanya ni Ning Xi.

Nang akala ni Ning Xi ay lilipad na sa galit ang kausap mula sa hiya, nagsalita si Lu Tigxiao at klmadong sumagot, "Naiintindihan ko."

Napanatag si Ning Xi at sumagot, "Matutulog na 'ko. Good night."

"Good night."

Sinundan na lang ng lalaki ng tingin ang paalis anino, ang kanyang titig ay kasing misteryoso ng lalim ng karagatan; ang tanging 'di nagbago ay ang init na nararamdaman sa ilalim ng dagat.