webnovel

Don’t Be Scared, I’m Here

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 449: Huwag Kang Matakot, Nandito Ako

"Lagot ka ngayon!" galit na tingin ni Alice habang humanda siyang manuntok.

"Napakaarogante na talaga ngayon ng mga red-black belters..." kalmadong umiling si Ning Xi, ni hindi nag abalang seryosohin si Alice.

"Mag-ingat ka, mapanganib ang babaeng iyan!" ipinaalala sa kanya ni Xiong Zhi.

Sa sandaling matapos niya ang kanyang sinasabi, itinaas ni Ning Xi ang kanyang kanang paa at mabilis niya rin itong ibinaba.

Ka!

Habang papalapit si Alice kay Ning Xi, nakasipa na si Ning Xi, at malakas na tumama sa mukha ni Alice!

Nawalan ng malay si Alice at napahiga sa sahig, hindi makagalaw.

"Na...nawalan ng malay?" gulat na sabi ni Xiong Zhi.Natalo ni Ning Xi ang banyagang babae sa isang sipa lang!

"Nakalimutan ko palang sabihin sayo na ... black belter ako," mahinahong sabi ni Ning Xi pagkatapos niyang mapatumba si Alice..

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter