webnovel

Do You Have The Strength To Eat?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

 Chapter 164: May lakas ka bang kumain?

 "Gising ka na." Natakot si Lu Tingxiao na magulat at maistorbo si Ning Xi, kaya dahan-dahan siyang lumakad papalapit at marahang hinaplos ang magulong buhok ni Ning Xi.

 "Lu Tingxiao…" Mabagal na lumingon si Ning Xi sa kanya.

 "Kumusta'ng pakiramdam mo?"

Parang natutuliro si Ning Xi. "Nasa ospital ba 'ko? Ano'ng nangyari sa'kin?"

 "Hinimatay ka kahapon dahil sa 39ºC na lagnat." Nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao nang maalala niya ang panahon na hinimatay si Ning Xi.

Napailing si Ning Xi. "Nagkalagnat ako? Bakit parang ang gaan masyado ng katawan ko, parang wala akong lakas!"

 "Baka gutom ka na. Halos isang buong araw kang natulog," sabi ni Lu Tingxiao habang tinutulungan si Ning Xi na ibuka ang mesa sa kama niya. Naglagay ito ng unan sa likod ng pasyente."Naisip kong magigising ka na nga, kaya kakabili ko lang ng dinner para sa'yo."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com