webnovel

Do You Have A Girlfriend?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1340: May kasintahan ka ba?

"Anong tanong? Sasagutin ko!" Napagtanto nila na hindi nila kaya si Ning Xi, kaya nagbago ang kilos nila.

Tinuro ni Ning Xi ang lalaki na may dilaw na buhok. "Ikaw, may kasintahan ka ba?"

"W-Wala..." Hindi siya nagatubiling umiling.

Gunulpi siya agad ni Ning Xi. "Wala ka naman palang kasintahan!"

Walang nasagot ang lalaki na may dilaw na buhok.

Tinuro naman ni Ning Xi ang lalaki na may pulang buhok. "Ikaw, may kasintahan ka ba?"

"Oo, oo! Meron po!" Tumango naman siya.

Umupo si Ning Xi sa harap nito. "Tatanungin kita ngayon. Kung may itinatago sa iyo ang kasintahan mo, makikipaghiwalay ka ba sa kanya?"

Pinag-isipan ito ng lalaki na may pulang buhok. "Well, sa tingin ko ay ang pagiging tapat ang pinakamahalagang bagay para sa dalawang tao na nasa relasyon. Kung may itinatago man sa akin ang kasintahan ko, baka makipaghiwalay ako sa kanya!"

At ginulpi rin niya ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com