webnovel

Director’s Invitation

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1612: Ang Imbitasyon ng Direktor

 "Magaling!"

Ang sabi ng director makalipas ang ilang sandal.

Hindi lang si Orlando, pati rin si Ning Xi ay nagulat sa sinabi ng director.

Nagkakamali ba sya? Tama ba at sinabi niyang "magaling" kesa sa "ulitin ang eksena"?

Basta! Baka naramdaman ng director ang sinabi ni Orlando na linya ay sapat para sa eksena!

Mabuti para sa kanila na natural itong lumipas.

Mabilis na tinanggal ni Ning Xi ang kanyang paa kay Orlando. Pagkatapos, iniabot niya ang kanyang kamay sa kanya at humingi ng tawad, "Pasensya na talaga, Senior Orlando. Nasaktan ka ba kahit saan?"

Tumingin si Orlando na parang dumating na mismo ang Emperatris. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Ning Xi. "Siyempre hindi, mahal ko. Masyado kang banayad! Dapat kang maging magaspang! Hayaan mo akong makaramdam ng sakit!"

Walang maisagot si Ning xi.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com