webnovel

Couldn’t You Just Play Along?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 143: 'Di ba pwedeng sumakay ka na lang?

"Dahil 'di sila makakabalik sa city sa tamang oras, dinala siya sa maliit na ospital sa Chunfeng Town. Nung gabing 'yun, may isa pang buntis na nasa ospital…"

Tapos?" tanong ni Lu Tingxiao, kahit na nahuhulaan na niya ang mangyayari.

Kumibit balikat lang si Ning Xi. "Tapos ayun, isang malaking drama! 'Di kasi sapat 'yung staff sa ospital saka 'di na-manage nang maayos. Napag-halo nila 'yung dalawang sanggol na babae, at tumagal ng 18 years 'yung pagkakamaling 'yun! Alam mo ba na pareho din kami ng blood type ni Ning Xueluo, kaya walang nakapansin na may mali!"

"Edi pa'no nila nalaman?"

Humarap si Ning Xi kay Lu Tingxiao at ngumiti. "Tungkol dun naman, salamat na lang sa mailap kong second uncle!"

"Ning Yaobang?" Narinig na ni Lu Tingxiao 'yung pangalan na 'yun pero 'di niya kilala ang lalaki, ang alam lang niya, kilalang playboy 'yun sa capital.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com