webnovel

Carry Me

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 148: Buhatin mo 'ko

Maya maya lang, pinahanda ni Lu Tingxiao sa butler ang maliit na open-top car na parang pwedeng pang-sightseeing, at agad na dinala si Ning Xi sa isang makahiwalay na building sa likod ng golf course.

Kahanga-hanaga ang disenyo ng bahay; mukha siyang gawa sa glass at kakaibang metal. Isang tingin lang at masasabi na niyang high-tech at may futuristic feel ang building.

Masyadong malaki ang Lu residence; ang tagal na ring nakatira dun ni NIng Xi pero 'di niya pa pala nakikita ang lahat. Ngayon lang siya nakapunta sa lugar na 'to.

"May mechanical device sa ibaba na sumasabay sa ikot ng araw. Makakaabsorb ng solar energy ang pader at solar-powered lahat sa loob. 'Yung housekeeper at mga kasambahay, lahat robot," Paliwanag ni Lu Tingxiao na parang isang tour guide.

"Sobrang cool!" nagliwanag ang mukha ni Ning Xi. Sobrang excited niya, mukha siyang bata.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com