webnovel

Ang Duo na Minamadali ang Pagpapakasal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 17: Ang Duo na Minamadali ang Pagpapakasal

Starlight Entertainment.

Sa loob ng opisina, isang lubhang balisa at nababagot na Chang Li ang nagsalita, "Nag-audition at natanggap si Ning Xi bilang second female lead!"

"Second female lead?" Kumunot ang noo ni Ning Xuelou sa nalaman. "'Di ba may ginagawa siyang random role sa isang 'di kilalang pelikula? Kailan siya nagkaroon ng oras mag-audition para sa second female lead?"

"Noong una nagtaka din ako pero nung nagtanung-tanong ako , nalaman ko na pagkatapos ng auditions para sa first female lead; paalis na ang mga casting judges pero nagkataong nakita nila si Ning Xi. Nang makita daw nila si Ning Xi, kaagad silang nagdesisyon na bagay siya sa role ng secnd female lead. Isang tingin lang ang kinailangan at napagdesisyunan na agad! No wonder kinakabahan ka sa kanya, what a schemer she is! Who knows kung sino pa ang inakit niya para makuha ang role na 'to!"

May mga bagay ring 'di na naglakas-loob si Chang Li na sabihin. Pinakamagaling na sandata naman talaga ni Ning Xi ang itsura niya; hindi na nakakagulat yung impormasyon na isang tingin lang at napili kaagad siya ng mga hurado.

Naaalala niya nung una niyang pinirmahan bilang artista si Ning Xi. Handa itong alagaan ang dalaga pero biglang sumulpot si Ning Xueluo.

Sa isang banda, isang bagong artista na walang kapangyarihan o backing; sa kabilang banda, isang sikat na celebrity na may malakas at makapangyarihang pamilya. Kahit naman sino alam kung paano pipili.

Ang industriya ng entertainment ay 'di lugar kung saan matitira kang buhay nang puro ganda lang.

'Di nasiyahan si Ning Xueluo. "Kahit na hindi siya ang first female lead, isa pa rin 'tong malaking production!"

Rinig ni Chang Li sa tono ng dalaga na ayaw nito ang pagkaka-cast kay Ning Xi sa role.

Nahirapan siya. "Tingin ko mahirap siyang alisin. Ang dami nang perang nainvest ng kumpanya sa dramang 'to, at masaya talaga si boss matapos natin makuha ang first at second female leads. Kung meron sanang papalit sa kanya mula sa'tin dito sa kumpanya, mabuti 'yun; kaso, lahat 'di rin pumasa sa auditions. Kaya walang mabuting dahilan para tanggalin siya…"

Walang nakakaalam kung ano ang nasa isip ni Ning Xueluo, pero bigla itong kumalma at nagsimulang mag-file na lang ng mga kuko. Tumawa ito. "'Di bale. Bilang gusto niya gumanap bilang isang tusong demonyo, edi hayaan natin! Bagay naman sa kanya ang pagganap bilang isang seductress na may dalang kapahamakan!"

'Di nagtagal ay nakatanggap ng tawag si Ning Xi mula kay Chang Li na inabisuhan siyang kumpirmado na ang casting niya sa <The World> bilang second female lead. Sinabihan din siya na paghandaang mabuti ang parte niya.

Sa pelikulang <The World>, ang first female lead ay isang matuwid, napakatalino, at matapang na babaeng tutulong sa bidang lalaki para umakyat sa pagkahari. Samantala, ang second female lead ay isang babaeng may dalang kalamidad sa bansa at mga mamamayan nito. Isa siyang taksil at tuso itinataboy ng lahat. Sa kasiyahan ng lahat, matatagpuan nito sa huli ang kanyang pagtatapos sa pamamagitan ng pagpapatalon sa kanya ng first female lead sa bangin.

At dahil ganoon ang katangian nila, 'di nakakagulat na hindi nababahala si Ning Xueluo na pakialaman pa ang casting.

Kahit na nakuha na ni Ning Xi ang role ng second female lead, kailangan niya pa ring kumpletuhin ang kasalukuyan niyang proyekto. Ngayong araw, may kailangan pa siyang puntahang production. Ang role niya ay isang babaeng mang-aagaw ng asawa at kailangan na lang nilang isapelikula ang huling limang minuto. Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, mapalilibutan siya ng mga galit na tao at bayolenteng kukuyugin nang limang minuto.

Gayunpaman, ang katotohanan sa pelikula, ang limang minutong iyon ay inabot ng lagpas dalawang oras para makumpleto dahil mga bagito ang grupo ng mga artista. Hindi maayos ang pagkakasabay ng kanilang mga ekspresyon, kaya't kinailangan tamaan si Ning Xi nang paulit-ulit.

Nang makauwi, binuksan ni Ning Xi ang telebisyon at nahiga sa sofa, pagod na pagod.

Balita ang ipinalalabas at nakita niya ang isang pamilyar na tao sa screen.

Mapalad na kagwapuhan, malapad na mga balikat, balingkinitang likuran at mahahabang binti; ganoong tangkad at disiplinadong pagkilos… sino pa ba kung 'di ang ama ni Little Treasure – si Lu Tingxiao!

Lumalabas na nasa isang signing ceremony si Lu Tingxiao at nakikipagkamay sa maraming dayuhan.

Tila napakasigla ng tono ng host habang ipinahahayag ang matagumpay na pagsasanib-pwersa sa pagitan ng Lu Corporation at ng Italian DR brand; ang pagpasok ng kumpanya sa European market ay maaaring magdulot ng pagdoble ng kanilang stock value.

Pagkatapos manood saglit, napagtanto ni Ning Xi na nakalimutan niyang tawagan si Little Treasure!

Sa Platinum Palace.

Ang dalawang nakatatanda sa Lu family ay nakabalik na mula sa ibang bansa, ang pamilya na binubuo ng lima ay sabay sabay na naghahapunan.

Sa wakas ay selyado na ang business deal na tatlong taong pinagsikapan ng Lu Corporation at ikinagalak ito ng old master. Labis nitong pinuri si Lu Tiao; maging si Lu Jingli ay nakatanggap ng mga papuri.

Gayunpaman, pagkatapos nito ay ipinahayag naman nito ang pinakamahalagang isyu.

Na kahit mahalaga ang trabaho, mas kailangan bigyang prayoridad ang kanyang itinatanging apo!

Master Lu: "Tingxiao, mahalaga ang trabaho pero 'di mo pwedeng pabayaan si Little Treasure. Dahil 'di ka naman magiging masyadong abala sa mga susunod na araw, maglaan ka ng oras kasama si Little Treasure!"

Madam Lu: "Pero kung magiging abala ka talaga, edi humanap ka ng tutulong sa'yong mag-alaga sa kanya! Lumalaki na si Little Treasure, kailangan mo nang humanap ng isang tao!"

Master Lu: "Tama ang mama mo!"

Binigyan ng makabuluhang tingin ni Lu Jingli ang kapatid. Tignan mo, nagsisimula nanaman ang mga magulang natin.

Itinuon lang ni Lu Tingxiao ang atensyon sa pagkain, 'di umimik ni isang salita.

Si Little Treasure naman ay hawak hawak lang ang telepono ng ama, 'di gumagalaw.