webnovel

All Good Today

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1773: Mabuti Siya Ngayon

Pagkatapos, dinala ni Lu Tingxiao si Ning Xi mula sa sanatorium papunta sa Deer Town.

Mahal ang lupa sa Imperial. Ang maliit na town na ito noong una ay katulad lang ng iba, ginawa para i-relocate at i-reconstruct. Pero, nagprotesta ang mga naninirahan doon noon. At meron pang nakatira doon na isang geologist na kilala sa buong mundo. Pagkatapos niya ipaglaban ang town nila, nanatili na itong isang cultural heritage at para protektahan ang lupa, hindi ito bukas sa mga taga labas.

Pag gabi, natatamaan ng sinag ng lumulubog na araw ang buong hardin. May mga kaakit-akit na kanta ng ibon, at ang tubig sa mga petals sa flower rack na puno ng Japanese roses ay nagsasalamin ng mga sinag na kulay bahaghari.

"Mr. Lu, ang aga niyo ngayon!" Noong nakita ng caretaker mula sa malayo kung sino ang dumating, lumabas agad siya para batiin ito at kunin ang jacket mula sa kamay ng lalaki.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com