webnovel

Aiming For The Stars

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 100: Aiming For The Stars

"Tumalon ka na lang pababa, dali! 'Wag ka nang magpanggap na demure diyan!" atat siyang pinilit ni Jiang Muye.

Wala na lang masabi si Ning Xi. Humawak siya sa gilid ng bintana at tumalon.

Agad siyang hinila ni Jiang Muye at pinaikot ikot habang naghahanap ng kakaiba at kahina-hinalang marka sa katawan niya. Pagkatapos, tintignan niya nang may maliliwanag na mata si Ning Xi. "May nangyari ba kagabi?"

Halos mahilo si Ning Xi dahil sa pagpapaikot ni Jiang Muye sa kanya at iritableng nagsalita. "Jiang Muye, ano bang problema mo? Ang aga-aga pa, 'di ba dapat natutulog ka pa? Ang sarap ng tulog ko eh, ano bang pwedeng mangyari sa'kin?"

Puputok na ang mga ugat ni Jiang Muye sa ulo. "Ning Xi! B*bo ka ba? 'Wag mo sabihing 'di mo alam kung pa'no ka nakabalik dito kagabi!"

"'Di ko nga alam!" Mukhang inosente si Ning Xi.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter