webnovel

After I Die Comes the Deluge[1]

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 130: Darating ang delubyo pagkamatay ko

Habang takipsilim, sa dagat ng mga kawayan.

Dalawang babae ang nakatayo nang magkaharap, isang nakasuot ng magandang damit na kulay pula at isa namang nakasuot ng puti at malinis na damit.

May taimtim na mukha si Shangguan Yingrong. "Meng Changge, mapapatawad ka pa sana sa paghihiganti mo para sa kamatayan ng kapatid mo, pero 'di ka pa nakuntento sa pagpatay mo kay Princess Xian, gusto mo pa talagang wasakin ang mundo?"

Wumagayway ang mahaba at pulang manggas ni Meng Changge na parang mga apoy sa hangin at tumingin sa kausap nang may pandudusta na parang kapiranggot na langgam lang ang tinitignan "Ang pamilya ko, ang Meng family, rin naman ang naglatag ng pundasyon ng mundong ito mula sa simula, kaya ano naman ngayon kung wasakin ko 'to?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com