webnovel

Prologue

~~PROLOGO~~

--

Ang Pagkamatay

"Maligayang kaarawan sayo, aking minamahal na anak" bati sa akin ni ina, nakabalatay sa kaniyang magandang mukha ang napakalawak na ngiti.

"Salamat aking ina"

Ang aking ina na si Berlinda Santos ay isang mananahi sa aming bayan habang ang aking ama na si Nolli Fred Diaz naman ay isang 'kabesa' sa isang barangay sa aming bayan. Hindi ko masasabing maganda ang katayuan ng aming buhay ngunit hindi ko rin masasabi na kami ay isang dukhang pamilya. Masaya at maayos ang aming pamumuhay sa bayan na ito, at wala ako doong masabi.

"Hindi ko aakalain na ika'y labing-walong taong gulang na aking prinsesa" Sabat ng aking ama na ngayo'y nakayakap sa aking ina.

"Hindi ko nga alam ama na ganito kalakas ang bugso ng kasiyahang aking nararamdaman sa mga oras na ito" sambit ko pa.

"Napakaganda mo aking anak, tila isang sampaguita sa isang malinis na harden" dagdag ng aking ama.

"Hindi nga ako Nolli makapaniwala na ang ating bansot at maliit na anak noon ay ngayo'y pinagkakaguluhan ng nakakarami" sambit ni ina.

"Wala na akong masabi sa iyong kabaitan anak," tugon ni ama.

Tumango lang ako bilang pag-ganti.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, hinahanap ang aking kaibigan.

"Tila may hinahanap ang ating prinsesa, mahal ko" nagulat ako sa sinabi nang aking ama, para iyong isang pagbibiro kaya naman hindi ko mapigilang haraping muli ang aking ama't ina na ngayong parehas na nakangiti.

"Ano ba ang inyong sinasabi, ama ko" malumanay ngunit nakangiti ko pa ring tugon.

"Sino ba ang hinahanap ng iyong malulumanay na mata, aking prinsesa? Ang iyo bang papalapit nang pag-ibig?" muling nagbiro ang aking ama na ikinahaba ng aking mga labi.

"Napapadalas na ang inyong pagbibiro, aking ama. Ina, ako'y inaabuso na naman ni ama, ako'y tulungan niyo" di makabasag pinggan akong nagtungo sa gawi ni ina upang iparating sa kanyang ang aking damdamin.

Muling natawa ang aking ina. "Huwag mong seryosohin, ang mga sinasabi ng iyong ama, Maria Clara"

Napayuko ako. "Ina ako'y sa labas lang sana, aking hihintayin ang aking kaibigan na si Binibining Tanaya"

Tango lang ang iginanti sa akin ng aking ina. Daglian akong lumabas sa aming maliit na tirahan. Hinanap agad ng mga mata ko ang postura ng aking kaibigan at hindi ako nagkamali na nakatayo ito malapit sa poste ng aming bahay.

"Binibining Tanaya!" masayang bati ko.

"Binibining Maria Clara," masayang bati sa akin ng kaibigan ko, lumapit ako sa kanya at bigla siyang niyakap.

"Maligayang kaarawan aking minamahal na kaibigan. Napakatanda mo na, Binibining Maria Clara" Sambit nito na may halong kalokohan.

"Hindi naman, Binibining Tanaya. Ikaw nga itong matanda na't dahil sa aga mong magkaroon ng iniibig/nobyo" sinikap kong lokohin siya ngunit ako rin ang nabigo.

"Binibining Maria, lingid sa aking kaalaman na ika'y magkakaroon na ng iyong iniibig?" Nakakaloko ang mga ngiting ipinakikita niya.

Agad naman akong namula.

Totoo ang sinabi niya, ang anak ng aking tiyuhin ang napili ng aking mga magulang para sa akin. Magiging maganda daw ang aking kinabukasan dahil sa ganda din ng buhay ng anak ng aking tiyuhin.

Ayos naman sa akin iyon dahil pagdating palang sa kaniyang mga estilo ng panliligaw niya ay nakaka-agaw atensyon na, isama mo pa ang mga mensahe na ipinapadala sa akin ay mukha itong maginoong lalaki at idagdag pa ang kaniyang pangalan na "pedo". Si Ginoong Pedo.

"Binibining Maria?" rinig kong tugon ng aking kaibigan ngunit nanatili pa rin akong may iniisip.

Dito sa aming bayan ay maraming nakatakdang tradisyon, maraming sinusunod na kultura. Katulad na lang ng pagtatalik ng isang babae sa lalaki kung ito'y itinakda ng bawat pamilya. Kung sila ba ang napili ng dalawang magkakilalang pamilya.

At dahil isa ako sa inaasahan ng aking mga magulang ko ay agad akong sumang-ayon. Walang sama ng loob akong nararamdaman.

"Binibining Maria, ika'y aking kinakausap, nakikinig ka ba?" napaigtad ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ah..eh..paumanhin binibining Tanaya, may iniisip lang" mahina ko dito'ng paumanhin.

"Maaari ka bang magbahagi ng nasa iisipan mo?"

"B-binibining Tanaya, m-mamaya ko na rin kasi makikita ang magiging asawa ko.." nahihiya kong tugon habang ang dalawa kong kamay ay aking inilagay sa namumula kong mukha.

Natawa naman siya. "Mukhang desidido ka na diyan, Binibining Maria Clara. Suportado kita, huwag kang mag-alala."

"Maraming salamat sa iyong suporta aking kaibigan.." mahinhin kong sambit at humiwalay sa kanyang pagkakayakap.

Matapos ng mahaba naming usapan ng aking kaibigan ay nagtungo na ako sa aking mga magulang na handa nang umalis para sa aming pagbisita sa tahanan ng aking magiging asawa.

Isa nga pala sa tradisyon na kailangan ang pamilya nang babae ang unang bibisita sa tahanan ng lalaking magiging katalik nito.

"Handa ka na ba mahal kong prinsesa?" Tanong ng aking ina.

"Opo naman ina" magiliw kong sagot.

Hindi na rin ako makapaghintay sa aking magiging nobyo.

Habang nakasakay sa aming kalesa patungo sa bayan nina ginoong Pedo ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko, tila ito'y biglang kinabahan. Isinantabi ko iyon at muling tumingin na lang sa labas.

Ngunit hindi pa man tumatagal ang aming biyahe, maraming kalalakihang mga nakasuot ng itim ang humarang sa sinasakyan naming kalesa. Noong una, akala ko'y mga dayo lamang iyon na napadaan sa aming bayan ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makitang naglabas ang mga ito ng itak at mga de-baril-mekanik.

"Nolli! Ano ang nangyayari?" histeryang tanong ni ina. Ang nagpapaandar ng aming kalesa ay bumaba mula sa pagkakasakay habang ako'y lumabas din upang Makita kung ano ang nangyayari.

"Mga ginoo, ano ang inyong problema't tumigil kayo? Kami'y nagmamadali" paliwanag agad ng aming mamaneho.

Nanatili lang akong nakatunghay, tinitingnan ang posibleng maging hakbang ng mga kalalakihan.

"Ipagpaumanhin mo sana ang aming ginawang pang-aabala sa inyo, narito kami upang manguha ng buhay.." nakangising tugon ng lalaking nasa unahan, hindi ko inaasahan na magpapaputok ito at wala pang ilang segundo ay nahilata na sa lupa ang aming taga-pagpaandar.

Natuliro sina ina't ama, lalong lalo na ako.

Anong mangunguha ng buhay?kinabahan ako sa sinabi ng lalaking ito, tila may ipinaparating ito.

Dahil sa takot na baka kung anong gawin nila sa mga magulang ko ay pumunta ako sa kanilang harapan.

Ano naman ang gagawin mo? Tanong ng aking isipan.

"Mga ginoo ano ba ang inyong kailangan?" mahinhin ngunit magalang kong tugon. Pinipigilan ang bugso ng damdamin.

"Wala kaming kailangan, pero dahil sa sinabi mo magandang binibini ay kinakailangan naming manguha ng buhay. Mga buhay na kumuha ng buhay sa aming mahal na Senyora't Senyor."

Nangunot ang noo ko. Ano ba ang kanilang sinasabi?

Magsasalita na sana ako ngunit biglang sumugod ang mga lalaking nasa likuran ng kausap kong lalaki.

"Simulan niyo na, magandang maging maagap tayo bago pa may makakita sa atin" natuliro ako sa sinabi ng lalaki kaya naman buong pwersa akong humarang sa mga magulang ko.

"Ama ano ba ang nangyayari?!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapa-iyak. Hindi ganito ang gusto kong mangyari.

"Hindi ko alam anak, ngunit patawad.."

"A-anong…Ama! Bakit niyo ba sinasabi ang mga iyan! Ano ba talaga ang nangyayari?"

"N-nolli!.." natigilan kami ni Ama dahil sa sigaw ni Ina.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may dugo'ng lumalabas sa bibig niya.

"Ina!" hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit ang alam ko na lang ay ang kakaibang mga kilos at salita ni ama.

Ano bang nangyayari kay ama?

"A-anak.." natigilan ako at tuluyan na lamang na nawala sa aking huwisyo dahil sa itsura ng aking ina.

Nagtatakbo ako patungo sa direksyon niya, hindi alam ang nangyayari. Hawak hawak siya ng mga armadong lalaki, tila sinasaksak ang puso ko ng makitang pwersahang pinaghahampas si Ina.

"Tigilan niyo na iyan mga ginoo! Parang awa niyo na! Ano bang ginawa namin sa inyo upang gawin niyo ito sa amin?.." nagmamakaawang sigaw ko.

Muling ngumisi at umiling ang pinuno ng mga kalalakihan, hinablot ang leeg ng aking ama at doon sapilitang pinahirapan.

"Mga ginoo...parang awa niyo na" pakiusap ko dito. Ngunit walang lumabas na salita sa lalaki imbes ay naglabas ng baril at pinaputok ito sa gawi ni Ina.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang malapit sa puso ang tinamaan ng bala. Napasigaw ako. "Ina!"

"Patawad aking minamahal anak.." Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Ina. Sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha mula sa aking mata.

"Ina...'wag mo kong iiwan, Ina" nagmamakaawang sambit ko, umiling si Ina, may mga ngiti sa labi ngunit makikita mong malungkot iyon.

Nakarinig muli ako ng tatlong putok ng baril at nasisiguro kong kay ama iyon tumama. Wala na akong lakas upang habulin si Ama at harangan siya. Nakita ko na lamang ang kaniyang walang buhay na katawan, puno ng dugo.

"Muli maligayang kaarawan sayo anak, hindi man ito ang tamang oras at panahon para masaksihan mo ang iyong iibigin. Hihilingin ko naman na sana'y muli kang mabuhay at maranasan ang hindi mo naranasan sa panahong ito. Na sana'y mamuhay ka ng masaya at makakilala ng lalaking iyong iibigin." Mahabang tugon ni Ina, nahihirapan na siyang magsalita ngunit kaniyang pinipilit.  "Sabihin nang tama ngunit kailangang hindi. Ika'y pahihintulutan na muling umibig ngunit sa di tamang panahon na iyong inaasahan.." mapait na ngumiti si Ina bago siya mawalan ng buhay.

Napaiyak ako ng todo at sa di inaasahan ay naramdaman ko ang isang bagay na literal na tumusok sa aking dibdib, tila ito'y paulit-ulit na tumusok. Naramdaman ko na lang ang dugo sa aking bibig at ang hirap ng aking hininga.

"I-ina..papaano ako iibig kung ako'y patay na?..papaano ako makakakilala ng iibigin kung ang buhay ko'y wala na?..Sana'y totoo ang inyong hiling.."

Bago ko ipikit ang mga mata ko at mawalan ng malay ay narinig ko ang tinig ni Ama.

"Ika'y mamatay ngunit mabubuhay,

Ika'y iibig sa tama ngunit mali sa tadhana.."