webnovel

HFH Series: Zion Gabriel Lewis - The heartless Intruder

Bruskong kumilos at rebeldeng anak si Roselyn Karla Salcido Lloren. Nang magkaipon ng sapat na halaga, nag-migrate siya sa Amerika at doon nanirahan. Sa edad na bente-otso ay naging matagumpay siya sa kaniyang business career bilang top distributor ng isang leading brand na relo roon. Nalaman niya mula sa kakambal na kapatid na si Rosario na balak ng mga magulang nilang ipakasal siya sa anak ng isang Business Tycoon sa China na nagmamay-ari ng mga malalaking Shipping Company tulad ng negosyo ng mga magulang niya. Nais ng bawat pamilya nilang mag-merge ang kanilang business at kontrolin ang kalakaran sa transportasyong pandagat. Agad na tinutulan ito ng dalaga at sinabi niya sa huling pakikipag-usap sa mga magulang na nag-asawa na siya. Nagbanta ang ama niyang sisirain ang negosyong naipundar niya oras na hindi siya sumunod sa mga ito at hindi kikilalaning anak. Hanggang sa napilitan nga siyang umuwi ngunit hindi niya ipinaalam sa mga ito. Gumawa siya ng hakbang at nakipagtulungan sa mga kaibigang may alam sa isang lihim na kalakaran. Ang RnJ Dating Services. Wala siyang pakialam kung maubos man ang salapi niya basta makuhang muling ang kalayaang minsan na niyang ipinaglaban. And she meet Denver Villaver. Isang guwapo at hot na grab driver na napili niya at ipinadala ng kompanya. Idagdag pa ang nangingibabaw nitong ibang lahi na may kulay abo at nangungusap na mga mata. Halos atakehin sa puso ang kaniyang ama nang maipakilala na niya si Denver sa mga ito. Kahit ang ina niya ay hindi makapaniwalang totoo nga ang sinasabi niyang nag-asawa na siya sa Amerika. Kalaunan, unti-unti rin naging maayos ang relasyon niya sa pamilya sa tulong ng binata. Paano kung malugmok sa isang matinding problema ang kaniyang pamilya nang dahil sa binata?

Magzz23 · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

NEW YORK City is the most populous city in the United States of America. It is the largest metropolitan area in the world's urban landmass and densely populated major city. That's why it has many opportunities for American citizens and other nationalities. It is one of the reasons why a woman named Roselyn loves the limelight of the city. Her dreams and goals are attached to it while her careers and business grow beyond her expectations since she was migrated eight years ago.

Si Roselyn ay distributor ng isa sa mga top leading brand na watches sa buong USA. May mga nag-exports na rin sa kaniyang mga produkto lalo na sa Pilipinas. Binabalak na rin niyang mag-expand sa iba't ibang bansang susuplayan nila ng mga mamahaling relo.

Bata pa lang siya ay pangarap na niyang makapatayo ng sarili niyang negosyo na hindi umaasa sa kahit sino lalo na ang mga magulang niyang nasa Pilipinas. Since the day she left her parent's side, their communication was frequent. Her twin Rosario helps her parents to grow their Shipping Lines Company in Manila. No doubts she was came from a wealthy family but did not expect the family's wealth to survive. She is an independent and career woman. Ngunit malalim din ang pinag-ugatan kung bakit malayo ang loob niya sa mga magulang at ayaw na niyang balikan. Sa edad niyang bente-otso, malaya na siya at may sariling desisyon sa buhay.

Sa ngayon, masaya naman siya sa tinahak niyang landas.

KAMUNTIK nang maibuga ni Roselyn ang kapeng iniinom niya sa isang Coffee Shop sa New York, isang umaga. Kilala niya ang cartoonist sa isang column ng binabasang diyaryo at pigil ang tawa niya rito. Nakagawian na niyang dumaan sa naturang establishments lalo na ngayong naramdaman na niya ang lamig ng panahon. Malapit na ang pasko kaya inaasahan na rin niyang magiging abala na naman siya sa mga susunod na araw. Maya-maya pa ay sumilip siya sa pambisig na relo at marahang tinupi ang diyaryo. Inubos na rin niya ang laman ng kape sa tasa at tumayo.

Pagkalabas niya ng Coffee Shop, napawi ang ngiti sa labi niya nang makita niya ang grupo ng mga kabataang pinaglalaruan ang isang sports car red sa parking lot ng naturang establishment. Hindi makikita ng mga customer ang area dahil may malaking pader na naghahati sa Coffee Shop at parking lot.

Dali-dali niyang sinita ang grupong iyon. "Hey! What are you doing, huh?"

Natigil ang mga kabataang lalaki sa ginagawang vandalism sa kotse gamit ang isang red lipstick. Nagulat din ang mga ito sa biglaang pagsulpot niya ngunit naglakas naman ng loob ang isang binatilyong may hawak ng bagay na iyon. Maangas itong hinarap siya at walang pasubaling sumugod. Nagpakawala ng kanang suntok ang binatilyo patungo sa kaniya ngunit nakahanda naman siyang depensahan ang sarili. Mabilis naman siyang kumilos at umilag sa pag-atake nito. Gamit ang kaalaman niya sa martial arts, sinalubong niya ito saka mabilis din niyang hinawakan ang kanang kamay nito. Inikot niya iyon patungo sa likurang bahagi nito upang hindi makagalaw. Hawak din niya ang isa pang kamay nitong balak sanang kumawala sa pagkakapilipit niya. Namimilipit naman sa sakit ang binatilyo na ngayon ay nasa harap na ng mga tropa nito.

"Do you want to do this again? Huh?!" nagtatagis ang mga bagang niyang tanong sa binatilyo. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga katulad nito sa New York na nambubulahaw at nanggugulo lalo na sa mga sasakyang naka-park.

"L-let me go!" nagpupumiglas ang binatilyo.

Tinulak niya ito patungo sa harapan ng ka-grupo nito sabay mabilis ang mga kilos na nagsitakbuhan. Natakot na sa maangas niyang kilos at alam na sigurong wala itong mga laban sa kaniya. Naiwan nito ang lipstick na ginamit sa kawawang kotseng napagtripan saka niya ito dinampot. Napapailing na lang siyang napasulyap sa nadumihang bagong model ng kotse saka siya pumasok sa kotse niya na katabi lang nito. Wala na siyang oras na ipaalam sa may-ari ang nangyari at may naghihintay sa kaniya sa opisina niya. Hindi na rin niya napansin ang hawak na lipstick na nailagay sa bulsa ng kaniyang maong na pantalon saka tuluyang nilisan ang lugar.

MALALAKI ang hakbang niyang tuloy-tuloy lang pumasok sa loob ng malawak niyang opisina. Tumango na lang siya sa mga empleyado niya nang bumati ito ng magandang umaga habang kasunod niya ang sekretarya niyang si Luvi.

Inilapag ni Luvi ang schedule niya sa mesa. "Ma'am, here's your afternoon schedule. May meeting kayo with Mr. Williams para sa launching ng bago nating brand."

Kinuha niya ang schedule clipboard. "After ng meeting namin, I have free schedule?"

"Yes, Ma'am."

"Alright. That's nice to hear," she smiled. Magkakaroon siya ng maluwang na schedule mamayang hapon.

Kinuhang muli ni Luvi ang clipboard saka siya tumayo. Tutungo na siya sa conference room para sa meeting niya ng marketing team. Sa negosyo na umiikot ang kaniyang mundo at hindi na niya naisip ang personal niyang buhay. Sa edad niyang iyon ay hindi pa sumagi sa isipan niya ang mag-asawa o magkaroon man lang ng relasyon sa opposite sex. Ni hindi nga niya naranasan at maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaki. Hindi rin naman niya masisisi ang sarili kung ni isa ay wala rin nagkagusto sa kaniya.

Paano siya gugustuhin ng isa lalaki kung ang kilos naman niya ay tila titibo-tibo? Indeed. Hindi siya tibo ngunit gusto lang niyang kumilos nang ganoon. Nais lang niyang protektahan ang sarili sa sinumang nagnanais na wasakin ang pader na itinayo niya para sa sarili. Dahil mula pa man nang maliit siya ay bitbit na niya ang mga takot na iyon.

ALAS-OTSO ng gabi nang makarating siya sa isang bar and restaurant sa Manhattan. Tinawagan siya ng kaibigan niyang si Harley na may-ari mismo ng naturang restaurant dahil dumating na ang isang kaibigan nila mula sa Pilipinas. Matapos niyang mag-park ng kotse niya ay pumasok na siya sa loob. Binati pa siya ng Pilipinong guard doon na kilala na rin siya dahil madalas silang magkumpulan doon.

"Good evening, Ma'am Roselyn." Nakangiting bati ng guard sa kaniya. "Nasa loob na po sila ma'am."

Ngumiti rin siya. "Magandang gabi."

Sumalubong din sa kaniya ang isang waitress. "Good evening, Ma'am."

Itinuro ng waitress ang puwesto kung nasaan ang mga kaibigan niya. Nasa dulong bahagi ito ng malaking restaurant. Mangilan-ngilan pa lang ang customer at mamaya ay dadagsa na rin. Lahat din ng mga empleyado roon ay may lahing pinagmulan niya. Nais nilang makatulong sa mga OFW na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Kahit naman siya ay ganoon din sa kaniyang kompanya. Kadalasan ay mga investors na nila ang may purong lahing Amerikano.

Malayo pa lang ay kumaway na si Ella sa kaniya nang makita siya. Natanaw na rin niya ang apat na kaibigan sa bilugang mesa. As usual, late na naman siya sa usapan. Pagkalapit niya sa mga ito ay agad naman siyang niyakap ng kaibigan. Halos isang taon din ito bago nakabalik sa New York dahil may inasikasong negosyo sa Pilipinas.

"Oh, my god! Ang igsi ng buhok mo, Rose! Why did you cut your hair?" puna agad ng kaibigan niyang si Ella.

"Well, just for a change. Naalibadbaran na ako sa mahaba kong buhok," tugon niya. Hinila rin niya ang bakanteng upuan at naupo.

"Dalawa na kayo ni Alexis na maigsi ang buhok. Mabuti nga at nag-asawa na siya. Ikaw Rose? When will be your plan to settle down? Ikaw na lang ang hindi nag-asawa sa grupo," wika naman ng kaibigan niyang si Harley. Ang may-ari ng restaurant.

Sinulyapan niya ito. "Hindi niyo naman sinabi na ma-hot seat ako rito. Kakarating ko lang," reklamo niya. Hindi niya tinugon ang tanong nito tungkol sa pag-aasawa.

Nagtawanan ang mga ito.

"What to expect? Hindi ka na nasanay sa grupong ito," dugtong ni Jamaica.

"Lagi ka kasing nahuhuli. Lalo kang yayaman niyan sa ginagawa mo at wala ka namang binubuhay," dagdag ni Rika.

"Akala niyo lang iyon." Tugon naman niya sa mga ito. "Marami akong pinapaaral."

"Anyway, tantanan na natin si Roselyn at baka mag-init bigla. May pinadala ang kapatid mo para sa'yo. Invitation card para sa kasal nila ng boyfriend niya," pag-iiba ni Ella ng usapan.

"Oh? Really?!" Sabay-sabay na wika nila kasama siya.

Her friend Jamaica asked her and wondered. "Don't you know that your twin sister will get married soon?"

"Uhm, yeah." Tila nabigla rin siya sa nalaman niya. "Malimit lang naman kaming mag-usap ng pamilya ko lalo na ang twin sister ko." Hindi na siya dapat magtaka sa desisyon ng kakambal niya dahil wala naman siyang pakialam sa mga ito. Para saan pa? Gawin niya ang gusto niya sa buhay.

"And⸻she's two months pregnant," her friend Ella added.

"Pregnant?!" Sabay na bulalas ng mga kaibigan niya.

Nagtinginan ang mga customer sa gawi nila nang marinig ang sabay na pagsambit ng salitang iyon. Maya-maya pa ay tumahimik ang grupo niya at marahang nag-uusap. Nabigla ang mga ito sa rebelasyon ng kaibigan at kahit siya ay ganoon din ngunit bahagya lamang.

"Your sister told me when she gave me the invitation letter. Anyway, idadaan ko na lang iyon bukas sa bahay mo," wikang muli ni Ella.

"Congrats, Roselyn! Magiging tiyahin kana!" bati ni Harley sa kaniya.

"Thanks," malamig niyang tugon sabay napailing.

Napansin ng mga kaibigan niyang wala siya sa mode na pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya kaya iniba na lamang nila ang usapan. Alam ng mga ito ang mga naranasan niya noon kaya hindi rin nila masisisi siyang magkaroon ng hindi magandang relasyon sa mga ito. She doesn't want to be with them anymore and, she's not interested with the wedding of her twin sister.

MATAPOS ang ilang oras na kwentuhan ay umuwi na rin si Roselyn sa bahay niya sa Bronx. Laman pa rin ng isipan niya ang tungkol sa kakambal ngunit kailangan niyang isantabi iyon. Wala naman siyang balak tumungo sa kasal nito at kailanman hindi na niya papangaraping umuwi ng Pilipinas.

Nang makarating na siya sa kanila at nai-park na ang kaniyang sasakyan, masaya naman siyang sinalubong ng aso niyang si Mougie. Isang golden retriever dog na kasama niya sa loob ng dalawang taon. Bukod sa kaniya at ng aso, may katiwala rin siyang kinuha mula Pilipinas upang may maiwan man lang siya lalo na at lagi siyang may out of town businesses. Kahit papaano ay masaya siyang nakikita ito at nawawala ang kaniyang pagod.

Pagpasok niya sa loob ay sinalubong agad siya ni Nana Coring na may bitbit na wireless phone. May edad na ito ngunit maliksi pa rin kung kumilos. Halos limang taon na rin niyang kasama ito sa bahay niya. Hinihingal pa itong lumapit sa kaniya na tila nanggaling pa sa malayong pagtakbo patungo sa sala.

"Roselyn! Roselyn!" Tawag nito sa pangalan niya. "M-mabuti at nandiyan ka na," bungad nito sa kaniya.

"Oh? Bakit parang hinahabol kayo, Nana Coring?" Napuna nito ang hawak na wireless phone. "May tawag ako?"

"O-oo. Kaya lang..."

"Kaya lang ay ano? Who's in the line? Akin na," sabay kinuha ang telepono rito.

Marahan namang ibinigay ni Nana Coring ang telepono sa kaniya. "A-ang kapatid mo," sambit nito.

Napakunot-noo siya. "Huh? Paano niya nalaman ang numero ng bahay?" Sabay inilagay niya iyon sa tenga. "Hello?" kunot-noong sambit niya. Wala na siyang choice kung 'di ang sagutin iyon.

Ilang segundo rin walang tumugon sa kabilang linya at naghihintay lamang siya. Gusto na niyang ibaba ang tawag dahil hindi niya na maintindihan ang kaniyang sarili. Kabado siya na sa unang pagkakataon, sa loob ng walong taon ay malimit lamang niya itong nakakausap.

"Roselyn..."

Naulinigan na agad niya ang boses ng kapatid sa kabilang linya. Humugot muna siya nang malalim na hininga bago sumagot dito. "Bakit ka napatawag?" mahinahon niyang tanong.

"How are you?" tanong nito.

"I'm doing well. Why did you call? How did you know my number?"

"Grabe, hindi ka pa rin nagbabago. Madami ka pa rin katanungan kahit noon. Hindi mo ba ako kakamustahin man lang? It's been a long while since the last time we talked to each other, Roselyn." Bahagyang naging masaya ang tono ng boses nito na sinamahan pa ng malambing nitong boses. "Hindi na mahalaga kung saan ko nalaman ang number mo. I just want to ask if you receive my wedding invitation. Sis, I'm getting married and I'm pregnant! Isn't that great? Magiging tita ka na!"

"Okay. Congratulations. I won't ask you if you're fine or not. I know you're doing great. Kung ikaw ba naman ang pinagpalang anak ng daddy at mommy. I shouldn't be surprise for that. Bukas ko pa makukuha ang invitation mula kay Ella. But, don't expect me to be there. You already know the answer," direkta niyang wika.

"I won't accept that. You need to be here as soon as possible. Our parents have a plan to arrange your marriage to a business tycoon named Mr. Yuan Clint Ziu. He's the owner of Ziu Shipping Company in China. Gusto ng mga magulang natin na mag-merge ang kompanya—"

"Don't give me that—" Pinutol niya ang sasabihin dito sabay pinigilan ang sarili. Naalala niyang buntis ito at ayaw niyang makasama iyon sa dinadala ng kapatid. Humugot siya nang malalim na hininga saka muling huminahon. "Look, kung ano ang plano niyo huwag niyo na akong idamay. Nananahimik na ako rito sa Amerika at huwag niyo na akong abalahin. Thanks for the call and goodbye!" sabay ibinaba na niya ang tawag. Hindi siya makapaniwalang marinig iyon mula sa kapatid.

"Oh? Ano daw ang sabi?"

Sumulyap siya kay Nana Coring. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at alam nito ang puno't dulo ng kaniyang mga paghihirap noon.

"Wala ho. Ayos lang ho ang lahat," malungkot niyang tugon. Bagsak ang mga balikat niyang naglakad at nilagpasan lang ito.

"A-ayos ka lang, Roselyn?"

Hindi na siya sumagot. Alam na nitong hindi maganda ang pag-uusap nilang iyon kaya hindi na lamang ito nag-usisa. Nagtungo na lamang siya sa kaniyang kwarto kasunod ang asong si Mougie. Sa loob ng malawak niyang kwarto, ibinuhos niya ang sama ng loob nang dahil sa mga alaalang pilit na niyang kinakalimutan. Hindi lamang iyon. Hindi siya makakapayag sa anumang mga plano ng kaniyang mga magulang. No! Not even this time.