webnovel

Chapter 13: Kiss

"Ako na lang. Para rin makita nila na taken na si Shihandra de Dios... Lucrenze." Pabulong niyang sinabi ang Lucrenze at malakas naman niyang sinabi ang taken na si Shihandra de Dios.

AaaaaaaAaaa! Pinaglalaruan ba ako nitong lalaking 'to?! Kapag pinakilig pa niya ulit ako ng todo, baka mamisunderstand ko huhu. Baka rin kung ano pang magawa ko!

Marami pa ring tao sa paligid, dahil ito ang highlight ng foundation week namin. Ito ang pinakahihintay ng lahat. Maraming stalls na pwedeng bilhan ng kung anu-ano at malaya ang mga estudyante na gawin ang mga gusto nila at isuot ang mga gusto nila. Yup, walang dress code pero syempre hindi naman kami magsusuot ng sobrang ikli dahil kahit na walang magbabawal sa amin ngayon ay sigurado namang pagsasabihan kami kapag regular schedule na ulit. Maganda rin ang paligid dahil sa nagliliwanag na LED lights na nakadecorate sa paligid. Maraming bitwin sa langit at maliwanag rin ang buwan, at higit sa lahat ng magandang tanawin na nakita ko ay ang lalaking kasama ko ngayon.

Wala na kaming oras at wala na ring mga booth na open. Kaya halos tumakbo lang oras namin sa pang-aasar niya.

"Gusto mong kumain? May one hour pa tayo bago magsimula ang fireworks display." He said habang nakatingin sa relo niya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko, aaaaaaaack.

"Gusto kit— este gusto ko ng takoyaki." Oops. Muntik na ako doon ah. Mag-isip ka nga ng matino, Shi!

"Tara." Aniya.

Nakaupo kami sa isang bench habang kumakain kami ng takoyaki.

"Ayos ba 'yung ginawa ko kanina?" Tanong niya.

"Alin?"

"The lights." Sagot niya. So siya pala ang may kagagawan ng matagal na pag-off ng ilaw kanina.

"Iba ka." Sabi ko na lang. Bahagya naman siyang natawa. "Btw, akala ko ba no Julie?"

"Hindi ko alam na pupunta siya, nagulat na nga lang ako." He answered.

"E bakit ka nagpapahawak sa kaniya?" Tanong ko pa.

"Bakit? Selos ka?"

Nabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Napaubo ako ng sobra and guess what, nasa bibig ko pa rin 'yung takoyaki!

"Here." Dali dali niya akong inabutan ng tubig at kaagad ko naman itong ininom. Bakit naman kasi pabigla bigla siyang nagtatanong ng ganoon? Alam na ba niya na crush ko siya? Oo na crush ko na siya!

Maya maya pa ay narinig kong nagyawn siya. "I'mma sleep for a bit. Wake me up when it starts." He said. Sumandal siya sa balikat ko. Nagflinch na naman ako pero bagya lang. Ugh. Im so stiff. Sigurado rin ako na hindi siya makakatulog dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana hindi niya marinig, nakakahiya!

Mga 10 minutes na siguro ang lumipas na nakasandal siya sa balikat ko. And I guess sobrang uncomfortable na siguro siya. Inangat ko ang ulo niya gamit ang hintuturo ko pagkatapos ay umasog ako ng kaunti at unti unti kong hininitay na mabuwal siya. And... success. Nakaunan na siya sa lap ko.

Napatakip ako ng mukha nang marealize ko kung anong ginawa ko. Waaaaaaah! Relax, Shi, baka magising! Ilang sandali pa ay naramdam kong gumalaw na siya at saka umayos ng higa. Hindi ko alam kung gising na ba siya dahil nakasuot siya ng mask. Gusto ko sanang tanggalin pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Stop being a pervert, self!

Sa wakas, 9:00 pm na at nagsimula na ang fireworks display. Tinapik-tapik ko si Dice para gisingin siya at hindi naman ako nagfail. Pagbangon niya ay tinanong niya sa akin kung gaano katagal siya nakatulog. Ang sabi ko naman 20 minutes.

Malakas ang tunog ng pagputok ng fireworks at napakaganda nitong pagmasdan habang nakatingala sa langit. Kahit na nakakangawit ay hindi ko mapigilan na panoorin ito.

"I. Like. You." Sabi ko at itiniming ko ito sa pagputok ng fireworks. Para akong tanga. Ang duwag ko. Sinabi ko ang mga salitang iyon nang hindi man lang tumitingin at sa timing kung saan hindi niya ito maririnig. Lumingon ako sandali para tingnan siya pero nakatingin rin pala siya sa akin.

"Anong sabi mo?" Tanong niya. Oops. Wag mong sabihing narinig niyaaaaa?

"W-wala." Kabadong sagot ko. Hindi na siya nagreact. So... I guess di niya narinig?

Tumingin na lang ulit ako sa langit para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. Buti na lang hindi pa tapos ang fireworks display kaya nakaligtas ako.

Natapos na ang foundation week. At sa lahat ng foundation week na lumipas, ito ang pinaka hindi ko makakalimutan.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong gabing nagtapat ako kay Dice pero hindi niya narinig, no, hindi ko pinarinig. Dalawang linggo na ring hindi pumupunta si Julie dito at hindi na niya kami masyadong ginugulo.

Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang doorbell. Saktong nasa kusina ako habang nagluluto.

"Kid, may tao sa labas." Sigaw ni Dice. Oo Dice, malamang tao 'yon.

"Ikaw na lang magbukas, may niluluto pa ako. Gusto mo bang kumain ng sunog?" Sagot ko naman. Wala naman siyang masyadong ginagawa ngayon dahil linggo naman at kagagaling lang namin sa simbahan.

"Babeeee!" For sure si Julie ang dumating. Ano ba 'yan, kung sino pa ang pinakaayaw kong makita ni Dice, siya pa ang dumating. Pinakinggan ko ang pag-uusap nila dahil isa akong tsismosa, minsan lang hehe.

"Why are you here?" -Dice

"Naglayas ako." -Julie

"What? Alam ba 'to ni Key?" -Dice

"Oo, siguro alam na niya ngayon." -Julie

"Bakit ka naman naglayas?" -Dice

"Dahil ayaw nilang pumayag na ipaarranged marriage din tayo." -Julie

"Julie, Im married." -Dice

"I don't care. I wanna be your girl!" -Julie

Sa sobrang focus ko sa pakikinig ay imbis na ang handle ng kaserola ay nahawakan ko ito sa katawan which is sobrang init kaya parang kasing bilis ng kidlat kong tinanggal ang kamay ko. Gusto kong umiyak huhu, pero kahit na ganoon ay hindi pwede. Hindi ko iiyakan ang ganito kaliit na bagay. Pinatay ko ang kalan dahil luto na ang niluluto ko. Pagkatapos ay pinuntahan ko sina Dice.

"Divorce her! Or else I'll—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil pumasok na ako sa eksena. Noong una pinipilit kong magpasensya kay Julie pero sadyang nakakainis talaga siya.

"You'll what?" Tanong ko saka tinanggal ang pagkakayakap niya kay Dice.

"Wag ka ngang makisali dito! You're just a kid, hindi mo kami naiintindihan." Hirit pa ni Julie. Yayakap pa sana siya ulit kay Dice pero pumagitna ako sa kanila.

"Don't you dare hug my husband!" Buong tapang ko 'yong sinabi. Gagawin ko ang lahat wag lang siyang manggulo sa buhay namin.

"Husband? Arranged marriage lang 'to, at wala kayong feelings para sa isa't isa tandaan mo 'yan!" Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Julie. Natakot ako, dahil hindi tama siya. Ako lang ang may feelings para kay Dice, samantalang siya ay sumusunod lang sa utos at gusto ng mga magulang niya.

"Stop." Sabi ni Dice.

"Let me stay here kahit isang gabi lang, i have nowhere to go." Ani Julie. Kahit ako ay naawa sa kaniya at hindi ko maintindihan kung bakit. "Kanina may lalaking sumusunod sa akin, I'm so afraid baka saktan niya ako... saka wala akong kahit anong nadala." Dagdag pa niya. Tama naman siya dahil wala siyang kahit anong dala, kahit na cellphone o wallet. Sarili lang niya.

Tumingin sa akin si Dice na para bang humuhingi ng permission ko. Tumango naman ako kaagad. Hindi ko alam kung magaling lang bang magpaawa si Julie or totoo ang pinapakita niya. At isa pa, ayoko rin naman na may mangyaring masama sa kaniya.

"Isang gabi lang." Sabi ni Dice. Umaliwalas naman ang mukha ni Julie na kanina ay parang nagmamakaawang tuta.

Wala na akong nagawa, magtatanghalian na kaya hinanda ko na ang mesa. Kasabay naming kumain si Julie, nagrereklamo pa soya noong una dahil hindi raw siya kumakain ng sinampalukang manok. Pero nang matikman niya ay hindi na siya umangal pa.

Medyo nanibago ako dahil hindi ako sanay na may ibang tao dito bukod sa amin ni Dice. Feel at home kasi si Julie at parang hindi bisita ang kilos niya. Akala mo siya ang 'maybahay' ni Dice. Kinagabihan naman ay sabay sabay ulit kaming kumain.

Dahil isa lang ang CR namin dito, pinauna ko munang maligo si Julie at pinahiram ko na rin siya ng damit. Sumunod naman ay ako naman ang nagshower. Late na nagshoshower palagi si Dice at kadalasan ay hindi ko na rin ito naaabutan, hindi 'yon alam ni Julie, baka mamaya bosohan pa niya si Dice. Aaaaaa I hate my mind!

"Saan ako matutulog?" Tanong ni Julie. Oo nga pala. "Tabi tayo babe?" Ano ka ba Julie? Bakit ba babe ka nang babe kay Dice? Ako ang asawa, duh!

"You can use Han's room." Sagot naman ni Dice. Ibig sabihin tabi kami ni Julie? Well, mas okay na 'yon kaysa sila ang magtabi.

"Okayyyy. Take care of me, Shihandra." Sabi pa ni Julie.

"Han's gonna sleep on my room."

What? Tama ba ang narinig ko?

"But—" aangal pa sana si Julie kaya lang nagsalita ulit si Dice.

"Don't worry, Sa sofa ako matutulog." Dagdag naman ni Dice.

...

Pinalitan ang bedsheet at mga pillowcases lati na rin ang kumot sa kwarto ko dahil baka maselan si Julie. Naramdaman ko naman na pumasok siya sa kwarto ko.

"Pasensya ka na kung magulo ang kwarto ko." Sabi ko.

"You're room looks so childish." Aniya. Bakit? Dahil ba pink?

"Kung hindi ka komportable sa kulay, switch off the lights na lang." I said. "Kapag di ka makatulog, there's a scented candle on that cabinet, pwede mo 'yong gamitin."

"I'm going to steal him." She said. "Aagawin ko siya sayo."

"Kung nauuhaw ka naman, alam mo naman siguro kung nasaan ang kusina diba?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "Good night." Dagdag ko pa saka siya nginitian. Medyo late na rin kasi. 10 pm na at late na 'yon para sa akin. Ganitong oras din kasi nag shoshower si Dice.

"You're so annoying." Narinig ko mula kay Julie bago ko isara ang pinto palabas ng kwarto ko.

Kabado naman akong naglakad papunta sa kwarto ni Dice. Btw, magkatapat lang ang pinto ng kwarto namin. Dahan dahan kong binuksan ang ang pinto at nakahinga naman ako nang maluwag nang makita na wala roon si Dice. Tama lang ako na nasa shower na siya ngayon.

Omgggggg! Nahiga ako sa kama ni Dice. It smells like him! Alam ko na nagmumukha na akong pervert pero— aaaaaaa maaadik na ako sa amoy niya. Daig pa nito ang scented candles. Ilang minuto rin akong nakahinga pero hindi pa rin ako makatulog. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko, at hindi rin ako makahinga. Ilang sandali pa ay nakita kong pumasok si Dice sa kwarto niya, kung nasaan ako ngayon.

Hindi ko alam pero parang naghyperventilate ako dahil sa nakikita ko ngayon. He's half naked, at tanging ang twalya lang na nakabalot sa lower part ng katawan niya ang suot niya. Is he going to kill me?! Napalunok ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang katawan— yung abs niya. Huhu. Nagkakasala na ang aking mga mataaaa.

"Still not asleep?" He asked, and I flinched dahil narealize ko na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Bigla naman akong nagtakip ng mata pero nakasilip pa rin ako sa maliliit na gaps sa pagitan ng mga daliri ko. Tinakpan naman niya ang katawan niya gamit ang kamay niya at sinabing, "Sorry." Saka dali daling kumuha ng damit sa closet niya. "How am I supposed to.." he said. Kaagad naman akong natalukbong gamit ang kumot niya. Makapal naman ito kaya wala akong nakikitang kahit ano bukod sa kadiliman. Mukha namang nagets niya kung bakit ko 'yon ginawa.

Naramdaman ko na lumapit siya sa akin dahil sa yapak ng mga paa niya. "Lalabas na ako." Aniya. Dali dali ko namang siyang hinablot sa kaniyang damit kaya napahinto siya.

"You can sleep here." Sabi ko naman.

"What? Why? Manang Juling told me na hindi ka sanay nang may katabing matulog?" He said.

"I... don't mind if it's you." Dahilan ko. "And— I can't sleep if the room isn't pink." What a lame excuse. Hindi ko na alam kung ano ba 'tong ginagawa ko. My heart is beating so fast at sinasabi ko na lang kung ano ang idinidikta ng puso ko.

"F-fine." He answered.

Nahiga siya sa tabi ko. Pareho kami nakatalikod sa isa't isa at iisang kumot lang ang gamit namin. Hanggang ngayon, parang hinahabol pa rin ang puso ko sa lakas ng kabog. Ilang minuto na ang nagdaan pero hindi pa rin ako makatulog. Nag-iba ako ng posisyon dahil nangangawit na 'ko. Nakaharap na ako sa kaniya habang siya naman ay nakatalikod pa rin. Nakatitig lang ako sa likod niya at pinagmamasdan ang malapad niyang likod, at ang fluffy niyang buhok. Gusto ko itong hawakan pero pinilit kong pigilan ang sarili ko. Just by looking at his back, hindi na mapakali ang puso ko.

Bigla naman siyang gumalaw paharap sa akin kaya kaagad akong pumikit at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko ang hininga niya na dumadampi sa balat ko, senyales na sobrang lapit niya sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko naman na hinawi niya ang buhok ko.

"She's c... She looks like a kid." He said out of nowhere. Nakahawak siya sa pisngi ko at dama ko ang init ng kamay niya. Maya maya pa ay may dumampi sa noo ko, at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang iniisip ko... did he just kissed me on my forehead?! Dahil sa sobrang kaba ay nakalimutan kong nagpapanggap nga pala akong tulog kaya dumilat ako kaagad.

Tama ako, sobrang lapit lang namin sa isa't isa, halos pitong pulgada lang and pagitan namin. Pareho kaming nagulat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na gising ako at naramdaman ko na medyo naemabarrased siya. Nakahawak pa rin siya sa mukha ko at narealize niya suguro iyon kaya bigla niya itong inalis. Pareho pa rin kaming nakatitig sa isa't isa at hindi namin alam kung anong gagawin. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng ulo ko at saka nilapit ito sa dibdib niya. Yakap yakap niya ako ngayon. At hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Binabalik ko lang ang ginawa mo noon." He said. Parang may nagpaparty sa poob ng dibdib ko, at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi ako makahinga ng maayos. Eto na ba yung sinasabi nilang butterflies?

Salamat kay Julie, dahil sa kanya ang lahat ng ito.

dito na ang end ng upspree para sa day 1 ng story na ituuuu. Updates will 3-4 times a week. Comment "next", malay mo ganahan ulit ako magpa-upspree. Once again, Thank you for reading!

emi_sancreators' thoughts
Next chapter