webnovel

THEIR HAPPINESS MATTERS (TAGLISH)

GENRE: FICTION

I am Jennifer Crawford and was diagnosed with Kleine Levin syndrome. It is a rare disorder characterized by recurrent episodes of excessive sleep (hypersomnia) along with cognitive and behavioral changes. Dahil dito, kapag nakatulog ako, hindi ako maagang nagigising.

Matagal na ako dito sa hospital na naging tahanan ko na rin sa loob ng labing-pitong taon ko sa mundong ito. Nakalimutan ko na nga ang itsura ng outside world bukod sa tanawin sa labas ng bintana ko.

Obviously, my life is boring inside the four corners of this room. Not until a new patient came. Sa kabilang kwarto siya nakaconfine.

"Ate Celine, sino yung nasa kabilang kwarto? Ano ang sakit niya? Lalaki o babae?" sunod-sunod kong tanong kay nurse Celine.

"Hinay-hinay lang miss Jennifer. Gusto mo bistahin nalang natin?"suhestiyon niya.

Sunod-sunod akong tumango bilang sagot.

Natutulog siya nang datnan namin sa kwarto niya. And he's a boy!

"Gusto ko siyang maging kaibigan ate ," wala sa sariling saad ko.

"Ikaw na bata ka!" she playfully hit my arm. Umalis na kami pagkatapos.

~*~

"Hi!" masiglang bati ko sa kaniya. halatang nagulat siya sa bungad ko."H-Hello," nahihiyang ani niya at umiwas ng tingin.

"Ako pala si Jennifer. Ikaw, ano ang pangalan mo?"

"A-Andrew ang pangalan ko."

'Andrew'

Tatandaan ko iyan.

"Nasa kabilang kuwarto ako nakatira -- I mean, nakaconfine. Hehe. Sana maging magkaibigan tayo," sabi ko.

Nakita ko siyang namula. "Ba't ka namumula?"

"S-Sobrang lapit mo kasi sakin."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.

Naging magkaibigan kami at napag-alaman ko na may sakit siya sa puso. Kapos sa pera ang parents niya kaya hindi pa muna siya maooperahan.

I'm very happy being with him. Bigla ko nalang nakalimutan ang sakit ko.

And... I fell for him without me knowing the reason. Ipinagdadasal ko palagi na sana may mahanap siyang heart donor.

"Ms. Jennifer, may bagong pasyente ngayon gusto mo bisitahin?"

"Talaga?! Sige ba."

Not until this girl came. Siya ang bagong pasyente.

She is blind and currently finding an eye donor. Naging close sila ni Andrew without me knowing the reason, again. I sometimes saw them from afar hugging each other.

It badly hurts, I admit it.

Bumalik na naman ako sa punto na tinatanong ko sa sarili ko kung ANO ng purpose ko sa buhay. Wala akong silibi dahil sa kondisyon ko. I don't have any chance to live normally. But, they have a big probability to live happily.

"Mahal kita Andrew."

"I love you more Ellie." I eavesdropped on their conversation in his room.

Walang ingay na hikbi ang pinakawalan ko. Hindi naman sakit sa puso ang iniinda ko pero parang sinusuntok ang puso ng paulit-ulit.

"I'll donate my eyes for you, Ellie. I'll talk to my parents. Wala din naman akong chance na mabuhay dahil wala kaming sapat na perang panggastos kaya ibibigay ko nalang sayo."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"No Andrew! Hindi pwede. Ako nalang ang magdodonate sayo ng puso." sagot ni Ellie sa kaniya.

Agad na akong umalis sa lugar na iyon dahil para na akong pinapatay sa mga salita nila.

I can't bear watching them.

True love is indeed selfless. Gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng mahal mo. And that night, I found my purpose in life.

~*~

Andrew and Ellie found an anonymous donor. The doctors ran through a series of tests if the donor's organs are compatible.

Fortunately, yes.

The operation was successful and gave Andrew and Ellie a happy ever after.

Andrew with a new healthy heart and Ellie with a pair of expressive eyes.

"Thank you doc for giving us a chance to live normally," saad ni Ellie.

"Huwag kayo sa akin magpasalamat. Kay Jennifer kayo magpasalamat," nakangiti ngunit malungkot niyang sabi sa dalawa.

Halatang naguguluhan sila sa sinabi ng doctor.

"Ano ang ibig niyong sabihin doc?"

"She told me to never tell you who is the donor pero hindi ko kayang ilihim sa inyo ang sakripisyong ginawa niya para sa inyong dalawa upang maging masaya. Jennifer-- donated her heart for Andrew and her eyes to Ellie."

Hindi makapaniwalang napatulala si Andrew sa narinig.

"And she also wrote this letter for you Andrew bago siya sumalang sa operasyon," sabi nito at umalis.

I closed my eyes and started reminiscing the words I wholeheartedly wrote in the letter.

"Hello, Andrew! Kung nababasa mo'tong sulat na ito, malamang wala na ako. I know you'll be disappointed, thinking that I wasted my life, but for me to tell you, I'm sincerely happy giving up my life for both of you. My life was never been alive since then. Buhay nga ako pero para naman akong patay. Walang araw na hindi ko tinatanong sa sarili kung ano ang purpose ko sa buhay. Until you came and made my remaining days blissful for the first time. You made a door for me to live again.

Minahal kita alam mo 'yun? Mahal na mahal... but I know it can't be reciprocated since nalaman kong may ibang taong nilalaman ang puso mo. It is Ellie.

Nakita ko kung gaano ka kasaya sa kanya kaya bumalik na naman ang katanongan ko sa buhay kung ano ang purpose ko sa buhay.Then, I found my real purpose. It is to make you both live and be happy for the rest of your lives.

Happiness matters Andrew, stay with Ellie if you found it with her."

Love, Jennifer

END