webnovel

FOREVER UGLY; FOREVER ALONE (TAGLISH)

GENRE: HUMOR

~*~

Naiiyak na ako habang tinitipa ang keyboard ko. Tatlong linggo na kasing hindi nagpaparamdam ang jowa ko. May ideya na ako sa mga nangyayari pero ayaw ko munang isipin kasi takot akong mawala siya.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala luha ko. Eh kasi nga eh, mahal ko yung tao tapos ganito, ghinost ako. Yes, alam na alam ko na ang galawang ganito ng mga lalaki.

Sa lahat ng mga lalaking nakarelasyon ko dito sa RPW, bigla bigla nalang nawawala kapag nalaman nilang ganito ang itsura ko.

Nanghihingi sila ng picture ko tapos pagkatapos nun, wala na.

At ako naman si tanga, kahit alam na ganito ang mangyayari, patuloy pa ring umaasa na baka isang araw, may tatanggap sa ganitong itsura ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Tumingin ako sa salamin.

"Ikaw!" Turo ko sa babaeng nasa harapan ko.

"Bakit ba ang pangit pangit mo?! Tingnan mo!" Tinuro ko ang mga malalaki niyang tigyawat at butas na galing sa mga ito.

"Kita mo iyan? Kailan mo ba iyan aagapan? Hanggang sa paglipasan ka na ng panahon?" Para akong tanga habang kinakausap ang sarili.

Madali lang naman mag move on eh.

Gumawa ulit ako ng bagong RP account.

Nang nagtagal, nakamove on na nga ako. Sa loob nga lang ng isang buwan at siyam na araw.

Nasisiyahan na din ako sa bago kong account.

Marami na akong kaibigan doon. Hindi ako nageentertain ng mga lalaki sa loob ng "moving on process ko."

Busy ako kakahanap ng mga shitposts nang mag pop out ang messenger ko.

Inopen ko iyon at chineck kung sino.

BRP siya. Oras na ba para mag-entertain? Pero alam ko this time, 'di na ako magpapakatanga.

Hiro Monteverde ang pangalan niya.

Hiro: "Hi?"

Me: "Hello?"

Wala pang isang minuto ay reply na siya kaagad.

Hiro: "kamusta?"

Alam ko na ang mga galawan na ito eh.

Me: "Okay lang ako. Naka-move on na din. 22 years old na ako. Oo kumain na ako. Ang sarap ng ulam namin eh, Ginamos. Aww allergic ako sa hipon pasensiya. Oo alam ko. Bolero mo naman. Maganda daw? Sino sabi? Sanaol maganda. Hindi ako maganda kasi kapag nagsend ako ng pic sayo. Paniguradong aatras ka. Manliligaw ka? Sige na nga. Hindi naman ako hard to get. Oo sinasagot na kita. Bakit hindi ka na nagpaparamdam? Hoy! Mahal ko, magparamdam ka na. Ginost mo na ako kasi nakita mo na mukha ko? K fine. Magpakasaya ka. Break na tayo!"

Seen

Hiro: "• • •"

Typing siya.

Hiro: "You're funny"

Me: "Don't english me!"

Hiro: "Oh mahal, I know you're fluent in english than me"

Hala tinawag niya akong mahal. Yiiiiieee. Magpapakatanga ka na naman?

Me: Hala! Pano mo nasabi?

Hiro: Your posts say so

Me: Hahaha. Alam ko na yang galawan mo eh

Seen

Hiro: I'm not yet making any moves, love

Me: eh ano yang pa love love mo diyan?

Hiro: Sorry, I usually call that to my flings. Might as well change that to wifey.

Nako po! Mahihimatay na yata ako.

Me: SEEN

Hiro: Hey! You there?

Me: Yeah

Hiro: Tell me, you're brokenhearted right?

Me: Sinabi ko na nga kanina diba

Hiro: You can just say yes or no

Me: Yeah

Hiro: Hahaha. You're interesting

Me: Ba't naman?

Hiro: Of all the girls I chatted before, it looks like you're the only one who seems uninterested in boys.

Me: Ewan ko sayo

Hiro: SEEN

AWW. Sineen ako.

Hiro: (Voice message)

OMG nag send siya ng voicemessage! Ang bilis niya po. Urghh.

Plinay ko yung voice message niya.

"Maybe all we need is a little faith

Cause baby I believe that love will find a way"

Ang lalim ng boses mga beh. Familiar yung sinabi niya. Parang line ng kanta yun eh. Pero sinabi lang niya. Oo nga, kanta nga iyon!

Me: Hanep! Galing mag-english

Hiro: That's a line from a song

Me: Alam ko dzuh

Hiro: Can you sing it for me?

Me: Seen

Wala namang mawawala kung kakantahin ko diba? At isa pa, marunong din naman ako kumanta kahit papano.

Nagsearch ako ng lyrics ng kantang yun na "Destiny" ang pamagat.

Me: (Voice message)

Hiro: SEEN

Hiro: You have a lovely voice

Me: Aysus. Alam ko na yang galawan niyong mga lalaki. May pacomplement complement pa kayong nalalaman pero sa huli, itsura lang naman ang pinagbabasehan

Hiro: Ibahin mo ako Flory. Don't generalize. May mga lalaki namang seryoso katulad ko.

Me: Himala!

Hiro: Why?

Me: nagtagalog ka kasi

Hiro: hahaha. But seriously, marunong akong magseryoso.

Magrereply na sana ako nang biglang nagshut down phone ko. Malas naman oh!

Dali- dali ko yung chinarge. After two hours of waiting, nagonline uli ako. Nakita kong wala namang nagchachat sakin. Ang inaasahan ko kasi ay flooded ang messages ko.

Inopen ko yung messages namin ni Hiro at nakitang dun lang natapos convo namin kanina at wala na.

Una akong nagchat kasi online naman siya.

Me: ??

Wala pang one minute ay may nagreply na

Hiro: ??

Ganun lang?

Wala sa sarili akong nagtype ng explanation ko kung bakit sineen ko lang siya kanina

Me: Nagshut down ang phone ko kaya hindi kita nareplyan agad

Hiro: I'm not asking for an explanation. Thanks tho.

Me: You got me there!

Hindi ko namamalayan na habang nagtatagal kaming nagchachat ay napapangisi nalang ako habang kausap siya.

We keep on sending voice messages. Minsan ay nagvovoice call kami. He never asked for my op.

No feelings attach pero alam kong sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya.

I can't stop it. He's too kind and different from all the boys I've met before.

Hiro: Exchange accounts tayo

Me: Sure ka? Madami akong ka-chat dito kaya ayaw ko

Hiro: Sige na. Hindi naman ako mangengealam

Me: Eh ikaw..Di ka takot kapag may nabasa ako diyan?

Hiro: Why would I?

Me: Ewan ko

Hiro: I'm faithful Flory, believe me

Me: Osige

Hiro: Email Hiro@yandex.com

Password qwertyuiop

Me: Hanep ng password mo!

Hiro: Walang pakialaman

Me: Edi wow!

Hiro: send mo na ang sayo

Me: Email Floryjane@gmail.com

Password putanginamopo

Starting that day, palagi kong binibisita account niya para icheck kung may iba siyang nilalandi. So far, wala naman. Kung nagtatanong kayo kung may label, wala po!

Nagtagal yung pagchachat namin. Walang araw at gabi na hindi siya nagchachat sakin. Nagtatawagan na din kami via sim.

Naglelate night talks. Nag send siya ng Picture sakin mga bes! Sobrang gwapo. Grabe talaga.

Legit! kasi nagvivideo call kami at pinapakita niya ang mukha niya habang ako tinatabunan ko yung front cam ko. Nahihiya kasi ako dahil baka talikuran niya ako pagkatapos nito.

We remained friends. Hanggang sa nagdesisyon akong magsend ng Pic. Mabuti nalang at hindi na masyado marami ang tigyawat ko dahil sa pinapahid ko ngayon.

Hiro: Ikaw yan?!

Medyo feeling ko na nadismaya siya.

Me: Oo, ba't ba?!

Hiro: Maganda ka pala. Bakit sinasabi mo parati na panget ka.

Me: Weeh! Nagagandahan ka sakin? Ang ganda ng biro mo

Hiro: I'm not joking

Me: Tss

Hiro: totoo nga. Okay, total magkakilala naman tayo. Send mo na ang real identity mo.

Ano daw?!

Me: sure ka?

Hiro: Really sure. Ikaw ang una magsend ng name kasi ako na maga-add sayo

Nagdadalawang isip muna ako. Alam na naman niya kung ano mukha ko kaya okay na!

Me: Jean Denise B. Ibarra

Hiro: Kamag-anak mo si Crisostomo

Me: Tatawa na ba ako?

Hiro: dunno. Sige add na kita dun. Out na tayo

Me: SEEN

Nag log in na ako sa real account at nakitang may bagong friend request.

May message request din kaya inuna ko muna ang message.

Samuel Gonzaga ang totoong pangalan niya. Inaccept ko siya at inistalk.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa nakita. Bweset! Famous pala itong mokong na 'to!

Imagine, nagpost lang siya ng isang black na heart, may 9k reacts na for five hours.

Bweset na lalaking ito. Sana iniscreenshot ko muna yung friend request niya bago inaccept.

Nagsimula na kaming magkausap sa totoong buhay at pinabayaan muna ang accounts namin sa rp.

Walang nagbago. Ganun pa rin ang trato niya sakin. Minsan napapaisip ako kung ano ang ginawa ko sa lalaking ito.

Pero naalala ko ulit na wala palang kami. Blessing pala ito sa lahat ng pasakit ko noon sa mga lovelife ko.

Hanggang ngayon napapaisip ako kung bakit ang nagbabasa nito, wala pa ring jowa hanggang ngayon.

WAKAS