webnovel

Her Irascible Billionaire

Makwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halos kalahati ng mga achievement niya ay ipinapamahagi niya sa mga foundation at mga charity works upang makatulong. Isa na iyon sa mga goal niyang makapagbigay ng mga tulong pinansiyal para sa mga kapos sa buhay at walang kakayanan. Dama niya ang ganitong kahirapan dahil hindi naman talaga sila lumaki sa mayamang angkan. Nagkataon lang na sinuwerte ang kaniyang mga magulang sa buy and sell business noon na nag-umpisa lang sa palay hanggang sa mga sasakyan. Lahat ng bagay na mayroon siya ay nakuha na niya subalit pagdating sa usaping pampuso ay zero visibility ang kaniyang pag-asa. That was all about when she met Kameron Severino in her teenage days. Ang ubod na gwapo at suplado niyang kapitbahay na hanggang sa kasalukuyan ay mas lalo pang tumindi ang pagkakagusto niya sa binata. Paano kung mailap pa rin ang sandaling mapansin siya nito? What kind of race has she been into just to win his heart?

Magzz23 · Urban
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 9

PALABAS na siya ng banyo nang biglang nag-ring ang phone niya sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito at tinangnan ang caller. S-Si Kameron?! Halos nanginig pa ang kamay niya sa pagkakahawak sa cell phone dahil mukhang epektib ang kaniyang mga pang-aakit dito. Abot hanggang langit na naman ang kaniyang kilig. Well, we all know the she's deeply in love with Kameron Severino.

Tumikhim-tikhim pa muna siya bago sinagot ang tawag nito. "Hello." Pa-demure pa siya na akala babasagin upang hindi mahalata nitong excited siyang sagutin iyon.

"Ang tagal mong sumagot," pagsusungit nito na hindi man lang nag-hi o nag-hello sa kaniya. "Where are you?"

Aray. Kahit sa cell phone, ang sungit pa rin niya. Aba! Siya na nga itong tumatawag! Damn it, Kameron! "Naliligo ako nang tumawag ka, mister. What do you want, huh?" pagsusungit din niya. Kailangan niyang salubungin ang kasungitan nito dahil minsan hindi na rin tama. Kung hindi lang talaga kita mahal, snob iyang ka-pogian mo sa byuti ko!

"Nandito ako sa labas ng gate niyo. I have something to give you and I want you to see this," seryoso pa rin nitong wika sa kaniya.

"Sa labas?!" Biglang nahulog ang towel sa ulo niya dahil binalot niya ito kanina at maluwag ang pagkakabalot kaya ito nahulog. "Ay!"

"W-What happen?!" nag-alalang tanong nito.

Concern? "Ah, w-wala! Nahulog lang iyong towel sa ulo ko." Dinampot pa niya ito sa sahig. "Okay. I'll be there in a minute. Magbibihis lang ako." Nagkukumahog na siyang tumakbo patungong dressing room niya.

"Okay. I'll wait you here. Huwag mong tagalan at ayokong naghihintay."

"Oo na—" Busy tone na lang ang naririnig niya nang biglang ibaba ng binata ang tawag. "Bastos ka talaga kahit kailan! Hmp!" Napadiin pa ang hawak niya sa cell phone habang kinakausap iyon. "Maghintay ka kung kailan ako lalabas." Nag-isip siya. "Ay, hindi pala. Crush pala kita. Just wait for me there, may labs! Andiyan na ako!"

Kahit ganito ang ipinapakitang ugali nito sa kaniya, mas lalo lang niya itong minahal. Pakiramdam ng puso niya, ito na lang ang paraan upang makausap at makasama ang binata. Isa pa, may kung ano na rin ang nagtulak sa kaniyang huwag itong sukuan. Kailangan siya ni Kameron ngayon at handa naman siyang tulungan ito sa abot ng kaniyang makakaya. Ilang beses na rin naman siyang naroon sa tabi nito sa tuwing kailangan siya. Ngayon pa ba ako susuko?

Ilang minuto ang lumipas, nagmamadali na siyang lumabas ng kanilang bahay. Nagsuot lang siya ng pambahay muna at hindi na niya pinansin ang hindi pa nasusuklayan na buhok. Basa pa ito kaya hinayaan na lamang niyang matuyo. Mamaya na siya mag-aayos matapos makipag-usap sa binatang ayaw naman maghintay sa kaniya ng matagal. Binuksan niya ang maliit na gate at bahagyang nagtaka kung bakit hindi man lang ito nag-door bell.

"Bakit hindi ka man lang nag-door bell at pumasok?" bungad niya rito. Subalit bahagya siyang natigilan sa presko at gwapong mukhang bumungad sa kaniya. Sheyt! Baklang haliparot ako ngayon, ang gwapo naman! Anneyeonghaseyo, Yeobo!

His forehead furrowed while staring at her. "As I said, I have something to give you. Hindi naman ako magtatagal kaya I don't bother to knock and wait you inside. Baka magkita lang kami ng tipaklong mong kapatid."

"Maka-tipaklong naman ito. Bakit ba ang init ng dugo niyo sa isa't isa? Hindi naman kayo ganyan kapag kasama ang mga kaibigan niyo. Anyway, what do you want to give me? Pagmamahal na ba iyan? Akin na at nang mahalin na…iyong ibibigay mo." Kamuntik na, ah. Inilahad niya agad ang kaniyang kamay upang kunin iyon.

"Mahalin mo na itong nuclear bomb na ibibigay ko." Saka ito napailing. "Hindi ba uso ang suklay sa iyo? Pambihira ka talaga," reklamo nito.

"Why? Do I need to comb my hair first before anything else? Maganda na ako kaya kahit mukha akong alila sa paningin mo, maganda ako." Gusto lang niyang asarin ito at mariin pa ang kaniyang pagkakasabi. "At saka ikaw lang naman itong kaharap ko."

Napailing itong muli. "Oh, I almost forgot. I am talking to a child. Jesus..." bulong nito sa huli. "Here." Ini-abot nito ang isang brown envelope. "Nariyan ang mga papeles para sa competition at ang itinerary. Kindly check it and if you have something to ask, just call me."

Kinuha naman niya ito. "Okay. I'll check later na lang." Naalala na naman niya ang competition dahil iyon lang ang naging dahilan na nagkikita at nag-uusap sila. After that, wala na. Saklap, besh!

"Thanks. Uhm, I'm leaving."

"Sige." Akma na sana siyang tatalikod ngunit nagsalita ito.

"Katrina..."

"Hmm? May kailangan ka pa, kuya?" asar na naman niya.

Nag-iba ang timpla ng mukha nito. "Kung halikan kaya kita rito sa daan, kuya pa kaya ang itatawag mo sa akin?"

"Ha? Ano? H-Hahalikan mo ako? Alam mo, kahit ano pa ang sabihin mo, hindi mo rin naman totohanin. Sinasabi mo lang iyan para inisin din ako at saka kuya naman talaga kita. Matanda ka sa akin kaya gumagalang lang ako." Pero kung totoo iyang sinasabi mo, kahit sa gitna pa tayo ng kalsada maglampungan. Keribels lang!

"Ah, ganoon?"

"Oo, ganoon!"

Walang habas na hinila nito ang kamay niya saka nito diretsong hinalikan siya. Hindi agad siya nakapalag sa ginawa nito dahil sa mabilis ang pangyayari. Her eyes widened while looking at him doing that warmth kissed to her. Halos nanlamig din ang buo niyang katawan at hindi man lang niya nagawang kumilos. Saglit lamang ang halik na iyon na hindi naman tumagal ng isang minuto ngunit nag-iwan iyon ng isang marka para sa kaniya. Isang markang magbibigay na naman sa kaniya ng panibagong pag-asa.

"Then you want to call me a brother again? Huh?" Hindi siya nakasagot saka siya nito binitawan. "Whatever. Bata pa rin ang tingin ko sa iyo, Katrina Ferrer." Saka ito biglang tumalikod, naglakad at pumasok na sa gate ng bahay nito.

Siya naman ay nanatiling hindi nakaimik hanggang sa nawala na sa paningin niya ang binata. But she feels astonished of what he did earlier. She slowly touches her lips that still there's a mark of warmth lips from him. Mukhang natutulala na lang siya sa isiping kaya palang totohanin ni Kameron ang sinasabi nito. And the mere fact that there's something on him that she really doens;t understand.

Nang bumalik siya sa riyalidad, na-realize niyang nasa labas pa rin pala siya at nagmamadaling pumasok. Natakot siyang baka may nakakita sa kanilang at nananalangin sanang wala. Sa huli, malapad pa rin ang ngiti niya nang mahalikan na naman siya nito at dagdag points na naman ito sa kaniya. Lunod na lunod na naman siya sa kilig na nararamdaman dito at kulang na lang ay isigaw niya sa buong mundong hinalikan siya ni Kameron.

"Hoy!"

"Ay, impakto!" Nagulat siya nang biglang bumulaga sa harapan niya ang kaniyang kapatid na si Tristan. "Kuya! Bakit ka ba nanggugulat?"

"Ako, mukhang impakto? Baka iyong kausap mo iyong impakto!" Dinuro siya nito. "Katrina, I'm warning you. Hindi ko gusto si Kameron Severino sa iyo. Kung nakakalusot iyang kalokohan niyong dalawa, puwes sa akin hindi. Akala mo hindi ko kayo nakitang dalawa. Ang lakas ng loob niyang halikan ka?! Uupakan ko na iyon!"

Pinigilan niya ito dahil akma na itong lalabas ng bahay. "Kuya, sandali! Ano ka ba? Huminahon ka nga! Kung...kung ano man ang nakita mo sa amin kanina, w-wala iyon! I mean— boyfriend ko na si Kameron!" bulalas niya. Subalit bigla siyang natigilan sa sinabi niya.

"What?!" Nagulat ito.

"B-Boyfriend ko na siya kaya niya ako hinalikan!" Lihim siyang napakagat labi. Iyon na lamang ang paraan niya para hindi mag-isip si Tristan sa kanilang dalawa ni Kameron. "N-Nagmamahalan kami kaya wala ka na rin magagawa kung siya talaga ang gusto ko!"

"What the—"" Umigting ang panga nito saka ito napasuklay sa buhok. "Are you out of your mind? Naging kayong dalawa na hindi man lang namin nalamang nanligaw iyon sa iyon? Damn it, Katrina!" Hindi talaga ito makapaniwala.

"Tristan, h-hindi ko muna sinabi sa inyo iyon dahil alam ko ang magiging reaksiyon niyo. Alam kong ayaw mo sa kaniya but please, give him a chance naman. Matino naman siyang lalaki hindi katulad ng iniisip mo sa kaniya. He's responsible even if he's irascible. Kuya, matagal ko na siyang gusto at ibigay niyo naman sa akin ang chance na ito. This is my time to shine." Sorry. I need to do this. Baka kung ano ang gawin no sa kaniya kaya magsisinungaling na lang ako. God, magpapaliwanag pa ako kay Kameron nito.

"Katrina, Tristan! Anong sigawan na naman iyang naririnig ko? Ang aga-aga pa tapos umabot na hanggang sa labas iyang mga boses niyo?" sita ng kanilang ina. Nagpalipat-lipat pa ng tingin ang ina nito sa kanilang dalawa.

"Itong anak niyo. May boyfriend na at ang boyfriend pa niya ay iyong kapitbahay natin. Si Kameron Severiono!" Halatang inis pa si Tristan sa kaniya kaya walang gatol itong nagsumbong sa nanay nila.

Bumaling itong nagulat sa sinabi ng kaniyang kapatid. "Anak, b-boyfriend mo na si Kameron?" Kahit ito ay hindi rin makapaniwala ngunit kalaunan ay napangiti rin. "B-Bakit mo naman hindi agad sinabi sa amin?"

"Uhm…" Napatingin siya sa masungit na kakambal habang naghihintay din ng sagot niya saka bumaling sa kaniyang ina. "N-Noong isang araw lang. Hindi ko kaagad nasabi sa inyo at..balak pa naman naming sabihin iyon." Lagot na talaga ako nito.

Natuwa pa ito. "Naku, mukhang nahihiya pa si Kameron sa amin. Pero teka lang, anak. Bakit naman hindi namin nakikita si Kameron dito na umakyat ng ligaw?"

"Hindi na uso iyon dahil kahit hindi pa manligaw si Kameron diyan sa anak niyo, sasagutin agad iyon. At baka nga hindi pa si Kameron ang nanligaw at baka si Trina pa!"

Bumaling ang ina nila kay Tristan. "Bakit ka naman ganyan sa kapatid mo? Eh, maging masaya na lang tayo at nagkamabutihan na pala sila ni Kameron. Aba, eh, hindi na rin masama na magkatuluyan sila dahil binata naman iyong si Kameron at dalaga naman itong kapatid mo. Isa pa, hindi na rin naman siya bata."

"Isip bata lang," angil pa rin ni Tristan. "Sige, bahala kayo riyan. Kampihan niyo na naman iyan at baka isang araw maglumpasay iyan dahil broken hearted. Ipaghahanda ko na lang siya ng lubid!" Sabay walk out ito paakyat ng hagdanan.

"Tingnan niyo talaga iyong kakambal ko na iyan, 'Nay! Ipinapanalangin pa akong magbigti. Aba, mahal ako ni Kameron at hindi ako magbibigti! Inggit ka lang dahil ipinagpalit ka ng first love mo sa karera!" sigaw niya. Napatigil si Tristan na nasa dulo na at masamang tumingin sa kaniya. "Nay, si Tristan, oh!"

"Heh! Tumigil na kayong dalawa." saway nito. "Tristan, pumanhik ka na sa kwarto mo at mag-uusap pa kami ng kapatid mo." Bumaling agad ito sa kaniya. "Halika anak, kwentuhan mo naman kami tungkol kay Kameron."

"Ha? Eh, may..may pasok pa ako, 'Nay. Heto nga at dala-dala ko ang papeles na inabot sa akin ni Kameron. May meeting kasi kami sa investors." Lord, ang dami ko ng kasinungalingan sa inyo. Huwag niyo muna akong kunin katulad nang iniisip ng kapatid ko na maghahanda siya ng lubid. Chariz lang ang lahat!

"Okay, sige. Kapag may oras ka, magkwentuhan tayo."

Tumango na lang siya upang matapos ang kanilang usapan. Mabuti na lang at nalusutan niya ang kaniyang ina dahil kung hindi, mas lalong magiging malala ang sitwasyon. Kailangan malaman ito ni Kameron bago pa kumalat ang tsismis na kami ngunit hindi naman pala. Sa dami-daming Marites sa paligid, aabot agad iyon sa kaniya. Lagot na! What do I need to do? Ang shunga mo talaga, Katrina! Ilibs na ako sa kashungaan mo, day! Jusko po!