1 Prologue

IT was one prom night, Kreisha is ready to go and make the most beautiful chubby gate crasher in their university. Masaya dahil makakapiling na naman niya ang lalaking itinatangi ng kaniyang mumunting puso. Makikita niya ang lalaki na siyang dahilan kung bakit siya naroon sa isang sikat na eskwelahan sa US. But it turns out a nightmare when she's stuck in a cold dark room.

"Help! Help!" sigaw niya.

Pilit niyang binubuksan ang doorknob ngunit na naka-lock na pala ito sa labas. Hinahampas niya na rin ang pintuan at ramdam na niya ang hapdi sa mga palad niya. Ngunit naulinigan niyang tila may bakas ng paa na naglalakad patungo sa kaniyang direksiyon. Humarap siya at dagling nabalutan ng takot ang kaniyang sarili.

"Hey..."

Abot-abot ang kaba niya sa dibdib nang marinig ang boses na iyon at ang bulto ng lalaking nakatayo na sa kaniyang harapan. She can't even recognize him because of the dim light inside the four corners of the room. Mas lalo siyang kinabahan nang lumapit pa ito sa kaniya.

"Huwag kang...lalapit! Sinasabi ko sa'yo—"

The man abruptly run into her and sealed her with a devil kissed! Hindi niya maintindihan ang sarili at natulos lamang sa kaniyang kinatatayuan habang malayang ginawa ng mapangahas na lalaki ang gusto nito.

"Move your lips," he whispered.

Nanginginig na rin siya dahil ito ang unang pagkakataong may lumapastangan sa kaniya at ni hindi man lang siya tumututol o nagpumiglas. Subalit may isang bagay na nagpapabagabag sa kaniya, ang boses nitong pamilyar.

Hinapit ng lalaki ang bewang niya hanggang sa dinala siya nito sa kung saang panig ng kwarto. He laid her in a soft wide bed while her masculine scent permeated to her nose, and it was familiar. The soft man's hand traveled to her smooth legs inside her evening nude satin dress.

"Let's make this night memorable, baby."

Naamoy niya ang alak sa hininga nito ngunit ang nakapukaw sa kaniyang pansin nang mariin siyang nakatitig sa mukha ng lalaki. Her eyes widened when she saw Raven on her top while trying to remove her dress. Ni hindi man lang siya nanlaban pero ayaw niya sa ganoong paraan. And yes! She admires him so much since the day she met him in her high school days. Subalit hindi naman niya ninais na may mangyaring ganoon sa kanilang dalawa.

"Raven!"

Tila natigilan ito nang halos natanggal na nito ang saplot sa kaniyang katawan. Nakatitig ito sa kaniya na tila ba pinag-aralan nito ang kaniyang katawan. She was almost naked in front of him and feels ashamed of.

"Chubby..." Nasapo nito ang noo saka ito umayos at umupo sa gilid ng kama. "Magbihis ka."

"Ano?" pagtataka niya.

"I told you to dress up!" he shouted.

"What?! You undressed me, and now, you are telling me to⸻"

"Damn! And who's the man who will make love to a stout woman⸻"

Bumangon siya nang mabilis at tinakpan ang kaniyang dibdib ng isang kamay habang ang isang kamay naman niya ay sinampal ang binata. "Bastos ka! Sinira mo lang ang paghanga ko sa'yo!"

"At sino naman ang nag-utos sa iyong magkagusto ka sa akin? Tingnan mo nga iyang sarili mo, Chubby! Hanggang dito ba naman sa Amerika ay sinundan mo pa ako. I am telling you this, I will never love a woman like you!"

Mangiyak-ngiyak siyang dinampot ang mga damit niya at nagbihis. "I will remember this day, Ranzel! You will bow and kneeled for begging your life!"

"Ipapakulam mo ako?"

"No! Ipapa⸻basta!"

"Then do it!" hamon nito.

Nakakuyom ang kamao niya at nagngingitngit ang kaniyang kalooban. Mula nang araw na iyon ay hindi na siya nagpakita pa sa binata at nag-transfer na lang siya ng ibang school. It was the embarrassing and unforgettable moment of her life. She promised that she would be the most lovable, sexiest, and hot woman in the world.

avataravatar
Next chapter