webnovel

Heartbeat of a Heart's Unloved

Johnn Recce Marina - lived miserable. He has sacrificed a lot for his family but everything seems to be ignored. Malayo rin ang loob niya sa kanyang ina. Isa siyang bakla kaya galit ang tatay niya sa kanya. Gayunpaman, nawawala ang lungkot niya sa tuwing pumapasok siya ng paaralan. At napapalitan ng ibayong saya. Blake Arwan Toñacao-is his ideal man. He wanted to get closer and notice it but he didn't get a chance. Apart from being known as a snob, rude, cold-dealing, he is also surrounded by his friends. So he seems to be losing hope of getting closer to it. But in an unexpected turn of events, he noticed a woman close to the group so he felt annoyed and sad - but also recovered to think of a good way. A small smile escaped his lips. If he wants to be close to the barricade, especially to a man - he must first be close to the woman... "Kaya simulan na ang malanding plano-iste magandang plano!" sigaw niya.

im_johnn · LGBT+
Not enough ratings
9 Chs

kabanata 3

Work

Nang tumuntong na ang lunchbreak ay lumabas na kami.

Minsan, pag hindi kami nagkakasabay ni Ma'am mananghalian ay sumasabay ako sa mga classmates kong babae.

Ngayon papunta na kaming  canteen. Habang kumakain ay pinag-uusapan namin iyung nalalapit na Intrams na maggaganap sa loob ng paaralan.

Dati paman ay wala akong hilig sa mga laro. Wala ni isa sa mga laro ang nagbibigay sakin ng interes. Kahit na may dagdag grado iyun. Binabawi ko nalang sa academics.

Kadalasan pag may palaro o larong nagaganap ay nanood lang ako. Tulad ng basketball, nanood ako niyan. Lalo na't kasali si Kerwan sa basketball. Laging present ako.

Kahit na hindi ko masyadong maintindihan ang laro.

Humiwalay na ako sa kanila ng matapos na kaming kumain.

Pumunta na muna ako sa library. May kailangan lang akong basahin dahil sa assignment namin. Ngumiti sa akin si Sir Pantaleon. Ang nagbabantay ng library.

"Good morning Sir Pantaleon." bati ko. Bumati din siya pabalik.

Sinabi ko ang librong hihiramin ko. Kinuha ko ang ID ko at ibinigay kay Sir pagkabigay ng librong gagamitin ko.

"Salamat Sir."

Humanap ako ng bakante. Sa dulo ako pumunta. Medyo kaunti lang ang istudyante roon.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ay may umupo sa katabi kong lamesa. Medyo naagaw ang atensyon ko sa pagbabasa dahil medyo maingay sila.

Nakikilala ko sila. Mga grade 12, iyung palengkerang bakla tapos iyung isang kasama niyang maputi na bakla. Si Kizra ata yun? Basta kilala ko lang siya dahil maganda siya at mabait din. Iyung isang kasama naman nilang babae ay sa mukha ko lang na tatatandaan.

I went back to what I was doing. Focuses on reading. I'm almost done. I will only answer five questions.

Nag-uusap sila pero hindi ko pinapansin. Madaldal talaga itong si Jofel. Kahit saan ilugar. Nailing ako at tinapos na ang assignment.

"Ang laki na talaga ng boobs mo Kizra." medyo malakas na sinabi ni Jofel.

Medyo naagaw ang atensyon ko.

"Ano kaba mas malaki pa kay Jocelyn noh!" si Kizra.

Medyo bumaling ako paharap sa kanila at nakinig sa usapan.

"Syempre naman babae yan e, malaki talaga boobs niyan."

"May peels naman Jofel. Gumamamit ka kaya. Para magkaboobs kana" si iyung babae. si Jocelyn.

Tiningnan ko ang oras. May apat na punglima pang minuto kaya hindi muna ako umalis.

Umirap si Jofel.

"Alam mo namang wala akong pera noh!, nauubos lage sa bahay."

"Duh! seventy pesos lang ang micro peels noh!" ani Jocelyn.

"Gusto ko iyung kay kizra. Hormones, iyung session-session-". Madramang sagot si Jofel at hinawakan pa ang dibdib ni Kizra.

"Sa peels rin ako nagsimula noh!" si Kizra at natatawang nilayo niya ang dibdib niya.

Tiningnan ko ang dibdib niya. Namangha ako ng malaki na nga ang boobs niya. Hindi hapit ang suot niyang damit pero halata parin ang dalawang malaking dibdib.

Gusto ko rin magkaboobs! Naiisip ko palang nae-excite na ako! Minsan na akong naingit sa mga babae kong classmates. Kaya susubukan ko rin iyung ginagamit nila.

Nakinig pa ako sa usapan nila.

Minsan tinititigan ko si Kizra. Maganda talaga itong si Kizra. Matalino at mabait pa. Mayaman din sila. Naririnig ko rin na may boyfriend na rin itong basketball player.

Niligpit ko na ang gamit ko at nagpasyang bumalik na sa classroom. Pagkalabas ko may lumapit sa aking babae.

"Hi? Ikaw si Recce diba?" tanong ng babae.

Tumango ako.

"Oo...bakit?"

Pinakita niya ang dala niyang papel at ibinigay sa akin.

"Iyung papel nga pala. Nakalimutan ni Kerwan kahapon kaya ngayon lang naibigay."

H-Huh? Diba si Kerwan ang inutusan ko? Nasaan ang boyfriend ko?

"Ah ganon ba...ayos lang." ngumiti ako ng pilit.

"Tinamad na si Kerwan kaya binigay niya sa akin." sinabi pa niya bago nagpaalam na umalis.

"Sige."

Buwisit na lalaking iyun! Wala talagang balak makipagkita sa akin!

Pinasok ko ang papel sa shoulder bag ko. At nagmartsa na.

Kalaunan. Natapos ang klase sa hapon na iyun. Sumakay kaagad ako at nauwi sa amin.

Tahimik ang bahay ng pumasok ako. nangunot ang noo ko. Nagtataka sa katahimikan.

"Mama...?" tawag ko. Hinanap ko sila.

Nasaan sila?

Dumeretso ako sa kuwarto at nagpalit ng damit.

Nahiga ako sa medyo kalumaan naming kama. Nagbuntong hininga.

May lakad siguro sila? Medyo maggagabi na kaya nangtataka ako kung saan sila ngayon.

Mabuti nga iyun tahimik akong magtratrabaho.

Nagbilang ako ng sampu bago napagdesisyunang bumangon. Maglilinis nalang ako ng bahay para atleast matuwa naman sila sa akin.

Mga alas-dyes na ng umuwi sila Mama. Medyo may pagkabahala ang mukha niya ngayon.

Nasa may sala ako nanunuod ng TV. Hinihintay sila. Pinatay ko ang TV at sumalubong sa kanila.

"Tabi!" tumabi ako ng dadaan si Papa sa malapit sa akin.

Tumabi kaagad ako ng makitang galit ang expression sa mukha.

Mahirap na baka pagbuntunan pa niya ako ng galit.

Nakita kong pinapasok na ni Mama si Joel sa silid namin. Nangunot ang noo ko. Nasaan si jhamel? Bakit wala siya ngayon? At sila kuya wala pa din?

Lumapit ako kay Mama at nagtanong.

"N-Nasaan po si Jhamel, Ma...?" nagmano ako sa kanya ngunit tinabig niya lang ito.

Hindi ko nalang pinilit.

Bumuntong hininga siya.

"Nasa hospital, may sakit ang kapatid mo."

Nahabag ako sa sinabi ni Mama.

"A-Anong... sakit Ma?" dahan-dahan kong tanong. Ayokong inisin siya ngayon.

"Dengue" malamig niyang tugon.

"K-Kamusta po siya Ma?" naawa ako sa kapatid ko.

"Medyo maayos na. Nandoon ang mga kapatid mo, binabantayan ang kapatid."

Nalaman kong nangutang din ng pera si Mama sa mga Toñacao na pinagtatrabahuhan niya para ipang babayad sa hospital.

Hindi nila ginagamot ang kapatid ko hanggang wala itong downpayment. Isa iyung rule sa hospital kaya napilitang nangutang sila Mama. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkatapos kong magtrabaho ay kumain nako. Bago tumulak sa paaralan.

Byernes ngayon kaya tatlong subjects lang ang klase namin ngayon. Mamaya pupunta akong hospital para kamustahin ang kapatid ko.

Malapit na rin ang exam namin kaya marami na ring ipapasang mga requirements. Mabuti nalang din kung ganoon... May magpapagawa nanaman sa akin. May makikita akong pera.

Sa laki ng utang ni Mama ay kailangan ko ring tumulong. Kahit sa mga gamot nalang ni Jhamel.

Nang matapos ang dalawang klase ay pumunta na akong hospital. May isa pa akong subject sa hapon kaya kailangan ko pag bumalik sa paaralan.

Dumaan ako sa palengke ng mga prutas. Binili ko ng ilang pirasong prutas ang baon ko.

Pagkapasok. nagtanong ako kung nasaang kuwarto ang kapatid ko. Nagpasalamat ako sa nurse na babae bago hinanap ang room number.

Sumilip muna ako sa bintana bago pumasok. Nandoon na si Mama. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora. Napalingon siya sa akin.

Napakunot ang noo niya.

Tulog si ang kapatid ko. Nilagay ko muna ang dala kong prutas sa lamesa.

"Lumiban ka ng klase?" biglang tanong ni mama. May pang aakusa sa boses niya.

"Hindi po."

"Alas-diyes pa." giit niya.

Lumunok ako...

"Tapos na po ang klase ko sa umaga. Isa nalang po sa hapon, mga 3 to 4 hours pa po...." mahinahon kong sagot.

Mabuti naman hindi na nagtanong si Mama kaya nanahimik nalang din ako. Pinagmamasdan ko ang kapatid ko.

Ayoko namang magtanong kay Mama tungkol sa kalagayan ng kapatid ko baka singhalan niya ako.

Sa hapong din iyun ay bumalik na ako sa paaralan.  Naglalakad ako sa parking lot ng makita ko si Kerwan.

Nakasandal siya patagilid sa kotse. Ang isang kamay niya ay naka patong sa ibabaw ng sasakyan.

Medyo gumaan ang nararamdaman ko dahil na taymingan ko siya ngayong na mag-isa.

Lumapit ako. Nagtago ako sa kabila sasakyan. Tahimik ang buong parking lot kaya walang makakakita sa paninilip ko sakanya.

Palingon-lingon siya sa paligid. Waring nag babantay. Nakita kong Umiigting ang panga niya at napapatingala habang nakapikit ang mata.

May sinasabi siya pero hindi ko masyadong naririnig.

May kausap siya? Wala naman akong nakikitang kausap niya ah? Ano bang ginagawa niya?

Tinanggal niya ang pagkakapatong ng kamay niya sa sasakyan at may parang hinahawakan. Nakikita kong gumagalaw siya pa atras-abante.

Tumuwad ako at sinilip sa ilalim. Nagulat ako ng may makita pa akong isang pares ng paa. Alam kong babae ito dahil sa suot na palda at sandal.

A-Anong ginagawa nila?! Gumagawa ba sila ng milagro?! At sa parking lot pa talaga? Grabe! Ginawa na talagang Motel ng lalaking iyun ang buong paaralan!

Sa gulat ko ay napatayo ako.  Napalakas ang sandal ko sa kotsing tinataguan ko kaya gayun nalamang ang gulat ko ng Tumunog ang kotseng sinasandalan ko.

"Shit!" taranta kong bulong.

Lumingon ako sa kabila ng makitang lumingon sa banda ko si Kerwan ay yumuko ako. Kinakabahan ako! Baka makita nila ako at akusahang naninilip sa kanila! Totoong nanilip ako pero hindi ko naman alam na may ginagawa pala silang kababalaghan!

Nakita kong napangusong tumayo na ang babae at nag martsa na paalis. Si Kerwan naman ay iritadong naglakad patungo sa tinataguan ko. Nanlaki ang mata ko at nag panic.

Yumuko pa ako at hindi alam ang gagawin. Namamawis na ang noo ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Sino yan?" narinig ko ang baritono niyang boses.

Mas lalo akong nataranta ng marinig na nasa malapit na siya.

Sumilip ako sa ilalim. Nakita ko ang paa niya papunta sa tinataguan ko kaya pumunta ako sa kabila. Nakatuwad akong naglakad. Shit! Talaga!

Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakatakas dito. May nakita akong medyo malaking bato kaya kinuha ko ito.

Bahala na...

Nang akmang sisilip siya  sa ilalim ay walang pagdadalawang isip kong binato ang kotse niya. Tumunog ito kaya bigla siya napatigil sa akmang pagsilip at nagmamadali sa kotse niya.

Nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko mahuhuli na ako...

Nakaupo akong tumakbo paalis sa lugar na iyun. Nang makalayo ay tumayo ako at lumakad ng maayos. May mga tao na kaunti kaya hindi na akong pagkakamalang suspek.

"Excuse me po... Ate. Bakante pa po ba ito...?" turo ko sa papel na naka dikit sa salamin.

Ngumiti siya at tumango.

"Oo. Kakadikit lang namin niyan."

Ayos! Buti ako naka una.

"Gusto ko po sanang mag-apply, ate."

"Sumunod ka sa akin." pumasok siya sa loob kaya sumunod ako sa kanya.

Tagaktak ang pawis ko pagkaupo sa isang upuan. Nandito ako ngayon sa isang amusement park dito sa bayan namin.

Kanina hindi ako natanggap  sa pinag-applyan kong trabaho. Ang kailangan daw nila iyung tapos na o kaya ay hindi basta may karanasan raw. Pagkatapos kong sabihin na nag-aaral pa ako ay umiling na iyung may-ari ng milk tea shop. Ang gusto daw nila ay whole week service. Sinabi ko naman na kahit sa sabado't linggo nalang pero hindi parin. Maliit lang ang shop kaya baka hindi kayanin kung dalawa ang tatanggapin.

Mga apat na shop ang pinagtanungan ko pa. Puro hindi ako natanggap. Ang iba'y nakuha na raw ang bakante. Naiinis ako dahil nanduon pa ang papel sa pader hindi pa rin kinukuha kahit wala ng bakante.  Kaya pinunit ko pag-kaalis ko ng shop. Ang iba naman ay graduate ang hinahanap.

Umuwi din ako pagkatapos magpahinga sa park.  Mag-aalas- kuwarto na ng makarating ako sa bahay.

Sinalubong ako ng bulyaw ni Mama pagkapasok ko palang ng bahay.

"Saan ka nanggaling!" sigaw niya.

"S-Sa bayan ho." yumuko ako.

"Kaya pala wala ka maghapon sa bahay dahil nandoon ka pala  nag lalakuwatsa!"

Kinakabahan ako. Hindi ko naman puwedeng sabihin na pumunta ako sa bayan para maghanap ng trabaho dahil wala naman akong napala.

"Pabigat ka talagang bakla ka!" lumunok ako.

Kanina paggising ko ang mga kapatid ko nalang ang nadatnan ko. Wala na sila Mama at Papa. Siguro nasa hospital. Binibisita ang kapatid. Kaya hindi din ako nakapag paalam na aalis. Kahapon, naisip ko na maghanap ng trabaho kahit extra lang kaya umalis ako ngayon.

"Wala kang kuwenta!" huli niyang sigaw bago tumalikod.

Pinigilan kong pumatak ang luha ko. Randam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Nakayuko ako kaya kampante akong hindi makikita ni Mama ang mata ko. Hanggat maaari ay ayokong makita niya na umiyak ako sa harap niya. Noong huli ay sininghalan niya lang ako at inambahan ng sampal.

Sa gabing iyun ay umiyak ako ng tahimik habang nakahiga. Inaalala kong mayroon ba kaming masayang alaala. O kaya'y masasayang tagpo manlang namin kahit wala akong natatandaan.

Nagising ako na may tumutusok sa may pisngi ko. Minulat ko ang mata. Nakitang kong nakapamaywang na si Mama sa harap ko.

Bumangon ako.

"Maghanda ka may pupuntahan tayo." malamig niyang sinabi.

Tumango ako. Hindi na nagtanong.

Kumain kami pagkatapos ay umalis na. Sakay ang trycicle huminto kami sa pamilyar na Mansiyon.

Kilala si Mama ng guwardiya kaya pinapasok kami sa loob. Nakasunod lang ako kay Mama. Nagtataka kung bakit isinama niya ako dito.

Pumasok kami sa loob ng Mansiyon. Sinalubong ang mata ko ng malaking chandelier na nakasabit mula sa itaas. At ang ingrandeng hagdan patungo sa itaas.

Umakyat kami ng hagdan. Huminto kami sa isang magarang at kulay kayumanggi na pinto. Kumatok si Mama ng tatlong beses.

May nagsalita loob kaya binuksan ni Mama ang pinto. Pumasok kami.

"Magandang umaga Sir Dencio...Ma'am Almera...Sir Kelvin..." magalang na bati ni Niya.

"Pasensya na po sa abala..." dagdag ni Mama. Halatang nag-uusap sila bago kami pumasok.

"Oh. Liza? Anong sadya mo..." nagsalita iyung si Sir Dencio.

"Iyung sinasabi ko po sa inyo na anak ko namamasukan po sana ng trabaho dito..." napatingin ako kay Mama. Medyo nagulat ako dahil hindi ko alam ang plano niya.

Hinawakan ako sa braso ni Mama at hinila sa gilid niya. Napatingin sa akin ang tatlo.

"Magandang umaga ho..." bati ko. Ngumiti ako sa kanila. Ngumiti din sila pero iyung isang lalaking medyo matanda sa akin ng ilang taon ay nakatingin lang sa akin.

"Ito ba ang anak mo. Liza...?" si Ma'am Almera.

Tumango si Mama.

"Opo Ma'am. Gusto na daw niyang magtrabaho kaya pinilit niya akong ipasok siya rito... Kahit tagalinis nalang daw po." aniya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Kahit naman hindi siya gumawa ng storya ay gusto ko namang magtrabaho.

Tumingin si Ma'am Almera sa akin. At sinuri ako.

"Anong pangalan mo iho?" tanong niya. "Hindi ka na ba nag-aaral...?"

"Johnn Recce po ang pangalan ko. At nag-aaral pa po ako..." magalang kong wika.

"Kung ganoon, sabado at linggo ka nalang magtrabaho rito, hijo."

"Opo..."

"Okay. Puwede kanang magsimula bukas. Kung gusto mo lang." ngumiti siya.

"Sige po. Bukas po Ma'am..." tumango ako at ngumiti na din sa kanya.

Naiwan si Mama doon at ako naman pumunta sa hospital para bisitahin ang kapatid ko.

Dumaan muna ako sa bahay. Kumuha ako sa kaunting ipon na pera. Malapit ng maubos ang ipon ko. Hindi kasi ako nanghihingi ng baon kay Mama o kay Papa. Ayos na din iyun, basta payagan lang nila akong mag-aral.