webnovel

Chapter 19

Alam kong nakatingin lahat ng babae sakanya. Paanong hindi? Siya lang ang may malayong suot rito! At..mukhang gumwapo ata siya lalo sa paningin ko.

Bumaba ang tingin niya sa suot ko at mas nakita pa ang nang-aapoy niyang galit. Nangatog ang tuhod ko at hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Ni hindi man lang siya nagsalita sa harapan ko kaya mas lalo akong nangamba sa titig niyang ito.

Biglang hinubad nito ang kanyang suit at mabilis na ipinatong sa balikat ko. Suplado at nagkasalubong ang mga kilay. Now..his wearing his light button-down shirt at kita ng kaonti ang kanyang mabalahibong dibdib. Kahit hubo't-hubad sa harapan ko si Alvino, hindi naman ako nagkaganito, ah? Pero bakit sakanya, nanunuyo na ang lalamunan ko at ni hindi na maalis ang mga mata ko sakanya.

"Hindi mo sinabi saakin na darating ka."

Hindi ito kumibo at suplado parin ang itsura. Inayos niya pa ang suit nang bumaba iyon sa balikat ko. Tumikhim sa likuran ko si Alvino kaya ako napalingon.

"Licia, doon nalang muna ako. Tawagan mo ako kung may gagawin tayo ulit."

Tumango ako at hinarap ulit ang supladong lalaki sa harapan ko.

"Gagawin tayo ulit?" Ulit niya sa iritadong boses. Gusto ko nalang matawa. Bakit ba na aaliw ako sa itsura niyang ito? Mas gusto ko tuloy inisin siya lalo.

"Iyong shoot namin. Okay naman iyon pero hindi pa ako sigurado kung may dadagdagan pa. Bakit hindi ka tumawag saakin? Ni hindi ka nagreply sa mga texts ko, ah? Tapos hindi ka man lang nagsabi na matutuloy ka pala rito."

"I want to surpise you. But seems you really had enjoyed here, huh?" May panunuyang tanong nito. Umigting nang paulit-ulit ang kanyang panga habang bumaba ulit ang dumadagtum niyang mga mata ulit sa suot ko.

Define, Seloso?

Seloso means.....Enzo Benedicto Martino.

"And why are you wearing like that, Licia?" Sa mariin na boses na tanong niya saakin.

Napatingin ako sa suot ko. Sa pagkakaalam ko, walang mali sa suot ko. Nasa beach naman ako, hindi ba? Kaya anong problema? Alangan naman mag gown ako rito?

"I'm wearing my bikini, Enzo. May problema ba sa suot ko?"

Umiwas ito ng tingin at mas lalong nag-aapoy parin ang galit sa mga mata. Palihim na ngumiti ako. Kagat ang labi ay tumuwid ako ng tayo at tinitigan ito.

"At iyong nakita mo kanina..tinuruan lang naman ako mag Jet-ski ni Alvino, kung iyan nga ang ikinagalit mo. Behave ako rito. Hindi ako tumitingin sa ibang lalaki.  I'm loyal to you kahit magkalayo tayo." Dugtong ko at hindi alam ano pang sasabihin kasi hindi ko naman alam anong kinagalit niya ngayon. Kung dito ba sa suot ko o kay Alvino na walang ka malay-malay.

Napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti niyang tinaggal ang butones ng kanyang pang-itaas sa harapan ko. Ngayon, halos lumuwa na ang mga mata ng iilang babae rito dahil sa ginawa niya.

What the hell is he doing?!

Alam kong maganda ang katawan niya kaya huwag niya na sanang ipagsigawan rito at naghubad pa talaga sa harapan ng maraming lahat.

The hell with you, women?! What the fuck are you looking at to my boyfriend?!

"Enzo! Put your shirts on!"

Hindi ito kumibo at nanatili ang iritadong itsura. Nagulo ng kaonti ang kanyang buhok kaya mabilis niya itong sinuklay gamit ang kanyang kamay at inayos. Umihip ang malakas na hangin at hindi ko alam bakit mas naging attractive siya lalo sa paningin ko.

"Let's go."

"Huh?"

Napatili ako nang mabilis niya akong inangat na parang bagong kasal at sinampa sa jet-ski.

"Enzo!"

Kung nakakapaso lang ang mga titig niya baka kanina pa ako nasusunog rito. Hinawakan niya ng mabuti ang sinasakyan kong jet-ski at mataman akong tinitigan. Hindi parin naalis ang dagtum niyang mga mata at paulit-ulit na umigting na panga. Parang gusto ko nalang matunaw rito. Sobra-sobra na yata itong naramdaman ko. Gusto ng umapaw sa tuwa, saya at takot. At hindi ko alam kung anong klaseng takot ito.

"Ako ang magtuturo sa'yo paano paandarin ito. Ako lang dapat, Licia, wala ng iba pa. Ako lang."

Bahagyang nakaawang ay mabilis na pinatakan niya ako ng halik sa labi. Isang angat niya lang gamit ang nakatukod na braso ay nasa likuran ko na agad ito. Ang init ng kanyang dibdib ay tumama sa likuran ko.

Damn you, Enzo! Ano ba itong ginawa mo saakin!

Marahan na gumapang ang mga kamay niya saakin at bahagyang napatalon sa gulat nang bumulong ito. Tumindig agad ang balahibo ko sa paraan ng pagbulong niya sa tenga ko. Tuwing ginagawa niya ito ay lagi akong napapaatras at kinakabahan.

"Now, baby, drive."

"H-Huh?"

Napalingon ako rito at nagtabis ang kanyang bagang. Kapansin-pansin parin roon ang pagpigil ng kanyang galit. Kontrolado kong mga kamay ay umandar na ang Jet-ski.

"That's right, baby.."

Alam kong naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko. Tangina lang talaga!

Hapon nang bumaba na kami sa puraw na buhangin. And guess what..pinasuot niya saakin ulit ang beach skirt ko. Hindi na ako nagreklamo pa at ginawa nalang ang gusto niya. Akala ko nga hindi na kami matatapos ka kajet-ski. It was a fucking torture for me ang ginawa niya saakin kanina. Hindi ko alam kung nilalandi niya ba ako sa boses niya o sadyang ganoon lang talaga siya magturo.

Nahanap rin ng mga mata ko si Alvino na lumulusong sa dagat at mukhang abala na sa pambabae niya. Maganda ang babae at katulad ko, nakabikini rin ito. Nga lang, mas malaki ang hinaharap niya kesa saakin.

"Give me your hand, Enzo." Utos ko. Walang pag-alinlangan niya naman itong binigay saakin at seryoso ang mga mata na nakatitig saakin. Pinisil ko ang malaking kamay niya at lumapad ang mga ngiti nang sa wakas ay hawak-hawak ko na ang lalaking pinapangarap ko lang noon at ngayon ay pagmamay-ari ko na. Kumuha ako ng napakaraming litrato habang magkahawak ang kamay namin. I even took few pictures of him. Ni walang ekspresyon ang pinakita niya at seryosong-seryoso parin habang nakatitig sa hawak kong cellphone. Pinakita ko iyon agad sakanya.

"Look, it's really beautiful."

Ewan ko ba at bakit mas nahuhulog ako lalo sa ganito niyang itsura. Ang mga mata na naging kulay kahel dahil sa sikat ng araw na tumama sakanya. Pakiramdam ko ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo.

Nilagyan ko rin iyon ng caption bago iyon inupload.

'His hand fits in mine, like its made just for me.'

Dalawang picture ang inupload ko at iyong magkahawak ang kamay ang unang litrato at ang pangalawa ay iyong seryosong mukha niya na kita ng kaonti ang kanyang dibdib. Buti nalang at kalahati lang iyon at sigurado akong pagpipyestahan ng lahat kung kita ang kabuuan ang maganda at pormado niyang katawan. Akin lang dapat 'to. Now, everyone will knows kung sinong pagmamay-ari ang Ceo ng De Martino. He's mine.

Ngumiti ako at tumingala sakanya. Pakiramdam ko ang liit-liit ko na ngayon dahil sa katangkaran niya. Tinutok ko ulit ang camera sakanya.

"So how was the view? Anong masasabi mo?"

Saglit hindi muna ito kumibo at nanatiling nakatitig lang saakin. Mukhang matutunaw na talaga ako rito. Uminit ang pinsgi ko at hindi ko alam kung napansin niya ba iyon. Saglit ay napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kanyang labi para sa isang ngiti. Got you! Nakuha ko sa video iyon!

"I love the view..I'm madly inlove with my view..I'm really, really inlove with my view.."

"Talaga? I told you, this beach is really beautiful, Enzo!"

"A beautiful than sunset. And I would give everything just to see this view." Seryosong sabi niya.

"Isasali ko ito sa video namin ni Alvino. This is fine, okay na ito."

"Let me see it first."

Mabilis na nilahad ko ang cellphone at pinatong iyon sa malaki niyang palad. Ngayon ay matapang kong tinitigan ito habang seryosong binuksan niya naman ang cellphone ko at mukhang seryosong tinignan talaga ang kinuha naming shoots kanina. Nang biglang napansin kong unti-unting nagkasalubong ang makakapal niyang kilay at bumalik ulit sa iritadong itsura. Nagtaka naman ako roon.

"You took a lot of selfie, huh? Enjoying it too much, Licia?"

Mabilis na tumingkayad ako at laking gulat nang makita ang mga litrato namin ni Alvino. Alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito.

"Pagseselosan mo na naman 'yan? There's nothing special, Enzo. Litrato lang'yan."

"Hindi mo na ma-aalis saakin ang magselos."

Hindi ko alam kung saan ang mas gusto kong makita. Ang pagiging suplado niya o ang pagiging seloso. Hindi ko na napigilan ang matawa.

"It's not funny, Licia." Iritadong sabi niya.

Natigil lang ang tawa ko nang bigla niyang hinila ang baywang ko kaya nadikit ako sa matigas niyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ko.

"You..brat."

Hindi ko alam kung ano iyong nakatusok. Pero walang ibang matulis maliban lang sa...omygod! Mabilis na bumaba ang tingin ko sa pantalon niya at nakita roon ang umbok. Kumalabog ng napakalakas ang puso ko at halos hindi na ako makahinga.

Is that really hard o...ganoon lang talaga?

Bago ko pa iyon maidampi sa palad ko ay mabilis na pingilan niya ang mga kamay ko.

"This is a fucking public place, Licia!"

"If we're on a private place, pwede?"

Malutong na nagmura ito at mabilis akong hinila. What the hell is wrong with me? Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko ngayon. Umaapoy na ang buong katawan ko pag-iniisip ko lang iyong...iyong...damn it!

"Let's go home."

"Huh? Si Alvino? Paano tayo uuwi-omygod!!" Mabilis na lumipad sa ere ang mga kamay ko sa bibig dahil sa nakita." You came here with that chopper?! Where did you get this one!? Omygosh!"

Sa tapat ng isla at sa mabatong daanan patungo roon ay andoon ang chopper. Ni hindi ko namalayan iyon kanina. Ganoon na ba talaga ako ka okyupdo at hindi ko iyon napansin?

"Ares lend me this one." Seryosong sabi niya at hinarap ako. "I called Louis to drive your friend home."

"Huh? Magpapaalam muna ako kay Alvino."

Umigting ang kanyang panga at mukhang may gusto pa sanang sabihin pero nanatili itong tahimik. Sa huli ay tumango ito.

"Make it fast, Licia."

May lumapit rin sakanya na lalaki at inilahad iyong damit. Hindi ko akalaing nag chopper nga siya! Hindi pa ako nakasakay nang ganoon, pero ito yata ang kauna-unahan. Halos nakuha na yata namin ang atensyon ng lahat. Kahit si Alvino ay napatingin sa direksyon ko.

"Alvino..pasensya kana. Pero, uhh..kailangan ko ng umuwi."

"It's fine with me, Licia. I have this girl with me kaya okay lang na uuwi ka kasama ang boyfriend mo. And tangina! Ayokong magiging thirwheel niyo. That's not my fucking thing."

Hinampas ko ito at natawa nalang. Gusto ko si Alvino bilang kaibigan. He's straightforward at hindi boring kausap.

"Pati rito, nambabae ka, Alvino."

"Selos ka na naman. Okay na ba iyong nakuha natin na video?"

"Yes, it was indeed fine and great. Mauna na ako. Text me if you're home or message mo ako."

Nagpaalam narin ako pagkatapos kay Alvino at tinakbo ang naghihintay na supladong Enzo. Ngayon suot na ang kanyang puting T-shirt.

"Wear this one."

"Bathrobe?"

"Yes, baby. Wear that one."

Walang magawa ay sinuot ko nalang iyon at baka pag-awayan pa namin ito. Alas singko na ng hapon at sigurado akong magagabihan pa ang uwi namin.

Nagising nalang ako sa isang marahan na haplos sa pisngi at dugtom na kalangitaan sa itaas. Unti-unting binuksan ko ang mapungay kong mga mata at nakita ang paninitig ni Enzo saakin. Mabilis na kinusot ko ang mga mata at tumuwid ng upo para makita ng maayos ang paligid. Tahimik na ang chopper at mukhang nakalanding na nga ito sa kung saan.

"We're here.."

"Nasaan tayo?"

"We got home so late. Tinawagan ko na si Tita Lucia at si Mama tungkol rito. Nasa rooftop tayo ng condo ng mga Campbell ngayon."

Hindi na ako nagtanong pa at tahimik na tumango nalang sa sinabi nito.

Nasa huling floor ang suite niya kaya mabilis kaming nakababa at nakapasok. Hindi parin talaga maiwasan mamangha ako sa ganda at linis ng suite niya. Akalain mong hindi lalaki ang tumitira rito. O baka naman, may taga linis dito? Babae kaya?

I can smell the scent of his suite like him. Agad naisipan ko ang maligo. Hindi nga pa pala ako nakapagshower dahil umuwi kami kaagad.  Akala ko nga, naiwan lahat ng gamit ko. Iyon pala, kinuha niya na roon sa Inn na nirentahan namin ni Alvino. He really indeed planned this. Mukhang nilalayo talaga ako kay Alvino. Napakaseloso talaga!

I brought few clothes in my bag at kahit pagod at antok na antok na ako, kailangan kong maligo. Magkasama kami ngayon ni Enzo at hindi ako papayag na matutulog ako na amoy dagat. Wait, ano ba itong iniisip ko? Teka nga lang..magkatabi ba kami ngayon sa kama? Malaki ang kama at kasyang-kasya kaming dalawa diyan. Kahit nga sampu, kakasya.

Isang iglap biglang nawala ang antok ko nang makitang mabilis itong naghubad sa harapan ko. Kaya ngayon..kitang-kita ko ulit ang maganda at hubog ng kanyang katawan. Hindi parin talaga ako sanay sa ganito... At bakit ba naghuhubad siya nang walang paalam sa harapan ko? Damn you, Enzo!

Is he trying to seduce me?! Omygod!

"Maliligo nalang muna ako!" Agap ko at mabilis na pumasok ng banyo. Ni hindi ko na nakita ang reaksyon niya. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman doon ang tibok ng puso ko.