webnovel

Chapter 14

"Kasama ka nga namin, lumilipad naman ang isipan mo, Licia!" Si Alessa sabay irap saakin.

"Huh?" Napabaling ako sa mga kaibigan ko.

"Anong huh? Ito, uminom ka." Tinulak niya ang baso sa harapan ko.

"We're still seventeen. Hindi ba illegal itong ginagawa natin?"

"Ano ka ba! Ako na bahala diyan. Alam ni Tito ang tungkol rito." Si Slyvannia.

Okay na siguro ito. Susubukan ko nalang uminom para naman mawala siya isipan ko at halikan niya sa babae na iyon. Girlfriend niya kaya 'yon? O kaya'y ka fling? Kung ano man, hindi sila bagay!

Kanina may natanggap akong dalawang mensahe mula sakanya. At hindi ako makapaniwalang pagkatapos niya roon, guguluhin ako at itatanong kong nasaan ako? Bahala siya!

"Where are you?"

"Licia, where are you? Wala ka sa rito sa bahay niyo."

Ang kapal naman ng mukha niya para hanapin ako pagkatapos niyang makipaghalikan sa ibang babae! Ang kapal talaga! Ayoko sa'yo, ayoko na sa'yo! Hindi na kita gusto!Maghahanap na ako ng bago!

Talaga lang, Licia? Ilang beses mo na nasabi 'to?

Dalwang basong whiskey na ang naubos ko kaya ramdam ko na ang umaalon kong paningin. Wow! Ito ata ang kauna-unahang nakigpaginuman ako kasama ang dalawa kong kaibigan! Nga naman, ito pala ang nagagawa pag heartbroken ka.

"Alvin!"

Sus! Kung alam ko lang Slyvannia, siya iyong tinawagan mo kanina at pinapunta mo talaga rito. Ang bobo ko naman pag hindi ko 'yon napansin. Paano niya naman malalaman na andito kami? VIP nga ito at tinted ang looban nito.

"Andito rin pala kayo?"

"Oo, kasama namin si Licia!" Pang-asar na sumulyap naman ang dalawa sa direksyon ko. Ano?!

Nakita ko ang pagbaling ni Alvino saakin at mabilis na tumabi sa gilid ko. Ni hindi man lang nagpaalam. Gusto ko sanang umapela sa ginawa niya, pero wala ako sa mood para awayin pa ang isang 'to.

Malapad ang ngiti na tinanaw niya ako.

"Ano?" Tanong ko nang hindi na napigilan ang sarili.

"Ang sungit mo talaga, no? Bakit ngayon lang ata kita nakita rito?"

"It's none of your business, Alvino." Pagod na sagot ko at mabilis na nilagok ang whiskey.

"Woaw! I never thought your this fond of alcohol." Humalakhak ito.

Inirapan ko lang siya at tinuon ang sarili sa iniinom. Kanina pa siya daldal ng daldal sa tabi ko. Pero nang mapansin niya na hindi talaga ako interesado ay nilubuyan niya agad ako. Kaya ngayon, ang dalawa na ang kinakausap niya at nakinig lang ako.

"Si Cato kasama ko, gusto niyo pumunta roon?" Sagot ni Alvino.

Nagbago naman ang timpla ng itsura ni Alessa nang marinig ang pangalan na 'yon.

"Si Cato raw Alessa, o!" Nakita ko ang pagsiko ni Slyvannia sakanya. Umirap lang ito at binalik ang tingin kay Alvino.

"Bakit siya andito?"

"Sabi niya may babantayan daw siya rito. Baka girlfriend niya, ewan ko sa isang 'yon."

Ngayon napansin ko na ang iritadong itsura ni Alessa.

Nanatili si Alvino rito at mukhang nagkatuwaan na ata ang tatlo. Habang ako, lumilipad naman ang isipan sa isang tao lang. At ang baliw ko para iyon lang ang iisipin ko sa kalagitnaan ng katuwaan. Ano ba an dahilan ng pagpunta ko rito? Siya lang naman ang dahilan. Galit na galit ako at gusto kong kalimutan iyong nakita ko.

Oo na, selos na selos ako! Selos na selos ako sa babaeng iyon! Gusto ko siyang kalbuhin sa oras na iyon pero hindi ko magawa! Nakakainis!

Wala na ba talaga akong pag-asa para kay Enzo? Kapatid lang ba ang nakikita niya saakin? Kung kapatid nga..bakit niya ako hinalikan? Lintek talaga! Kahapon ko pa tinatanong ito sa sarili ko!

"Banyo lang ako." Paalam ko sakanila dahil kanina pa ako ihing-ihi rito kakaisip sakanya!

"Balik ka, ha?"

"Iniwasan ako nito." Panunukso ni Alvino.

"Ewan ko sa'yo, Alvino, lakas ng amats mo!" Irap ko at lumabas na.

Hindi ko alam anong koneksyon ni Slyvannia rito at bakit nasa VIP room kami nakapasok. Hindi na rin kasi ako nagtanong pa. Mabuti nalang 'yon at baka may makakita pa saamin rito.

Mabilis naman akong napakapit sa malaking braso ng lalaki nang maramdaman muli ang pag-alon ng paningin ko. Dagdagan pa ng halos mawalan na ako ng balanse.

Sana pala kaonti lang an ininom ko. Ewan ko nalang kung makakauwi pa ako nang maayos nito. Hindi ko alam bakit hindi pa ako hinahanap ni Mama. Baka naman akala niya nasa De Martino pa ako. Pero malabo naman 'yon dahil mag aalas diez na nang gabi at hindi parin ito tumatawag saakin.

"Okay ka lang, Miss?"

"Sayaw gusto mo?"

Bobo din ng lalaking ito! Alam niyang wala na sa ayos ang paglalakad ko inimbita pa akong makipagsayawan sakanya.

"O, saan ka pupunta?"

Tanong niya nang bahagyang tinulak ko ito. Sana pala nagpasama na ako sa dalawa!

"Pitiwan mo nga ako-"

Agad napitili ako sa gulat nang biglang umangat mula sa sahig at isang kamay ang nakapalibot sa baywang ko.

"Pitawan mo'ko!"

Sa takot ko ay tinampal ko nang napakaraming beses ang matigas niyang braso. Ni hindi siya natinag sa ginawa ko at mukhang bato pa ata ang nakakapit saakin. Dahil sa higpit ng pagkahawak niya ay naangat ng kaonti ang damit ko. Bago ko pa iyon maibaba ay nagulat ako nang inayos niya iyon gamit lang ang isang braso. Sino ba'to?!

"Damn it!" Narinig ko ang mariin niyang mura.

Nang tuluyan na kaming makalabas ay binaba niya agad ako sa pamilyar na kotse. Kumunot ang noo at kumalma nang napatingin ako sa plate number at hindi nagkakamaling kay Enzo ito! Hindi lang number niya ang kabisado ko, pati plate number ng kotse niya. Inaamin kong ganoon ako kabaliw sa lalaking ito!

"Did someone inform you that you're not allowed in that fucking club, Licia!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang galit niyang boses. Mariin na umigting ang kanyang panga at matalim na tiningnan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa inaasta niya ngayon.

"Anong ginawa mo rito? At...at..paano mo ako nahanap!

Dumilim lalo ang mga mata niyang dumapo saakin.

"Importante pa ba 'yan sa'yo, Licia? Ni hindi mo sinagot ang mga tawag ko at makikita lang kita rito? Sinuway mo pa ang uto-"

"Cut it! Hindi naman kita boyfriend para malaman mo kung nasaan ako!" Iritadong putol ko at naalala muli iyong halikan ng babae niya.

Nakakuyom ang panga ay iritadong iniwas nito ang mukha saakin. Sa ganitong ayos, kapansin-pansin ko ang galit at suplado niyang itsura.

"Huwag mo na akong pakialaman simula sa araw na ito dahil hindi narin kita pakikialaman kung sino ang babaeng kahalikan mo! Hindi na kita gusto!"

Umaapaw at halo-halong emosyon ay lumandas ang luha ko. Nanginginig ang labi ko at naninikip ang dibdib. Napansin ko naman ang gulat nang makita niya iyon. Gusto kong magsalita ulit pero pakiramdam ko maiiyak lang ako kung may sasabihin pa. At ayokong tanungin niya pa ako tungkol sa pag-iyak ko.

Ganoon ka na ba kabaliw sakanya, Licia?

Hindi parin natanggal ang titig niya at nanatili parin ang galit at seryosong mga mata saakin. Wala ng takas ay napasandal na ako sa likod ng kotse nito. Ngayon, nakatukod na ang dalawang matitigas niyang braso. Wala ng magawa ay tuluyan niya na akong nakulong. Kinakabahan baka marinig niya ang malakas ng tibok ng puso ko. Yumuko ito para maglebel ang mata namin. Bahagyang nakaawang ang labi ko. Bwisit talaga ang lalaking ito at ang lakas ng epekto niya saakin kahit galit at nagtatampo na ako!

"Enzo, ano..ano ba ang ginagawa mo!" Iritadong tanong ko kahit ramdam na sa puso ko ang kaba roon.

Mukhang umatras ata ang ihi ko dahil sa ginawa niya!

Nakaawang ang labi ay nagulat ako nang nilapat niya ang mukha saakin at inamoy ang hininga ko. Enzo!!

"Ilang baso ang naubos mo?"

Nataranta ako at bahagya itong tinulak. Bakit umuurong ka ata, Licia? Nasaan na iyong pagka agresibo mo sa lalaking ito?

Hindi ko alam kung sa iniinom ba ako nahihilo o sa mga salita niya!

"Ano ba! Uuwi na ako!"

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi tayo nakapagusap ng matino, Licia."

"Matino naman akong kausap!"

"Galit ka kaya kailangan natin mag-usap-"

Sinubukang tumakas ay buong lakas ko siyang tinulak pero mukhang hindi epektibo ang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ng lakas na ito. Isang kamay lang ang gamit niya pero hindi ko man lang maalis ang hawak niya saakin! Ano ba 'to, bato? Hindi ko akalain ganito siya kalakas!

"Doon ka nalang sa Arianne na 'yon at maghalikan kayo! Wala akong pakialam!" Giit ko dahil sa riin ng pagkahawak niya saakin. Sa huli ay sumuko na ako.

"Totoo nga ang sinabi ni Lila na pumunta ka roon."

Napatingin ako sa sinabi niya. Galit na galit ang matang nakipagtitigan sa lalaking ito.

"Oo, pumunta nga ako! And guess what? Nakita kitang nakipaghalikan sa babae!" Hindi na napigilan ang sumabog sa harapan niya.

Ano guilty ka, no? Totoo nga na nakipaghalikan ka sa babaeng 'yon? Totoo!

Lumabi ay nangingilid ang luhang pinaalis ko iyon. Umiigting ang kanyang panga ay sinubukan niyang punasan ang mga luha ko pero bayolenteng tinulak ko ang kamay niya.

Pinigilan ko naman ang sarili, ah! Pinigilan kong huwag magalit at ibuntong iyong pagseselos ko sa babaeng iyon. Pero lintek! Hindi ko maiwasan!

"Sabihin mo saakin hanggang saan lang ang nakita mo."

Nagulat ako sa tanong niya. Bakit? Maliban sa halikan nila, may iba pa ba kaya bakit niya tinanong saakin ito? Kung mananatili ako roon, baka iba na ang nakita ko!

Biglang sumagip sa isipan ko ang isang bagay na ginagawa kadalasan ng lalaki at babae. Iniisip ko pa lang ay umaapaw na ang iritasyon at galit ko. Hindi ko na kaya ito! Kailanman ay hindi ako nagalit ng ganito katindi sakanya!

"Ang baboy niyo talaga! Kaya pala ayaw mo akong pumunta roon dahil sa babaeng 'yon! Hindi na kita gusto! Ayoko na sa'yo!"

Tumingala ito at pumikit ng mariin. Mukhang hinahabaan pa ang pasensya saakin. Ngayon, kalmado niya na akong tinanaw at mukhang hindi natinag sa mga sinasabi ko. Ang sabi ko, hindi na kita gusto!

Wow! Sinong naniniwala roon, Licia?

"Tinanong kita kung hanggan saan mo lang nakit-

"Hinalikan ka nga babae na iyon!" Medjo tumaas na ang boses ko.

"Did you saw me kissing her back?"

Hindi! Pero kung mananatili ako roon, hahalikan mo rin iyon..pabalik!

"Sagutin mo ako, Licia."

"Wala!"

"See, hindi ko siya hinalikan."

"Hindi ako naniniwala! Naghalikan kayo!" Giit ko.

"She kissed me and I didn't kissed her back. Tinulak ko siya pagkatapos."

"Sinungaling!" Bahagyang hinampas ko ang matigas niyang dibdib. Saglit ay napatingin siya sa ginawa ko pero binalik rin kaagad ang seryosong mga titig saakin.

"Ikaw bakit mo kasama ang lalaking 'yon?"

"Sino?!"

"Iyong kaklase mong lalaki." Kalmado at seryosong nakititig parin saakin.

"Si Alessa at Slyvannia nga ang kasama ko kanina! Malay ko bang andoon si Alvino! At...At Bakit ba napunta saakin ang usapan? Ikaw nga iyong may kahalikan rito!"

"I told you, Licia, siya ang humalik saakin, hindi ako humalik pabalik." Mariin na pagkabigkas niya sa huling sinabi.

"Hindi ako naniniwala!"

Hindi man lang ito kumibo at nanatili ang mga mata niya saakin. Ngayon lang nakaramdam ng hiya sa ginawa niyang ito. Yumuko ako at nagtiim bagang.

"Ni wala lang sa'yo ang halikan natin..kahapon.."

Hindi ako sigurado kung naririnig niya 'yon sa sobrang hina ng pagkasabi ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Bakit mo ba kasi ako hinalikan?"

Umangat ang ulo ko sa hindi inasahan niyang tanong. Tumalim muli ang tingin ko sakanya. Tinaasan lang ako ng kilay at mukhang inabangan talaga ang sagot ko.

"Kasi gusto kita! Gusto kita! Paulit-ulit ka, Enzo! Hindi ko iyon gagawin kung hindi ko gusto!" Nahihingal pa ako roon. "Ikaw bakit mo ako hinalikan pabalik, huh? Ano 'yon?!" Dugtong ko.

Ngayon lang ata ako naging kabado ng ganito habang hinihintay kung anong magiging sagot niya sa katanungan ko. Nanood lang siya saakin at napansin kong umangat ang labi niya para sa isang ngiti. Saglit na bumaba ang tingin niya sa labi ko bago binalik ang tingin sa mga mata ko.

"Iyon din ang sagot ko sa katanungan mo."

"Huh?" Kunot noo na tanong ko.

"Iyon din ang sagot ko."

"H-huh?" Ulit ko at hindi maintindihan ang sinabi nito.

Marahan na hinawakan niya ang pinsgi ko. Napasinghap ako doon at nanghina ang mga tuhod sa ginawa niya. Simpleng galaw niya lang ay mahihimatay na ako. Kung hindi lang niya ako hawak ay baka natumba na ako rito.

Inangat niya ang baba ko at tuluyan ng naramdaman ang mabasa niyang labi saakin. Hiningal agad ako sa halik na ginawa niya. Namumungay ang mga mata ko ay tumuwid ako ng tayo at tuluyan na nawala sa sarili. Hindi ko alam kung lasing ba ako, ako dahil lang sa halik niya.

Dito nga naputanayan kung gaano ako kabaliw sakanya. Kung paano niya na pawi lahat ng galit at pagtatampo ko sakanya kanina at ngayon. Isang halik niya lang ay nakalimutan ko na ang galit ko. In short, marupok ka, Licia.

"Gusto rin kita, Licia. I won't kissed someone I dont love."