webnovel

Chapter 10

Hindi na tumawag muli si Mama pagkatapos noong tawag niya. Ni hindi sila umuwi kagabi at tanging si Manang Ada at ibang kasambahay lang ang kasama ko. Sinunod ko rin ang gusto ni Mama na rito nalang muna ako matulog sa bahay ni Tito Jory. Hindi ko alam paano ako nakatulog kagabi. Siguro sa tindi ng pagod at kakaiyak kaya ako dinalaw rin ng antok.

Pagod at walang ganang nakikinig lang ako sa harapan ng klase kahit lumilipad naman ang isipan ko sakanya. Wala akong ibang inisip kung hindi si Enzo. Kung kamusta na kaya siya doon? Okay na ba siya? Nakakahinga na ba ito ng maayos? Ayaw naman kasi akong payagan ni Mama dumalaw doon. Gusto kong magalit at magwala kung bakit ayaw nila akong payagan. I just want to see him if he's really okay! Nag-alala lang talaga ako sakanya. Hindi ba pwede iyon?

Halos tinadtad ko ng text si Enzo kaninang umaga at umaasang magreply man lang ito saakin.

"Enzo, okay ka na ba?"

"Sana sinabi mo saakin na nahihirapan ka na pala."

"Please, text me kung okay ka na."

"Nag-alala ako."

"Please, tumawag ka naman, oh.."

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa nangayari sakanya. Paano pag walang nakakita sakanya? Paano pag inatake siya habang nagmamaneho? Damn it!

Malaking responsibilidad ang ginampanan niya sa companya ni Tita jory at Tito Benz, tapos ako nakidagdag pa sa trabaho niya.

"Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay, a?" Tanong agad ni Alessa saakin nang matapos na ang klase.

"I'm fine. Kulang lang sa tulog."

"Sus! Sumama ka saamin ngayon gumala para naman mawala iyang lungkot mo!" Si slyvannia.

Bumaling ako sa dalawa at umiling dito. Kung sasama ako, lilipad lang ang isip ko sa ibang bagay. Gustong-gusto ko na talagang makita si Enzo.

Mababaliw ako kung walang balita parin ang natanggap ko. Ni hindi na nagreply saakin si Mama. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari.

Mabilis na niligpit ko ang gamit ko at mabilis na nilingon ang dalawa. Bahala na kung papagalitan ako. Gusto ko lang talaga siyang makita ngayon.

"May pupuntahan pa ako. Mauna na ako sainyo. Bukas nalang!" Sabi ko at nagmamadaling niligpit na ang gamit.

"Hoy, Licia! Sandali!" Tawag ng kaibigan ko saakin pero hindi na ako lumingon pa at halos tinakbo na ang paglalakad ko.

Pagkalabas kos mismo ng gate ay muntik ko ng mabitawan ang dala kong bag kung sino ang nakita ko sa tapat.

Nakahilig sa pintuan ng kotse at mukhang may malalim na iniisip. Sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko may sakit na rin ako sa puso. He's getting everyone's attention without even trying. Pero hindi ko na iyon inintindi. Nangingilid ang mga luha kong pinanood ito sa malayo. Nagtama agad ang tingin namin. Seryoso lang ang mga mata niya. Kagat ang labi ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Hindi makapaniwalang andito siya..na andito siya sa tapat ko ngayon.

Hindi naman siguro ako nanaginip, hindi ba? Siya talaga itong nakikita ko. Paanong nakapunta siya rito? Magaling na ba siya? Okay na ba? Maayos na ba ang lahat?

Unti-unting humakbang ang mga paa ko at hindi na napigilan ay tinakbo ko na ang distansya namin. Halos mahulog na nga ang dala kong gamit.

"Enzo!" Mabilis na niyakap ko ito nang sobrang higpit. Takot na makawala ito sa hawak ko. Ni hindi pinansin ang iilang estudyanteng nakatingin saamin.

Tiningala ko siya at tiningnan ng mabuti.

"Ikaw ba talaga 'yan?"

Nakita kong umangat ang labi nito at ngumiti saakin nang kauna-unahan. Marahan na hinaplos ko ang panga niya para makompirmang hindi nga ako nababaliw at siya itong nakikita ko.

"You're real! You're real!" Lumabas na ang hikbi ko. "Pinag-alala mo ako! Magaling ka na ba? Paano ka nakapunta rito? Bakit hindi ka nagtext saakin? Sana hindi mo nalang ako sinundo rito! Kaya ko naman, e!" Sunod-sunod kong tanong.

Umigting ang kanyang panga na tumingin ito sa akin.

Kailan man ay hindi ako umiyak ng ganito sa harapan niya. Kahit pinaalis ko na ang mga luha ko, patuloy parin ang pagbumuhos nun. Sobrang sikip na talaga ng dibdib ko at kailanman hindi ko iyon naramdaman noon.

Umangat ang dalawang kamay ay pinunasan niya ang mga luha ko. Napasinghap ako doon sa ginawa niya.

"Sorry, pinag-alala pa kita."

Imbes na sagutin ito ay niyakap ko ito ulit. Ngayon, sobrang higpit na. Tahimik na yumuko ito at tinago ang mukha sa leeg ko. Nagulat pa ako roon. Halos nakiliti pa ako sa hininga niyang dumapo sa balat ko.

"Sobrang nag-alala ako, Enzo!" Sabi ko ulit.

Hindi ko akalain ganito katindi ang tuwa at saya ko na makita siya ngayon. Sobrang saya ko. Sobrang, sobra talaga!

Ayoko ng matakot nang ganito. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wala lang ang lahat ng ito, na maging normal lang ang lahat sakanya. Pero darating talaga iyong araw na kinatatakutan ko.

Ang dami kong gustong itanong sakanya pero umaapaw lang talaga ang saya ko at wala ng kahit salita ang gustong lumabas saakin. Nasa loob na kami ng kotse ngayon at nakangiting pinagmasdan ko pa rin ito. Hindi parin makapaniwala. Sinabi niya rin saakin na kakain muna kami bago uuwi. Syempre, pumayag agad ako!

Nang mag Redlight ito ay hininto niya kaagad ang kotse at mabilis na nilingon ako. Sigurado naman akong kanina niya pa napapansin ang paninitig ko sakanya.

"What is it, licia?"

Umupo ako nang maayos at nakangiti parin dito.

"Sobrang saya ko lang na nakita kita ngayon!" Kapansin-pansin ang tuwa sa tono ng boses ko. "Kagabi pa ako nag-alala sa'yo. Akala ko nga nakalimutan mo ng sunduin ako, eh!Iyon pala, dinala ka na sa hospital kahapon. Huwag mo na akong hinatayin bukas. Dadalhin ko na iyong kotse ni Mama. Ayokong maulit iyong nangyari sa'yo, Enzo. Ayokong mapagod ka dahil kakahintay saakin sa school." Dugtong ko at hindi maiwasang banggitin iyon.

Ngayon, nasa akin na ang buong atensyon niya. Pumikit ng mariin bago dumapo ang mga mata ulit saakin. Namumungay ang mga mta at nakita ang kalungkutan sa itsura.

"Are you blaming yourself, Licia?"

Napatingin ako sakanya at nagulat sa tanong nito. Hindi ko iyon tinatanggi. Talagang sinisisi ko ang sarili ko. Ni hindi ko na iniisip ang kalagayan niya. Lagi ko nalang iniisip ang sarili ko.

"Sorry, Enzo. Alam ko naman na naging pabigat na ako, eh."

Bago pa niya maibuka ang sariling bibig ay binalik niya ang sarili sa harapan at pinaandar muli ang kotse.

Nakita ko kung paano humigpit ang paghawak niya sa manibela. Seryosong nakatingin sa harap. Dahil nakatagilid ito, kita ko kung paano kumuyom ang kanyang panga at matalim na binalingan ang kalsada.

Pinagmasdan ko siya muli at tinuloy ang gusto pang sabihin.

"Gustong-gusto lang talaga kita, eh. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo. Ni hindi ko inisip ang kalagayan mo. Ang tanga-tanga ko!" Tumawa pa ako ng bahagya para maibsan ang sakit doon sa dibdib ko.

Kailanman ay hindi ako natakot o nasaktan ng ganito. Kahit sabihin niya man na wala akong kasalan, hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili. Sana pala nagpahinga nalang siya pagkatapos ng trabaho, Kesa naman sinusundo pa ako.

Huminto na kami sa tapat ng kilalang restaurant kaya ngayon, hinarap na ako nito muli. Andoon parin ang galit at iritasyon sa buong itsura niya. Ni hindi ko alam bakit ganito ang pinapakita niyang reaksyon, at kung saan siya mukhang nagalit. Wala naman akong maling sinabi. May mali ba akong sinabi? Mukhang wala naman, ah!

"Ako ang may gustong sunduin ka, Licia. You're not asking for it." Mariin na sabi nito. "At hindi ka pabigat saakin." Dugtong niya.

Napasinghap ako doon. Tuwing titig na titig siya saakin nang ganito, hindi ko maiwasang kabahan. Na para bang hirap na akong makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko. At si Enzo lang ang nakagagawa noon. Bata pa ako, ay ganoon parin ang nararamdaman ko, at hindi na iyon magbabago.

"Alam mo ba, kagabi, takot na takot ako, Enzo.." Amin ko at nagulat nang may luhang bumagsak sa pisngi ko.

Kumuyom muli ang panga niya at lumapit para punasan ang mga luha ko. Napasinghap ako sa biglaan niyang ginawa. Halos naramdaman ko na ang hininga nito sa pisngi ko. Yumuko ako at nilalaro ang sariling daliri. Hindi alam ano pang dapat sasabihin sakanya na kailangan niyang marinig.

Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita sa harapan ko.

"Kahit nahihirapan na ako, sinubukan kong maging malakas para sainyo at para saiyo, Licia."

Nagulat ako doon.

Mabilis na umangat ang mga mata ko sakanya at bahagyang umawang ang labi sa narinig. Hindi ako nakasagot doon at nanatali ang seryosong tinginan namin dalawa. Nangatog pa ang tuhod ka sa hindi malamang dahilan.

"Stop blaming yourself, Licia. Nahirapan lang akong makahinga, kahapon. At hindi mo iyon kasalanan. Kasalanan ko iyon dahil nakaligtaan kong inumin iyong gamot ko." Paliwanag nito.

Ano? Nakaligtaan?! Sa dami talagang maiwan, iyon pa ang nakalimutan niya!

"Huwag mo kasing kalimutan iyon, Enzo! Alam mo iyon 'yong nag.." Iritadong sabi ko at hindi na nadugtungan.

Kinagat ko ang labi ko at agad na umiwas ng tingin. Ilang sandali rin ay binalik ko iyon sakanya.

"Gagawin ko ang lahat hindi ka lang mawala. Mahal kita, Enzo!" Agap ko. Nanginginig pa ang labi ko na sinabi iyon. At mukhang nawawala pa kami sa topic. Bakit ba, Kanina ko pa gustong sabihin iyon sakanya!

Nakita ko ang gulat niya doon. Nakaawang ang labi at mukhang hindi makapaniwala na sasabihin ko iyon nang walang pagdadalawang isip. Sa bawat katotohan na sinabi ko sakanya ay gumagaan lagi ang pakiramdam ko. Alam ko kasing walang kasinungalingan lahat ang mga sinabi ko sakanya, lahat ng iyon totoo!

Akala ko may sasabihin siya pero laking gulat ko nang umayos ito ng upo at malamig na iniwas ang mukha saakin.

"Halika na at lumabas na tayo." Sabi nito bago binuksan ang pinto at umikot para pagbuksan ako.

Bumagsak ang balikat ko at malungkot na tumango rito. Iyon naman lagi, e. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko at laging iniiwasan iyon. Masakit iyon para saakin. Pero kahit ganun, masaya ako dahil matapang kong nasabi sakanya ang lahat nang walang takot.

Ayokong mag-isip ng negatibo pero sabi ni Mama, Hindi malalaman kung kailan mawawala si Enzo. Kaya para saakin, hangga't nakakasama ko siya, hindi ako matatakot na sabihin lahat ang nararamdaman ko. Kahit paulit-ulit niya akong tatalikuran. Kahit paulit-ulit niya nang naririnig iyon mula saakin.

Dahil sa nangyari, natuto na akong huwag nalang pilitin siyang mahalin ako. Basta ako, hindi ako mapapagod na mahalin siya. Mahal na Mahal ko si Enzo at handa kong gawin ang lahat para sakanya.