webnovel

제 3 화

"7am Wednesday"

"Pumasok sa kwarto ang Mama ni Hyun-Sik na si Mrs. Lee para gisingin ang dalawa sa pagkakatulog"

Mrs. Lee: Hyun-Sik, Seung-Ho magsibangon na kayo, 7 na ng umaga baka malate kayo sa school.

Seung-Ho: Hmmpfff! *Nag-inat* Goodmorning po.

Mrs. Lee: Nako mukhang may hang over pa kayo, nagluto ako ng Soup, kumain na kayo habang mainit pa, pinagtimpla ko na din kayo ng kape.

Seung-Ho: Sige po, salamat po Mrs. Lee.

"Umalis na ng kwarto si Mrs. Lee at pumasok na sa kanyang mga gawain sa Mansion"

Seung-Ho: Hyun-Sik huy! Gising na tulog mantika! Hahaha!

"Sinipa palayo ni Hyun-Sik si Seung-Ho sa kama at ginantihan naman ni Seung-Ho ng pagpalo ng unan kay Hyun-Sik para magising ito"

Hyun-Sik: Ano ba! Arghhh! Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog!

Seung-Ho: Haha aba baka nagkakalimutan tayo! Ililibre mo ako mamaya ng Lunch kasi ikaw unang tumumba sa inuman natin kagabi haha!

Hyun-Sik: Hindi ako na unang na tulog! Ikaw kaya! Daya nito!

Seung-Ho: Anong hindi ka unang tumumba sa inuman kagabi? Haha oh ito tignan mo!

"Pinakita ni Seung-Ho ang pictures nya sa Phone nya na mahimbing na tutulog sa lamesa si Hyun-Sik"

Hyun-Sik: Tang ina nito! Akin na nga yang Phone mo, burahin mo yang pictures! Ang panget ko dyan hoy!

Seung-Ho: Bleehh!!! Haha may ebidensya ako haha bawal burahin hahaha~!!! Oh basta ah! Kaw taya sa Lunch natin mamaya.

Hyun-Sik: Oo na oo na! Aish!

"Sabay na nagalmusal ang dalawa, at pagkatapos nilang kumain ay nag paalam na muna si Seung-Ho na mag aayos na sya dun sa kwarto nya, kaya mag-isa sa Bahay si Hyun-Sik"

"Hyun-Sik POV"

"Tumunog ang Phone ni Hyun-Sik dahil may tumatawag"

"Ara is Calling!! Ring!!"

Hyun-Sik: Eh? Si Ara? Ano naman kaya meron....

Hyun-Sik: Hello Ara?

Ara: Hello Hyun-Sik! Goodmorning! See you both ni Seung-Ho mamaya sa class ah!?

Hyun-Sik: Ahh sige, see you later din.

Ara: Ano ba number ni Seung-Ho? Pwede makahingi?

Hyun-Sik: Hindi pwede eh, tsaka hindi ko din alam kung papayag sya hingin phone number nya, sensya na.

Ara: Ahh ganun ba sige sige hehe, oh basta ah kita nalang mamaya, bye!

"Binaba na ni Ara ang Phone call nya kay Hyun-Sik"

Hyun-Sik: Hmmm? Ano naman kaya sadya nya, at bakit gusto nya hingin phone number ni Seung-Ho?

"Nag ring ulit ang Phone ni Hyun-Sik"

"Seung-Ho is Calling! Ring!"

Hyun-Sik: Ahh hello! Oh ano nakaayos kana dyan?

Seung-Ho: Kanina pa, haha nasa parking na ako, kaw nalang inaantay namin ni Manong Driver dito!

Hyun-Sik: Sige papunta na ako dyan.

"End Call"

------

"In School"

Manong Driver: Master Go nandito na po tayo.

Seung-Ho: Ahh sige, salamat Manong.

Manong Driver: Balik nalang po ako dito after nyo sa school Master Go.

Seung-Ho: May pupuntahan kami mamaya ni Hyun-Sik, kaya asahan ka namin mamaya Manong.

Manong Diver: Sige po, mauna na po ako.

"Naglakad na papasok sa Entrance Hallway ang dalawa ng makasalubong nila si Ara"

Ara: Hello goodmorning sa inyong dalawa!

Hyun-Sik: Aba aba! Ano na kain mo bakit ganyan ka ata kasigla?

Ara: Wow! Hindi ba pwede good lang talaga ang umaga ko?

Seung-Ho: Haha pagpasensyahan mo na muna itong si Hyun-Sik, bitin pa kasi tulog nyan hahaha

Ara: Kita ko naman hehe halata sa mukha nya ay wait sa inyong dalawa na parang? Hindi ata kayo ok? Haha nakatulog ba kayong dalawa?

Hyun-Sik: Hang over lang, pano itong si Seung-Ho nag aya mag-inom after bg review namin kagabi.

Seung-Ho: Minsan lang naman ako mag-aya haha.

Ara: Ang sweet nyong dalawa noh? Haha

Hyun-Sik: Haha anong sweet, ano parang mag karelasyon? Haha imposible! Haha

Seung-Ho: Haha imposible talaga haha, magbest friend kami noh haha!

Ara: Eh bakit na mumula mukha mo Seung-Ho? Huy! Haha

Seung-Ho: Baliw! Natural lang na mumula mukha ko dahil na sikatan ako ng araw kanina sa labas, masyadong malisyoso eh?

Ara: Ok sorry na po hahaha!

Hyun-Sik: Daldalan pa kayo dyan, pasok na tayo sa classroom oh! Nandyan na si Sir.

"Nagsipasok na sila sa classroom at na upo na sila sa sarili nilang mga upuan"

Teacher: Ok class for our topic today is physical activity.

Student 1: Anong physical activity yang gagawin namin Sir?

Student 2: Oo nga po Sir.

Teacher: Kayo ay magsasayaw ng Sweet Dance, at humanap na kayo ng kaparehas nyo para sa sweet dance, dahil mamaya sa Gymnasium ay mag papractice ang lahat para sa magaganap na School Prom Ball night natin Next month.

Student 3: Ay ano ba yan, ang korni!

Student 4: Tayo nalang mag partner Jun!

----

Hyun-Sik: Lagot, hindi ako marunong sumayaw ng ganyan haha kaw ba Seung-Ho marunong?

Seung-Ho: Marunong naman, haha pero teka sino ba partner natin?

Hyun-Sik: Ewan haha hanap nalang tayo sa mga girls.

"Nag pukpok sa Block Board ang Teacher"

Teacher: Silence class~! Para maging fair and square sa partnering, gagawa tayo ng palabunutan. Lahat kayo, isulat ang mga pangalan nyo sa isang papel at ilagay dito sa Box na ito lahat ng papel.

Ara: Hala! Sana Sir mabunot nyo sa akin si Seung-Ho! Haha

"Nag Ayiehhh at kinilig ang lahat ng mga classmates nila kay Ara at Seung-Ho"

Seung-Ho: Haha asa ka naman, eh Random yan haha

----

"After 5 minutes, lahat sila ay nilagay na ang mga papel na mag nakalagay na pangalan nila sa box"

Teacher: Oh sige dahil lahat kayo ay kapag hulog na dito sa Box, umpisahan na natin ang bunutan.

Student 5: Excited na kami Sir!

Teacher: Oh ito na unang bubunutin ko, hmmmm.....

"Binunot ni Teacher ang isang papel at binasa ito sa lahat"

Teacher: Ang na bunot ko ay si... Jung Ara!

Ara: Hala Sir~! Bakit ako ang una!

Teacher: Kinalog ko naman kaya wala tayo magagawa Ms. Jung.

Ara: Hmmpf!

Teacher: Ok ito na ang makakapartner ni Ms. Jung ay si... Park Hyun-Jeong

Hyun-Jeong: Ayun oh! Nice!

Student 6: Nice Pare haha!

Ara: Ahhhhhh!! No! No! No! I want Seung-Ho as my partner!

"Lumipas ang ilang minuto ng bunutan, at dumukot ulit si Teacher ng Papel"

Teacher: Oo nga pala Class, sa Attendance list natin ay sobra ng dalawa sa Boys, kaya may posibilidad na may magkapartner na Lalake sa Sweet Dance ok?

"Nagtawanan ang lahat dahil hindi nila ineexpect ang sinabi ni Teacher"

Teacher: Ito naka bunot na ako, uhmmmm..... Si Go Seung-Ho!

Hyun-Sik: Haha nice Seung-Ho na bunot kana hahahaha sino kaya kapartner mo?

Seung-Ho: Shhh! Tahimik, hindi ko marinig sasabihin sino partner ko.

Teacher: Ok ito na ang susunod na bubunutin ko na magiging partner ni Mr. Go..

*Inalog ng paulit ulit ni Teacher ang Box"

Teacher: Ito na, ang kapartner ni Seung-Ho ay si..... LEE HYUN-SIK!

"Parehas na gulat si Hyun-Sik at Seung-Ho sa sinabi ni Teacher sa na bunot nya, at lahat ng mga classmates nya ay may kinilig, may nagkatsawan, at may nag tawanan"

Seung-Ho: Hala Sir! Bakit kaming dalawa pa ni Hyun-Sik!

Hyun-Sik: Oo nga Sir! Gusto namin babae partner namin!

Teacher: Hindi ko na pwede ibahin ang na bunot ko, umupo na kayo, ok next na bubunutin ko ay si....

"Biglang napakamot ulo nalang ang dalawa dahil na hihiya silang pareho sa nangyari"

Ara: Nakakainggit ka naman Hyun-Sik, partner mo si Seung-Ho!

Hyun-Sik: Ay ewan! Parang ayoko sumayaw sa tuloy sa ganyan.

Seung-Ho: Same haist!

----

"Lumipas pa ang 15 minutes at na tapos na ang bunutan"

Teacher: Ok class, our Sweet dance participation ay may grades kaya siguraduhin nyong seseryosohin nyo ang physical activity na ito.

----

Hyun-Sik: So pano yan Seung-Ho, sino Babae sa atin sa Sweet Dance?

Seung-Ho: Malay ko, hindi ko alam, Aish! Nakakainis naman!

Hyun-Sik: Para sa grades din yun haha! Ano pustahan ulit?

Seung-Ho: Ako talaga hinahamon mo na naman? Hahaha talo ka nga sa akin sa inuman kagabi eh haha!

Hyun-Sik: Syempre hindi sa inuman, aminado naman akong talo ako dun haha.

Seung-Ho: Oh sige mag-isip ka nga ng pagpupustahan natin?

Ara: Pwede makisingit sa usapan? Haha by the way may suggestion ako sa pustahan nyong dalawa haha.

Seung-Ho and Hyun-Sik: Ano?

Ara: Pabilisan makaubos ng isang malaking bowl ng Jajangmyeon!

Hyun-Sik: Haha easy lang sa akin yan haha.

Seung-Ho: Baka? Haha easy lang din sa akin yan hahaha!

Hyun-Sik: Ano within 10 minutes dapat ubos na large bowl ng Jajangmyeon?

Seung-Ho: Sige ba haha! Talo ka naman di panigurado hahaha!

------

"4pm at oras na ng uwian ng mga Students sa School"

Seung-Ho: Manong Driver dun na pala diresto sa bahay, magpapadeliver nalang kami ng makakain namin mamaya ni Hyun-Sik.

Manong Driver: Sige po masusunod Master Go.

----

Hyun-Sik: Nakakapagod ang araw na ito noh, mas prefer ko talaga mag-aral lang at mag work out.

Seung-Ho: Yeah na kakapagod nga, ay Oo nga pala, may get together kami ng mga classmates ko sa dati kong school next week pagkatapos ng exam natin, gusto mo sama kita? Para makilala mo sila?

Hyun-Sik: May iba akong plano after ng exam eh, kayo nalang, salamat sa pag imbita.

Seung-Ho: Hmmm? Ok sinabi mo eh, basta kapag nag iba isip mo eh tawagan mo nalang ako.

----

"Nakauwi na ang dalawa sa Mansion, dumiretso muna si Seung-Ho papunta sa kwarto nya at dumiretso na din si Hyun-Sik sa bahay nila, at makalipas ng 30 minutes ay bumaba na sa kwarto nya si Seung-Ho at pumuna na sa bahay nila Hyun-Sik para antayin ang delivery ng Jajangmyeon na inorder nila noong nasa byahe pa sila pauwi"

"May dumating na text messege kay Seung-Ho"

Seung-Ho: Ahh nandyan na yung Jajangmyeon hahaha! Samahan mo ako sa gate Huy!

Hyun-Sik: Nice haha na gugutom na ako!

"Pumunta sila sa Gate ng Mansion para kitain ang nagdidiliver at kunin ang Jajangmyeon nila"

Delivery Man: Magandang Hapon sir, ito na po yung dalawang large Jajangmyeon nyo po, tsaka yung inorder nyo din pong side dish na cucumber kimchi at fermented na labanos.

Seung-Ho: Ah sige po salamat, magkano po ba ito lahat?

Delivery Man: 23,000 Won po lahat.

Seung-Ho: Ah sige ito manong salamat.

"Umalis na ang nagdedeliver at yung dalawa ay hindi mawala ang excitement sa mukha nila at sila ay pumunta na sa bahay ni Hyun-Sik para doon na buksan ang deliver na pagkain. "

Hyun-Sik: Ughhhhh! Ang laki pala sobra ng Large Jajangmyeon nila haha tamang tama sa akin ito haha!

Seung-Ho: Haha so ano game? Ang hindi makaubos within 10 minutes eh sya magiging babae sa atin doon sa sweet dance?

Hyun-Sik: Game! Haha Oh ito na phone ko, naka ready na yung timer.

Seung-Ho and Hyun-Sik: 3, 2, 1, start!

"At nagumpisa na nga ang paligsahan nung dalawa sa pagubos ng jajangmyeon, at makalipas ang 10 minuto ay ito ang nangyari."

Seung-Ho: Ang daya nito! Bakit panay lunok ka lang, kainis!

Hyun-Sik: Well! Talo ka haha, so ikaw babae sa atin sa sweet dance hahaha!

Seung-Ho: Aish! Oo na oo na! Kainis!

Hyun-Sik: Wag na tampo, haha pero salamat sa early dinner haha sarap sobra haha nakakamiss kumain ng jajangmyeon sa labas.

Seung-Ho: Oo nga eh haha, pero grabe ka talaga kumain, kahit nag wowork out ka pero ganyan parin katawan mo.

Hyun-Sik: Syempre maganda talaga kumain para may energy para sa work out haha madali lang naman ma-burn out lahat yan.

Seung-Ho: So pano yan? Kelan practice natin sa Sweet Dance?

Hyun-Sik: Bukas daw, haha gusto mo umpisahan natin ngayon? May mga kanta ako dito na pwedeng isalang pang sweet dance.

Seung-Ho: Hah! Gago bakit ngayon uumpisahan eh baka may makakita sa atin haha!

Hyun-Sik: Wala yan haha, si Mama nandun pa naman sa kusina nyo eh.

"Biglang tumayo si Hyun-Sik at inabot nya ang kamay nya kay Seung-Ho na pag anyaya nya na umpisahan na ang pagsasayaw nila.

Inabot ni Seung-Ho ang kamay ng kanyang kaibigan at parehas na silang magkaharapan ngayon at hindi alam ang gagawin, pero si Seung-Ho ay kinakabahan dahil magkahawak kamay sila ni Hyun-Sik at kumakabog na naman ang dibdib nito dahil sa na raramdaman na naman nya ulit yung pakiramdam na gusto nya na hindi nya maintindihan"

Hyun-Sik: Aahhh.. Ano.. Ganito, hahawakan kita sa bewang mo, at ipatong mo sa baliktat ko yung right hand mo, tapos yung left hand mo at right hand ko eh ganito holding hands tayo.

Seung-Ho: Oh tapos? Ano sunod?

Hyun-Sik: Kailangan focus lang tayo sa mukha natin, dapat may eye to eye contact tayo habang nagsasayaw, basta damhin yung kanta.

Seung-Ho: Ahh ok sige..

"Habang patuloy silang nagsasayaw, hindi namamalayan ni Seung-Ho na namumula na ang kanyang mga mukha dahil nakatitig sa kanya si Hyun-Sik.

Napaka init ng pagtingin ni Hyun-Sik kay Seung-Ho.

Feeling ni Seung-Ho ay na lalasing sya sa pagtingin ni Hyun-Sik sa kanya.

Biglang hinila ni Hyun-Sik papalapit sa kanya ang katawan ni Seung-Ho, at halos magkadikit na ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit na nila sa isat isa.

Ramdam na ramdam ng dalawa ang init ng kanilang mga hininga, at si Seung-Ho pinagpapawisan na ng todo dahil sa nangyayari sa kanila."

Hyun-Sik: Yan ganito dapat, yan ang eye contact Seung-Ho, tumitig ka lang sa akin, at ako na bahala magdala sayo sa sayaw.

Seung-Ho: Ahh. Aahh.. Ok sige ehh?

Hyun-Sik: Na aamoy mo ba ang mga labi ko? Gusto mo ba?

Seung-Ho: Ahh? Oo gustong gusto ko ang mga amoy ng labi mo..

"Aksidenteng na tapakan ni Seung-Ho ang mga paaa ni Hyun-Sik at sabay silang na gising sa mainit na temptation habang nagsasayaw sila."

Hyun-Sik: Aray! Aray ko! Tang ina naman oh! Sabi ko focus! Bakit mo naman tinatapakan mga paa ko!

Seung-Ho: Ay sorry naman, hindi ko kasi makita mga paa ko eh, malay ko bang matatapakan ko mga paa mo.

Hyun-Sik: Aish! Stop muna ng practice, magkaka-sprain pa ata ako sa pagkakatapak mo sa paa ko, arghh!

Seung-Ho: Hindi yan! Kaw pa lakas mo eh! Sandali kuha lang ako ng maligamgam na tubig na may towel.

"Pagkakuha ng maligamgam na tubig na may towel.

Pinigaan ni Seung-Ho ang towel at idadampi palang nya sa paa ni Hyun-Sik pero sa hindi inaasahan nagkasalubong ang kanilang mga kamay at nagkatitigan na naman sila nito."

Hyun-Sik: Ako na gagawa, umupo ka nalang dyan.

Seung-Ho: Hindi pwede! Ako nakatapak sayo eh, tignan mo oh, na mumula mga paa mo.

Hyun-Sik: Ok lang mga Paa ko namumula kesa naman sa mukha mo. *whispering*

Seung-Ho: Hah?! Ano sinabi mo?!

Hyun-Sik: Wala! Ang sabi ko panget mo pala kapag tinititigan hahahaha!

Seung-Ho: Wow nagsalita yung magandang lalake sa atin hahahaha!

"Nagpaalam na muna si Seung-Ho kay Hyun-Sik na may pupuntahan sya kaya umalis na sya sa Mansion.

Habang naglalakad sya ay na kita nya si Ara sa Bus Station na nakaupo.

Dahil sa nagiba ang isip ni Ara, hindi na sya sumakay ng bus at sya ay naglakad nalang pauwi sa kanilang bahay.

Hindi alam ni Ara na sinusundan sya ni Seung-Ho, at may dumating na text sa phone ni Ara at ito ay kanyang binasa."

"From Seung-Ho: Nandito ako, nasa likod mo."

"Napalingon si Ara sa likod nya, at na kita nya si Seung-Ho na nakangiti sa kanya."

"Continuation of the story scene in Episode 10 "You Can't Own My Heart" as flashback scene."

"BAKIT GANITO? HABANG TUMATAGAL ITONG NARARAMDAMAN KO MAS NA GUGUSTUHAN KO MARAMDAMAN ULIT ITO?

HINDI KO NA MAINTINDIHAN SARILI KO, ANG ALAM KO LANG MASARAP SA PAKIRAMDAM ANG NARARAMDAMAN KO SA KAIBIGAN KO.

PERO HINDI TAMA ITONG NARARAMDAMAN KO.

ANO NGA BA NARARAMDAMAN KO PARA KAY HYUN-SIK?

-SEUNG-HO"

"PERO MAS SUSUBUKIN ANG PUSO NI SEUNG-HO DAHIL NA GUGULUHAN SYA SA TALAGANG NARARAMDAMAN NYA KAY HYUN-SIK, AT MAHAHATI ANG KANYANG PUSO DAHIL NA GUGUSTUHAN DIN NYA SI ARA."

"More Revelations in Episode 10 as Flashbacks in Ara's POV."

End of Episode 3