webnovel

Prologue

Prologue

Nandito ako sa labas ng gate sa school namin. Kanina pa ako nagmamadali dahil nagsimula na ang klase namin. Nagkukumpulan ang mga babae dito at hindi ko alam kung anong dahilan kaya hindi ako makapasok agad.

Nandito din pala si Lien----ang bestfriend ko. Pareho kaming na stock dito.

"Ang hot talaga ni Jacob!" sigaw ng babae na tinutukoy si jacob--isa sa mga hearthrob dito sa university namin.

"Dali Rehn! Magpa-fansign ka na!" Sigaw naman ng babaeng nasa harapan ko. Kaya pala nagkukumpulan ang mga babae dito dahil nagpa-fansign na naman si jacob! Tsk!

Hindi ko naman pinagpapantansiyahan si Jacob kaya wala ring dahilan para pumila ako at makisali sa mga babae na nagtutulukan! Maliban nalang kung si David! Si David talaga ang ultimate crush ko! Barkada niya din si Jacob at 'yung isa na si brint----ang silent type.

Maraming naghahabol sa kanya na mga babae pero ni isa sa kanila ay ayaw niyang pansinin. Pati mga teacher dito ay ayaw din niyang tapunan ng tingin maliban nalang kung gusto niyang sumagot. May pagka-mysterious kasi siya!

Back to reality!

Kailan pa kaya to matatapos at nang makapasok na kami?

Kung dumaan nalang kaya kami sa back gate? Tama!

"Dali bes! Alam ko na kung saan tayo dadaan!" Nagagalak na sabi ko at hinatak siya.

"WaaaaAhhh!" Sigaw ng mga babae pero hindi ko pinansin...

Hatak hatak ko parin si bes papuntang back gate. Nang makapasok kami, agad nag-iba ang aura ng mga estudyante. Lahat sila ay nakatingin sa amin at ang iba naman ay panay ang bulungan!

Anong problema niyo? Hindi ba kami pwedeng dumaan sa back gate?

Bahala nga kayo diyan! Binilisan ko pa ang takbo ko habang hatak-hatak parin si bes! Himala! Hindi nagreklamo to?

"Tumigil----" sabi niya

"No! Hindi tayo dapat tumigil! Malapit na tayo sa classroom oh!" Sabi ko at itinuro ang classroom namin na ilang hakbang nalang ay mararating na namin.

Hayy! Sa wakas! Nandito na kami sa classroom! Ngunit nalaglag ang panga ko..

Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa gulat. Lahat ng mga kaklase ko dito ay nakatingin sa amin Pati din si teacher na tumigil sa pagdidiscuss.

"Bes?Anong problema? K-kanina pa tayo p-pinagtitinginan." nauutal na sabi ko.

"David Ownn Enriquez. It's a miracle na nagpahatak ka kay Miss Isabelle. Pati nga ako ay ayaw mong pansinin. It's a legend na pumayag ka na hatakin ka ni miss Isabelle?" Di makapaniwalang saad ng teacher namin.

Nanlamig ako sa sinabi ng prof namin. Si David pala tong hatak-hatak ko at hindi 'yung bestfriend ko! Kaya pala ang mga estudyante kanina ay panay irap sa amin! I mean sa akin lang pala.

Myghaddddd!!! Lupa! Plss bumuka ka at kainin mo ako! Sobrang nakakahihiya to! Bakit hindi ba ako tumitingin kung sino ang hinahatak ko?

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko at nakita ko si David na nakatingin din sa akin. Bigla siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis!

ahhhhhhhhhh!!!!!

Kung pwede lang sumigaw dito kanina pa ako sumigaw dahil sa kilig!

"I like her! Thats it! So bakit ako hindi papayag na magpahatak sa kanya kung siya naman ang nagsabi na di dapat kami tumigil. She is my princess kaya kung anong gusto niya, gagawin ko rin. So pwede na ba kaming umupo at makinig Ma'am Saladoza? And by the way isabelle...im you're secret admirer...." Sabi niya at umupo sa upuan niya habang kaming lahat ay naiwang tulala at nakanganga.

Siya pala yun! Ang taong parating nagpapadala sa akin ng love letters at nilalagyan lang sa ibaba ng "your secret admirer!"

Is this true??? My secret admirer is my Ultimate crush!

Plagiarism is crime

Disclaimer : this is a work fiction . The names events, places, business, character and incident are all authors Imagination .

@ALL RIGHT RESERVED...2019 golden_shimmer

*Just comment and vote. Thank you<3*

Pls support my story. i hope you like it. te amo

samtrishgozon18creators' thoughts