32 TBAB: 30

Now playing: Alam Ko - John Roa

Violet POV

"Wow! I hope that you will say good news because you are the one who initiated the call." Nahihimigan ko ang masigla at excitement na boses ng aking ina mula sa kabilang linya.

Napakamot ako sa aking batok habang may malawak din na ngiti sa aking labi. Medyo nahihiya man ako pero this time, alam kong seryoso na ako sa gagawin ko. At alam ko rin gagawin ko ito para sa amin ni Nicole.

"About the position, you are offering me in the company." Sagot ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at halatang hinihintay lamang ang susunod kong sasabihin.

"Gusto ko lang sanang itanong kung kailan ako pwedeng magsimula? I-I mean, syempre hindi ako papayag na hindi ko 'yun paghihirapan. Ayoko naman na ibigay ninyo sa akin ang posisyon nang ganun-ganun lang." Paliwanag ko pa.

May ilang segundo itong hindi nakapagsalita ngunit naririnig ko ang mahinang hagikhik niya mula sa kabilang linya.

"Ma!" Saway ko sa kanya. "Please, don't laugh at me!" Napapatirik ang mga mata na dagdag ko pa.

"What?! I am not!" Pagtatanggi pa nito bago napatikhim. "May I know what made you change your mind? Or should I say, WHO?" Dagdag na panunukso pa niya.

Muli akong napairap nang may ngiti sa aking labi kahit na hindi naman n'ya nakikita.

"Is she there with you?" Dagdag na tanong pa niya. "Wala ka na kasi yatang balak na umuwi pa eh."

"Ma! Please, don't say that if Nana Erica is in front of you. Baka mamaya umiyak na naman 'yan at isiping mag-aasawa na ako."

Yes! The last time kasi na hindi ako umuwi ng apat na araw dahil nag-out of town kami ni Katie ay wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak at ang magpabebe sa akin dahil iniisip niyang mag-aasawa na ako.

Narinig kong napatawa si Mama Pearl mula sa kabilang linya. Iyong tawa na malutong.

"Too late, naririnig ka niya dahil naka-loudspeaker ang phone." Sagot nito bago muling napatawa. Kaya naman napatawa na lamang din ako nang tuluyan.

Noon naman napasulyap ako sa babaeng nakaupo sa may sala ng kwarto habang tumatawa-tawa ring nanonood sa akin.

"Oh siya, I'm a bit busy today, report to me when you get back. Okay?"

"Alright, ma'am!"

"And please say hi for me to Nicole." Dagdag at pahabol pa niya bago tuluyang ibinaba na ang tawag.

Pagkatapos noon ay malawak ang ngiti na nagbaling ako ng tingin kay Nicole. Habang ito naman ay napapataas baba ng kanyang kilay na humahakbang palapit sa akin. Lalapitan ko na rin sana ito nang biglang muling tumunog ang cellphone ko.

Nagtataka naman ang mga mata na muling napatingin ako sa screen nito.

It's Katie.

Sa messenger siya tumatawag and she wants a video call. Awtomatikong napalunok ako ng mariin bago napasulyap kay Nicole na mayroon ding pagtataka sa kanyang mga mata. Napatikhim ako bago tuluyang sinagot ang tawag.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya.

"Where are you?" Bungad na tanong nito sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Ayaw ko na kasing magsinungaling sa kanya.

"I'm with Nicole." Diretsahang sagot ko sa kanya at pag-amin. "I'm sorry, Katie. Sinubukan ko naman eh. P-Pero kasi---"

"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad, V." Putol nito sa akin bago ako binigyan ng isang ngiti. "Wala naman na akong magagawa pa kung hindi na ako ang gusto mo, 'di ba? Kahit pa magalit ako, wala rin namang magagawa. Hindi na mababago no'n o maibabalik pa ang dati mong nararamdaman para sa akin." Pagpapatuloy niya habang naginginig ang boses.

"Katie..." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa mga sandaling ito alam kong nasasaktan ko na naman siya. Napailing ito.

"You know what? It's okay, it's alright. Hmm? You have nothing to apologize for. I get it!" Saad nitong muli sa malungkot na tono at may halong disappointment.

"Awww! Napaka-sweet naman talaga nitong si Katie." Bigla na lamang nanayo ang mga balahibo sa batok ko noong sandaling may marinig akong pamilyar na boses mula sa kabilang linya. "I wonder kung bakit mas pinili mo siyang ipagpalit kaysa ang panindigan. Bad, Violet. Bad!" Parang bata na dagdag pa nito.

Pagkatapos noon ay may basta na lamang may sumulpot na mukha ng isang babae sa tabi ni Katie.

Napalunok ako ng mariin, kasabay ang mabilis at malakas na kabog sa aking dibdib. Dahil iyong babaeng kasama niya ay hindi lamang pamilyar sa akin, kung hindi kilalang-kilala ko na.

Si Aisha. Ang dati naming kaklase noong nasa college pa lamang kami. Iyong babaeng baliw na baliw sa akin.

"Hey, V. Long time no see." Pagkatapos ay napangisi ito.

Pero muli akong nagbaling ng tingin kay Katie. Noon ko lamang napansin ang maliit na sugat sa may gilid ng kanyang labi, sa may noo niya at pati na rin ang ilang pasa sa may braso niya.

Agad din na napansin ni Nicole ang pagiging balisa ko at hindi mapakali. Alam ko kasi kung paano maglaro si Aisha. Akala ko hindi na siya babalik pa, pero bakit nandito siyang muli sa Pilipinas? Anong kailangan niya?

"F*ck you!" Hindi ko napigilang sabihin kay Aisha. "What did you do to her?!" Dagdag na tanong ko pa.

"Hmmm." Kunwaring napaisip ito. "Chill! Wala pa naman akong ginagawa, pero kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin, baka... baka lang naman may magawa na ako sa kanya." At pagkatapos noon ay isang impit na sigaw ang maririnig mula kay Katie dahil biglang hinila ni Aisha ang kanyang mukha.

Kitang-kita ko kung paano isa-isang nagsimulang maglalagan ang mga luha ni Katie mula sa kanyang mga mata.

"Now, tell me." Biglang sumeryoso iyong mukha ni Aisha. "Where's Nicole?" Tanong nito. "In order for me not to hurt Katie, you have to surrender Nicole. Kailangan ko siyang ibalik sa boyfriend niya eh." Pagpapatuloy niya.

Napasulyap ako kay Nicole na ngayon ay parang may ideya na sa kung anong nangyayari. Atsaka muli kong ibinalik ang aking mga mata kay Katie.

Napailing ito sa akin. "Wag mong isu-surrender si Nicole, V. 'Wag mo siyang ibibigay kahit na anong mangyari. Because she only wants you." Pagbibigay ng babala sa akin ni Katie. "It's okay. I will be fine--- ah huh ah huh!" Napaubo na lamang bigla si Katie dahil bigla siyang sinikmuraan ni Aisha.

"Ang daldal mo!" Pilosopong sabi ni Aisha kay Katie.

"No! Please, Aisha don't hurt her!" Nagtataas na ako ng boses. Dahil doon ay mabilis na nilapitan ako ni Nicole at walang sabi na hinablot mula sa akin ang cellphone at agad na pinatay ang tawag.

"WHAT ARE YOU DOING?!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw dahil sa ginawa niya.

"Hindi nila pwedeng malaman kung nasaan ka, V." Kalmado ang boses na sabi nito sa akin ngunit makikita sa kanyang mukha na seryopso siya. "It's alright. Everything is under control. Nothing bad will happen to Katie, I promise you." Pagbibigay nito ng assurance.

Napailing ako.

"No! Hindi mo kilala si Aisha. She can destroy life if she wants to. Kung ako ang kailangan n'ya, ibibigay ko ang sarili ko pero hindi kayo ni Katie." Naguguluhan nang sabi ko sa kanya dahil wala na akong ibang choice.

Mabilis na hinawakan ako nito sa magkabilaan kong mukha para kalmahin.

"Hey, I got you. Hindi rin naman ako makapapayag na may mangyaring masama sa'yo. Let me protect you, V." Pagpapakalma nito sa akin.

Napakagat ako sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso dahil sa magkahalong kaba at takot para kay Katie sa mga sandaling ito.

"H-How?" Tanong ko sa kanya.

May ilang segundo itong natahimik. At noong sandaling magsasalita na sana siya ay tsaka naman may ideyang biglang pumasok sa aking isipan. Kung ano ang ibig niyang sabihin.

Mabilis na napabitiw ako sa paghawak sa kanya at lumayo ng dalawang hakbang papalayo habang napapailing, kasabay ang pagpatak ng aking mga luha.

"You knew this was going to happen, right? Kaya mo ako dinala rito? Sa malayo at liblib na lugar na ito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya noong bigla kong mapagtanto ang mga nangyayari.

"Violet I just want---"

"Because this is one of your plans, right?" Putol ko sa kanya at dagdag na tanong ko pa. "Na-meet mo na si Aisha noon pa. Alam mo na kung ano ang pwede niyang gawin. Alam mong magsasabwatan sila ni Chase--- fuck!" Napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok dahil sa hindi makapaniwalang naglihim sa akin si Nicole.

"You know they can use Katie against me. At itong desisyon at plano mo ay pwedeng ikapahamak ni Katie, pero tinuloy mo pa rin?!"

"Yes, Violet. I would do everything just to protect you!" Biglang sabi nito sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. "And I will make sure that even the tip of their finger, they cannot touch you. So, I want you to trust me. Pagkatiwalaan mo akong walang mangyayaring masama kay Katie." Dagdag pa niya bago ako tinalikuran.

Nicole POV

Iyakin lang ako pero hindi ako bulag at tanga sa mga nangyayari sa paligid ko.

Hindi ako magiging anak ng isang Breeze Sullivan para lang sa wala. Hindi ako pinalaking inutil at mahina. I can be dumb sometimes, but I know what I can do for my loved ones just to protect them.

Alam ko, na ang malaking pagbabago ni Chase ay mayroong dahilan. Iyon ay dahil may isang tao na nag-ti-trigger sa kanya na maging ganoon ang ugali niya. At 'yun ay walang iba kung hindi si Aisha.

She manipulated Chase. She blackmailed him. She used Chase's weakness, which is his love for me, just to get what she wanted. Chase was lied to and fed a lot of things that didn't make sense kaya siya naging gano'n.

I can't blame him. Too much love can drag you down nga talaga.

Wala akong ibang maaasahan sa bagay na ito kung hindi si Skyler lang. With the help of her knowledge and skills, I found out that Aisha was a former classmate of Violet and Katie when they were in college.

Matagal nang may pagtingin si Aisha kay Violet. Actually, she's madly obsessed with Violet. Pero dahil kaibigan at kaklase lang ang turing ni Violet sa kanya kaya hindi siya nito napapansin. At lalong na-trigger ang obssession nito noong sandaling maging official na sina Violet at Katie.

Noon pa man, madalas na niyang pagbantaan si Katie. Muntikan na niya itong ihulog mula sa ika-tatlumpung palapag ng gusali. Muntikan na niya rin itong sagasahan. At ang panghuli ay nilunod niya ito sa pool habang walang ibang tao, mabuti na lamang at nakita sila ng guard.

Kaya naging dahilan iyon para mapatalsik si Aisha sa eskwelahan na kanilang pinapasukan. Iyon din ang naging dahilan kaya mas pinili niyang mangibang bansa na lamang para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

But now, she's back again to cause trouble and take the person who never belonged to her.

What a shame.

Too bad for her dahil hindi ko hahayaan na magtagumpay siya. Sila ni Chase sa mga plano nila.

Sabi nila, para mas makilala mo ang kalaban mo, kaibiganin mo, kilalanin mo at dikitan mo. Alamin mo ang lakas niya, alamin mo rin kung anong mga kahinaan niya. Pero huwag na huwag mong ipapakita ang sa'yo.

Kaya noong sandaling nilapitan ako ni Aisha sa baylight habang ini-stalk ko si Violet. Alam ko nang iyon ang magiging simula para maisakatuparan ko ang planong mailayo si Violet pansalamantala.

Alam ko rin na si Katie ang isa sa gagamitin nila para makuha ang gusto nila, especially, Asiha. Pero hindi ko hahayaan na mapahamak 'yung taong minsan na ring minahal at iningatan ng babaeng mahal ko.

Natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip noong tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko iyong sinagot noong makita kung sino ang caller.

"Skyler."

"We are ready. Anytime tonight." Pagbigay nito ng update sa akin.

"Good." Napapatango na wika ko. "But wait, WE?" Dagdag na tanong ko pa.

"Of course, isasama ako ni Skyler! Duh!" Rinig kong sabi ni Tabitha mula sa kabilang linya.

"And me!" Cold na sabi naman ni Sydney.

At talagang 'yung magpinsan pa talaga ang isinama niya ha? Napapangiti na lamang ako sa mga kaibigan kong todo kung rumesbak.

Because tonight we will take Katie from Aisha's hand.

avataravatar
Next chapter