15 TBAB: 13

Now playing: Incase you didn't know - Brett Young

Nicole POV

Nandito ako ngayon sa isang bar kasama si Chase, na parang hindi ko naman talaga totally kasama dahil andun siya sa mga tropa niya habang ako andito, iniwan niyang mag-isa.

Isa pa, ako rin naman kasi ang nagpumilit sa kanya na isama ako. Iyon nga lang, ayaw na ayaw ko kasi sa mga kaibigan niya dahil ang tatakaw kung mag yosi, kaya humiwalay ako ng table sa kanila.

Hindi naman dahil sa KJ ako kundi dahil ayoko lamang din talagang makipag plastikan sa mga kaibigan niya. Ewan ko ba, hindi ko feel ang vibes nila. Well, ang katuwiran ko naman kasi, hindi ko naman kailangan makipag plastikan sa kanila para magustuhan nila ako para kay Chase.

Hindi naman sila ang jowa ko at hindi naman sila ang pakikisamahan ko balang araw. Isang bagay din na ayaw ko sa sarili ko. Ang importante naman eh, okay ako sa family ni Chase at ganoon din siya sa family ko.

Hindi ako mahilig uminom ng beer dahil mas mabilis talaga akong malasing o tamaan kaysa sa ibang uri ng alak but this time, parang nakakailang baso na ako pero okay pa rin ang pakiramdam ko at tila ba hindi tinatablan ng ispiritu ng alak.

Naririnig mula rito sa pwesto ko ang mga tawanan at asaran nina Chase, may panaka-nakang pagsulyap ito sa akin para i-check ako at pagkatapos ay mapapatango. Minsan naman ay lumalapit siya sa akin para kausapin ako at pinipilit na doon na maupo sa kanilang circle pero mariin na tumatanggi ako.

"So, tama nga si Skyler, dito lang kita matatagpuan." Bigla na lamang akong nanigas sa aking kinauupuan nang marinig ang malamig na boses na iyon.

Agad na napalunok ako ng mariin kasabay ang mabilis na muling pagtibok ng aking puso dahil sa magkahalong kaba at excitement nung marinig ang boses niya.

Dahan-dahan na napalingon ako sa kanya hanggang sa magsalubong ang aming mga mata. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito, nang magtama ang aming mga mata bago awtomatikong gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Humakbang ito ng dalawang beses palapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng mariin noong maamoy ang kanyang pabango na agad na kumapit sa aking ilong. Ngunit noon din ay naalala ko ang nangyari kahapon, ang pagliban nito sa kanyang trabaho, ang date nila ni Katie pati na rin ang naka-tag na post sa kanya, isama mo pa ang hindi niya pagpaparamdam sa akin.

Again, ano namang karapatan ko para kwestyunin siya 'di ba? Wala. So, mas mabuti nang manahimik na lamang ako at umakto na parang walang nangyari. Besides, I'm with Chase.

Kahit na ang dami kong gustong itanong sa kanya na parang sasabog ang dibdib ko sa pag-alala, hindi ko magawa. Kaya kunwari na binalewala ko lamang ito at ipinagpatuloy ang pag-inom ng beer mula sa aking baso.

Naupo ito sa couch na nasa harap ko habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa akin.

"Look, Nicole. I'm sorry." Paghingi nito ng tawad sa akin. Napatawa ako na para bang isang joke ang sinabi niya.

Of course, I have to act as if nothing happened, like I'm not affected and don't miss her.

Kusa akong natigilan nang sumagi ang mga katagang iyon sa isipan ko. Napalunok ako ng mariin. Yeah, maybe I miss her. Ngayon ko lamang na pagtanto na baka kaya ako nagkakaganito dahil namimiss ko siya.

And how dare I miss someone who is nothing to me? Napapatawa ako ng mapakla sa aking isipan habang napapailing.

Nothing, huh?

"Ba't ka nag-so-sorry? Wala yon! Ano ka ba!" Kunwari na hindi big deal sa akin ang mga nangyayari. Ngunit nananatili rin itong kalmado bago napasulyap sa hawak kong baso na mayroong laman na beer.

"Eh ba't ka naglalasing?" May concern na tanong nito sa akin.

There's no way na sasabihin ko at aamin ako sa kanya, ano? Marupok ako pero hindi ganun karupok sa inaakala ninyo.

Napangiti lamang ako ng nakakaloko bago sinagot ang tanong nito.

"Ops! No questions allowed. Remember?" Sabay kindat na dagdag ko pa. "Bakit? Feeling mo naglalasing ako dahil sa'yo? Wag ka ngang feeling d'yan!" Sabay tawa ko.

Napaiwas naman agad ito ng tingin sa akin. Halatang disappointed.

"O-Okay. Mas mabuti nang malinaw." Sabay inom din nito ng beer mula sa bucket na nakalagay sa aming harapan. Iyong isang bucket na sinosolo ko kanina pa.

"Sasabayan na lang kita." Sabi nito bago napangisi.

Noon naman napasulyap ako kay Chase na papalapit ngayon sa amin. "Ahhh. A-Actually, I'm with---"

"Love! Sorry napasarap ang kwentuhan with tropa." Sabay upo nito sa tabi ko at hinalikan ako sa aking labi sa mismong harapan ni Violet ngunit smack lang.

Nakalimutan kong sabihin na kasama ko nga pala si Chase. Mabilis na napaiwas si Violet ng tingin mula sa amin bago napayuko. Noon naman nagbaling ng mga mata si Chase sa kanya.

Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil kung tignan ni Chase si Violet ay para bang lalapain na niya.

"Uhh, Chase, this is Violet, a friend of mine. And Violet, b-boyfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa sa isa't isa. Mataman naman na nagkatitigan silang dalawa.

Bago unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Chase at inilahad ang kanang kamay niya. Sandaling napatingin si Violet sa akin, iyong tingin na nagsasabing bakit hindi ko sinabi na meron pala akong kasama.

"Nice to meet you, Violet." Pormal naman na tinanggap ni Violet ang kamay nito ngunit hindi nagtagal ang paglapat ang mga palad nila. "Hey, I remember you. Sa restaurant, kung hindi ako nagkakamali." Paalala ni Chase.

Noon lamang din bumalik sa aking isipan na, oo nga pala. Nagkita na sila noon, nung gabing pinagsabihan siya ni Violet.

Si Chase kasi 'yung tipo ng tao na kahit isang beses ka pa lamang niyang nakita, maaalala at maaalala na niya ang iyong mukha.

"So you mean that time, magkakilala na kayo ng girlfriend ko?" Sabay sulyap ni Chase sa akin. "I-I'm sorry, I didn't know and it was a bad day."

"Yes." Seryosong sagot naman ni Violet sa kanya bago napatawa. Napatawa na rin si Chase.

Habang ako naman ay napatawa na rin at tila ba nabunutan ng tinik sa aking dibdib. Parang nakaka-tense kasi 'yung mga tinginan nilang dalawa kanina.

"You wanna join us?" Biglang pagtanong ni Chase kay Violet ngunit mariin itong napailing pagkatapos ay agad na ring napatayo. Mabilis naman na sinundan siya ng aking mga mata.

Hanggang sa magkatinginan kaming dalawa. Iyong tingin na sinasabi kong she can stay as long as she want pero iyong mga mata niya, para bang may kung ano akong nababasa na tila nasasaktan siya. Bago ito napasulyap sa kamay ni Chase na nakahawak sa mula sa likod ng aking beywang.

Kaya naman na napatikhim ako bago inayos ang aking pag-upo.

"Actually, napadaan lang ako. I didn't expect na makikita ko si Nicole dito." Pagsisinungaling at pagdadahilan ni Violet. "At uhh, paalis na rin ako." Dagdag pa niya.

Pagkatapos noon ay lumapit siya sa akin para magbeso.

"See you in 10 minutes." Bulong nito bago nakangiting inilayo na ang kanyang mukha mula sa akin.

Habang ako naman ay nagtataka at nagtatanong ang mga matang sinusundan siya ng tingin ngunit hindi na ito muling lumingon pa noong tuluyang tumalikod na siya.

"So, love. Mukhang matatagalan pa kami, gusto mo ba ihatid na muna kita?" Biglang tanong ni Chase sa akin.

And that makes sense. Paano nalaman ni Violet? How did she predict that this would happen?

"Uhmm, d-don't worry. Akong nang bahala. I'll be safe. I promise. You can stay here. Mag-ta-taxi na lang ako." Nakangiting wika ko kay Chase ngunit sa totoo lang para bang gusto nang magtatatalon ng puso ko sa saya.

My mind is full of thoughts about Violet, and the excitement with the adrenaline rush because we will be together again. Para bang pinagbibigyan kami ng tadhana.

Malawak naman ang ngiti ang ibinigay ni Chase sa akin bago alanganing napailing.

"Are you sure?" Tanong nito. "No! Ihahatid kita, I wanna make sure na safe kang makakauwi---"

"Chase, wag ka ngang OA d'yan. Kaya ko, okay?" Pagbibigay ko ng assurance sa kanya.

Napahinga ito ng malalim.

"Alright, just be safe ha? I love you." Pagkatapos ay binigyan ako ng mariin na halik sa aking labi. But I didn't kiss back. "Text me when you get home." Pagkatapos ay hinalikan pa niya ako ng isang beses sa aking noo bago ito tumalikod na rin at bumalik sa mga kaibigan niya.

Habang naglalakad ako palabas ng bar, palawak ng palawak din ang ngiti sa aking labi. Knowing na naghihintay si Violet sa akin sa labas.

Hindi ko mapigilan ang lalong kiligin, lalo na noong makita ko itong prenting naka-sandal sa may hood ng kanyang kotse. Kumaway ito noong makita akong papalapit na sa kanya.

"Hi." Agad na pagbati ko sa kanya noong makarating sa tapat niya.

Habang siya naman ay kagat labi na hinawakan ako sa aking braso at pagkatapos ay pinagbuksan ng pintuan. Noong makasakay na ako ay mabilis na umikot ito sa driver seat para makasakay na rin.

Binuhay nito ang makina at agad na pinasibad iyon. Ngunit limang minuto lamang ang itinagal ng biyahe nang muling itinabi nito ang sasakyan sa isang park kung saan merong nagtugtog na live band.

Tahimik na muling bumaba kami ng sasakyan. Nagpapalinga-linga ako sa paligid bago napahinga ng malalim, seryosong napaharap ako kay Violet at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

"Baka naman hanapin ka ng girlfriend mo. Ba't ka ba kasi nandito?" Hindi ko lang mapigilan ang magtanong at ang mag-alala.

"Ops! No question allowed." Sabay taas baba ng kilay na sabi nito sa akin. "Pero sige, pagbibigyan kita." Maayos na iniharap nito ang kanyang sarili sa akin. Inihakbang ang kanyang mga paa kung saan mas lalong naging magkalapit ang aming mga katawan.

Hindi ko tuloy mapigilan ang muling mapalunok ng mariin. Lalo ring lumakas pa ang kabog ng dibdib ko na para bang sasabog na ito at nakakabingi na rin.

Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata at iniipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko, pagkatapos ay matamis na binigyan ako ng ngiti.

Iyong ngiti na nakakatunaw ng puso. Iyong ngiti na nakaka---

Wet? Biglang tukso ng aking isipan. Kaya mabilis akong napailing at natigilan sa sumunod na sinabi ni Violet.

"Na-miss kita eh!" Diretso lamang ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hindi siya kumukurap at hindi rin napaiwas ng tingin pagkatapos. Para bang binabasa nito o inaabangan ang mariring reaksyon ko.

"A-Anong sinabi mo?" Tanong ko kahit na sing linaw naman ng crystal clear ang sinabi niya sa akin.

"Wala!" Nagpalinga-linga ito sa paligid.

"Ang sabi ko baka pwedeng manood naman tayo ng live band? Nakatunganga ka lang dun sa bar kanina eh." Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang niyang hablutin ang braso ko at hinila ako sa kung saan 'yung mayroong maraming mga tao.

Kaya walang nagawa na nagpadala na lamang din ako at sumunod sa mga hakbang niya.

Pumwesto kami sa may gitna, means napapalibutan kami ng ibang mga nanonood at karamihan ay mga kabataan.

Actually, ito ang kauna-unahang makakanood ako ng ganitong live local band. Kung saan 'yung mga nakapalibot na mga tao ay 'yung mga simple lamang, 'yung hindi mo kailangang makipagpaligsahan sa ganda ng mga kasuotan. Walang negosyo na pinag-uusapan, walang sosyal na mga tao na nasa paligid.

Habang nanonood kami ni Violet, ay parami rin ng parami ang mga nanonood. Open space naman ang place pero bakit parang palapit kami ng palapit sa isa't isa? Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagdikit ng aking mga kamay.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap dahil sa kuryente na nagmumula rito. Napalunok ako ng mariin at andoon na naman ang kakaiba ngunit masarap sa feeling na kaba sa aking dibdib.

Nagpapakiramdaman kami, kunwaring nanonood ako sa nagtutgtog na band pero ang isipan ko ay na kay Violet at sa kamay naming dalawa na ngayon ay unti-unting nagdidikit. Hanggang sa kusa na lamang na hinawakan nito ang kamay ko at ipinagdikit ang aming mga mga palad.

Kagat labi na napalingon ito sa akin, ganoon din ako sa kanya, hanggang sa muling magsalubong ang aming mata at magtitigan kaming dalawa.

Alam niyo yung feeling na nahawakan mong muli 'yung malambot na kamay ng crush mo? Gosh! It's so satisfying.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag sulyap nito sa labi ko bago parang uhaw na uhaw na napatitig roon.

"Wanna leave this place?" Husky ang boses na biglang tanong nito sa akin ngunit nasa labi ko pa rin ang kanyang mga mata.

Habang ako naman ay para bang wala sa sarili na napatango rin. Pagkatapos noon ay walang sabi na hinila niya akong muli, patakbo, palabas mula sa maraming tao hanggang sa makarating kami sa may kalsada.

Sa mismong gitna ng kalsada ngunit maririnig pa rin mula rito ang kumakanta. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid dahil baka may biglang dumaan na sasakyan pero bigla na lamang ako nitong hinapit sa aking beywang palapit sa kanyang katawan.

"Wanna dance?" Nakangisi na tanong nito sa akin.

Napatawa ako at napatango bilang pagpayag sa trip niya. Hindi ko alam pero magaan sa loob na sinasabayan ko palagi ang mga trip niya. Hanggang sa kapwa hinihingal na ipinagdikit namin ang aming mga noo at parang mga sira ulong tumatawa.

This time, ako na naman ang napatingin sa kanyang labi. Napapalunok ako ng mariin, para akong hinihikayat na tikman sila at lasapin. Para bang nagtatalo ang isip at ang puso ko. Iyong tama at mali kung ano ba ang susundin ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unti nang naglalapit ang aming mga labi sa isa't isa. At hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim noong sandaling lumapat na ang malambot na labi nito sa akin.

Alam kong worth it ang paghihintay at pagtitimpi ko noong huling beses na magkasama kami. Iyong mga sandaling pigil na pigil ako sa sarili ko. Pero ngayon, heto na, nangyayari na. Nalalasahan ko na ang matamis niyang labi, nadadama ko na at lasap na lasap ko na.

Awtomatikong napapikit ako ganoon din ito, unti-unting iginalaw ko ang aking labi na agad din namang sinabayan niya.

The moment na maglapat na ang aming mga labi, ay para bang wala na akong ibang maisip pa kundi ang angkinin siya. Damhin ang init ng katawan niya at lagyan lahat ng marka. My mind wants to stop but I can't, I'm even more addicted to Violet now.

Hindi ko mapigilan ang mapa-moan ng mahina noong sandaling ipinasok nito ang kanyang dila sa aking bibig at buong puso na inangkin niya iyon at marahan na kinagat din nito ang lower lip ko dahil sa panggigigil, kaya mas lalo akong napayakap sa kanya ng mahigpit.

"We better...stop...now." Hinihingal na sabi nito sa pagitan ng aming mga labi. "We better stop...before I tear off your clothes here." Dagdag pa niya na ikinakamatis ng buong mukha ko.

Napatawa na lamang ako bago napatango. Bago Muling hinawakan siya sa kanyang magkabilaang pisngi at hinalikan siyang muli sa kanyang labi. Iyong smack lang.

"Let's go." Biglang pagyaya na naman nito.

"To where?" Ngunit binigyan lamang ako nito ng isang ngiti.

"To watch the sunrise? I know a perfect spot." Sagot nito sa akin, napa 'O' na lamang ako dahil sa kanyang sagot.

"Why?" Tanong nito habang may nakakalokong ngiti noong naglalakad na kami pabalik sa kanyang sasakyan. "Do you think we're going to make love? Yeah, we can do that with sunrise, ugh ang romantic non." Dagdag pa niya.

Napatawa na lamang ako bago siya pinalo sa maumbok niyang pwet.

"Sira! Asa ka!" Pang aasar ko at patakbong dumiretso sa kanyang sasakyan. Agad naman na hinabol niya ako ngunit hindi niya ako naabutan.

avataravatar
Next chapter