webnovel

Hate Me or Love Me (Tagalog)

Alam ni Al na wala siyang magagawa kundi pakasalan si Troy- ang lalakeng kalaban noon ng kanyang kumpanya at ang itinuturing niyang mortal na kaaway mapanegosyo man o sa personal. Ngayong pagmamay-ari na nito ang kanyang pinakamamahal na kumpanya, kaya ba niyang ibigay maging ang kanyang sarili dito upang makuha lang ang lahat nang nawala sa kanya? *********************************************** (Basahin ang kapanapanabik na istorya nina Al at Troy sa "Hate Me or Love Me" Don't forget to rate it, give your positive review & some power stones. Thank you!) HATE ME OR LOVE ME Copyright by B. M. Cervantes All Rights Reserved, 2020

Blessedy_Official1 · Urban
Not enough ratings
28 Chs

Set-Up

Nasapo ni Al ang ulo dahil sa matinding kirot nito paggising niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Halatang nasa loob siya ng isang first class na hotel. Pinilit niyang tumayo at hinawi ang kurtina sa bintana. Nababalutan na ng kadiliman ang paligid.

Hinanap niya ang cellphone sa bag. Alam niyang doon niya nilagay ang kanyang cellphone.

"No cellphones allowed here, babe."

Muntik na siyang mapasigaw ng isang nakatapis lang ng tuwalyang pangibaba ang suot ni Troy na ngayon ay nakatunghay sa kanya.

Napapikit siya at sinubukang intindihin ang mga pangyayari.

"Did Valerie set me up?" Tanong niya sa sarili saka siya nagmulat at nakitang nakaboxer shorts lng ang lalake.

"What's the meaning of this, Troy?" Galit niyang tanong.

"We're having a vacation. We need this, babe." Balewala nitong ani saka ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

"No, we're not. Valerie and I are the ones that should be having vacation!" Inis niyang singhal dito.

"Valerie! Valerie!" Pagtawag niya sa babae. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa sala ngunit wala ang babae. Muli siyang bumalik sa silid kung saan ay balewala lang na nakahiga si Troy habang nanunuod ng TV.

"Where's Valerie?" Nakapamey-awang na tanong niya nang lumapit siya dito.

"She's not here and she's not coming." Matigas na sagot nito.

"Then I don't have a reason to stay here!" Singhal siya dito saka akmang hahakbang sana siya palayo sa kama ng hatakin nito ang kanyang braso at ihiga siya sa higaan at pumaibabaw ito sa kanya sabay tukod ng mga braso sa pagitan ng kanyang katawan.

"Troy!" Galit na sinusubukan niyang makawala dito. Ngunit dahil sa malaking tao ito ay nagawa nitong itaas ang kanyang mga braso sa kanyang ulo. Saka lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"Let me go!" Utos niya dito dahil nagbababala na ang kanyang utak sa maaring mangyari.

"Al, we both want this to work out so you better cooperate." Halos pabulong na nitong wika na tila ba nagpipigil din ito sa sarili.

"Yes. But not like this." Matigas niyang tugon saka nakipaglaban ng titigan dito.

Napangisi naman ang lalake saka lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso.

"Ok. Maybe....like this." Ani nito. Huli na para mahulaan ni Al ang gagawin ng lalake. Mainit na sinakop nito ang kanyang mga labi na malakas na nag-eeganyo na tugunin niya ito.

Ngunit hinamig niya ang sarili. Oo at napakagwapo ng lalake. Kahit sino yata ay hindi ma-attract dito lalo na at nakatambad sa kanya ang malalaking masel nito sa katawan at 6-pack abs. Ngunit huminga siya ng malalim ay inalala lahat ng mga diskusyon nila noon, ang mga projects niya na inagaw nito, at ang ilang beses na muntik na pagkalugi ng kanyang kumpanya dahil dito.

Malakas na tinulak niya ang lalake at nagmadali siyang tumayo at lumabas ng silid.

"Al!" Naririnig niyang pagtawag ng lalake ngunit mabilis siyang nakalabas. Napaawang ang kanyang bibig ng bumungad sa kanya ang puting buhangin at malawak na karagatan. Nasa isa silang isla na ang tanging nakatayong imprastaktura ay ang bungalow house na kinaroroonan nila ni Troy.

Napipikit siya na pilit hinahamig ang sarili na mapasigaw ng malakas. Nang makita niya papalapit si Troy ay ang buhangin ang pinagdiskitahan niya sa galit. Pinuno niya ang mga kamay ng buhangin at pinagbabato iyon kay Troy na puro ilag ang ginawa habang hinahabol siya.

Hindi namalayan ni Al na may mga coral pala na nasa buhangin kaya napangiwi siya ng maapakan ang matulis na bahagi niyon habang tumatakbo siya palayo kay Troy at napaluhod siya sa sakit. Nahawakan niya ang natusok na paa at tila naghina siya ng mapuno ng dugo ang kamay.

"Are you still a kid, Al? Look what you've done!" Naiiling na wika ni Troy at akmang bubuhatin siya ngunit itinaas niya ang kamay upang pigilan ito.

"Don't touch me, Troy! Leave me alone!" Sigaw niya dito. Ngunit tila walang naririnig ang lalake ng bigla siya nitong buhatin at muling ipasok sa loob ng resthouse. Pilit siyang pumapalag ngunit wala siyang magawa sa lakas nito hanggang madala siya sa living room.

"Just stay there, Al." Wika nito ng maibaba siya at mabilis na iniwan siya. Pagbalik nito ay may dala na itong maliit na palanggana na may tubig, tuwalya, at mga gamot. Agad nitong hinugasan ang paa niya at saka nilagyan ng alkohol na ikinagiwi niya dahil sa kirot. May pinahid muna itong cream bago nilagyan ng bandage ang kanyang paa.

"So...how can you enjoy this place now Al?" Tila may pang-aasar na wika nito ng tumunghay sa kanya.

"Do you think I can enjoy this place with you...knowing that you kidnap me?!" Singhal niya dito.

"Kidnap? Sa pagkakaalala ko, ikaw pa ang nagsabi kay Valerie na sumama sa'yo dito." Balewala naman ani ng lalake saka sandali siya ulit iniwan. Pagbalik nito ay nakashorts at sando na ito.

"Sa pagkakaalala ko din, this is all your plan! You used Valerie para masolo ako!" Inis na wika niya saka sandaling pumikit upang maalis ang sakit ng ulo.

"Masolo ka? Why should I do that? You'll marrying me. So masosolo at masosolo kita. No need for this." Muling balewalang sagot nito habang nagtitimpla ng kape. Ang isang tasa ng kape ay inilapag nito sa maliit na mesa sa harapan niya.

"Then let's go back home." Bwisit na ani niya saka siya tumayo at nagtungo sa kwarto upang hanapin ang maleta niya.

"Where are my things?" Tanong niya dito dahil sumunod ito sa kanya ngunit sumandal lang ito sa bukana ng pinto habang tila nag-eenjoy na pinapanuod siya at makita ang asar niyang mukha.

"I don't know. Nauna kang dumating sa akin. Tinawagan lang ako ni Valerie na pumunta dito knowing she's with you. Pero pagdating ko, mag-isa kang natutulog dito." Paliwanag ng lalake.

"That's a lie! You know that! Now, where are my things?" Pag-uulit niya.

"You probably ask my sister." Ani nito saka idinayal ang cellphone at inabot sa kanya. Inis naman niyang kinuha iyon.

"Al, I'm really sorry kung iniwan kita mag-isa dyan. Nagkaproblem kasi dito sa airport. Sa iba nila nadala mga bagahe natin." Bungad nito sa kanya sa kabilang linya.

"Anong sa iba nadala? And why your brother is here? Di ba lakad natin 'tong dalawa?" Inis niyang saad saka sinulyapan si Troy na nakangisi lang sa harapan niya.

"Tinawagan ko siya dahil wala kang kasama. I'm sure wala naman sigurong masama if you're with my brother, right? He's your fiance." Paliwanag nito. Napapikit siya saka tiningnan ng masama ang lalake.

"Di ba I told you I hate your brother and it annoys me every time I see him?!" Inis na wika niya sa kausap ngunit ang mga mata niya at nakikipagtitigan kay Troy na dumilim ang anyo at nagsimulang lumapit sa kanya.

"Stay away from me, Troy! One more step and I'll kill you!" Galit na banta niya dito habang patuloy na umuurong.

"What's going on?" Tanong ni Valerie sa kabilang linya.

Nagpapanic ang utak ni Al ng lumapat ang likod niya sa pader. Hindi na siya makakaurong pa. Pinatatag niya ang sarili ng wala ng isang dangkal ang pagitan ng katawan nila ni Troy. Mabilis nitong kinuha ang cellphone na hawak niya.

"I'll take care of her, Valerie. No need to worry." Ani niya sa kapatid saka pinutol ang linya ang ibinalik ang cellphone sa bulsa niya saka itinaas ang isang braso sa ulunan ni Al na nakasandal sa pader at halos patayin na siya sa nanlilisik nitong mga mata. Ngunit parang lalo siyang namamagnet na sa kabila ng nanlilisik nitong mga mata, ang maganda nitong mga mata, mga mahahabang pilik, ang cute nitong ilong, at mapupulang mga labi ay tila nakakapagpabaliw sa kanya.

Tama ang kapatid. Ito ang first love niya. Tila muling bumalik sa kanya ang alaala kung paanong unang nabihag ng babae ang puso niya at kung paano din iyon nawasak na nauwi sa pagkamuhi nila sa isa't-isa.