webnovel

chapter 2

SHANIE POV

bakasyon nanaman kaya eto kami ng kambal ko tumutolong sa gawain dito sa mansyon, hindi naman kami inoobliga ng mga magulang namin na mag trabaho pero sayang naman yung pang sahod pambili din iyon ng mga kailangan namin sa paaralan pag dating ng pasukan, ganito ang aming routine simula pa ng kami ay sampung taong gulang pa lang.

ako si anna shantel cruz o mas kilala sa palayaw na shanie 17 years old bunso sa 3 magkakapatid, ang aking kambal si anna shayne o si josie ang kasunod sa kuya naming si angelo simon, kahit mahirap kami pero nag sisikap kami sa buhay para maiiangat naman ang aming estado, pangarap kong maging isang scientist pero alam kung isang malaking suntok sa buwan ang pangarap na yan katulad nang pangarap ko na maging jowa n sir louie.

magkababata kami nina sir louie dito sa probinsiya, magkasing edad lang sila nang kuya angelo dahil nga palaging kasama ni tatay sa palaisdaan kaya napag desisyonan nitong kumuha ng fisheries, na ikina gagalak naman nina sir edmundo at madam liza mga magulang ni sir louie.

likas na mabait ang mga amo namin, hindi katulad ng mahaderang jowa ni sir louie na si channel na akala mo kung sinong maganda eh retokada naman, akalain mong kung makaasta ay parang siya ang may ari ng mansiyon.

naka tingin kami sa sasakyang huminto sa driveway ng mansyon, unang bumaba si sir edmundo sabay tawag sa amin n josie "josie, shanie ang lalaki niyo na ah dalagang dalaga na kayo, parang kailan lang ang liliit niyo pa" ang sabi niya sa amin sabay yakap, ganun din si madam liza at may inabot na mga paper bags sa amin "maraming salamat po madam ang bait bait niyo po talaga ang sabi ko kay madam liza., "walang ano man iyon, ikaw talaga shanie bolera pa rin, at ginulo ang buhok ko habang tumatawa, "naku binola niyo nanaman si madam, kayo talagang dalawa naku ang sabi ng nanay ng makalapit sa amin.