webnovel

Half-blood

It is about the story of the vampires and wolves in ancient times. They both lived in a place that only vampire and wolf knew about, which is the place of ​​Armenia that is very different from the place of ​​people. This is the time where the vampire race dominate the wolves race. At first, the two races got along well with each other as the king of vampires and the king of wolves became close friends. But as time went on, both races became angry to each other because the king of the wolves wanted to rule over all. Over a long period of time there was a girl who was born that set to save the whole world. She was called a Serwana, which have a mixed blood of vampire and wolf. The girl is curious about her true identity until she thought of finding out who she really is. And keep asking herself why she is different from just ordinary people, until she discover her true form and personality. She was surprised to discover that there was something strange about herself until she gradually became like a monster who changed her form into a wolf and sometimes into a vampire. She was surprised and can't believe why she was like this but her parents were just an ordinary people. So, she looked for the answer and she was surprised when she discovered that she was just an adopted child who found in the forest. Until she decided to find her real parents, but despite everything she discover that her parents is dead and it was killed by the king of vampires. Because of that the girl wanted to revenge against the vampires who killed her parents. Other than that, there will be love going on in this story. A love that can sacrifice life and a love that can accept you no matter what you are and whoever you are.

Creivyr19 · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1-The Beginning

Patungkol ito sa kuwento ng mga Bampera at Lobo noong unang panahon. Nanirahan sila pareho sa isang lugar na kung saan tanging Bampera at Lobo lang ang nakakaalam. Ang lugar ng Armenya na kung saan ibang iba sa lugar ng mga tao at siyang hindi makikita ng mga ordinaryong tao lamang.

Panahon pa ito kung saan nangingibabaw ang mga Bampera sa mga Lobo. Noong una, ay naging magkasundo ang dalawang lahi sa isat-isa, sa kadahilanan na naging matalik na magkaibigan ang Hari ng mga Bampera at Hari ng mga Lobo. Ngunit lumipas ang panahon ay nagkagalit ang magkabilang lahi dahilan sa kagustuhan ng Hari ng mga lobo ang siyang mangingibabaw sa lahat.

Simula noon ay naging mortal na magka-away ang dalawang lahi.

Nagkaroon ng anak na babae ang Hari ng mga Bampera. Samantalang nagkaroon naman ng anak na lalaki ang Hari ng mga Lobo.

Sa paglipas nang maraming panahon ay naging wasto na sa tamang gulang ang anak ng Hari ng Bampera kaya't  kinoronahan na itong maging prinsesa. Gayon din sa anak ng magkabilang lahi, naging prinsipe na rin ang kanilang anak na lalaki. Isang araw habang namamasyal ang prinsesa ng mga bampera sa bundok ay insakto naman na naroon ang prinsipe ng mga lobo na siyang nag-iinsayo sa pagpalit ng kaniyang anyo sa pagiging tao at lobo.

Nagkita nga ang dalawa sa parehong lugar at imbes na mag-away silang dalawa sa una nilang pagkikita ay nagkamabutihan pa ito dulot nang pagtibok pareho ng kanilang mga puso kahit na magka-iba ang kanilang lahi sa isat-isa, na siyang hindi maunawaan at maintindihan ng dalawa sapagkat mortal na magkaaway ang kanilang lahi.

Ngunit sa kabila ng alitan ng kanilang lahi ay naging magkaibigan pa sila. Dumaan pa ang maraming araw at buwan ay lubos na nagkakilala ang prinsesa ng mga bampera at prinsipe ng mga lobo. Nagkaigihan pa lalo at nagkamabutihan ang dalawa.

Lumipas pa ang ilang buwan at araw ay tuluyan na ngang umibig sa isat-isa ang dalawa. Subalit lingid sa kaalaman ay isa sa pinakalabag na batas na pinatupad ang magkaisang dibdib ang mag magkaibang lahi.

Alam pareho ng dalawa ang tungkol sa magiging resulta ng kanilang pag-iibigan. Subalit nilabag pa rin nila ang kautusan sa dahilang lubos na nagmamahalan silang dalawa. Mas nanaig pa rin sa kanila ang puso. At pinag patuloy nila ang kanilang pag-iibigan.

Tinago ng dalawa ang kanilang pag-iibigan hanggang sa dumating ang panahon na nagdadalang Serwana na ang prinsesa ng mga bampera. Serwana ang tawag sa sanggol na may dugo ng bampera at lobo. Ngunit kahit ano pa ang gawing pagtatago ng dalawa sa kanilang pagmamahalan ay lalabas at lalabas din ito.

Natuklasan ng isa sa mga dama o utusan ng lahi ng mga bampera ang ugnayan at pag-iibigan ng dalawa. Agad naman itong nakarating sa Hari ng mga Bampera kaya ganoon na lang ang kaniyang pagkagalit sapagkat nilabag ng kaniyang anak ang kautusan. Kaya agad na pinadampot ng hari ang dalawa. Pinagalitan niya ang kaniyang anak na prinsesa subalit pinarusahan niya at ikinulong ang prinsipe na anak ng hari ng mga lobo na siyang mortal niyang kaaway.

Papatayin sana ito ng hari ngunit pinigilan siya ng kaniyang anak na prinsesa at gayon nga ay pinagbigyan ito ng hari na mabuhay ang prinsipe ng mga lobo at na pagdesisyonan na lamang na ikulong pang habang buhay hanggang sa unti-unti itong mamatay sa hirap.

Nalaman naman ito ng kabilang lahi, ang lahi ng mga lobo kaya nagalit din ito ng malaman na ikinulong at pinarusahan ng hari ng mga bampera ang kaniyang anak na prinsipe. Dali-daling sumugod ang hari ng mga lobo kasama ang kaniyang pangkat sa palasyo ng mga bampera upang iligtas ang kaniyang anak sa kamay ng mga bampera.

Subalit sila'y bigo lamang sa pagtangkang itakas ang kaniyang anak dahil sa mas malakas ang mga bampera sa kanila. At mas marami ang lahi ng bampera kaysa lahi nila. Dagdag pa nito ay marami ang namatay sa kaniyang lahi kumpara sa lahi ng mga bampera.

Ilang buwan ding hindi nagkita ang dalawa dahil sa mahigpit na pagbantay ng hari sa kaniyang anak na prinsesa. Gayon din sa mahigpit na pagkakulong ng prinsipe ng mga lobo sa loob ng kanilang palasyo.

Dumaan ang ilang buwan ay  nakatakda ng manganak ang prinsesa at hindi man lang nalalaman ng hari ang tungkol sa pagdadalang Serwana ng kaniyang anak na prinsesa, sapagkat ginamitan niya ito ng kapangyarihan na siyang magtatago sa amoy ng Serwana sa loob ng kaniyang tiyan. Gayon din sa hindi paglaki ng kaniyang tiyan upang itago sa kaniyang ama ang tungkol dito. Alam niya kasi na papatayin lang ng kaniyang ama ang kaniyang anak oras na malaman niya ito.

Nang unti-unti nang naramdaman ng prinsesa ang pagsakit ng kaniyang tiyan ay sumagil agad sa kaniyang isipan ang kaniyang araw nang kapanganakan. Kaya ang ginawa niya ay agad siyang pumasok sa kaniyang silid. Ginamitan niya ng kapangyarihan ang paligid ng kaniyang silid upang mag silbing proteksyon nang sa ganon hindi marinig ng lahat ng bampera ang maging ingay niya sa kaniyang pagsilang ng Serwana at pag-iyak ng kaniyang anak oras na lumabas ito.

Gayon din sa hindi magawang maamoy ng mga bampera ang kaniyang bagong silang na sanggol. Mayamaya pa ay nagwawala ang prinsipe ng mga lobo ng marinig  niya ang pagsigaw ng kaniyang kasintahan na siyang prinsesa ng mga bampera. Kahit nasa malayo pa ito sa kaniyang kinaroroonan ay maririnig niya pa rin ito dahil sa taglay nitong malakas na pandinig. Ilang sandali lang ay kumalma ito at makikitang inaamoy ang bawat paghampas ng hangin sa kanya.

Naamoy niya ang bango ng bagong silang na sanggol. Amoy ng magkahalong dugo ng bampera at lobo na siyang anak niya.

Dahil sa na amoy ng prinsipe ang kaniyang anak ay biglang nagbago ang anyo nito at naging isang lobo, dagdag pa nito ang napakalakas na kapangyarihang pumasok sa kaniyang katawan bunga ng pag silang ng kaniyang anak.

Dahil sa lakas ng kapangyarihan na kaniyang natamo ay nagawa niyang basagin ang mga malalaking kadenang nakasabit sa kaniyang katawan gayon din ng makaya niyang  buksan ang pintuan ng kaniyang kulungan.

Na alarma naman ang lahat nang malamang nakalabas sa kaniyang kulungan ang prinsipe ng mga lobo. Kaya dali-daling nagpatawag ng pangkat ang Hari ng Bampera upang patayin ang nakawalang lobo.

Marami ang humarang sa lobo upang patayin ito ngunit bigo lamang ang mga bampera sapagkat pambihira ang lakas ng lobo. Maraming napatay o napaslang ang lobo sa kaniyang pakikipag laban sa mga bampera. Hanggang sa naisipan niyang puntahan ang kaniyang mag-ina.

Dahil sa matindi niyang pang amoy ay natuklasan niya agad kung saan naroroon ang kaniyang mag-ina. Pagdating niya sa isang silid kung saan naamoy niya ang kaniyang mag-ina ay sinubukan niya agad sirain ang pinto. Subalit hindi niya ito nagawanag sirain sapagkat nakakandado ito dahil sa ginamitan ng kapangyarihan.

Tumakbo palayo ng pintuan ang lobo upang kumuha ng buwelo para masira ang pintuan. Dahil sa sinama niyang lakas ay natagumpayan niyang masira ang pintuan na siyang dahilan upang makapasok sa silid. Ilang saglit lang ay nakita niyang nakahiga sa kama ang kaniyang kasintahan na yakap-yakap ang kanilang anak.

Bigla na lang itong nagbago ng anyo at bumalik sa pagiging tao. Lumapit siya nang dahan-dahan sa kaniyang kasintahan, hinawakan ang mukha at niyakap nang mahigpit sabay paghalik sa labi. Gayon din sa kaniyang anak hinawakan niya ito at kaniyang binuhat. Makikitang may pumatak na luha galing sa kaniyang mga mata dahilan sa kaniyang labis na pagkatuwa.

Mayamaya pa ay nakaamoy ang prinsipe ng lobo na amoy ng bamperang papalapit sa kanila, kaya dali-dali itong bumalik sa pagkalobo. At isinakay sa kaniyang likuran ang kaniyang mag-ina tsaka umalis ng palasyo at tumungo sa malayo. Nalaman na rin ng hari na may isinilang na Serwana ang kaniyang anak kaya labis-labis na lang ang kaniyang pagkagalit.

Tuluyan na nga ring tinalikuran ng prinsesa ang kaniyang lahi at mas pinili ang makasama ng kaniyang pamilya. Gayon din ng makaiwas sa kaniyang mapinsalang ama na hari ng mga bampera.

Nagpakalayo layo nga sila at para tuluyan na talagang makalayo sila lalo na sa lahi ng mga bampera ay lumabas sila ng lagusan patungo sa lugar ng mga tao.

Lumipas ang isang taon ng kanilang paninirahan sa lugar ng mga tao ay naging mapayapa ang kanilang buhay. Nakihalubilo sila sa mga tao at nag panggap din na isa rin silang ordinaryong tao.

Tuluyan na ngang tinalikuran ng dalawa ang kani-kanilang mga lahi at nagsimulang mamuhay na tulad ng mga tao. Kasama nilang bumuo nang magandang buhay at magandang bukas ang kanilang anak na babae na ngayon ay isang taon na nag ngangalang Allena.

Dumaan pa ang ilang mga araw at buwan ay mas lalong naging maganda at masaya ang buhay nila. Hanggang sa dumating ang araw na natuklasan ng mga bampera kung saan sila naroroon. Kaya ganoon nalang ang pagmamadali ng mga bamperang pumunta ng lupa.

Sa utos ng kanilang hari upang patayin at paslangin ang prinsipe ng mga lobo at gayon din ang kaniyang anak na prinsesa at anak nitong si Allena.

Linggo ng gabing iyon kung saan naglalakad sila pauwi hindi kalayuan sa kanilang bahay ng may biglang narinig na kakaibang ingay si Magenta ang prinsesa ng mga bampera. Gayon din si Havier ang prinsipe ng mga lobo ay may naamoy din na kakaiba, at sa kaniyang palagay ay mga bampera. Kaya't labis na lang ang pagbahala ng dalawa lalo na't kasama pa nila ang kanilang isang taong gulang na anak na si Allena.

Napaisip ang dalawa na ilayo ang bata sa kanilang kinaroroonan. Mayamaya lang ay niyakap ng mahigpit ni Havier ang kaniyang anak at hinalikan sa noo. Gayon din ang kaniyang kasintahan na si Magenta. Kanya itong niyakap nang mahigpit at hinalikan sa labi. At inutusan na lumayo kasama ang kanilang anak. Naglaho bigla si Magenta kasama ang kaniyang anak na si Allena upang ilayo ito sa kanilang kinaroroonan.

Nang makarating na sila sa kanilang paroroonan malayo sa kanilang lugar ay agad niya itong niyakap nang mahigpit at napaiyak nalang bigla. Para hindi ito maamoy ng mga bampera ay ginamitan niya ito ng kapangyarihan niya, upang maiba ang amoy nito para sa mga bamperang nagbabalak na amoyin ang kaniyang dugo.

Ginamitan niya rin ito ng kapangyarihan na panangga laban sa mga bampera at lobo na mag tangkang paslangin siya. At panghuli ay kinagat niya sa liig ang kaniyang anak hindi upang sipsipin ang dugo kundi isalin ang kalahati ng kaniyang kapangyarihan sa kaniyang anak upang maging malakas ito at makapangyarihan nang sa ganoon kaya nitong ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa mga nais na manakit sa kanya.

Natapos na ngang isalin ni Magenta ang kaniyang kapangyarihan sa kaniyang anak at halatang makikitang may lungkot na makikita sa kaniyang mukha at pighati sa kaniyang puso.

"Balang araw, sa takdang panahon malalaman mo rin ang lahat anak. Patawad kung hindi mo kami makakasama ng iyong ama sa iyong paglaki. Ikaw ang mag liligtas ng mundo at ng mga nilalang sa mundong ito laban sa mga masasamang puri. Ikaw ang itinakda mahal kong anak." Malungkot na tugon at mensahe ni Magenta sa kaniyang anak habang nakangiting tumitingin sa kanya at sabay niyakap nang mahigpit at paulit-ulit na hinalikan.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Magenta sa kinaroroonan ni Havier. Siniguro muna ng dalawa na magiging ligtas ang kanilang anak oras na may mangyaring hindi maganda sa kanilang dalawa.

Mayamaya lang ay may narinig na naman silang malakas na ingay malapit lang sa kanilang kinatatayuan. Kaya labis na lang ang kanilang paghahanda sa kanilang mga sarili. Ilang sandali pa ay nag silabasan na isa-isa ang mga bampera na halatang may mga galit na makikita sa kani-kanilang mukha at makikitang marami ang mga bamperang naka paligid sa kanilang dalawa.

"Prinsesa Magenta, sumama ka sa amin kung ayaw mung madamay, 'yan ang ka bilin bilinan ng Hari sa amin," Sambit pa ng isang bampera na mahahalatang may masamang balak na makikita sa mukha.

"Hindi niyo ako mapipilit, matagal ko na kayong kinalimutan. Mag kakamatayan muna tayo bago niyo ako makuha at saktan ang pamilya ko," Pasigaw at galit na sagot naman ni Magenta.

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglaban. Nag anyong lobo si Havier at naging isang pambihirang bampera naman si Magenta na kakaiba sa mga ordinaryong bampera lang. Lumaban sila pareho at sabay na pinagsanib ang kanilang lakas at puwersa.

Kahit na dalawa lamang sila ay unti-unti naman nilang natalo at napaslang ang ibang bampera. At habang sa kalagitnaan ng kanilang labanan ay napatagil ang lahat ng may biglang lumabas na itim na usok malapit sa kakahoyan na siyang ipinagtataka ng marami.

Mayamaya pa ay laking gulat ng lahat lalo na si Magenta ng makita niya ang kaniyang ama na siyang lumabas galing sa maitim na usok. Namumula ang mga mata ng hari at makikitang may galit sa kaniyang mukha. Naramdaman din naman ni Magenta ang pagkulo ng dugo ng kaniyang ama dahil sa galit.

"Mga taksil, pinag taksilan niyo ako kaya magsisisi kayo sa inyong ginawa. At ikaw Magenta ang anak kong suwail at taksil. Mas pinili pa ang lalaking lobo kaysa iyong mga lahi kahit na sa mismo mong ama. Pagsisisihan mo ang iyong nagawa," Pasigaw at galit na pagsabi ng Hari sabay paglabas ng kaniyang mga matutulis na pangil.

"Sakim kayo ama, hindi kayo marunong maawa kahit na sarili mong apo ay ipapatay mo. Simula nang ginawa niyo iyon ay tinalikuran ko na ang lahi natin gayon din ang kalimutan kita bilang isang ama." Malungkot na sagot ni Magenta na may halong pagkamuhi.

"Taksil! Sugudin sila at patayin sila." Galit na tugon ng Hari sa kaniyang mga pangkat.

Sumugod sa kanila ang iba pang bampera at kahit papaano ay malakas sila pareho kaya't mapapaslang nila ang sino mang bamperang manlaban sa kanila.

"Magaling aking anak, talaga ngang malakas ka. Subalit alam mong hindi mo matutumbasan ang aking lakas kahit na magsama pa kayong dalawa. Kaya humanda kayo dahil kukunin ko ang buhay niyong dalawa at isusunod ko ang iyong anak Magenta." Dugtong pa ng hari habang palakad ito nang paunti-unti papalapit sa dalawa.

"Wala ka ngang pinipili kahit na mismo mong dugo ay kaya mong patayain. Katulad din nang pagpatay mo sa iyong asawa na siyang Reyna mo. Talagang sakim kayo sa kapangyarihan. Walang awa walang kaluluwa." Galit na sabi ni Havier sa hari.

"Tama ka nga lobo kaya kong pumatay kahit na lahi ko pa o kahit mismo kong dugo. Humanda ka rin dahil papatayin kita, ang ama mo at ang mga ka lahi mo." Sagot naman ng hari kay Havier habang humahalakhak sa tuwa.

"Ikaw? Ikaw ang pumatay kay Ina? Paano niyo nagawang patayin si ina? Demonyo kayo't sinungaling. Ano kang klaseng ama!" Pagtataka at galit na sinabi ni Magenta sa kaniyang amang hari sabay na pagpatak ng kaniyang mga luha sa mata.

Nagsimulang maglaban ang tatlo. Ang Hari, ang kaniyang anak at ang lobo. Unang laban pa lang ng tatlo ay halatang nahihirapan na ang dalawa na talunin ang hari.

Marami na silang sugat at bugbog sa katawan. Alam din pareho ng dalawa na napakalakas ng Hari kaya't hindi nila ito basta-basta matatalo. Pagsamahin man nila ang kanilang lakas at kapangyarihan subalit hindi pa rin nila ito magawang talunin.

Dahil walang sino man ang makakatalo sa hari ng mga bampera maliban nalang sa isang Serwana na siyang anak nila sa pagdating ng tamang panahon. Inisip mabuti ng dalawa ang kanilang anak sapagkat maliit pa ito at nangangailan pa ng magulang na mag aalaga.

Kaya ang ginawa nila ay tumakas papalayo sa hari ng sa ganon ay makaligtas sila sa kanilang kamatayan. Ngunit kahit anong gawing paglaho at pagtakas ng dalawa ay matutuntun pa rin sila ng hari.

Wala nang magawa ang dalawa dahil kahit anong gawing pagtakas nila ay magawa parin silang matuntun at matutuntun pa rin sila. Kaya naisipan na lang ng dalawa na lumaban na lang kahit alam nila na hindi nila ito mapapanalo.

Basta lumaban lang nang may dangal iyon lamang ang inisip ng dalawa. Nag katinginan sina Magenta at Havier, makikitang malungkot ang kanilang mukha sapagkat naisip nila na baka ito na ang huling pagkikita nilang dalawa at maging hangganan ng kanilang buhay.

Baka ito na rin ang araw na masilayan nila ang kanilang anak. Hinalikan ni Havier ang kaniyang kasintahan sa noo at sunod sa labi sabay na pagyakap ng mahigpit at pag-agos ng mga luha. Sabay sabing sabi sa isat-isa ang salitang Mahal na mahal kita.

Ilang saglit lang ay mas lalo pang pinaigting ang laban. Nag anyong kakaiba at nakakatakot na bampera ang hari na siyang ikinatakot ng dalawa. Naging isang pambihirang Dracula ito na may mga malalapad na pakpak at matatalas na ngipin dagdag pa ang kaniyang nakakatakot na hitsura.

Lumaban nga ang dalawa sa hari, pinagsama nila ang kanilang buong lakas at kapangyarihan subalit sila'y bigo lamang sapagkat napaslang sila ng hari. Unang napaslang ng Hari si Havier gamit ang kaniyang buntot na siyang tumusok sa dibdib at puso ni Havier na kaniyang kinamatay.

Kasunod ay ang kaniyang anak na si Magenta na kaniyang pinaslang sa pamamagitan ng pagkagat nito sa liig at pag higop ng natitirang lakas at kapangyarihan ng prinsesa.

Napaslang man sila ng hari subalit lumaban naman nang may tapang at paninindigan ang dalawa. Nag tagumpay nga ang hari ng mga bampera sa kaniyang misyon ngunit ito'y kulang pa sapagkat hindi pa niya napapatay ang kanilang anak na Serwana.

Talaga ngang subra na ang kasamaan ng hari ng mga bampera. Wala itong pinipiling katalo. Kahit na kadugo niya mismo ay kaya niyang kitilan ng buhay.

Matapos ang ilang sandali ay sinubukan na hanapin sa kaniyang mga mata kung saan itinago ni Magenta ang kaniyang anak. Subalit siya'y bigo lamang sa pagtangkang hanapin ito, sapagkat hindi niya makita ito at kahit ingay ng bata ay wala siyang marinig.

Sinubukan din niyang amuyin ang bata ngunit hindi niya ito na amoy sapagkat matinding kapangyarihan ang ginawang panangga ni Magenta sa kaniyang anak na si Allena. Kaya ang ginawa niya ay nilibot niya ang buong lugar upang hanapin ang bata subalit hindi niya pa rin ito magawang mahanap at makita. Labis-labis na lang ang pagkagalit ng hari na hindi niya magawang matuntun ang kinaroroonan ng bata.

"Darating din ang panahon matutuntun din kita at mapapatay." Bulong ng hari sa kaniyang sarili habang namumula ang mata sa galit.

Bigla na lang sumigaw nang malakas ang hari sabay na lumipad sa kalangitan.

Kinabukasan sa probinsya ng Buenafe kung saan may mag asawang naglalakad papuntang bukid upang mag-ani ng mga kamote ay may nakita silang isang malusog na batang babae, habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag lalakad.

Tumambad sa mag asawa ang isang batang natutulog sa isang malaking puno. Nagulat ang dalawa at nagtaka bakit may batang natutulog sa isang malaking puno samantalang wala namang mga kabayahan sa bukid na ito.

Sa pagkakaalam nila ay wala ng mga tao ang pumupunta rito maloban na lang sa kanilang dalawa at tanging sila lamang ang pumupunta sa bukid na ito.

Kaya ganoon nalang ang pagtataka ng mag asawa. Mayamaya lang ay nilapitan ng mag asawa ang bata upang tiyakin kung ito'y natutulog lang o patay na.

Unti-unti pa silang lumapit sa bata. At nang malapit na sila sa kinaroroonan ng bata ay makikitang na antig bigla ang kanilang mga puso ng makita nila ang batang natutulog.

"Nako! Doryo napakagandang bata ere. Tignan mo isang napakagandang batang babae." Sambit pa ni Melenda habang natutuwang pinagmamasdan ang natutulog na si Allena.

"Nako! Napakaganda nga. Pero bakit dito siya natutulog saan ba ang mga magulang ng batang ito?" Dugtong pa ni Doryo habang nagtataka at nag-aalala sa bata.

"Ewan ko hindi ko alam pareho naman tayong walang alam diba?" Pabirong sagot naman ni Melenda habang abala pa rin sa pagtitig sa bata.

"Loko ka talaga nagawa mo pang magbiro. Gisingin na nga lang natin ang bata." Sabi pa ni Doryo sabay patingin-tingin sa paligid.

Hindi pa man nagawang gisingin ng dalawa ang bata pero ito'y nagising na.

"Nako! Nagising ang bata" Gulat na sabi ni Melenda.

Parehong natuwa ang dalawa sa bata at talagang na antig ang kanilang puso ng matitigan ito ng mabuti. Dahil sa walang ka tao-tao sa lugar na iyon ay napagpasyahan ng mag asawa na dalhin na lang ang bata sa kanilang bahay.

Hindi naman magawang makapagsalita ng bata sapagkat isang taong gulang pa lamang ito at wala pang ka alam-alam sa mundo. Kaya ninais na lang ng dalawa na kupkupin siya at alagaan na parang tunay nilang anak.

Parang dininig na rin ng diyos ang kanilang panalangin na magkaroon ng anak kahit na ampon lamang. Lumipas ang maraming taon ay malaki na ang batang si Allena na binigyan nila ng bagong pangalan.

Pinangalanan nila itong Aiza Gutierrez, siya ay labing pitong taong gulang na ngayon.