1 Prologue

What if my life was destined for this?

"Isipin mo lang ang mga dahilan kung bakit ka nabubuhay, 'yon lang naman."

"I'm trying. Pero sa tingin ko hindi ko na kakayanin."

I don't know what to do, paano kung hanggang dito na lang talaga? Paano kung hindi ko na kayanin pa?

"R-rae. P-please h-h'wag kang pipikit. Lumaban ka! Lumaban ka! H-h'wag mo kaming iiwan."

Kahit na gusto kong lumaban, hindi ko kaya. Pasensya na, pero hanggang dito na lamang ata.

"A-anong nangyari? N-nasaan s'ya?"

"She's. . .dead."

"H-hindi! Hindi totoo 'yan! H'wag mong sabihin 'yan!"

Kahit na itanggi n'yo pa, wala na talaga. Hanggang dito na na lamang ako.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Mga punong halos magtumbahan ang unang sumalubong sa'kin.

Medyo madilim, hindi ko alam kung nasaan ako.

Tinignan ko ang isang karatulang nakalagay sa taas ng dalawang punong magkatapat.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa, patay na ba talaga ako? Bakit ako nasa. . .

"U-underworld. . .?"

The Place where Grim Reapers, monsters and demons live. Do you believe in a myth?

---

avataravatar