webnovel

GREEN (Traffic Lights #1)

Read the full book on Wattpad (@wandergiiirl). Growing up in a broken and complicated family, Mary Jane Fuentes never looked at love in the same way again. Para sa kanya, aanhin pa ang pagkakaroon ng lovelife kung puro sakit ng ulo lang naman ang hatid nito? And so she vowed to never enter a relationship nang walang assurance, nang walang label. At ganoon naman talaga dapat; bago ka umatake sa giyera, dapat handa ka - dapat may bala ka. When she met Giovanni Chase Verano II, someone whose ideals are way too different from hers, she couldn't help but be cautious of him, to see him as the glaring red lights on the road. Blinded by her strong belief about love, will she ever realize that the red lights have always been green? Written: April 19, 2021 - May 15, 2021

wandergiiirl · Teen
Not enough ratings
2 Chs

Simula

My ringtone blew up right when the yellow light turned red. I turned my wireless earphones on, and it directly connected to my phone. I tapped on it to answer the call.

"Jane, my dear friend, where are you na ba?" my best friend, Peach, asked in a sing-song voice on the other line.

"Malapit na. Papasok na ng BGC. Just wait for me there," I told her.

"Oki doki! By the way, can you cook something for me, please? Before we join that brokenhearted friend of ours?"

Napairap ako sa kawalan. "Hindi ka na naman kumain sa tamang oras? Kapag ikaw nagkasakit..." sabi ko, nagbabanta.

I can already see her pouting and waving her hands defensively. "Eh, sa hindi ko nga bet iyong mga pagkain sa set!" aniya.

I took a deep breath and nodded. "Fine. Whatever. I'm on my way now," I told her before tapping on my earphones to turn the call off.

The red light turned green. I continued driving through the busy streets of Metro. It's almost nine in the evening already. I clicked my tongue while driving to make random noises along with the beeps and engine sounds from the other vehicles.

Nang makarating sa condo building ay lumiko ako papasok sa basement parking space. Kuya Ronan, the security guard, nodded at me and smiled when I beeped at him as a greeting.

I turned the engine off after parking my Vios beside the other cars. Kinuha ko ang itim na bag ko sa front passenger seat at lumabas na. I locked my car and went straight to the elevator. Pasara na ito nang may biglang lumitaw na lalaki at pinigilan iyon sa pagsara.

I blinked my surprise away. Yumuko ako at humalukiphip. Tahimik lang din naman itong pumasok at pinindot ang close button. Tumaas ang kilay ko nang wala na itong ibang pinindot.

Same floor ba kami?

I confirmed that when the elevator opened on the 37th floor, at mas nauna pa itong maglakad palabas. Ngumuso ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

The back of his wide, manly shoulders is facing me. He is tall. In fact, hanggang dibdib niya lang ang tuktok ko. The tucked in black shirt and pants he's wearing tightly wrapped his masculine upper and lower body. Nakatupi nang bahagya ang dulo ng sleeves nito, giving me a chance to see his biceps.

I slowly inhaled. Naamoy ko ang panlalaking pabango nito. Lumiko siya sa isang pamilyar na pasilyo. Kumunot ang noo ko nang natantong doon din ang tungo ko. His condo unit seems to be nearer than I expected.

Nagdire-diretso ito sa paglalakad hanggang sa tumigil sa harap ng pinto sa tapat ng unit ko. Napakurap ako sa gulat.

"Bagong lipat ka?" hindi ko napigilang magtanong.

Natigil ito sa pagpindot ng passcode ng condo unit niya. He slightly turned to me. Salubong ang makakapal nitong kilay nang tumingin sa akin. Magaspang ba pagkakatanong ko?

"No," maikli niyang sagot gamit ang mababa at buong boses.

He didn't wait for any response from me. He pressed a number on his lock and the door unlocked. He immediately went inside without looking back at me.

Naiwan akong tulala sa labas hanggang sa bumukas ang pinto ng unit ko. Peach didn't waste any time to drag me inside and started with her rants.

"Hay nako! Ang pangit ng araw ko na 'to! Nanggigigil ako sa co-models ko! Ang aarte! Akala mo naman..."

Huminga ako nang malalim. I put my bag down the center table in my living room. Nagpatuloy si Peach sa mga reklamo niya tungkol sa trabaho. Ako naman ay tinali ang mahabang buhok para hindi maging sagabal sa pagluluto.

Unlike me who's wearing an office attire, Peach is wearing a maroon spaghetti strapped bodycon dress which hugged her hourglass figure so well and a pair of red ten-inched heels. Nakalugay ang mahaba at kulot nitong buhok. She looks exactly like the antagonist in movies.

Tumigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya. Her red lips pouted. Halos malukot ang matangos nitong ilong. Alam ko na agad ang sasabihin niya.

"What the fuck are you wearing? Really, Jane? White polo shirt and black slacks? And you didn't even tuck in your polo?" she dramatically exclaimed.

Umikot ang mata ko sa langit at umiling. I put my hands on my waist. "What do you expect me to wear in the office? May tinatawag po tayong dress code, 'no?" sabi ko sa kanya. "I can't wear revealing dresses there," sabay turo ko sa damit niya.

She snickered. "Even if your office allows it, you still wouldn't wear such," she said. "But at least have some taste!" she continued and sat on the high chair.

Kung hindi ko lang kaibigan at kilala ang isang ito, I'll surely be offended! Wala talagang preno ang bibig nito. Umiling ako at lumapit sa kusina para simulan ang pagluluto.

"Ewan ko sa'yo, Peach. Ano bang gusto mong kainin, mahal na prinsesa?" I sarcastically asked.

She clapped happily like a seal. "Anything, Madame! Gusto ko lang magkaroon ng laman ang tummy ko bago magpakalasing," ngumisi ito sa akin.

Umismid ako. Tinalikuran ko na siya at kumuha ng itlog at beef patty mula sa fridge. I'll make a burger then. Nakakabusog din naman iyon at isa pa ay hindi kami pwedeng tumagal. We need to go straight to the bar where our friend is probably already drinking the night away.

"Ano bang sabi ni Vine? Bakit na naman ba siya nagpapakalasing ngayon?" tanong ko, tinutukoy iyong kaibigan namin.

I grabbed two bread buns and cut them in half. Tinabi ko iyon pagkatapos at sinunod na hinanda ang mga itlog. Habang nagluluto ay nagbubukas naman ng wine si Peach.

"Ayon... Brokenhearted. Wala namang bago roon," aniya.

I sighed softly. I thought about how Vine was too in love with a certain guy. Mula noong college pa lang ay gustong-gusto na niya ito. But then the guy... Well... I think he's just not interested.

"Kung bakit ba naman kasi habol siya nang habol doon..." sabi ko.

Pagkatapos maluto ng mga itlog ay sinunod ko na ang beef patty. I heard Peach's mocking laugh behind me.

"Mahal niya nga raw kasi," she said with a hint of sarcasm.

Umismid ako. "Ang pag-ibig, hindi dapat pinipilit. Kung para sa'yo, e 'di para sa'yo talaga."

Hinarap ko si Peach. Naabutan ko itong nakatitig sa wine sa basong pinapaikot niya sa kamay. Umangat ang tingin nito at tumaas ang isang kilay.

"Some people try to find love though... And they succeed," she muttered, her hand lazily drawing circles around the lips of the glass.

My head tilted at what she said. "Don't tell me you're in love, too?"

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Umiling siya nang marahas. She looked at me, horrified.

"The fuck? Me? In love? No way!" she denied exaggeratedly.

Humalakhak ako at nagkibit-balikat. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

Nang natapos ako sa pagluluto ay nagsimula na kaming kumain. She talked about her day. Tahimik lang akong nakinig sa mga reklamo niya sa mga kasamang models sa shoot.

Peach is a well-known model. We became friends, along with Vine, when we were in college. Hindi man kami pare-pareho ng kurso ay may general subjects kami kung saan naging magkaklase kami noon. When I met Peach, nagsisimula na itong buuin ang modeling career niya. She once represented their college department and took home several awards, including the crown.

Natapos kaming kumain pagkatapos ng halos isang oras. Sa dami ng nireklamo ni Peach ay hindi na namin namalayan ang oras. She volunteered to clean the countertop while I went inside my room to change clothes.

"Wear a dress! Utang na loob! Ayaw kong magdala ng office worker doon!" narinig kong maarteng sigaw ni Peach bago ko maisara ang pinto ng kwarto.

Ngumiwi ako. Dadalawa lang yata ang dress ko. Hindi talaga ako mahilig magsuot ng mga ganyan.

I'm just... not confident enough. I don't have curves on the right places. My legs are too chubby. Kapag nagsusuot ako ng palda at umuupo ay lalong lumalaki tingnan iyon.

I opened my closet. Ngumuso ako sa nahanap na navy blue halter dress. Hanggang hita ko ang haba nito. Sa likod nito ay naroon ang mga slacks ko na madalas kong suot, sa trabaho man o kapag lumalabas para mamili ng groceries.

Despite the temptation of feeling comfort from the slacks, I decided against it and wore the navy blue dress instead. I paired it with my beige high heels. Napangiwi ako nang nakitang hapit na hapit sa baywang ko ang dress. My breasts... Well... They're also not that big.

"Oh, my goodness! Snap out of it, Mary Jane," I blurted out and shook my head.

I should stop thinking about how my body looks so unattractive. Bago pa ako mahila ng temptasyon ng pagsuot ng mas komportableng damit. Sinarado ko ang closet at nagsimulang mag-ayos sa harap ng salamin.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at naglagay ng powder sa mukha. Sobrang putla ko tingnan kaya naglagay na lang ako ng kaunting cheek tint. I tapped my small nose. Hindi lang katawan ang insecurity ko kundi pati ilong. Umirap ako sa mga naiisip. Imbes na pagtuunan iyon ng pansin ay nagpahid na lang ako ng lipstick sa labi.

Nag-ipon ako ng hangin sa bibig at unti-unti iyong binuga. Kinakabahan akong lumabas dahil sa suot ko. Hindi talaga ako sanay.

I shook my blurry thoughts away and opened the door. Bumaling si Peach sa akin. Nakaupo ito sa couch at nanonood ng random funny videos sa TV. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. My face heated in embarrassment.

Tumalon ito patayo at pumalakpak. "Ayan! Ganyan nga! You should try dressing up that way more!" she excitedly said, her eyes twinkling.

Nangunyapit ito sa braso ko. She looked at me with puppy dog eyes. I made a face.

"Ang pretty ng beshy ko!" she giggled.

Umiling ako at hinayaan siyang yakapin ako sa braso. I grabbed my bag and turned the TV off. Kinuha niya iyong bag niyang nasa counter nang hindi man lang humihiwalay sa'kin. We both went out of my unit.

Peach was humming a familiar tune when we both stopped at the sound of a door closing behind us. Lumingon ako at nakita iyong lalaki kanina.

Umangat ang tingin ko sa mukha nito. He's wearing a black cap, hiding his hair. Katulad kanina ay ganoon pa rin ang suot nitong damit - black shirt and pants. His tight shirt hugged his body too well that his prominent pectoral muscles could easily catch anyone's attention. His overall built just screams masculinity.

Sumulyap ito sa akin habang papalapit. I immediately noticed his dark, snobbish eyes. Kung tumingin ito ay parang may kasalanan akong mabigat sa kanya. His lips are in grim line. His right brow raised and his jaw moved for a bit. I found myself sucking in a deep breath when he looked away.

He walked with sharpness and confidence. Ni hindi man lang pinansin ang pagbati sa kanya ni Peach. His long, muscled legs moved fast that in a matter of few seconds, he was already out of our sight.

"May kapitbahay ka pala? I thought that unit is empty?" narinig kong tanong ni Peach.

Nagkibit-balikat ako. Akala ko nga rin.

Please do drop some comments. I will appreciate it so much! I will use your words to improve on what I lack in. Thank you! <3

wandergiiirlcreators' thoughts