1 Disclaimer and Prologue

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: Matured Content! This story has strong violence and language. Underage , are not allowed in here.

Language: Tagalog/English

Prologue

Sobra akong nagutom sa aking paglalakbay. Sampung araw ang aking inabot bago makarating sa sira-sirang headquarters ng Silver Panther Gang. Kung kani-kaninong mga karwahe na dumaan sa aking daan na tinahak ako nakisakay para lang makabalik sa lugar na ito na kagaya ng mga miyembro, ay walang kabuhay-buhay.

Iisang miyembro na lamang ng gang ang buhay na nandito sa lugar na ito. Si manong Zaneri. May katandaan na si manong Zaneri kaya naman mas maganda para sa kaniya na mamuhay nang hindi kasama sa kaniyang buhay na ginagalawan ang Silver Panther Gang.

Pumasok ako sa headquarters at nakita ko agad si manong Zaneri. Namutla ang kaniyang mukha sa kaniyang pagkakita sa akin. Mukhang nakilala niya agad ako kahit pa naging anim na taong gulang na bata muli ang aking katawan.

"Mary, mabuti na lamang at nakabalik ka nang buhay." Malumanay niyang sabi sa akin. Lumapit siya.

"Nakilala mo ako manong?" Puno ng pagtataka na aking sabi.

"Siyempre naman." Pagkumpirma naman niya. "Mukhang, nabigo ka sa iyong ginawa?"

Nagbitiw ako ng buntong hininga. "Manong Zaneri, pumalpak nga ho ako sa paghihigante. Halata naman sa nangyari sa katawan ko. Kaya naman, nais kong dalhin mo at itago ang espada ko na ito. Magpapalakas ulit ako para sa susunod, magtatagumpay ako." Ini-abot ko sa kaniya ang aking espada na nakapaloob sa kaluban nito.

"Bakit mo ibinigay sa akin ang espada mo hija?" Nagtataka ang ekspresyon na tanong niya sa akin sabay kuha sa espada ko.

"Hindi ko maaari na hawakan ang 'Divine Blade' hanggat hindi ako karapat-dapat...isa lamang akong hamak na padalos-dalos na mahinang magus..." Unti-unting nanlabo ang aking paningin dahil sa luhang namuo sa aking mga mata at nagbabadyang pumatak. Hindi kona napigilan at tuluyan na ngang pumatak ito. "World Conquerors Familia is so strong!! I'm so powerless... 'Strongest Adventurer' my ass, I'm so weak. Everyone except us two remaining living members of this gang are dead..." Napaluhod ako.

Binitawan naman ni manong Zaneri ang aking espada at yinakap niya ako. "Tahan na hija. Huwag mong dibdibin ang iyong pagkabigo. Mayroon at mayroon talagang mga bagay sa mundo na kailangan mo munang maranasan na mabigo bago mo ito matupad. Hindi ka mahina, sadyang mas malakas ang kalaban. At kung malakas ang kalaban, kailangan mo lang ding lumakas at higitan sila. Ikaw ang pag-asa ng Silver Panther Gang."

Kahit papaano, napakalma ko ang aking sarile. Nagpahinga ako saglit. Sa aking pag-gising, napag-pasyahan ni manong Zaneri na magpunta sa Uzbane City para doon magtago mula sa mga kalaban. Isa itong abandonadong bayan, kaya naman mainam ding doon kona itago ang 'Compass Piece' na ibinigay sa akin para itago ng kalaban na responsable sa pagbalik ng aking 38 anyos na katawan sa isang 6 anyos na katawan ng batang babae. Nagkunwari ako kay manong Zaneri na nais ko lamang siyang samahan at masigurado na ligtas siyang makakarating sa Uzbane kahit na ang totoong pakay ko ay ang itago sa bayan ang 'Compass Piece'.

Habang naglalakbay kami ay kumakain ako ng baon namin na pagkain dahil baka ang gutom pa ang pumatay sa akin.

Hindi ko hahayaan na kahit sino ang makahawak sa 'Compass Piece' dahil kapag nangyari iyon, malalagay sa alanganin ang 'Giftia' na siyang pinaka-nais makuha ng mga hangal na 'World Conquerors Familia'.

"Mary hija, mag-iingat ka sana palagi." Bilin ni manong Zaneri sa akin nang ako ay sumakay na sa kabayo na sinakyan naming dalawa papunta dito sa abandonadong bayan na ito.

Maliit man ang katawan ko at mahihirapan na patakbuhin ang kabayo na ito, ito ay aking kakayaning gawin. "Mag-iingat ka rin ho manong Zaneri. Balang araw, pangako. Babalik ako rito para kunin ang aking espada sa inyo. Kapag dumating ang araw na iyon, sinisigurado kong uubusin ko ang 'World Conquerors Familia', bilang kabayaran nila sa mga buhay ng Silver Panther Gang members at iba pa nilang mga biktima na kanilang pinaslang."

"Gabayan ka nawa ng maykapal hija." Matapos itong sabihin ni manong Zaneri ay tumango ako sa kaniya saka ko pinatakbo ang kabayo. Naghanap ako ng lugar dito sa Uzbane City na pagtataguan ko ng 'Compass Piece'. Nang makahanap ako at itinago ito, ay umalis ako sa Uzbane City nang tuluyan upang palakasin ang aking sarile.

I'm getting revenge and justice for the people who died because of that organization.

*****

Power, Wealth and Fame. These three aspects determine the status and roles in life. In this world, Magic governs everything. Everyone has the right to judge but not all are executors. Conflict arises in this kind of system, which why Gangs existed.

Friends? Love? Kindness? Such traits are rarely considered for a person's act. Deceit, Jealousy, Evil are the traits commonly known for a reason to do something.

Gangs are organization of people who don't follow the regulations of the Empire. They commit crimes like rape, murder, fraud, robbery, prostitution and many more. But not all Gangs are dirty. Gangs which have pride and dignity existed to help other people who the government cannot provide help services.

Such Gangs, are rare to have and are blessings to people in need of their aid. Such Gangs needed to control the rapidly growing wars between the different groups which many innocent lives are being taken. Battle between the government officials and Gangs or Gang vs Gang battles, it's unstoppable. Such Gangs must step out to blew up the fire in the candle. Such Gangs that have the guts to decide what to do for the betterment of the future.

Such Gang, which I cannot create and will always end up being a formidable troublesome team which everyone fears.

This is a story of a Gangster woman who will climb her way on top of all. Together with her friends, she will become the queen of Gangsters, or so they thought...the story of the battle for Giftia, a legendary treasure of the forgotten past of this world called Elementacia.

Let's see what will be my judgement on 'The Land I Will Judge' when the faithful day comes.

avataravatar
Next chapter