1 Unang kabanata| 1997

August 21, 1997

Nakahiga ako sa kama at tinatanaw ang puting kisame.

Ang tahimik sa loob ng kwarto;rinig ko ang bawat pitik ng orasan at ang ihip ng hangging  pumapasok sa bintana na siyang sumasayaw sa puting kurtina.

"Gabriel!, pwede bang mamaya na yan; tawagin mo na ang ate mo para makapag-almusal na." rinig kong wika ni Mara mula sa baba.

Naririnig ko na ang yabag ng paglakad ni Gabriel patungo sa pinto ng kwarto ko.

"kailangan pa talaga may taga-tawag si ate? Prinsesa ba siya?"rinig kong reklamo nito.

Agad ako tumayo at inunahang buksan ang pinto.

"Prinsesa ba kamo." bungad ko sa kanya.

"Whaaaaahhh!!" napasigaw ito sa gulat at pagkatakot.

Suot ko kasi ang isang maskara; Mukhang naaagnas na ang itsura.Zombie kung baga.

"T-tawag ka ni M-mommy, p-para kumain." nanginginig ang kanyang labi.Naistatwa siya sa takot.

"p-pano mo na--"

"Hindi mo ba alam na mind reader ako." agad kong sagot kaya naputol ang sasabihin nito.

"Mind reader ability?."patanong nitong sabi.

"Yes~ suuuper poooweeerssss." Pabulong kong sabi.

"whaaa!" tumakbo ito patungong hagdan pababa.

Inalis ko ang maskara at para akong ewan na nagpipigil ng tawa.

Sa katunayan malakas talaga ang pandinig ko simula pagkabata.

"Daddy!" sigaw ng bunsong halfbrother ko, tatlong taong gulang.

Mula sa hagdan dumungaw ako sa baba.

Kakapasok lang ni dad sa main door, nagpalpag siya ng sapatos sa basahan; bitbit sa magkabilang kamay ang mga pinamili.

"Mike anak, wag kang humarang sa daraanan ni daddy, ok?"saway nito sa bunsong anak.Mahinhin ang boses ni Mara, kaya siguro na-inlove si dad.

Kinuha niya ang ibang supot na dala ni Dad.

Hinalikan sa labi.

"Eww~!" mahina kong sabi sabay ngiwi.

"Hon, si George, bumaba na ba?Tanghali na nasa kwarto pa rin siya?…nakung batang yon."wika ni dad sinundan ko siya ng tingin patungong dinning at bumaba na rin ako ng hagda at tumungo sa dinning area.

"pinatawag ko na siya kay Gab." sagot ni Mara na nag-aayos ng groceries.

lumapit ako sa alababo kung san naroroon si Mara.

"dyusmiyo!" nabigkas nito sa pagkagulat, dahil bigla na lang akong sumulpot sa tabi niya na parang isang kabute.

"Good morning." bati niya sakin.

Do ko siya nilingon hanggang makatapos ako  maghugas ng kamay. Dumeretso ako sa table kung saan nakaupo si Gab at Mike.

Kinuha ko ang peanut butter, strewberry jam at slice bread.

Nabaling ang tingin sa'kin ni Gab na tinulak ng hintuturo ang suot na hugis bilog na eyeglasses.

Binelatan ko siya, pang aasar lang.

"George, tumawag na ba si Dr.Serrano?" tanong sakin ni dad na naupo naman sa tabi ko .Inabot ni Mara ang timpladong kape.

Umiling ako at kumagat sa tinapag na pinalanan ko ng peanut butter at strewberry jam.

"psychopath."' bulong ni Gabriel bago ito sumubo ng cereal.

Agad kong dinampot ang kutsarita at binato sa kanya.

"ARAAAY!!" daing nito na napahawak sa noo. "Dad!! si ate! Binato Niya ko ng kutsara hindi ko naman inaano!" sumbong nito.

"Georgina!" sambit ni Dad sa pangalan ko na nakakunot noo.

"Tinawag niya kong Psychopath." katwiran ko at  tinaasan ko ng isang kilay si Gab.

"kahit na,dapat sinaway mo hindi yung batuhin mo ng kutsara sa noo, kumilos ka nga na isang ate sa kanila." sermo ni Dad.

tsk, hindi ko naman sila tanggap na kapatid.

"hmm! oo nga pala."sambit ko ng may bigla akong naalala.Dali-dali kong inubos ang tinapay; sunod-sunod na kagat ang ginawa ko.

Nakangiwing pinagmamasda ako ni Gab."Kadiri ka kumain."sambit nito ng makita niyang naglalaglagan sa mesa ang nadudurog na tinapay.Inirapan ko lang siya.

"George,anong klaseng pagkain yan, parang di ka dalaga kung kumain,May humahabol ba sayo?" wika ni dad ng mapatingin sakin.

"Naalala ko na may pupuntahan ako ngayon."Sagot ko punong-puno ang bibig ko habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full." sermon ni Mike; sa totoo ang cute niya kaso ayoko sa kanya kaya benelatan ko siya.

humigop si dad sa mainit na kape at nagtanong. "Kay Ben ka ba pupunta?"

Tumango lang ako at agad uminun ng tubig dahil muntikan na ko mabilaukan.

Dali-dali ako tumayo at patakbong lumabas ng kusina.

"umuwi ka kaagad!, pupunta pa tayo kay Dr.Serrano!" pahabol ni dad na sabi.

I rolled my Eyes"Na naman" mahinan kong sabi habang patakbong umaakyat ng hagdan.

*Ben's shop music collection.*

Sa labas pa lang Rinig ko na ang pinapatugtog na kanta ni Mang Ben ; ang 'Moonriver'.Theme song daw ito nilang mag-asawa.

"Hi George,musta?!" bati sakin ni Mang Ben ng marinig niya tumunog ang charm sa pinto at papasok ako.

Kinaway ko ang kanan kamay habang palapit sa kanya na abala sa pag-aayos sa istante ng mga songhits at magazines.

"ayus naman." sagot ko at lumapit sa mga cassette tapes na nakadisplay. "mukha yatang walang napapadpad dito." sabi ko habang namimili ako ng mga casette tapes.

"mas pinipili kasi nila ang makabagong teknolohiya." napangising sagot nito na nakatuon pa'rin sa pag-aayos ng songhits at magazines.

"Siguro dahil masnakakaaliw," 0nakangisi kong sabi. "ah!  bibilhin ko 'to." inabot ko ang mga cassette tapes ng bandang guns 'n roses., maging ang album ng Rosette. "t'saka 'to." sunod kong inabot ang songhits na mula sa inaayos niya.

"abay, ayus 'tong mga napili mo." nakangiting sabi niya.

Naglakad siya patungo sa casher's table at sumunod naman ako.

kaching*kaching*

Tunong ng makinilya ng resibo. "Isang daan, binibini." nakangiti ito at inabot sakin ang pinamili kong nakasupot.

napangiwi naman ako "eww.. hindi bagay sa pangalan ko yan." kinuha ko ang supot.

"Oo nga pala, kamusta sa bago niyong bahay? balita ko lumipat na kayo rito."

"Ayus naman, 'tsaka di bago ang bahay namin.… bagong pintura lang." ngumisi ako.

"Mukhang mapapadalas ka na rito." sambit niya.

"magsasawa ka sa mukha ko." biro ko kay Mang Ben. napangiti ito na kita ngipin.

"sige, alis na ko. pinapauwi kasi ako ni dad kaagad." paalam ko at nagpatuloy na ko palabas. Kasunod noon isang binatilyo  ang nakasalubong ko papasok ng pinto.

Sa katunayan,tuwing bakasyon lang ako nakakarating  rito sa shop ni mang Ben kaya Di ko masyadong kilala ang mga tao rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagulat na Lang ako sa matinis na busina.

nilingon ko kung  Sino ang bumusina."Dad?!!"  inis ang  tono ng pananalita ko.

"Sumakay ka na." utos ni dad at pinagbuksan Niya ko ng pinto ng kotse.

Agad akong sumunod.

'L- for the way you look at me, O- you're the only what I see, V- isa very very extra ordinary E- is even more than enyone--' pinatay ni dad ang kantang tumutugtog mula sa stereo ng kotse.

Umarangkada na si dad ng andar pagkasakay ko.

binuksan ko ang cassette  ng stereo at nilagay ko ang cassette tape ng Guns'n roses.

Wistles*

panimula ng kanta.

'Patience'-- isa sa mga kantang pinasikat ng Guns 'n roses.

*

Umayos ako ng upo, sumandal at tinanaw ang malawak na palayan sa labas ng bintana.

"bago?" pagbasag ni dad sa pagkatahimik ko.

"hm" sagot ko sabay tango.

"Dad, kailangan ko pa bang magpa-session kay Dr.Serrano?."tanong ko kay dad na abala sa pagmamaneho.

Mula sa labas binaling ko ang tingin sa kanya. "hindi na ko binabangungot at saka ok na ko ngayon." sabi ko;Walang katotohanan.

"e di mabuti." napangiti si Dad.

"Dad, di ko na kailangan ng Psychiatrist." pagkukumbinsi ko kay dad.

"pero hindi maganda ang nags-sleep walk." sagot nito sakin.

I rolled my eyes,uurghh! "dad, hindi ako nag s-sleep walking." pagtatama ko., teka pano kami napunta sa usaping sleep walking?.

Pasulyap sulyap sakin si dad."di mo alam na nakita ka ni Gab na naglalakad ng tulog kagabi." katwiran nito.

"what?" nasambit ko; di naman ako tulog nun, gusto ko lang talaga maglakad lakad kagabi sa labas,Dahil di ako makatulog.

"Dad, yung kagabi--"

"uh uh uh! wag na mangatwiran."  sabat ni dad kaya di na natulog ang sasabihin ko.

napaface palm ako. "Dad~" di ko na alam ang idadahilan ko para di na kami matuloy kay Dr.Serrano.

binaling ko ang tingin sa labas. " sa totoo lang, pakiramdam ko abnormal na kong tao." sambit ko.

"anong sinasabi mong abnormal?" nakakunot noo itong tumingin sakin.

"Dad, ang pumupunta sa psychiatrist ay may problema sa utak, in short--  baliw."

"hoy Hoy hoyyy! mag ingat ka sa pananalita mo, hindi lahat ng nagpapatingin sa Psychiatrist ay baliw na agad." alma ni dad sa sinabi ko. "at isa pa si Dr.Serrano ay Dream specialist."

Whatever, pareho lang yun.

"pero dad, lahat ng tao nakakaranas ng bangungot, depression; so ano pang dahilan para pumunta tayo kay Dr.Serrano?"

Tinigil ni Dad ang sasakyan, " ok, kung ayaw mo na talaga, pwede kahit ngayon na lang pagbigyan mo ko, ha anak."

"Dad--"

"Please~" pakiusap nito kaya naputol ang sasabihin ko.

Natatakot lang si dad na di na ko magising isang araw o kaya matagpuang nakabigti na ko sa kisame ng kwarto ko o kaya makita niya ko sa loob ng banyo na bumubula ang bibig with laslas sa pulsuhan; halos lahat kasi ng kamag-anak namin namamatay sa sobrang pagka-depressed at  bangungot, maging ang lola ko na kamamatay lang dahil sa bangungot.

Inaamin kong depressed pa rin ako sa mga nangyari last two months

.Depressed pa rin ako dahil hanggang ngayon sinisisi ko ang aking sarili sa lahat ng ngayari.

Minsan talaga mahirap taguan at ibaon ang nakaraan, dahil gabi -gabi sa pag tulog ko lagi akong dinadalaw ng nakalipas.

Nakalipas na nais kong balikan at baguhin, matigil lang ang pagdurusa ko, na para bang sumpa niya sa'kin.

Sumpa ng kaibigan…

Sumpa na babaunin ko habang buhay…

"George, George"

"Yes dad?" tanong ng magising ako sa pagkatulala.

"lumulutang na naman ang utak mo sa kalawakan.George kung ano man ang iniisip mo pwede mo naman sa'kin sabihin,ok? at mas makakatulong yun sayo."

Tumango lang ako.

avataravatar