webnovel

Dealing With The Vampires

Masayang-masaya si Cyrus ng makita ang apat na nasa harapan nito. Pero pinipigil lang din niya ang sariling mabuko sa totoong balak nito. Ang kasama naman niyang babae ay ang kambal niyang si Ciara. Napapaikot ni Caira ang boss ng naturang kastilyong iyon at napag-uutosan niya ito sa mga gusto nito. Sa kanilang pagdating sa lugar na iyon ay si Krypton ang naturang head ng pamilya Demonfire ang nakakita sa kanila. Ipinakulong sila ni Cyrus sa cellar na pinamumugaran na ng mga daga at ipis. Parehong may marka sa mga kamay sina Cyrus at Ciara, ng pinagdikit nila ang mga markang ito ay naglabas ito ng liwanag ngunit kulang ng isang bahagi ang markang ito. Ni isa sa kanila ni Cyrus ay walang kakayahang mag mind control hindi gaya ni Charlemagne. Nababasa ni Cyrus ang isipan ng isang tao at nagsisilbing utak sa kanilang dalawa ni Ciara. Inutusan niyang ipasok sa iisang kwarto ang mga pinadakip niya.

"Krypton dalhin mo silang apat sa iisang kwarto lamang. Tapos gamitin mo itong concealer ng mga kapangyarihan nila." ibinigay ni Cyrus ang isang mystery stone. Hindi man alam ni Krypton ang nagagawa ng batong iyon ay sumusunod pa rin ito sa pinag-uutos sa kanya.

"Neiton, Xycnus dalhin ninyo sila sa pinakamalaking kwarto dito sa palasyo."

"Sige boss." akmang kakargahin na ng dalawa ang apat na himbing na himbing pa rin ng may isang babaeng humawak sa mga kamay nito. Nakalabas ang mga pangil nito at makikita sa mukha niyang hindi siya sang-ayon sa pagsunod ni Krypton kay Cyrus.

"Krypton! bakit mo ba sila sinusunod? Hindi ba dapat ikaw ang masusunod sa palasyong to?"

"Xyrish sino ba ang nagbigay ng permiso para kausapin mo ako ng ganyan." nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa babae.

"Kailan pa tayo naging alipin ng mga bagong dating na yan!" sabay turo kina Cyrus at Ciara.

Isang malambing na tawa ang binitawan ni Ciara. Bumaba ito at lumapit kay Krypton. Nang makalapit ay agad niyang hinalikan si Krypton sa labi nito. Gumanti naman ng halik si Krypton, mas lalong nanggigil sa galit si Xyrish.

"Hindi naman namin ginustong mag-utos, kaso itong si Krypton masyadong atat sa mga utos ko para sa isang simpleng rason." pilyang saad ni Ciara na nilaro-laro pa ang mga labi ni Krypton.

"Ang sabihin mo nilandi mo lang talaga yang si Krypton!" sinakal ni Xyrish si Ciara pero tinawanan lang siya nito. Hinablot ni Krypton ang kamay nito sa pagkakasakal kay Ciara at itinapon sa pader. Nilapitan niya ito agad at sinakal din.

"Gusto mo ba talaga akong kalabanin Xyrish?!" nakalabas na ang pangil ni Krypton na handa ng mangagat.

Tumayo si Cyrus at ikinumpas ang kamay, gamit ang lupa ay bumuo siya ng isang malaking harang sa pagitan ni Krypton at ni Xyrish.

"Sa harap ko pa talaga kayo nag-aaway!" galit na saad nito.

"Pasensya na po Lord Cyrus." mas lalong nandiri si Xyrish sa narinig. Tumayo ito at lumabas ng kastilyo.

Nilapitan ni Ciara ang galit pa ring si Krypton at hinimas ang mukha nito.

"Hayaan mo nalang muna siya, tama naman siya. Dapat kasi ikaw ang namamahala dito pero ewan ko ba at biglang si Cyrus na ang sinusunod mo." Saad ni Ciara. Niyakap naman siya ni Krypton at tiningnan.

"Magkakambal kayo, at ayaw ko ng makipaglaban sa kanya. Kung hindi mo pa siya pinigilan edi nasunog na ako."

Ang tinutukoy ni Krypton ay yung panahong nagising na sila sa loob ng cellar ng palasyo. Takot na takot si Ciara noon at para mawala ang takot ni Ciara ay kailangan nilang makaalis doon. Nagawang baluktutin ni Cyrus ang bakal na harang at nakalabas nga sila ng cellar. Papalabas na sila sa pasilyo ng palasyo nang abutan sila ni Krypton. Pinaikutan sila ng mga Demonfire at pinilit dakpin at ikulong ulit. Hindi pa alam ni Ciara ang kanyang kakayahan ng mga panahong iyon kaya takot na takot ito. Si Cyrus naman ay gustong mailigtas ang kapatid kaya lumabas ang taglay nitong kapangyarihan. Bago pa man makaatake ang mga ito ay nabasa na niya ang iniisip nito. Sumugod sina Xycnus at Neiton kay Cyrus pero bago pa makalapit ay nakabuo na siya ng kahoy na spear at natusok ang dalawa. Nakita ng kasamahan nila ang nangyari kaya sumugod din ang mga ito. Ikinumpas lang ni Cyrus ang kamay nito at isang bakal na bilog ang bumilanggo sa tatlo nitong kasama. Nagpumiglas ang mga ito at pilit sinira ang bakal ngunit mas lalo lang lumiliit ang bakal na bilog at kinukuryente sila. Si Krypton na lamang ang natirang nakatayo. Sinugod niya si Cyrus habang abala ito sa pagpapahirap sa mga kasamahan niya. Sinunggaban niya ang leeg nito at kinagat. Dahil takam rin sa dugo ay nasiyahan ito sa lasa ng dugo ni Cyrus. Nagawang makawala ni Cyrus sa pagkakakagat sa kanya at bumuo siya ng dalawang parihabang kahoy na inapuyan pa niya. Parang nabaliw si Krypton sa dugong nainom at parang naging hayop na ito. Susugurin na ulit sana niya si Cyrus ng makarinig siya ng isang awitin. Ang bangis na naramdaman niya ay humupa at parang isang lullaby ang kanyang naririnig. Sa awiting iyon ay nanghina siya. Napaluhod siya at pinilit iwinaksi ang isipan sa naririnig nito. Handa ng sunugin ni Cyrus si Krypton pero hinarangan siya ni Ciara. Nilapitan nito si Krypton at inalalayang tumayo.

"Ciara!" galit na sambit ni Cyrus. "Bakit ka lumalapit sa halimaw na yan?"

"Halimaw bang maituturing ang isang ito? Duguan na nga Cyrus kaya mo bang pumaslang?"

"Kahit na! Kanina lang takot na takot ka di ba?"

"Takot ako, Oo pero nung una lang. Nakita ko namang may nararamdaman din sila. Sa awitin kong iyon di ba apektado din sila. Ibig sabihin lang dun may pakiramdam sila."

"Ciara Szane Gilbert Winchester! Inuutusan kitang lumayo sa halimaw na yan!"

"Ayoko!" hinarang ni Ciara ang sarili. Nakikipagmatigasan siya sa kakambal nito. Si Cyrus naman ay kinalma ang sarili at hinayaan na lamang si Ciara sa gusto nito.

Simula noon, ang pamilya Demonfire ay takot na sa dalawa pwera nalang kay Xyrish na lunod na lunod na sa selos. Malaki ang utang na loob nila kay Ciara kaya naging taga-sunod ang mga ito. Nagkagustuhan naman sina Ciara at Krypton, kahit ayaw ni Cyrus ay wala na siyang nagawa. Ayaw niyang makitang umiiyak ang kambal kasi pati ang paligid ay nakikisimpatya sa kanya. Isa ring dahilan ni Krypton kung bakit hindi siya nagrerebelde kay Cyrus kahit na di niya gusto ang inuutusan siya ay dahil sa dugo nito. Binibigyan siya ni Cyrus ng dugo kapalit ang mabibigat na utos. Mga Vampire sila na nagtatago sa ibang dimension para makaiwas sa gulo. Kung hindi na rin sa tulong ng dalawa ay malamang naging abo na sila dahil halos maubos na ang mga hayop sa dimension na iyon. Wala na rin masyadong tao sa dimensyong iyon simula ng dumating ang mga Demonfire. Pinasubok na din sila ni Cyrus na uminom ng dugo ng tao pero hindi nakokontento ang pamilyang ito. Tanging dugo ni Cyrus at Ciara lamang ang nakakapuno sa uhaw nila sa dugo.

"Ciara!" tawag ni Cyrus. "May pag-uusapan tayo." sumunod naman si Ciara kay Cyrus.

"Dalhin niyo na ang mga yan sa kwarto. Huwag niyo hayaang makalapit si Xyrish sa mga ito." mabilis na nakarga ng mga kasamahan niya ang apat papunta sa kwarto nito. Nang mapag-isa na sila Cyrus at Ciara ay nag-usap na ang dalawa.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?"

"Nararamdaman mo ba yung presensyang taglay ng apat na iyon?"

"Oo naman. Alam kong may kauganayan tayo sa kanila. Nakakasiguro din ako dahil hindi pwedeng magkamali si Krypton sa amoy ng dugo nila."

"Oras na sigurong pakawalan natin sila."

"Sinong pakakawalan? Hindi naman natin sila binihag. Talagang uhaw sila sa dugo natin." mayabang na tugon ni Ciara.

"Pag nagkamalay na silang apat kakausapin ko sila."

Ang hindi nila alam ay pinakikinggan pala sila ni Xyrish. Agad itong umalis para hindi siya mabuko. Nailapag na ng dalawa ang apat at hinayaang magpahinga. Naipaalam na din nila kay Cyrus na nailipat na nila ang apat na bihag.

"Lord Cyrus, siguro wala ka namang nakakalimutan?" paalala naman ni Krypton.

"Bakit ko naman makakalimutan yun?" Inilahad ni Cyrus ang wrist nito at lumapit naman si Krypton. Hindi na pumayag si Cyrus na pati si Ciara ay magpakagat sa mga bampirang ito. Inilapat na ni Krypton ang mga pangil nito at dahan-dahang ibinaon. Tiniis lang ni Cyrus ang sakit, kahit pa may taglay siyang kapangyarihan sa bawat sipsip ng dugo ng mga Demonfire ay nanghihina ito. Pero hindi niya pinapahalata ang panghihina dahil baka gawing rason yun nga mga Demonfire para magrebelde. Sumipsip na ng dugo si Krypton. Nagsimula ng pumasok ang dugo ni Cyrus sa katawan ni Krypton. Bago pa mabaliw si Krypton ay tinatanggal na ni Cyrus ang kanyang mga kamay sa pagkakakagat ni Krypton. Sumunod naman ang apat pang kasamahan nito. Si Xyrish ay hindi pa nasubukang uminom sa dugo nina Ciara at Cyrus kaya hindi nito alam ang nararamdaman ng mga kasamahan niya. Nang matapos ang lahat ay halos himatayin na si Cyrus dahil nanghihihina na siya. Dito naman papasok ang trabaho ni Ciara. Pagkatapos na pagkatapos makainom ng mga Demonfire sa dugo ng kakambal niya ay umaawit siya para makalma ang mga ito. Ganito na ang nakasanayan nilang gawin kaya parang normal na sa mga Demonfire na kinakalma sila sa awitin ni Ciara. Ang tanging gusto lang ni Ciara ay hindi sila lamunin ng uhaw at baka mapahamak si Cyrus. Sumusugal silang dalawa sa bawat pagkakataon na bibigyan na nila ng dugo ang mga ito.

"Aakyatin ko muna ang mga dinakip niyo para matukoy kung sila nga ang mga hinahanap ko." alibi ni Cyrus. Walang sinuman sa mga ito ang nakapansin sa pag-alis ni Cyrus dahil para silang dinadala sa ibang lugar sa awiting kinakanta ni Ciara, kapag nasigurado na ni Ciara na okay na ang mga ito tsaka lamang siya aalis.

Pumasok si Cyrus sa loob ng malaking kwarto. Tinignan niya muna kung nailagay ba ni Krypton ang mystery stone na ibinilin dito. Nang masigurong andun nga ay tumuloy na siya sa pagpasok sa loob. Naupo siya sa harap ng mga himbing na himbing pa ring bihag. Maya-maya pa ay sumunod na si Ciara.

"Awitan mo nga sila para magising." utos ni Cyrus na isinandal ang ulo sa pader. Nagpapahiwatig lamang ito na nanghihina pa rin siya.

"Sige." nagsimula ng umawit si Ciara. Ilang saglit pa ay nagising ang mga ito. Sa una ay galit sina Casimir at Cloyce, sina Cassiel at Charice naman ay takot. Umaawit pa rin si Ciara at pinakinggan siya ng apat. Kumalma ang mga ito at sumenyas naman si Cyrus na okay na ang mga ito.

"Nasaan kami?" may konting galit pa rin sa boses ni Cloyce.

"Andito kayo sa Moonevil Dimension. Sa kastilyo ng mga bampirang Demonfire." sagot ni Cyrus. Umupo si Ciara sa tabi nina Charice at Cassiel.

"Anong kailangan mo samin?" nakipagtitigan na si Cloyce kay Cyrus. Gumanti naman ito at tumayo para malapitan ang kausap. Ipinakita niya ang marka sa kanang kamay nito at ganun din ang ipinakita ni Ciara. Nagkatinginan ang apat.

"Anong marka yan?" tanong ni Cassiel.

"Yan ang hindi namin alam, nagising kami dito at tanging ang markang ito ang nagsilbing tanda na kambal kami. Pero kulang ng isang bahagi. Kaya pinahanap namin kayo." paliwanag ni Cyrus. Ipinakita ng apat ang kanilang mga kamay ngunit wala itong mga marka. Nadismaya naman si Cyrus at napayuko.

"Okay, masaya pa rin kami na nakita namin kayo. Alam kong kahit papano ay konektado tayo." pag-iba ni Ciara sa usapan.

"Pano mo naman nasabi?" tanong ni Casimir.

"Kasi yung amoy ng mga dugo natin, kaya nilang amuyin ang mga dugo natin at base na rin sa kanila ay walang katulad ang amoy na ito, kaya nagka ideya si Cyrus na kaya naming utusan ang mga Demonfire at ipahanap kayo sa pamamagitan ng dugo." pagpapaliwanag ni Ciara.

"Kaya pala pero sana naman nasabihan niyong huwag kami saktan."

"Sinabihan ko naman sila pero hindi ko hawak mga utak nila. At dahil lumaban din kayo napilitan na siguro silang lumaban."

"Parang hindi naman ganun ang nangyari." angal ni Casimir.

"Pasenya na kayo kung naging marahas sila, hindi nila alam kung ano tayo kahit nga tayo hindi natin alam kung ano nga talaga tayo. May mga kakayahan tayo, alam natin yun pero maliban doon wala na kaming maalala sa nakaraan."

"Ganun din kami. Tanging pangalan at ang kakayahan lang namin ang aming nalalaman."

"So ano ba ang dapat nating gawin ngayon?" tanong ni Ciara.

"Dapat tayong umalis sa dimensyong ito. Tulad niyo nanggaling kayo sa ibang dimension at dinala lang namin dito."

"May batong hawak-hawak ang tinatawag nilang boss." pagbibigay alam ni Charice.

"Oo ako ang nagbigay nun. Fate stone ang batong yun, kaya nitong magbukas ng isang dimension. Pero dapat may link tayo sa dimensyong iyon." saad ni Cyrus.

"Saan mo ba nakuha yun? Kung may link dapat paano mo kami nahanap?" naguguluhang tanong ni Cloyce.

"Hindi ko alam kung paano napunta sakin yan. Basta paggising ko nalang nasa akin na yan. At kailan lang nung nalaman ko ang nagagawa ng mga batong dala-dala ko. At tungkol dun sa link, mula sa portal na nagawa ng fate stone ang dimensyong tinitirhan niyo ang pinakamalapit samin. Doon ko ginamit ang mga Demonfire dahil alam na alam nila ang amoy ng dugo namin ni Ciara, mula din kay Krypton sigurado siyang ganun din ang mga dugo niyo."

"Paano tayo lilipat sa ibang dimension?"

"Hindi ko rin alam." saad ni Cyrus.

Habang nag-uusap sina Cyrus at ung iba, palihim na palang nakikipag-usap si Xyrish sa kasamahan niyang sina Ceris at Cerenity. Inilahad niya ang planong rumebelde kina Cyrus at Ciara. Dahil kapwa babae ay naiintindihan ng mga ito ang pinupunto ni Xyrish. Ang kailangan lang nilang gawin ay manipulahin ang takbo ng utak ng iba pang kasamahan.

"Bukas ng gabi, kung saan tulog na sina Cyrus at Ciara, palihim tayong papasok sa kwarto nila at kumuha ng dugo mula sa kanila." pabulong na saad ni Xyrish.

"Paano natin magagawa yun hindi naman tayo nakakalapit sa kanila." tanong ni Ceris.

"Alam ko kung paano, basta sumunod lang kayo."

Nang maikasa na ang plano ay kanya-kanya silang nagsibalik sa palasyo. Nang makabalik ay sinimulan na nila ang unang bahagi ng plano ni Xyrish, manipulahin ang mga kasamahan kahit sa anumang paraan.

"Krypton!" tawag ni Xyrish.

"Ano na naman ba kailangan mo Xyrish? Kung magrerebelde ka na naman wag mo nang tangkain. Hindi ka naman magtatagumpay." masama ang tingin na iginawad niya kay Xyrish.

"Dapat naman tagalang magising na kayong mga lalake. Baliw na kayo masyado sa dugo ng mga taong yun."

"Nabubuhay tayo dahil sa dugo nila."

"Pano nalang pag nawala na sila? Pag umalis sila bigla? Paano na yan?"

"Hindi nila tayo iiwan. Wala naman silang ibang mapupuntahan." galit na saad ni Krypton.

"Yan ang akala mo. Alam mo ba kung nasaan sila?"

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Pinaplano na nila ang pag-alis nila sa dimensyong ito. Kung inaakala mong mananatili lang sila dito pwes nagkakamali ka. Sa simula pa lang ginamit lang tayo para mahanap ang kasamahan nila."

"Nagsisinungaling ka!" sabay sakal kay Xyrish.

"K-kung ayaw mong maniwala, puntahan mo sila sa kwarto ng mga bagong dating." inihampas ni Krypton si Xyrish sa sahig at mabilis itong umakyat sa kinaroroonan ng kwarto. Akmang bubuksan na sana ni Krypton ang pinto ng liparin siya nito palayo. Kumikinang ang mga mystery stone na inilagay niya sa gilid ng pinto. Mas lalo siyang nagalit at tinawag ang mga kasama.

"XYRISH! XYCNUS! NEITON! CERIS! CERENITY!" nanlisik ang mga mata ni Krypton na pulang-pula. Mula sa loob ng kwarto ay nababasa ni Cyrus ang takbo ng utak ng lahat ng nasa labas. Ang iba ay nagtataka at naguguluhan pero rinig na rinig niya ang galit ni Krypton at ang galak ni Xyrish.

"Alam na nila ang mga plano natin. Minamanmanan na pala tayo ni Xyrish simula nung napaaway siya kay Krypton."

"Anong nang gagawin natin?"

"Simple lang lalaban tayo." tumayo si Cloyce.

"Hindi, hindi tayo makakalaban sa kondisyon nating ito."

"Cyrus kantahan ko nalang sila para humupa yung galit nila at tsaka na tayo aalis pag okay na sila." opinyon ni Ciara.

"Di ako sigurado Ciara. Ayokong may mapahamak." kahit na hindi sumang-ayon si Cyrus ay lumapit si Ciara sa pinto at binuksan ito. Sumalubong sa kanila ang mga galit na bampirang naghihintay lang na mapagbuksan. Aatake na sana sila pero hindi pa rin sila makalapit dahil gumagana pa rin ang mystery stones. Dito naman umeksena si Xyrish. Ang inatake niya ay ang mystery stone sa kaliwang bahagi ng pinto. Nagsimula ng mabahala si Cyrus dahil kapag natanggal niya ito ay makakapasok na ang grupo nila sa kwarto.

"Ciara start singing." agad ding kumanta si Ciara. Sa tindi ng galit ni Krypton ay hindi tumalab sa kanya ang awit ni Ciara. Natanggal din ni Xyrish ang mystery stone at tuluyang nasira ang barrier sa pinto. Hinila ni Cyrus si Ciara at gumawa ng malaking pader na gawa sa bakal.

"Everyone stay back. Think of some way para makalabas tayo."

"They'll hunt us down pag nangyari yun."

"For now kailangan nating lumayo, di rin magtatagal manghihina sila. They need blood to survive."

"Saan tayo magtatago? Naamoy nila tayo."

Tinatarget na ng mga Vampire ang pader na gawa ni Cyrus. Hindi pa nakakarecover si Cyrus sa dugong nawala sa kanya. Pero pinipilit niyang manatiling nakatayo para mailigtas ang mga kasama. Nakikita nila sa mukha ni Cyrus na nanghihina na ito. Nagagawa ng itulak ng mga bampira ang pader na bakal.

"Isip mga kasama. Mag-isip tayo ng paraan." sabi ni Cloyce. Dumudugo na ang ilong ni Cyrus at namumutla na ito. Tanging ang kagustuhan nitong protektahan ang mga kasama ang siyang naging strength niya para tumagal ng ganun. Lumingon sa likod si Casimir at may nakitang bintana. Naka-isip siya ng paraan.

"Charice magpalit ka ng anyo yung tipong kayang basagin ang bintanang yan!" sabay turo sa bintana sa likuran nila.

"Sige." nagpalit siya ng anyo bilang isang dinosaur. Dumagundong ito ng malakas at binasag ang bintana.

"Tara na!" sumenyas na si Casimir na pwede na silang makalabas. Naunang lumabas si Charice at nag-anyo bilang isang malaking ibon. Sumakay sa likuran niya si Cassiel at Ciara habang hawak-hawak niya si Casimir.

"Cyrus! Tara na!"

"Go ahead. Kaya ko pa silang pigilan."

"Cyrus halika na hindi ka na magtatagal jan!" sigaw ni Ciara.

Nilapitan ni Cloyce si Cyrus at hinawakan ang mga balikat nito.

"Cloyce umalis na kayo!" utos ni Cyrus.

"No way, hindi ka namin iiwan." nag-isip si Cloyce kung paano niya masasabay si Cyrus sa kanyang pagteleport ni hindi nga niya alam ang eksaktong itsura sa labas ng kastilyo.

"What can you do?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Anong bang kaya mong gawin?"

"Magteleport. Pero sa lugar lang na alam na alam ko."

"Alam kong nangangamba ka at naguguluhan ka na rin kung paano tayo makaka-alis dito."

"Hindi ko alam ang itsura ng labas kaya hindi ko alam kung saan ako papunta."

"Madali lang yang problema mo." nakangising sabi ni Cyrus.

"Panong madali?"

"Isipin mo ang lugar na pamilyar na pamilyar ka."

"Tulad ng sabi ko--" ininguso ni Cyrus si Charice na nag-anyo bilang isang ibon. "Alam ko na."

"Sa bilang na tatlo babagsak ang pader na to at makakalapit na ang mga yan, dapat sakto ang timing para di tayo abutan."

"Sige kuha ko."

"Cyrus! Cloyce bilisan niyo."

"Isa, Dalawa, Tatlo." hawak-hawak ni Cloyce si Cyrus at inisip ng husto ang malaking ibon na sinasakyan ng mga kasamahan. Nagtagumpay nga si Cloyce sa pagteleport kasama si Cyrus pero imbes sa likuran ng ibon mapunta ay sa pakpak sila bumagsak. Dumulas sila pababa at nahawakan naman ni Casimir si Cyrus habang nasalo ni Charice si Cloyce. Agad silang lumipad paalis. Malayo layo na ang nalipad nila at napapagod na rin si Charice. Nagpasya silang magpahinga sa isang mataas na bundok.

"Hindi naman na nila tayo maabutan dito."

"Nagkakamali ka, papalapit na sila."

"Sakay kayo ulit-" mahina na si Charice at pagod di na niya nakayanan pang magpalit-anyo.

"Magpahinga ka muna Charice."

"May naisip akong paraan. Sa dugo natin nila tayo naamoy. Ikalat natin ung dugo natin sa bawat sulok ng bundok na ito para mahirapan silang hanapin tayo habang nag-iisip pa tayo ng paraan para makaalis sa dimensyong ito." saad ni Ciara.

"Tama yang naisip mo. Kami na bahala jan." agad na umalis sina Cloyce at Casimir. Halos mawalan na ng pag-asa si Cyrus ng makita niya ang marka sa kamay niya.

"That's right!" bulalas nito.

"What's right?" tanong ni Cloyce na nakabalik agad.

"Ciara come over here." ipinakita ni Cyrus ang marka. "This is the answer."

"Answer to what? Naguguluhan ako Cyrus."

Inilabas ni Cyrus ang fate stone at inilapag sa lupa.

"Everyone stick together. Were leaving this dimension."

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?"

"Just trust me." magkahawak-kamay silang lahat na nakapaikot sa fate stone. Lumiwanag ito at naglabas ng magic circle. Dinig na dinig na ni Cyrus na papalapit na ang mga ito dahil nababasa na niya ang mga nasa utak ng mga ito.

"Take us to the last bearer of this mark!" pagkasabi nun ay parehong umilaw ang mga marka nina Ciara at Cyrus. Saktong nawala na sila ng dumating si Krypton.

Sa dulong parte ng dimensyon kung nasaan sina Carlie ay may nakatagong isang bundok na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga Witches. Hindi lang basta-basta sabi-sabi ang mga iyon dahil ito ay totoong-totoo.