webnovel

Godly Gene: Another World

Si Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 years old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly lalo na kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang si Harrie Hernandez bilang ang bagong nagmamay-ari ng katawan at katauhan ni "Sylvan Darvell", isang 18-years old na binata sa pambihirang paglalakbay na ito. Makakaya niya kayang makipagsabayan sa iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial art cultivators na makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 4

"Hahaha... Mukhang mga engot ang 'to, may padrama-drama pang nalalaman ang mga ito. Akala nila ay hindi ko alam ang kahalangan ng bituka ng mga ito lalo na ni Priscilla Bates at ng dalawang pesting anak nito. Ni hindi nga ako nakaramdam ng pagkalinga sa mga ito at puro pasakit lang ang binigay nila sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito tapos ito pa ang sasabihin nila? Did they think I'm stupid to think na pamilya ang turing nila sa akin." Sambit ni Harrie Hernandez sa kaniyang sariling isipan lamang habang makikitang hindi siya naniniwala sa mapagkunwaring ugali ng mga nasa harapan niya na mga nilalang. He didn't feel pity about them. They are like a toxic parasite that he wants to get rid of.

Tiningnan naman sila ng malamig ni Harrie Hernandez na siyang nagpanginig sa laman ng tiyahin niya at ng dalawang anak nito.

"May maganda nga pala akong balita. Pwede na kayong umalis sa pamamahay ko ngayon din. Bumalik na kayo sa barong-barong niyong bahay dahil hindi kayo nararapat tumuntong dito!" Malamig na pagkakasambit ni Harrie halatang seryosong seryoso ito sa kaniyang pagkakasabi.

Bahagyang nagulat naman ang tiyahin niya maging ang dalawang anak nitong sina Priscilla at Tad sa sinabing ito ni Harrie Hernandez. Pakiramdam nila ay ibang-iba na ito kumpara sa dati. 

"Ano bang pinagsasabi mo Harrie. Pamilya tayo hindi ba? Dapat ay nagkakaunawaan tayo hindi yung nag-aaway-away tayo." Malumanay na sambit ni Priscilla Bates sa pamangkin nitong si Sylvan Darvell pero gusto niya ng sermunan ito dahil sa kapalaluan nito. Hindi niya hahayaang mapaalis sila ni Sylvan sa pamamahay na ito dahil kahit wala pa ang titulo nito ay sa kaniya pa rin mapupunta ang lahat ng kayamanang naiwan ng kapatid nito at ng asawa nito. Para sa kaniya ay may karapatan siyang kuhanin ito dahil kapatid niya mismo ang naghirap ng perang ito noh.

"Oo nga naman Sylvan, pamilya tayo hindi ba?!" Sambit ni Tad habang mahinahon itong nagsasalita pero ang totoo ay gusto niyang bugbugin ang pesteng binatang nasa harapan niya. Napakapatpatin nito at mabilis niya lang itong mapapatumba. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nanlalaban at naging palaban sa hindi nila mawaring dahilan.

"Kumalma ka muna kuya Sylvan, hindi ba pwedeng pag-usapan ito?!" Sambit ni Elton. Hindi nito alam ang gagawin lalo na't parang kakaiba ang Sylvan na nakikita niya sa kasalukuyan. This is really not he is expecting to be.

"Sige pag-usapan natin Tiyang Priscilla kung paano mo sinubukang i-transfer ang naipong kayamanan ng ama't ina ko sa Gene bank account mo. Paano ko nalaman? Tinawagan ako ngayon-ngayon lang ng bangko para sa ginawa mong katangahan. Hindi ako mangmang para gaguhin mo lang. Tsaka nakikitira na nga lang kayo sa pamamahay ko ay parang mga Don at Donya kayo dito na akala mo ay ako pa ang caretaker ng sarili kong pamamahay!" Malamig na sambit ni Sylvan habang matiim itong nakatingin sa tiyahin niyang ahas maging sa anak nitong mga sunod sa luho. Ang dating Sylvan na nakilala niya ay masyadong mabait para ipagtanggol ang sarili nito at takot sa tiyahin niyang hilaw. Pero siya na ang nagmamay-ari ng katawang ito at malaya siyang angkinin ang bagay na nararapat lamang sa kaniya. Sisiguraduhin niyang ang mga naipundar at mga kayamaang naiwan kay Sylvan ay palalaguin niya at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maging malakas siya sa hinaharap para di siya api-apihin.

Hindi talaga maipagkakaila ni Harrie na nalilito siya sa katawagan sa kaniya. Siguro nga ay kailangan niya ng masanay at ito na ang permanenteng buhay na meron siya. Siya na ngayon si Sylvan Darvell at hindi na siya si Harrie Hernandez.

Nagimbal naman ang babaeng si Priscilla maging ang mga anak nitong si Tad at Elton sa sinabing ito ni Sylvan Darvell. Hindi nila aakalaing manlalaban ito sa kanila lalo na sa nanay nilang si Priscilla.

Pakiramdam nila ay naging bato lahat ng pinaghirapan nila. Ang sakripisyo ng ina niya para matagumpay na maisagawa ang lahat ng minimithi nito para maangkin lamang ang yaman ng pamilya Darvell ay nawala lamang ng parang bula.

"Sabihin na nating inaasikaso ko ang papeles para itransfer ang pera ng magulang mo sa Gene bank account ko pero para naman iyon sa mga pinsan mo. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Wala na nga silang tatay tapos ganyan ka pa!" Sambit ng babaeng tiyahin nitong si Priscilla na ipinapakita nito ang mga nagawa niya. Hindi niya hahayaang wala siyang mapala sa pesteng pamilyang ito.

"Sumusobra ka na Eun! Hindi ko aakalaing pati ang ginawa ni mama ay minamasama mo!" Marahas na sambit ng lalaking si Tad Bates dahil sa kapalaluan ni Sylvan. He find it unreasonable lalo na at kailangan din nila ng kayamanan na iyon para sa pag-aarak niya lalo na sa mga luho niya

"Oo nga. Tama si Kuya, napakaswapang mo!" Marahas na sambit ni Tad habang mababakas ang galit sa boses nito.

"As expected sa inyong tatlo. Hindi nga lang kayo mag-iina kundi magkasing-ugali din kayo. Pinalagpas ko ang nagdaang mga masasamang bagay na ginawa niyo sa akin pero dinamay niyo pa talaga ang kayamanan ng mga magulang ko para sa sarili niyong kapakanan. Hindi lang pala makapal ang mukha nito, napakawalanghiya niyo pa!" Sambit ng ni Sylvan habang kakikitaan ng inis ang mukha nito. Hindi niya aakalaing sobra pa sa ugali ng pamilya niya sa Earth ang tiyahin niya at ang mga pinsan niya sa kakapalan ng mukha. Hindi lang yun, ang kapal pa ng mga mukha ng mga ito dahil pinamukha pa na siya pa ang masama dito at pinagtulungan pa talaga para maging malinis sila upang kaawaan?! Hindi pa nga nila alam na hindi siya ang dating Sylvan na kilala nila.

"Sumusobra ka ng bata ka! Kailan ka pa naging matapang upang sagot-sagutin ako ng ganyan! Pinalaki ka pala ng magulang mo noh lalo na ng ina mong malandi kaya sumunod ka sa yapak niya haha!" Sambit ng tiyahin nitong si Priscilla na galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya aakalaing may tinatagong tapang si Sylvan na anak ng kapatid niya.

Gumuhit ang galit sa maamong mukha ni Sylvan sa sinabing ito ng kaniyang tiyahin. Ayon sa alaala niyang nakuha sa dating nagmamay-ari ng katawang ito ay isang ulirang ina ang ina niya. Never niyang nakitaang nag-away ang mga magulang niya dahil sa third party na binibintang ng pesteng tiyahin niya.

Ang tatay niya naman ay alam niyang mahal na mahal niya ang ina nito. He can't live without his beloved wife. Ganon yung tumatak sa isipan niya. 

Kahit alam niyang gumagawa lang ng walang kwenta o walang basehang assumptions ang tiyahin niyang bungangera ay talagang nakakagalit lalo na at mga magulang niya.

"Sumusobra na ata kayo Tiya. Huwag niyong hintaying magalit pa ako ng lubusan bago kayo umalis dito!" Sambit ni Do Eun na nagpipigil lamang ng kaniyang sariling galit. Alam niya kung gaano kahirap ang mawalan ng ina at ama ng pamamahay na ito. Pero ang tiyah niya ay walang habas na gumagawa ng kwentong hindi magansa pakinggan lalo na at yumao na ang mga magulang at ng mismomg original owner ng katawang ito.

"Ikaw ang sumusobrang bata ka! Hindi ko aakalaing nagtiyaga pa akong pumunta dito at alagaan ka!" Sambit ng tiyahin niyang si Priscilla na galit na rin sa pag-uugaling ipinapakita ni Sylvan. Hindi niya aakalaing pagsasalitaan siya ng binatang lalaking napakalampa noon na pwede niya lamang paikutin sa mga palad niya pero ngayon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin at nagawa na siyang sagut-sagutin nito. She really find it strange.

"Wag kang magsalita ng ganyan Sylvan sa mama ko. Alalahanin mong tiyahin mo pa rin siya. Wala kang karapatang bastusin ang mama ko!" Sambit naman ni Tad na halatang galit na rin sa pinsan niyang si Sylvan. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang tapang ni Sylvan ngayon na nasa harapan niya.

"Tama na Sylvan, nasasaktan na si mama sa pinagsasabi mo!" Puno ng lungkot na sambit ni Elton. Hindi niya gustong nagagalit ang ina niya.

Natatawa naman si Sylvan sa kaniyang isipan lamang nang marinig niya ang panunumbat ng magaling niyang tiyahin. Talagang ang apog nito sa katawan ay nakakamangha talaga.

"Wow ha, tumigil? Sana naisip niyo yan nang sumali kayo sa pag-angkin ng yaman ng magulang ko. Nasa akin lahat ng kayamanan nila nakasaad kaya wala kayong magagawa doon. Tsaka natransfer ko na sa pangalan ko ang yaman ng pamilya ko. Kahit ano'ng gawin niyo ay wala na kayong mahuhuthot sa pamilya ko hahaha!" Confident na sambit ni Sylvan na masasabing halatang hindi ito nagbibiro sa paraan ng pagsasalita nito.

Bigla na lamang tumunog ang hawak na high tech na phone ng tiyanin nitong si Priscilla. Mabilis namang binasa ito ni Priscilla na siyang ikinanlaki ng mata nito at napahawak pa ito sa isang corner malapit sa kaniya.

"Pa-papaano it-itong nang-nangyari, hindi maaari ito!" Sambit ni Priscilla matapos nitong mabasa ang isang mensahe galing sa Gene Bank na pinapaasikaso niya. Nalaman niyang may kumuha na ng pera dito at naitransfer na sa isang private gene account. Lahat ng mga ginawa niya ay nauwi lang sa wala nang dahil sa kagagawan ni Sylvan na siyang naging hadlang sa pagkuha niya ng yaman ng pamilya Darvell. Sino pa ba ang pagsususpetsahan niya kundi ito lamang.

"Kita mo na? Sabi ko sa'yo eh, wala kang mapapala dahil sa akin pa rin ang huling halakhak hahahaha!" Masayang sambit ni Sylvan. Halatang hindi siya magpapatalo lamang sa mga ito. Gusto niyang ipakitang matapang siya ay hindi magpapaapi sa kahit sino maging sa kamag-anak niyang may masamang layunin lamang kaya dumikit sa pamilya nila lalo na noong naging ulila na siyang lubos.

Napatingin naman si Tad sa ina nitong si Priscilla maging si Elton ay nakisali na rin. Makikitang tila nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Makikita sa mga mata ng mga ito ang namumuong plano na nais nilang isakatuparan.

"Talagang ginagalit mo ko Sylvan. Sisiguraduhin kong walang makikinabang sa yaman ng pamilya mo lalo na ikaw!" Galit na sambit ni Tad habang mabilis nitong inilabas ang maliit na kutsilyong napakatalas ng blade nito.

Mabilis na sinugod ni Tad ang direksyon kung saan naroroon si Sylvan. Nakatayo lamang si Sylvan na animo'y walang anumang balak na umilag sa papalapit na atake ng lalaking si Tad Bates.

Napangisi naman si Tad sa kaniyang nakikitang attitude ng binatang lalaking si Sylvan. Talagang hinahamak at ina-underestimate siya nito. Kung sana ay una palang ay pinaslang niya na ito gamit ang sarili niyang mga kamay ay ginawa na niya sana upang hindi na sana sila nagkaproblema ngayon.

"Hindi ko aakalaing ako mismo ang papaslang sa'yo Sylvan sa mga oras na ito. Kung hindi ko lang din mapapakinabangan ang yaman ng pamilya mo ay mas mabuting mamatay ka na!" Iyan ang gustong sabihin ni Tad lalo at gusto niyang kunin lahat ng yaman ng pamilya Darvell upang siya lang ang makinabang nito. Patungkol naman sa ina niya at sa kapatid niya ay wala siyang pakialam sa mga ito.

Malapit na niyang maabot ang tiyan ni Sylvan nang makarating na ito sa pwesto nito. Yung tipong sasaksakin niya na ito ay sigurado si Tad na mapipinsala niya si Sylvan nang malala.

Naniniwala siyang hindi pa rin siya kaya ng isang lampang si Sylvan Darvell. Noon nga ay madali lamang niyang mapipinsala ito at hindi nga ito lumalaban kahit pisikalan na ang nagaganap.

Ngunit nang subukan niyang saksakin si Sylvan ay mabilis itong nakailag sa kaniyang atake kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Paanong nangyari ito? Hindi ito maaari! Paano niya nailagan ang aking atake!" Sambit ni Tad sa kaniyang sariling isipan lamang. Tila ba sa labis na gulat niya ay natameme siya sa kaniyang pwesto.

Napangisi na lamang si Sylvan lalo na at naririto sa harapan niya si Tad na binalak siyang saksakin nito gamit ang maliit na kutsilyong hawak nito. Talagang ang tapang ni Tad na gawin ito sa kaniya lalo pa't sa alaala ng original owner na nakuha niya ay palagi lamang siyang nabubugbog ng isang Tad Bates na ito na anak ng tiyahin niya.