14 Chapter 13

GRRRRR!

Malakas na tunog ang pinakawalan ng nasabing halimaw na usang ito. Nakakatakot talaga ang itsura nito kumpara sa normal na usa. Alam niya ring walang normal na hayop sa mundong ito dahil lahat ay mapanganib mula sa insekto hanggang sa pinakamalaking mga hayop ay puro nagkaroon ng gene mutations.

Naging alerto naman ang binatang si Sylvan Darvell habang pinakiramdamang mabuti nito ang galaw ng nasabing halimaw. Alam niyang hindi pwedeng maging kampante siya. 

Mahigpit na hinawakan ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang hawak na maliit na kutsilyo sa kaniyang kanang kamay. Tunay ngang mapapalaban siya sa oras na ito.

Tila pabilog namang lumakad ang halimaw na usa habang maingat namang lumakad pabilog ang binatang si Sylvan Darvell. He can't let his guard down lalo na at masasabi niyang mapanganib nga ang isang ito. Kumpara sa ibang halimaw na usang nakalaban niya ay dito siya nakaramdam ng ibayong panganib.

Whoosh! 

Maya-maya ay malakas na lumundag ang nasabing halimaw na usa papunta sa kinaroroonang pwesto ng binatang lalaking si Do Eun. 

Mabuti na lamang at agad na lumayo ang binatang si Sylvan Darvell na sjyang dahilan upang bumaliktad ang pwesto nila.

Talaga ngang nakakakilabot at nakakadiri ang itsura ng mga halimaw sa mundong ito. Pakiramdam niya nasa loob siya ng pelikula. Yung sikat na pelikulang napanood niya na pati yung mga hayop na naging zombie, parang ganon yun. Sino bang hindi matatakot sa mga gnaitong senaryo pero mas malala lang ang kaniyang naranasan dahil hindi ordinaryong mundo ang kinaroroonan niya. May taglay na extraordinary abilities ang mga Geno Beasts.

"Kung hindi ko matatakasan ang halimaw na ito ay maaari ko naman itong paslangin. Hindi dapat ako matakot sa isang Gene Beast lamang." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Alam niyang walang magliligtas sa kaniya sa mga oras na ito. Sinasabi niyang hindi ito isang libro o isang manga book na paboritong nababasa niya na siyang ang bida. Kung gusto niyang tumayo sa pinakarurok ng mundong ito ay kailangan niyang maging matatag at maabilidad. Bida? Hindi niya gustong makamit ang ganitong titulo. He wants to become a very powerful Gene Cultivators at isang Gene Scientist ng mundong ito. He is living in a life full of frustration. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga bida ng kwentong nababasa niya kaya gusto niyang mabago ang takbo ng buhay niya.

Nakita na lamang ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang sariling sumusugod sa kinaroroonan ng halimaw na usa. Hindi niya mapigilang makaramdam ng excitement na katulad sa mga nababasa niyang cultivation novel. Gusto niyang maging malakas na indibidwal sa hinaharap at uumpisahan niya ito sa pesteng halimaw na usang bigla na lamang lumitaw at gusto siyang lapain nito.

Mabilis na tumalon ng malakas ang binatang si Sylvan Darvell kung saan ay mabilis siyang nag-spent ng labinlimang Geno points sa gagawin niyang atake.

Isang flying kick ang pinatikim ng binatang si Sylvan Darvell patungo sa nasabing halimaw na usa na siyang pinanggigilan niya talaga.

BANG! 

Malakas na bumulusok sa malayo ang nasabing halimaw na siyang ikinatuwa ng binatang si Sylvan Darvell.

Walang pag-aalinlangang mabilis na kinuha ng binatang si Sylvan Darvell ang pagkakataong ito kung saan ay tila nahilo pa ang nasabing halimaw na usa.

Ang natitirang tatlumpong points niya ay mabilis niyang ginamit ito para sa huling atakeng gagawin niya.

SLASH! SLASH! SLASH!

Tatlong magkakasunod na saksak ang pinatikim ng binatang si Sylvan Darvell sa halimaw na usa kung saan ay pinagtuunan niyang sirain ang vital points ng halimaw. Ang unang saksak nito ay sa leeg. Sunod naman ay sa parteng puso nito at ang huling saksak niya ay sa tiyan nito mismo.

Tila naligo naman sa masangsang na dugo ang binatang si Sylvan Darvell dahil sa pamatay na kilos nito sa mismong halimaw. Talaga ngang nakakaubos lakas ang ginawa niya. Hapong-hapo naman ang binatang si Sylvan Darvell dahil sa ginawa niyang ito.

Nakita niya namang napaslang niya nag nasabing halimaw na usa lalo na at nakita niyang tumunog ang kaniyang sariling Gene Watch na kusang nag-on at nagkasalita ang mechanical voice nito ngunit mayroon siyang Gene device earpiece kung saan ay siya lamang ang makakarinig ng nasabing notifications mula sa Gene Watch niya na latest model.

"Congratulations! You gain 10 Geno Points from Ferrocious Deer! You gain 0.5 Special Gene Points!" Sambit ng mechanical voice mula sa Gene Watch ng binatang si Sylvan Darvell kung saan ay sunod-sunod ang pagsasalita nito.

Nang marinig naman ng binatang si Sylvan Darvell ang sinabing ito ng mechanical voice ay talaga namang nanlaki ang pares ng mga mata niya.

"You gain 10 Geno Points? Ganon ba talaga kalaki ang Geno Points nang halimaw na usang iyon?! Nagtatakang sambit ng binatang si Sylvan Darvell. 

Nakita niya kung paano naging 30 points kaagad ang kaniyang kasalukuyang Geno Points.

Geno Points Acquired: 55 Geno points

Evolution Requirements: 100 Geno points

Special Geno Points: 0.5 

Mas nanlaki ang mata nang binatang si Sylvan Darvell nang makita nito ang Special Geno Points niya kung saan ay nagkaroon ng 0.5 points. Hindi niya alam kung totoo ba ito o hindi.

Upang masiguradong hindi siya nahihibang o nananaginip ay mabilis niyang pinisil ang kaniyang pisngi.

Nang makaramdam siya ng sakit at tiningnan maigi ang kaniyang sariling Gene Watch ay hindi pa rin nagbabago o magbabago na mayroong 0.5 Special Geno Points na siya sa kasalukuyan. 

Ayon sa alaala ng original owner ng katawang ito ay ang Special Geno Points ay masasabing parang nagdadagdag ng additional points sa anumang atake o ginagawa ng isang Gene Cultivators o ng Gene Scientist.0.5 ay nangangahulugan ito na 500 times. every 0.100 ay 100x it will multiply to your attacks by using Gene Skills at ganon din sa mga ginagawa mo sa pagiging Gene Scientist ngunit iba lang ang functions nito. Every 0.100 will multiply your success rate in extractions, Gene replications, Gene Productions at iba pa. This is like a godlike points that will surely a blessing in disguise. 

Patungkol naman sa ibang mga nakasulat sa Gene Watch niya ay isinantabi na lamang niya ito dahil malayo pa siyang malagyan ang mga ito. He must focus on gaining more Geno Points rather than to find special geno points na imposible naman iyon dahil random iyon at tanging ang mga halimaw na nagkaroon ng compatible na gene mutations lamang ang may taglay nito. It's just a mere luck nang mapadpad siya sa lugar na ito at makasagupa ang isang halimaw na usang tinatawag na Ferrocious Deer. 

Mabilis namang kinain ni Sylvan Darvell ang Gene Recovery Capsule at isang Gene Antidote Capsule kung saan ay makakatulong ito upang mapabilis ang oras ng pagbalik ng mga Geno Points niya at ang Gene Antidote Capsule naman ay para masiguradong hindi siya malalason ng anumang klaseng lason na taglay ng Ferrocious Deer na napaslang niya.

"Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. This is not a safe place to me anymore." Sambit ni Sylvan Darvell nang mapansin nitong tila mayroong paparating na mga halimaw sa loob ng masukal na kagubatang ito. Hindi rin naman imposibleng mangyari iyon lalo na at ang dugo ng isang napaslang o sugatang Geno Beasts ay naka-attract sa mga malapit na kapwa nito Geno Beasts. This is normal lalo na sa mga kagubatan. There are always a law of the jungle exist here.

Mabilis na lumabas ang binatang si Sylvan Darvell sa Hermit's Hunting Ground lalo na at delikado din ang pagala-gala sa lugar na ito. Isa pa ay hindi pa niya tuluyang nababawi ang mga nawalang Geno points niya sa kaniyang sariling katawan. Sampong Geno Points palang ang nababawi ng katawan niya pero confident naman siyang mapoprotektahan niya ang kaniyang sarili lalo na at mayroon pa rin siyang Special Geno Points na 0.500 na pwede niyang gamitin upang i-multiply ang lakas ng atake niya rito sa mismong Geno Points niya up to 500 times. This will grabt him 5,000 Geno points in total if he use a one time attack. Ganon ang nagagawang himala ng Special Geno Points. Kaya ingat na ingat din ang lahat na makasalubong o makasagupa ng mga Gene Cultivators na mayroong Special Geno Points. Talagang napakaswerte ng binatang si Sylvan kung tutuusin lalo na at may 0.5 Geno points siya na kayang gumawa ng 500 times sa atake na gagawin niya.

Pinagtitinginan naman ng makakasalubong ng binatang si Sylvan Darvell ang ayos nito lalo pa't parang galing ito sa madugong labanan. Talagang nilalayuan siya ng mga nakakasalubong niya. Sino ba namang hindi diba? Hindi naman kasi nagkaroon ng ganitong klaseng senaryo sa hunting ground o kung mayroon man ay talagang nakakatakot ito. Napakatapang din ng amoy ng dugo ng halimaw na nakadikit sa katawan ng binatang si Sylvan Darvell. 

Isinawalang bahala na lamang ito ng binatang si Sylvan Darvell at mas gugustuhin niyang umuwi sa bahay niya upang pakalmahin ang kaniyang sarili lalo na at ang nakuha niyang mga Geno Points ay talaga namang napakalaki at idagdag pa ang Special Geno Points na nakuha niya mula sa Ferrocious Deer ay talagang napakalaki rin. Parang naka-jackpot siya sa araw na ito. 

Masaya namang tumungo si Sylvan Darvell pauwi habang may ngiti na nakapaskil sa labi nito habang nagmamaneho ng sariling sasakyan nito. Mabuti na lamang at hindi siya nagcommute baka ano namang mga pasaring ang maririnig niya sa ibang mga taong makakasalamuha niya sa daan o sa mismong transportasyong sasakyan niya.

Hindi rin nagtagal ay nakauwi ng matiwasay si Sylvan Darvell kung saan ay mabilis siyang nag-shower pagkadating na pagkadating niya pa lamang sa malaking mansyong bahay na pagmamay-ari niya. Talagang nagshower siya dahil nanlalagkit ang mga dugo ng halimaw na usang pinaslang niya maging ang mga natamong mga dugo mual sa iba pang naunang napaslang niyang mga halimaw. Talagang ganito ang kalakaran sa mundong ito. You cannot be a powerful individual without staining your hands. Talagang kaialngan mong gumalaw-galaw at kumilos upang magpalakas at mangolekta ng Geno points. 

Mabilis siyang humiga sa bathtub upang dito naman magpa-relax dahil nakakapagod din ang araw na ito pero worth it naman. Talagang kaparehong kapareho lamang ito ng Earth ang lugar na ito pero may nakatagong panganib pala dito. It's seems like Earth but It's not. 

Maya-maya pa ay mabilis na siyang nagbihis at pumunta sa kusina at kumain. 

Napaka-convenient lahat ng mga bagay rito lalo na pagdating sa pagkain o sa mismong pagkain.

Ang pagkain dito ay talagang malilinis. Karne lamang at mga gulay o mga prutas ang kinakain dito. Ang mga seasonings, preservatives, spices at mga condiments na makikita sa mundong ito ay gawa sa mga natural na mga sangkap.

Ang mga pagkain dito ay pinoproduce ng mga Gene Scientist na nagiging negosyo o kabuhayan na rin ng mga manggagawa at mga business owners dito. They can produce anything due to higher level of science methods they use here.

Ang mga tools at equipment sa pagluluto ng pagkain dito ay sobrang advanced. Buti na lamang at mayroong memorya ng advanced level ng teknolohiya ang nakuha ni Sylvan Darvell sa previous owner ng katawang ito sa mundong ito kundi ay baka hindi siya makakakain dahil sa pagiging ignorante niya. 

Siyempre ay sinubukan niya ang lahat ng equipment na matatagpuan sa loob ng malaking bahay na ito lalo na ang mga advance na mga bagay sa loob ng kusina. Ayaw niyang mamatay ng ignorante noh. Hindi din siya komportable kung magha-hire pa siya ng kasambahay lalo na at kaya niya naman gawin ng gawaing bahay. Sa susunod niya nalang iisipin iyon kung sakaling magbago ang isip niya patungkol sa bagay na ito.

Mabilis na siyang pumunta sa loob ng Gene Lab niya matapos niyang kumain, magsipilyo gamit ang high tech na toothbrush na automatic din. Gusto niyang magresearch patungkol sa nasagupa niyang halimaw na usa at sa iba pang mga Geno Beasts ng mundong ito. He don't want to be like this na mahina. He wants to broaden his knowledge and horizon kung gusto niyang umunlad sa dalawang aspeto ng pagiging malakas na Gene Cultivator at pagiging Gene Scientist sa hinaharap. Gusto niyang madagdagan ang kaalaman niya sa mundong ito lalo na at gusto niyang malaman ang mas nakakakatakot na katotohanan sa mundong ito.

avataravatar
Next chapter