webnovel

Chapter 2

Chapter 2:Kierson

KIERSON MOJEH's POV

I groaned in annoying when I heard my phone's ringing. I am still sleepy, f*ck!

I grabbed my pillow for cover my ear at hinintay na matigil din ang pagri-ring ng cellphone ko. And it stopped, ipagpapatuloy ko na sana ang tulog ko nang biglang kumalabog ang pintuan ng kuwarto ko.

"What the fuck?!" malutong na mura ko. Sh*t...

"Kierson! Kierson Mojeh!" 

Napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses ni mama. H*ll!

Takot ako sa mama ko dahil amazona talaga siya. Kaya tiklop bibig ang papa ko sa kanya.

"Kierson Mojeh!" she called me again.

Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Dr. Georgina.

"Fuck! Wake up, Georgina!" sabi ko at niyugyog ang katabi kong mahimbing na natutulog.

Hindi siya puwede makita ni mama! Lagot kami pareho.

"Hmmm...babe..."

"Kierson! Open your f*cking door!" maawtoridad na utos ni mama at hinaluan pa ng mura. See? She's scaring like h*ll.

"Wake up!" inis na bulong ko sa babae at napabangon na siya.

Bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan. Lihim na nagmura ako. What a good view but d*mn it! I need to face my mom!

"Magtago ka! Nandiyan ang mama ko!" saad ko at nanlaki ang mga mata niya.

Kilala niya ang mama ko at talagang patay kaming dalawa. Takot din naman siya sa ina ko dahil ilang beses na kami nitong naabutan sa condo ko.

Tumayo na ako at hinablot ko ang black robe ko, mabilis na sinuot ito.

Mariin na pinikit ko ang mga mata ko nang lumipad na yata sa ere ang pintuan ko. Hindi na 'yan ang unang beses! Sinira na naman ng nanay ko ang pintuan ng kuwarto ko. Napakalakas niya!

Nanlilisik ang mga matang tiningnan ako ni mama at nakapa-maywang na siya ngayon. Tiningnan pa niya ang nagkakalat naming damit ni Georgina at nang nilingon ko ang side niya ay para siyang nakalunok ng suka dahil sa pagkaputla niya. 

"Hindi ka na talaga nagtanda, Kierson! Manang-mana ka talaga sa papa mo!" pagalit na sigaw sa akin ni mama at masamang tiningnan si Georgina na ngayon ay nakatapis sa katawan niya ang kumot ko. I should throw my blanket later.

"Fucking leave!" she shouted to Georgina at nagmamadali na itong umalis.

Uuwi siya na ganoon lang ang suot niya? Well, that's not my problem anymore. Si mama ang problema ko ngayon.

"I heard you calling me, sweetheart," singit ni papa at mabilis na binalingan siya ni mama nang tingin.

"Sweetheart your ass! Look at your son! Talagang wala kayong pinagkaiba!" ani mama at napangiwi ang ama ko.

"Talagang sa akin siya magmamana. Look at your son, sweetheart. Kay guwapo at talagang ang galing nating gumawa," ani papa na may nakakalokong ngiti sa labi na dahilan nang paghampas ni mama sa kanya.

"Aray! A-aw! Sweetheart!" daing ni papa at pilit na umiiwas.

"Proud ka pa talaga! Hampas lupa na 'to! Talagang sa 'yo magmamana ang anak mo dahil napaka-many-kis niyong dalawa!" 

Marami pang sinabi si mama pero nakapasok na ako kaagad sa loob ng banyo ko para maligo na. Connected ang banyo ko sa walk-in closet ko.

Nakaiwas ako kay mama roon. Thanks to papa.

Nakasuot na ako ng doctor's robe pagkalabas ko at napahinto ako nang nasa tapat lang ng walk-in closet ko ang nanay ko.

Nakapa-maiwang at madilim ang mga mata. Nakakatakot naman...

"Mom, hi good morning!" I greeted her and I kissed her cheek, three times, saka ko siya niyakap sa baiwang but that's wrong move.

"A-aw, mama! Aray!" daing ko at halos maiyak na ako nang piningot ng nanay ko ang tainga ko.

Hayan na ba ang sinasabi ko! 

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo?! T-rantado ka talagang bata ka!" 

Minsan napapaisip ako, saan kaya lumaki ang mama ko? Tunog kanto ang boses niya kapag nagmumura siya at talagang malutong.

"M-mama naman! Maawa k-ka naman sa pogi mong anak!" pagmamakaawa ko sa mama ko pero wala. Balewala ako, basta sumunod na lamang ako dahil hinihila na niya ang tainga ko.

Naabutan namin si papa sa dirty kitchen ko at nag-aayos na siya ng mga plato. Napasulyap sa akin si papa.

"Papa help me!" I pleaded to my father. He wants to help pero takot siya kay mama, eh. Under!

"M-mama naman! Hindi na po mauulit, eh!" sabi ko at naiiyak na talaga ako. I'm not gay, pero try niyong pingutin ang tainga niyo. Tingnan natin kung hindi ka maiiyak.

"Sweetheart, let's eat," nakangiting sabi ni papa kay mama and finally! Binitawan niya rin!

Hinaplos ko ang nananakit kong tainga at umupo na. Tumabi si mama kay papa.

"I love you, mommy," sabi ko at tumaas ang kilay niya.

Mommy and mama talaga ang tawag ko sa kanya. Kapag sweet siya at mabait, I called her mommy pero kung hindi, mama.

Napahilot sa sentido ang ina ko at parang na-stress pa siya saka niya tiningnan si papa na malambot ang expression ng mukha.

Right, playboy si papa noon pa lang. Kay mama lang siya naging good boy. Tss.

"Prepare yourself, you're going to marry my inaanak and I won't accept your lame reason, darling. Tapos na ang buhay binata mo. Stop f*cking women, just make love with your wife," straight forward na saad ni mama and my jaw dropped.

"Mom?!"

"And what the f*ck? Make love? What was that, mom?" 

Sinampal ni mama ang bibig ko. Kapag siya ang nagmumura ay okay lang. Tsk.

"At sino naman ang inaanak na 'yan? Mom, puro pang-t naman lahat ng mga inaanak mo! Gusto mo bang magkaroon ng apo na kay pang-t naman?" hindi makapaniwalang tanong ko at masama na naman ang tingin niya sa akin.

"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo, Kierson. Walang pang-t sa mundo sadyang mapanghusga lang ang mga tao! And not my problem kung pang-t ang magiging apo ko. Basta ba nagmula siya sa nanay niyang matino at hindi kaladkaring babae!" 

Napatakip ako sa tainga ko. Ang lakas ng boses ni mom, eh. Masisira yata ang eardrums ko.

"But mom..."

"Good luck, son."

F*ck...ipapakasal pa yata ako ng mama ko sa pang-it na inaanak niya. Tiyak na matatakot ako sa magiging asawa ko raw.

Urgh! What a life!

"KIERSON Mojeh, monitor doctor, 25 years old, a fuck boy. Bye-bye to your sex life, anak," nakangising sabi ni mama at nagsalubong ang kilay ko.

Monitor doctor? Tsk.

"Mom..."

"Hmm. Alam mo, anak. Bulag ang bride mo," ani papa at nanlaki ang mga mata ko.

Binalingan ko ang ina ko. "Mom...ipapakasal mo ako sa bulag? Are you serious?" 

"Hmm. Walang kaso sa akin, anak. Para magtanda ka na," mariin na bigkas ni mama.

"Let's eat," masiglang wika ni papa at nakasimangot na kumain na ako ng agahan.

Bad luck! Bad luck!

***

"Why so grumpy, bro?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Lervin. I bumped his shoulder.

Sumunod sa akin ang kaibigan ko na kasama na si Cervin. 

"Nabitin?" sabay na tanong nila and I glared at them. 

"Parang ganoon na nga," Cervin commented.

"Leave me alone, Cervin. Hanapin mo na lang ang asawa mong nakipagtanan sa ibang lalaki o kaya naman i-f*ck mo na lang ang proxy wife mo," nagngingit na saad ko at lumapit sa akin si Cervin.

Napa-daing ako nang piningot niya ang tainga ko.

"Fuck it, man! What the h*ll is your problem?!" 

"Don't talk to me like that, Kier. I respect her. Sumbong kita kay tita, diyan ka lang at hintayin mo," aniya at lumabas na siya mula sa opisina ko sa hospital.

"At ikaw?" untag na tanong ko kay Lervin na umiiling lang.

"Bitin ka nga," aniya.

"Leave me alone, Lervin. Puntahan mo na lang ang asawa mo bago ko pa agawin mula sa 'yo."

Isang malakas na pagsara lang ng pintuan ko ang narinig ko.

Pareho ng kasal ang mga kaibigan ko at talagang susunod na ako! Sh*t talaga! Sino naman kayang inaanak ni mama at bulag pa! Talaga!

Nagtrabaho na lamang ako para makalimutan ko ang kamalasan ko ngayong araw.

***

"Yes, my queen?"

"Lay...h-help me please..."

#GS3:BI