webnovel

KABANATA 10

Nagising ako na nasa condo na ni De Lara! Gusto kong magtanong kagaya ng kung paano ako napunta rito!? Bakit ako dito nagising? Anong ginawa ko kagabi? dahil ni isa! Wala akong maalala!

"Ang sakit sakit ng ulo ko" reklamo ko at hinilot ang ulo. Para na itong mabebeyak!

"Hmmm. Sinong my kasalan?" Ani ni De Lara na pinaghanda ako ng makakain at para na rin  daw makainom ako ng gamot.

"Ugh! Wag mo na akong pagalitan!" Ani ko at tamad na tamad kumain.

"Hmmm? What did I told you? Anong napala nyong dalawa ni David?" Aniya.

I sigh heavily. Bahala sya sa buhay nya! Mag tatalak sya mag-isa dyan! Ang sakit-sakit ng ulo  ko.

Para pa ring lasing ang nararamdaman ko! Hindi maayos-ayos kaya ang ending, pumasok akong banggag! Thanks to De Lara na nandyan palagi.

"De Lara..."bulong ko habang nagkak-klase.

"Hmmmm? You okay?" May lambing nyang sabi.

"Parang walang epekto yong gamot na binili mo" nakanguso kong sabi. He chuckled.

"Inom pa" he teased kaya masama ko syang tinignan.

After the class, nag stay lang kaming dalawa sa classroom. Ako natutulog at sya nililibang ang sarili sa phone at ang isang kamay nya ay nasa likod ko.

"Dude! Kayo na?"

"Not yet...why?"

"I thought...I saw you two on the dance floor kis-"

"Shut it!"

"Gago bruh! Pumasok talaga yan? Si David nga hanggang ngayon tulog!"

"That's new, enemies na nang babae mo si David bruh! Noon nilalandi talaga"

"She's different"

"Inlove talaga ang gago!"

"Ang tanong. Inlove ba sa kanya?"

"Gago ka rin tangina ka! Obvious naman! Well boto rin ako sa babaeng yan kahit ang ingay ingay nyan"

"Why are you all here?"

"Bruh! Nakapasok tayo sa varsity! Wala ka don gago ka! nag text kami sayo!"

"Hindi ko maiwan.She's sleeping"

"Hindi ka naman talaga-"

"Tumahimik ka na!"

Nang hindi ko na talaga kaya. Umuwi na lang ako ng boarding house at natulog magdamag!

Madaling araw akong nagising. Pilit kung inaalala ang mga pinaggagawa ko pero blurry talaga ang lahat.

Naligo na lang ako at nagsaing bago nag charge ng phone.

Inayos ko na lang ang sarili para mamaya maayos na ako hindi na ako mag-r-rush!

"Hindi matalaga ako iinom!" I said to myself.

First time in my life na nalasing ako ng ganon! Noon kasi kapag ramdam ko ng hindi ko na kaya, titigil na ako at mag t-toothbruh tapos bibili ng candy para hindi mahalata ni Mama o Kuya!

Nagkakape ako sa balkonahe ng boarding house nang naabutan ako ni De Lara.

Iwan ko rin sa lalaking toh! Inugali ang paghatid sundo sa akin.

"Good morning. Are you all good now?" He asked at hinaplos ang buhok ko.

"Hmmm...Anong ginawa ko nong isang gabi?" I asked curiously.

Ang huling naalala ko lang ay naghamon si David na uminom! Ang yabang yabang kasi kaya pinatulan ko.

"How sad that you didn't remember" Malungkot nyang sabi at tumabi sa akin.

"Ano?...Teka!...Anong pinaggagawa ko?! Sabihin mo!" Pangungulit ko but he just laughed.

"It's for you to find out" natutuwa nyang sabi at hinanda ang dinala nyang ginamit.

"De Lara..."

"Just call me my name" May ngiti sa labi nyang sabi.

"Zioniel! Sabihin mo..." humina ang boses ko nang napatingin ako sa labi nya.

Umawang ang labi ko nang may pumasok sa isipan kong hindi ako makapaniwala.

De Lara faced me and raise his brow nang nakita ang reaction ko.

I looked away!

Did I kiss him?

Sira ba ang ulo ko!? Did I really do that? Or imagination ko lang yon?

"What are you thinking?" May tuwa sa boses nyang sabi.

Napasinghap ako at umiling-iling.

Ayokong aminin! Baka panaginip lang! Impossible ko naman yang gagawin! I am a conservative person pero kapag lasing ako...Hindi ko alam.

Lunod ako sa kakaisip kung hinalikan ko ba si De Lara o hindi. Walang pumasok sa isip ko nong nag nag klase kami, kahit nong nag duty wala rin ako sa isip.

Nagtatanong na nga si De Lara sa akin pero sabi ko na lang nag-e-evaluate ako sa sarili ko pero tinatawanan lang ako ng mokong!

Gusto ko syang tanongin pero nahihiya ako! Baka imagination ko lang talaga yong naalala ko nong lasing na lasing na ako! Mahilig pa naman ako mag-imagine.

Hindi kasi ako ganong tao eh kaya ang hirap aminin!

"Zioniel..." tawag ko kay De Lara na nag M-ML

"Hmmmm?" He respond.

Matagal-tagal ko syang tinignan! Iniisip kong tatanongin ko ba o hindi!

Nakakahiya kasi! Paano kong imagination ko lang talaga yon? Baka mag-karoon pa sya ng ideya na patay na patay ako sa kanya.

"Wala" Ani ko. He laughed na parang alam ang iniisip ko kaya hinampas ko ang braso nya pero humahalakhak lang ang siraulo.

"What? I just laughed" natutuwa nyang sabi.

"Sabihin mo na kasi kung anong pinagagawa ko nong lasing na lasing ako!" I pleaded.

Gusto ko lang ng confirmation! Wala akong tiwala sa mga iniisip ko!

"I bet you already remember" nakangisi nyang sabi.

"Pero impossible kong ginawa!" Pakikipagtalo ko. He laughed. Tuwang-tuwa talaga.

"What did you do?" Hamon nya.

"Impossible talaga eh" lukot ang mukha kong sabi.

"Ano nasa isip mo?" Aniya. I shook my head.

"Wala! Hindi maman ako ganon" Ani ko.

"Just say it so that I can confirm, I'm not drunk that night" nakangisi nya talagang sabi!

"Ayoko" Pinal ko talagang sabi. Nakakahiya.

"Hindi kita titigilan...what is it?"

"Wala nga! Impossible nga"

"Impossible na?"

"Wala! Wala! Wala!"

"Just say it. I won't judge!"

"Pero nakakahiya...Tara na nga" Ani ko at tumayo. He laughed.

"Like you kissed-"

"Hindi ah!" Putol ko talaga sasabihin nya. He raised his brow.

"Really? Do I need to kiss you back so you can remember fully?" Aniya.

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. He smirked and stood up kaya napaatras ako at kumalabog ang dibdib ko ng husto! Ramdam na ramdam ko pang nag-iinit ng husto ang pisngi ko.

"You...You..."

"Hmmm?" Malambing nyang sabi at nilagay ang kamay sa bulsa ng kanyang pantaloon at aliw na aliw akong tinignan.

"Salvador my friend!"

Dali-dali akong napalingon roon at nakita si Santiago na kumakaway sa akin. I smile a little at binalik ang tingin kay De Lara.

"Ano...Lasing lang ako noon!...Tama lasing ako noon!" Kinakabahan kong sabi. Tumaas lang ang kilay nya sa inasta ko.

"Promise! I don't know what I did! Lasing lang talaga ako non!" Depensa ko. He just laughed. Hindi ako pinaniwalaan.

"I really am drunk! Hindi ko alam ang ginawa ko! Kaya pasensya na!Wala talaga ako sa isip nong gabing yon!" Paliwanag ko talaga.

He stared at me. Mukhang hindi talaga ko pinaniwalaan!

Hiyang-hiya na nga ako dahil sa ginawa ko. Ang lakas lakas din ng tibok ng puso ko!

That's my first kiss pero hindi ko ramdam, hindi ko feel at hindi sa ganong paraan ang naiisip kong mawala ang first kissed ko!

Pero ako ang humalik eh!yan ang hindi ko matanggap!conservative akong tao! Nakakapanghina lang.

"I'm really sorry talaga! Hindi ko talaga alam! Hindi ko nga alam ko totoo ba yon o hindi but now that you confirm it!....Sorry talaga! Hindi ko sinasadya..."

"But I am not drunk that time" he cut me off.

Nabitin sa ere ang sasabihin ko sa narinig.

"Ano?" Mahina kong sabi. He sigh heavily at lumapit sa akin kaya napaatras ako.

He gently hold my hand. Agad namang gumala ang tingin ko at binawi ang kamay.

Ayoko ng madagdagan ang haters ko! Ang dami-dami na nga nila dahil ang mahal nilang De Lara sumasama-sama sa akin.

"Let's stalk somewhere else " aniya.

Wala sa sarili akong tumango at sumunod sa kanya.

What he said never leave my mind.

So hindi sya lasing that time? Then why the hell he kissed me?

Napapikit naman ako ng mariin dahil ito na naman ako sa pagiging overthinker!

Sya kasi eh! Hindi ko na alam ang gagawin.

I already risk my heart! At hindi ko na mababawi yon! At hindi ko alam kung saan patungo toh! But one thing that I am really so sure...I already fallen from him.

Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang na inlove! Pero sa way nang pinapakita nya sa akin, plus ang gwapo pa? Sinong hindi mahuhulog!

"Look...I..didn't expect that you said sorry to me...but please don't say sorry...That's the happiest day in my life" marahan nyang sabi.

Nasa sasakyan na nya kami! Siguro naramdaman nyang naiilang ako sa paligid kaya dito nya dinala.

Napalunok ako sa sinabi nya at grabing grabe na ang tibok ng puso ko! Nag-iinit na ang mukha ko at ang aking utak at puso parang may gusto marinig!

Umawang ang labi ko hindi alam ang sasabihin!

He sigh and held my hand.

Napakagat ako ng labi ng bumaba ang tingin nya sa kamay ko nang may maliit na ngiti sa labi. Naramdaman siguro nyang ang lamig lamig ng kamay ko.

"Aloha...Aloha Ray...I don't know first why I keep on thinking of you-"

"Sandali! Sandali...Sandali lang" Ani ko dahil hindi ko na kaya.

Hinawakan ko ang puso ko at pumikit ako ng mariin!

Nanaginip pa ba ako? Nag i-imagine? dahil hindi nakakatutuwa! Dahil ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at para akong nakalutang!

I heard him chuckled at marahang kinuha ang kamay ko.

"Hey, I know you already have an ideya and I'm sure you felt it that I am really into you...Aloha, please...Can-"

"Sandali! Nanaginip ba ako?" Parang sira kong sabi. He laughed kaya inis ko syang tinignan.

"Pinagloloko mo lang ako eh! If prank to o ano please tigilan mo na" pagmamakaaawa ko talaga.

Nawala ang ang ngiti nya sa labi at malakas na bumuntong hininga.

"I am really sorry baby...I really like you...No, I am fallen for you..."

"H-huh?" Utal kong sabi.

"Hmmmmm... I'm serious...I plan to confessed you  multiple times but I cannot cause I'm scared, I'm scared that you might reject me but then...I realized that...It's now or never, Even you reject me, I will still pursue you, I will try again and again"

Bumuntong hininga sya at humigpit ang hawak sa kamay ko.

"Aloha, please allow me to be your-"

"Boyfriend? De Lara naman! Ang bilis bilis...Magpaaalam ka muna sa Kuya at parents ko! I know napaka old school na nyan lalo na sa mga panahon ngayon pero gusto kong magpaalaam ka! Ayokong may itinatago sa kanila! Ano kasi..."

Humina ang boses ko nang nakita ang ngiti nya sa labi kaya nag-iwas ako ng tingin.

Anong sinabi ko? Bakit ganyan sya? Ako na nga tong hindi alam ang gagawin at sasabihin dahil sa mga pinagsasabi nya tapos ganyan pa sya? Siraulo din!

"I will do that my love..."

Napapikit ako ng mariin sa tinawag nya sa akin. Hindi ko alam! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin.

Hindi ako pinatulog dahil sa pinagsasabi ni De Lara. I tried to closed my eyes pero sya lang ang nakikita ko at maririnig ng paulit-ulit!

I am happy! Yes pero yong kalabog at excitement na nararamdaman ko hindi ako pinatulog!

Yes first time na may gumanon sa akin dahil mostly sa chat lang magsasabi ng mga ganon kaya makapag-isip pa ako ng mabuti sa e-r-replay but! Yong personal talaga! Hindi ko alam! Parang lumilipad ang kaluluwa ko at biglang lumayas ang utak ko dahil wala akong masabi.

Kinabukasan! Kung hindi pa ako kinatok ng boardmate ko dahil may naghahanap sa ibaba, hindi ako nagising!

"Paano ako nakatulog?" I mumbled habang bumaba. Hindi man lang nag-ayos o di kaya nag hilamos.

"Oh my goodness" Ani ko nang nakita si De Lara na naghihintay sa labas kaya napaatras ako.

He frowned kaya napalunok ako.

"Goodmorning?...Kagigising mo lang?" Patanong nyang sabi at lumapit sa akin kaya napaatras ako.

He sigh and give me the flowers and paper bag.  Napalunok naman ako.

Anong hitsura ko? Shit! Bakit ba nakalimutan kong palagi pala akong sinusundo nito.

"Bakit ang a-aga mo?" Utal kong sabi.

"What? Almost 8:00...5 minutes na lang before class...I waited here almost an hour, I thought hindi mo ako baba-in because of yesterday but then...here you are, kagigising lang" marahan nyang sabi at napailing-iling.

Napasinghap ako at gusto kong e umpog ang sarili ko sa kahihiyan!

Naku naman Aloha!

"S-sandali! Five minutes" taranta kong sabi at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto.

Hindi na ako nag-abalang maligo, basta na lang akong naghilamos! At niligo na lang ang sarili ng perfume.

Everything I did is so fast! Hindi ko alam kung para saan! Kung para ba sa katotohanang late ako o dahil may De Larang naghihintay sa labas?

Before akong lumabas sa kwarto, tinignan ko muna ang flower na binigay nya. May card pang may nakasulat na 'Good morning baby' kaya napatikhim ako! Dahil sa pag-iinit ng pisngi.

Tinignan ko rin ang paper bag na binigay nya at napasinghap nang nakitang may laman na namang Chocolates!

"Lord! Thank you for granting my prayer" I mumbled bago kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas.

"U-ugh...t-tara na" utal ko pa ring sabi.

"Hmmm" malambing nyang respond.

Ang awkward! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bumalik na naman ako sa ganong pakiramdam?

I already break the wall! I'm genuine already to him tapos ganito na naman! Ang hirap kayang e build ang confidence.

"Aloha..."

Napasinghap ako nang tawagina ko ni De Lara! 

Relax Aloha! Relax!

"Hmmm"tanging sagot ko lang.

"Please be comfortable on me..." aniya, nagsusumamo. I nod.

"Yeah, I'm trying...Hindi ko pa na absorb ang pinagsasabi mo kahapon! Siraulo ka kasi!" Inis kong sabi. He laughed.

Kitams?Kaya ang hirap maniwala eh dahil tawa sya ng tawa pero ramdam ko namang seryoso sya! Hindi naman yan sama ng sama sa akin kung hindi!

I sigh heavily! Naghahanap ng sasabihin para may topic kami.

"Ano...sorry talaga sa ginawa ko Don sa Bar...Supposed to be, bonding nyo yong magkakaibigan din pinasakit ko pa ang ulo mo" mahina kong sabi at pinaglaruan ang kamay.

Sige Aloha! Buksan mo pa yang topic na yan! Ikaw talaga ang nagpapahamak sa sarili mo!

"Just don't drink when I'm not around" aniya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hah?" Gulantang kong sabi. I blink nang kumunot ang noo nya. "I mean...Bakit naman hindi?" Paglilinaw ko.

Umayos ka Aloha!

"Just don't...Why? You want to act like that in other guy?" Seryoso nyang sabi. Napasinghap naman ako.

"Anong act like that? Hello! Hindi ako ganon noh!" Tanggi ko.

Ano raw sinabi ko? Anak ng! Sya kasi eh! Bakit ganyan ang mga pinagsasabi nya?

"Yeah, when you are not drunk..." Tamad nyang sabi.

"Hindi naman talaga ah?" Depensa ko.

"Okay...Okay...so When you drunk it's normal for you to kissed and hug boys-..."

"Foul ka na ah!" Inis kong sabi.

"I'm sorry is just that..."

"Bahala ka sa buhay mo! Iinom ako kung kailan ko gusto bahala ka!" I stubbornly said.

Ang higpit higpit nga sabay tapos ito na naman! May maghihigpit na naman sa akin dito! Nakakasawa!

Yes na realize ko nang ang hirap ng walang parents at Kuya pero kapag naalala ko na nasasakal ako, wala na akong pakialam.

Bahala sila sa buhay nila! May isip na ako, alam ko na ang tama o mali.

"Aloha..."mahinahon nyang sabi.

Gusto mo ako huh? Then if I show how stubborn I am, tignan natin kung saan ka tatagal...pero kong ako? Makikita ang tunay nyang ugali? I'm sure tatanggapin ko, hulog na hulog na ako eh.

Hindi ako umimik. Bahala sya, ayokong may bumabawal sa akin dahil yan na ang buhay ko simula pa lang! Kaya bahala sya. Ngayon lang ako nakapagdesisyon nang ako lang.

Selfish man pero hindi mo makukuha ang freedom na gusto mo kung hindi ka magiging makasarili.

"Fine but please don't...don't ever act like that to any boys" mahina nyang sabi.

After that, hindi na sya nagsalita. His giving me a silent treatment na nagpapalubog ng puso ko.

Napaisip tuloy ako sa huling sinabi nya.

Hindi ko alam pero parang may malalim na pinaggalingan! Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko.

"Zioniel" tawag ko sa kanya nang nagklase kami. He just give me a glimpse. Hindi ako sinagot kaya napabuntong hininga lang ako.

"Nag-away kayo?" Bulong sa akin ng bestfriend nya. I shook my head pero nang naisip ko ang pagtatalo kanina. Tumango ako.

David chuckled kaya masama ko syang tinignan.

"May lalaki ka no?" Mahina nyang sabi.

Pinandilatan ko sya ng mata. Peste talaga ang isang to! Nakakainit ng ulo!

"Kung itusok ko tong ballpen ko sa mata mo?" Nangagalaiti kong sabi.

"Minsan lang yan magtampo...Kaya may ideya ako kung bakit yan ganyan" nakangisi nyang sabi.

"Ano?" Ani ko. He grinn.

"Tulungan mo muna akong eh surprise ang girlfriend ko! Sasabihin ko sayo" nakangisi nyang sabi. I scoffed.

"Bahala ka sa buhay mo" mataray kong sabi.

"Then Goodluck sa pagpapa-amo nyan" Ani nya.

Napalingon tuloy ako kay Zioniel. Napatalon ako ng bahagya nang nakatingin na pala sya sa akin.

Hilaw akong tumawa. Umiling sya at binalik ang tingin sa harap. Hindi talaga nya ako pinansin.

"I'm sorry...I know na para akong bata kanina...sorry...I swear, yong araw lang yon ako na lasing ng ganon...sorry" Mahina kong sabi sa kanya.

Bahala na! Kung ayaw nya akong pansinin! Nga lang mahirap! Nasanay na akong sya ang kasa-kasama eh.

Napasinghap ako nang hawakan nya ang kamay kong nasa ilalim ng mesa. I looked at him pero nasa harap pa rin ang mata nya.

"Sorry na" mahina kong sabi at pinatong ang isang kamay ko sa kamay nyang nakawak sa kamay ko at hinaplos yon.

I heard him sigh kaya napanguso ako.

Ang hirap nang ganito sya! Hindi ko alam ang gagawin! Hindi ko alam ang sasabihin, at nakakalubog ng damdamin.

I never felt this way before! Ngayon lang and I know, I am doomed! Because indeed, I am really inlove with him.