webnovel

Glimpse of Destiny

Aeyu, a typical 4th year college student, hiding her identity using @Ms.Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong username, encounter a guy using @Laki_alaga username through online dating app that literally makes her pissed off as fuck. The day after being involved in this dating app, she met a guy named Bright in an unexpected way that turns her world upside down. Would it be possible that the man named Bright and the guy in @Laki_alaga username is the same?

MayQuizBukas · Teen
Not enough ratings
29 Chs

CHAPTER 7

Aeyu's POV

It's Monday.

Lahat kaming college students ay busy dahil 3 months na lang ay graduation na namin.

Maraming requirements na kailangang ipasa.

Kawawa naman yung iba dahil mukhang mapupurnada pa ang pagtatapos nila.

Mga nagsasayang kase ng oras at pera.

Habang may oras, hindi sinusulit.

Buti pa kami ni Erin, kahit madalas gumala ay pumapasa pa din.

Pero nitong mga nakaraang linggo, hindi na kami lumalabas.

Dahil na din siguro sa pagtuturo ko kay Alisha.

Kahapon ay sinundo ako ni Bright sa amin.

Ang kaibahan nga lang, sa bahay nila kami pumunta.

Dinala daw kase ni Tita Aly si Alisha doon.

Naalala ko pa kung gaano ka-istrikto ang papa niya.

Grabe si Tito Andrew.

[ Flashback ]

Sobrang ganda pala ng bahay nila Bright.

Pero hindi ko pa din siya papansinin.

Akala niya naman nakalimutan ko na ang ginawa niya kahapon!

No way!

Halos tumulo na ang laway ko sa laki ng bahay nila.

Napaka-classy kung titignan.

Sa labas ay kulay grey at black ito, idagdag mo pa ang malalaking salamin na halos sakupin ang 2nd floor.

Sobrang ganda!

Pagpasok namin sa gate ay bumungad sa akin ang napakalawak na hardin.

Maraming bulaklak, halatang pang-mayaman pa ito.

May malaking fountain din sa gitna ng pool!

Ang astig! Made of glass yung fountain pati yung pool!

Mas lalo akong namangha nang pumasok kami.

Kulang na lang ay mahimatay ako sa ganda!

Halos magkulay ginto na ang mata ko dahil lahat ng palamuti at furniture sa bahay nila ay kulay ginto.

Napakaaliwalas namang tignan dahil white ang theme sa loob with touch of gold and silver.

Nagulat naman ako nang may magsalita sa likod namin ni Bright.

"Who's this girl, Bright?", paglingon ko ay parang nakita ko ang matandang version ni Bright.

"Alisha's tutor dad, dito muna siya magtuturo because Tita Aly bring Alisha here, wala daw ang mga katulong sa bahay nila", paliwanag ni Bright sa papa niya.

Siya pala yung sinasabi ni Alisha na Tito Andrew kahapon.

"I see. Your business lesson later, don't you ever forget that. And Nicole, pick her up later for our dinner", maawtoridad na sabi ng papa niya.

"Yes dad", yun lang at tumango sa akin ang papa niya.

Dinner pala huh?

Marahil ay papasok na yon sa opisina dahil naka-office suit eh.

"Let's go", inaya ako ni Bright papunta sa taas.

Sa library pala kami pupunta.

Pagpasok namin ay nandoon na si Alisha.

Walang masyadong naganap. Pagkatapos ng tutorial ay hinatid ako ni Bright.

Nang akmang baba na ako ng sasakyan niya ay hinila niya naman ako.

"I like you.", sabi ni Bright na nagpatigil ng mundo ko.

Feeling ko ay naglalaro at nagdidiwang lahat ng bulate ko sa tiyan.

Natauhan ako nang magflash back sa memorya ko ang eksena nila ni Nicole.

"Nababaliw ka na kung ganoon", sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Nababaliw sayo", banat niya.

"Bright naman! Wag mo na nga akong paasahin. Una pa lang, gusto na kita. Okay? Pero bakit naman ganito? May Nicole ka na.", tuluyan na akong lumabas.

Akala ko ay hahabulin niya ako pero mukhang akala ko lang 'yon.

Mapanakit amp!

Paasa!

Nagpapakipot lang naman ako eh!

Pero okay na din 'yon! Atleast alam ko nang hindi siya maghahabol sa akin.

Hindi naman ako kawalan.

At mas lalong hindi siya kawalan!

"Boooooh!", nagulat ako nang ginulat ako ni Erin.

Nahinto tuloy ang pagmumuni-muni ko!

"Ano ba yon?", alam ko namang may sasabihin siya eh.

"Ano bang nangyayare sa'yo? Tulaley ka na naman dyan!", natatawang sabi niya.

"Tanga! Iniisip ko lang yung mga ipapasa natin", palusot ko.

"Okay sabi mo eh, oo nga pala! Napasa na natin yung mga requirements na kulang natin hahahahaha", natatawang sabi niya. Nang-aasar pa!

Tanga kase ng palusot ko! Pinasa na nga pala namin kanina yung mga kulang namin.

"Aeyu girl! 2 weeks na lang at pageant na! Hindi mo pa ata kilala escort mo hahahaha", naalala ko na naman yung pageant na 'yan! Hanep!

"Sino ba yon?", tanong ko.

"Si Gerald! Ang gwapo non sis!", nagniningning pa ang mata niya!

"Tara na nga. Ayain mo. Practice kami sa gym", bored na sabi ko.

Agad naman siyang tumakbo papunta sa kabilang room. Doon lang pala ang room ng Gerald na 'yon? Bat di ko nakikita?

Mabilis na nakabalik si Erin dito sa room kasama yung Gerald.

"Hi, practice daw tayo?", parang nahihiya niya pang tanong.

"Uhm tara", tinanguan ko lang siya.

Sabay sabay naming tinahak ang gymnasium.

Pagkapasok namin doon ay nagsitinginan lahat ng nasa stage sa amin.

Nag-aayos na pala lahat ng Journalist sa stage.

Nakita ko din si Bright na nakakunot ang noo at nakatitig sa kasama ko.

Wala naman akong pake sa kanya!

Napagdesisyunan naming pag-usapan kung anong kanta ang ipeperform namin sa talent.

Magaling daw kase syang maggitara.

Sakto naman kumakanta ako.

Pero secret lang yon.

"Hihiram muna ako ng gitara sa classmate ko Aeyu, hindi ko kase nadala yung gitara ko", kakamot-kamot pa sa batok na sabi ni Gerald.

Ang cute hahaha

"Sige", dumeretso ako sa unang layer ng bleachers dito sa gym pagkaalis niya.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya lumibot ang paningin ko at nahagip nito si Bright na nakakunot pa din ang noo habang tinititigan ako.

Inirapan ko naman siya.

'Kala nya ah! Kung may Nicole siya, pwes may Gerald ako!

Pero hindi ko naman siya ginagamit, pinalaki ako ni mama na disiplinado, aware ako na masamang manggamit ng tao.

Medyo nagiging crush ko na din naman si Gerald eh.

Ang cute niya kase!

Biglang nawala si Erin ah. Hanep na babae 'yon.

Saan na naman kaya pumunta?

Maya maya lang ay dumating na si Gerald bitbit ang gitara ng classmate niya.

"Shall we start?", tanong niya kaya tinanguan ko siya.

"Dahil magpeperform tayo as a partner, kailangan sweet yung kakantahin natin, pang-love team.", saad ko at ngumiti lamang siya sa akin.

"10 thousand hours gusto mo?", tanong niya.

"Game, favorite ko din naman 'yon", sabi ko.

Nagsimula na siyang mag-strum ng gitara. Nakita ko naman sa peripheral vission ko na nagtinginan yung mga nasa stage dito sa amin ni Gerald.

Nagsimula naman akong kumanta at sumabay sa beat ng gitara.

"Do you love the rain?

Does it make you dance

When you're drunk with your friends at a party?

What's your favorite song?

Does it make you smile?

Do you think of me?"

Narinig ko namang sumigaw si Erin. Pasulpot-sulpot amp!

"Magtinginan naman kayo guys!", nagmistula siyang manager namin sa mga akto niya, bumili pala sya ng foods.

Naramdaman kong nagtinginan na naman yung mga Journalist sa gawi namin.

Alam kong nakatitig din si Bright sa amin.

Narinig ko pang nagtilian yung mga girls doon.

"When you close your eyes,

Tell me what are you dreamin'

Everything I wanna know it all"

Medyo lumapit ako kay Gerald at tumingin sa mga mata niya.

Alam kong nakatitig si Bright kaya mamatay siya sa selos!

Oh diba? Assumera ako! Basta! Mamatay siya sa selos!

Natapos ang rehearsal namin ni Gerald at puro tilian ng mga maaarteng Journalist ang naririnig ko, hindi ko nga masyadong naririnig yung pag-strum niya ng gitara dahil sa pesteng tilian ng mga kasamahan ni Bright.

Akala mo kinikiliti yung tumbong at kinukurot ang utong!

Nakakagigil.

Si Erin naman puro demand sa performance namin ni Gerald! Akala mo naman talaga!

Noong 2:00 pm ay ipinatawag lahat ng kasali sa pageant at nag-rehearsal naman kami ng modeling.

Nag-pictorial din.

Grabe! Hindi ako na-inform! Buti na lang may mga dalang damit yung mga baklang nag-aayos.

6:00 pm na nang natapos kami.

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway habang may head set na nakasalpak sa tenga ko.

Nagulat ako nang may humila sa akin.

Si Bright.

Hinila niya ako palabas ng school. Well buti na lang, lalabas na din naman ako eh.

"Dahan-dahan naman po!", pagpaparinig ko dito pero parang wala siyang narinig.

Nakalabas kami ng gate at hinila niya pa din ako.

Sa shed pala ang punta namin.

Nang makarating kami ay agad niya kong hinarap.

"What's your problem huh? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na gusto kita? Bakit ganon ka na lang tumingin dun sa lalaki kanina?", para siyang tatay ko na nagpapangaral sa akin.

Taena! Umamin pero lumalandi sa Nicole niya kuno!

Tinitigan ko lamang siya at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya.

Buti na lang naka-headset ako.

Umupo na lang ako sa upuan dito.

"Aeyu! Stop being stubborn. Hear me out.", maawtoridad na sabi niya.

Nagulat ako nang lumuhod siya at pumantay sa akin.

He cupped my both cheek and directly look into my eyes.

Nakakakilig!

Pero syempre! Kailangan kong pigilan!

"I like you Aeyu Tan", pota! Ayos na sana! Ang halay kase ng pangalan ko!

Si mama kase!

"I like you so much, 'wag mo kong pahirapan ng ganto. Pansinin mo ako.", nagsusumamong sabi niya.

"Pinapansin naman kita", pabalang na sabi ko.

Tinanggal niya ang earphone na nakalagay sa tenga ko at ibinulsa ito.

"'Wag mo kong pagselosin ng sobra, jealousy is killing me Aeyu.", frustrated na sabi niya.

"Bakit ako ba hindi?! Doon ka sa Nicole mo!", pasigaw na sabi ko.

Nagtaka naman ako ng ngumiti siya ng nakakaloko.

"I knew it. Are you jealous?", tanong niya.

"Hindi ah!", pagtanggi ko sabay pag-iwas ng tingin.

"You're jealous Aeyu. Stop being denial.", sabi niya habang hindi natatanggal ang ngisi sa labi.

"Okay fine! Nagseselos ako! Eh ano naman sa'yo?", inirapan ko pa siya para dama!

At ang loko! Ngumiti na naman! 

"Do you like me?", tanong niya.

"Oo nga! Ilang beses ko na bang sinabing gusto kita?!", walang preno kong sabi.

"Wala kang sinasabi Aeyu", natatawang sabi niya.

"Whatever", pagsusungit ko pa.

Tinitigan niya na naman ang mukha ko.

"Gusto din ako ng taong gusto ko", sabi niya sabay halik sa noo ko, sumunod naman ay sa ilong ko na ikinapula ko ng husto.

Naramdaman ko kaseng uminit ang pisngi ko.

Akmang hahalikan niya ang labi ko nang tinulak ko ang noo niya.

"Bawal! Ano ka sineswerte?", tanong ko dito.

Aba! Hindi pa nga kami pero hahalik na agad siya?! Swerte niya naman!

Ni panliligaw nga ay hindi niya pa ginagawa! Hinayupak!

"I already kiss your lips Aeyu", nakangisi na naman niyang sabi.

"Tanga ka ba? Pano naman mangyayare 'yon?", ang bobo niya! Naging jowa ko ba siya sa panaginip at hinalikan niya ko para masabi niya 'yan?

"I kissed you while you were sleeping", sabi niya kaya pinaghahampas ko siya.

Aba! Ang kapal niya!

"Gago kaaa! Pinagsamantalahan mo ko!", pinaghahampas ko talaga siya ng sobra!

"Sorry okay? Aray! Aeyu! Hahalikan talaga kita!", sigaw niya na naging dahilan ng pagkalma ko.

Pero joke lang! Asa siya!

Pinaghahampas ko pa siya.

Ang bagal niya naman akong halikan!

Kaya nga hinahampas ko pa din siya eh! Gusto ko ng halik wengya!

Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay kaya hindi na ako nakakilos.

Alam kong hahalika  na niya ako dahil unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Ngumuso na din ako. Tama na ang pakipot Aeyu Tan!

Konti na lang sana eh!

PEEP! PEEP!

Konti na lang eh! Agad kaming naglayo ni Bright nang bumusina ang bus.

Taena! Panira ng moment!

Inalalayan naman ako ni Bright sa paglalakad at binitbit pa ang bag ko.

Sumakay na kami sa bus, syempre magkatabi kami! Wala na naman akong tagos para lumayo sa kaniya! Saka magkakilala naman kami ah!

Saka nakatabi ko na naman siya sa jeep ah! Naupuan pa! Rawr!

Dinukot ko naman yung earphone ko sa bulsa ni Bright at sinalpak sa tenga ko.

Hindi tayo pwede.

Yun ang tugtog, taena! Mapanakit yung kanta!

Nagulat ako nang inagaw ni Bright yung isang earphone at nilagay sa tenga niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong kumunot ang noo niya nang mapakinggan ang kanta.

Bahagya naman akong natawa dahil asar na asar siya.

"Why are you laughing?", kunot noong tanong niya.

"Hindi naman ako tumatawa ah", maang-maangan ko pang sabi.

Inagaw niya naman ang kanta at naghanap sa playlists ko.

Namula naman ako sa pinili niyang kanta.

Ikaw na nga ni Willie Revillame.

Potaena! Hindi ako namula dahil sa kilig! Namula ako dahil sa hiya!

Seriously? Bakit may kanta ni Willie sa playlists ko?

"Nice song choice Ms. Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong hahaha", namula ako nang banggitin niya pa ang username ko sa online dating app.

"Wala kang pake! Maliit na alaga!", pero in fairness! Nakakakilig pala ang kanta ni Willie! Lalo na ngayon, katabi ko yung forever ko!

Nilagay niya pa ang ulo ko sa balikat niya.

Hinatid niya pa ko sa bahay kahit naman mas mauuna siyang bumaba.

Para daw safe ako.

Hinawakan niya pa ang kamay ko papasok sa kanto.

Syempre hindi makakatakas ang mga mata ng mga chismosa dito sa amin.

Mga inggitera talaga!

Hindi ko na namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Sige na, wala kase si mama", pinapauwi ko na siya dahil nakakahiya naman sa mga tao dito.

"Grabe ka sa akin, ayaw mo na ba akong kasama?", pinagtampo niya pa ang boses niya.

Taena!  Hindi ko alam kung ilan ba ang pagkatao sa katauhan ni Bright!

Minsan isip bata, madalas masungit, minsan parang tatay!

Putspa!

"Marami kaseng mata na nakatingin, nakakahiya naman sa kanila diba?", sarkastiko kong sabi.

"Fine. About what I've said kanina sa shed, I mean it. I like you. I like you so much.", namula naman ako sa sinabi niya.

"Oo na!", sabi ko na lang.

"I will court you", sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Magsasalita pa sana ako nang tumakbo na siya paalis habang kumakaway.

Hilig magpakilig!

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑵𝑶𝑻𝑬: 𝑲𝒆𝒆𝒑 𝒎𝒐𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆. 𝑵𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒈𝒊𝒗𝒆 𝒖𝒑 𝒐𝒌𝒂𝒚? 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒅𝒂𝒅𝒂𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒉𝒎𝒎?