webnovel

Glimpse of Destiny

Aeyu, a typical 4th year college student, hiding her identity using @Ms.Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong username, encounter a guy using @Laki_alaga username through online dating app that literally makes her pissed off as fuck. The day after being involved in this dating app, she met a guy named Bright in an unexpected way that turns her world upside down. Would it be possible that the man named Bright and the guy in @Laki_alaga username is the same?

MayQuizBukas · Teen
Not enough ratings
29 Chs

CHAPTER 20

Aeyu's POV

Balak kong pumunta sa Flynn University ngayong araw. May mga files akong kukunin at irerequest na kakailanganin ko para sa board exam, isasabay ko na din ang mga kakailanganin para sa resume ko at application form para sa pag-aapplyan namin ni Erin na trabaho sa Germany, kasama na yung mga papers na katunayang naging Dean's lister ako sa matagal na panahon.

Hindi ko na inabala pa si Bright dahil hindi sa lahat ng oras, kailangang naka-depende sa kaniya. I need to walk alone by myself. Pero hindi literal na lakad dahil magbubus ako o kaya jeep papuntang university. Ang layo kaya non!

Nagsuot ako ng simpleng white statement shirt na tinucked-in ko sa maong pants then pinaresan ko ng white sneakers. Inipon ko ulit ang buhok ko at inipitan gamit ang pony tail na niregalo sa akin ni Erin nung graduation. Ang gaga na 'yon! Nilagay sa back pack ko ang regalo niya, kaya nung nakaraan ko lang nakita. Isang pony tail na tig-10 ang niregalo niya, nilagay niya pa sa malaking kahon para magmukhang maganda ang present niya. Puro nilukot na papel lang naman ang laman, mga scratch paper pa nga sa pag-sosolve nung finals eh.

Nang ibinuhos ko lahat, may naligaw na pony tail, I considered it as her gift dahil nag-text siya bigla. Kung nakita ko na raw ba ang mamahaling pony tail na gift niya. Mahal daw? Eh may tag price pang 10 pesos.

Lumabas na ako ng bahay para mag-abang ng rumorondang jeep dito sa amin bago ko pa masabunutan sa isip ko si Erin.

Ngayon na lang ulit ako sasakay sa jeep ah. Huling sakay ko nung unang araw ng pagkikita namin ni Bright, grabe 'yon! Most embarrassing moment with him pero memorable.

Nang may paparating na jeep ay agad ko itong pinara. Walang masyadong sakay dahil mag-aalas dyis na ng umaga. Kadalasang oras ng byahe na punuan talaga ng pasahero ay mga pasado alas syete hangang alas nuebe. Then mamayang lunch tapos 5:00 pm na ulit. Wala naman kase sigurong gugustuhing bumyahe sa oras na katirikan ang araw.

Napag-usapan namin ni Bright kagabi na mamaya ay ipapakilala niya 'ko sa parents niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan nang maalala ko 'yon. Natatakot talaga 'ko sa papa niya, pero may part sa'kin ang nagsasabing 'wag akong matakot', feeling ko kase mabait naman siya. Sa tuwing nakikita ko nga 'yon, kahit sa picture lang, parang kakainin na 'ko, pero may puwang sa puso ko ang sumasaya bigla. Hindi naman siguro ako inlove sa papa ni Bright. Yuck! Ang tanga ng naisip ko! Hanep!

Buti na lang at huminto na ang jeep sa tapat ng Flynn University dahil nasusuka na 'ko sa naiisip ko.

"Paabot na lang po ng bayad", sabi ko sa katabi ko at iniabot ang pera bago bumaba ng jeep. Hindi naman ako katulad ng iba na nagwa- 1, 2, 3. Takte! Kawawa ang driver.

Pinakita ko muna kay manong guard ang ID ko bago ko pumasok sa loob ng gate, medyo mahigpit ang seguridad dito sa school namin dahil nga exclusive. Saka hindi naman school days ngayon dahil bakasyon na. Kahit ka-close ko si manong guard ay hindi ako makakalampas sa kaniya. Masyado siyang dedicated sa trabaho niya kaya malinis at ginagawa niya ng maayos kung ano man ang iniutos sa kaniya.

Dumeretso na ako sa registrar kung saan ako magrerequest ng mga kakailanganin kong papel na dito makukuha sa school.

Kaunting tanungan lang ang naganap, pagkatapos ng kaunting usapan ay binayaran ko na lahat ng nirequest ko. Next week daw ay pwede ko nang balikan at makuha ang mga dokumento.

Pagkalabas ko sa office ay dumeretso agad ako sa comfort room dahil kanina pa 'ko naiiihi. Ewan ko kung napansin 'yon ng nasa registrar, medyo gumagaralgal at nanginginig na din kase ang boses ko. Kinikilig kilig pa hahaha.

Pagkatapos kong umihi ay nag-ayos muna 'ko ng mukha ko. Habang naglalagay ako ng baby powder sa mukha ko ay narinig ko ang langitngit ng pinto dito. May papasok pala.

"Look who's here", nakita ko sa reflection ng salamin ang maarteng babaeng kinaaayawan ko. Ang crush ng tatay ni Bright. None other than Nicole! Nicole the bruha.

"Hello", nginitian ko pa siya ng pagkatamis- tamis, pero syempre, plastic na ngiti lang! She doesn't deserve my sweetest and genuine smile anyway.

"Disgusting", masungit na sabi niya at inirapan ako.

"Referring to yourself?", mahinang sabi ko pero sinugurado kong maririnig niya. Hangga't maaari, ayoko sana ng away kahit verbal lang. Pero today is an exception. Lalo na't nandito 'tong Nicole na 'to.

"Anong sabi mo?!", hinawakan niya pa 'ko sa balikat para lang maiharap sa kaniya.

"May sinasabi ba 'ko?", takang tanong ko sa kaniya.

"Narinig ko 'yon!", sigaw niya na ikinairita ko. Ang sakit sa tenga!

"Narinig mo naman pala, ba't nagtatanong ka pa?", natatawang sabi ko.

"Stop fooling around Ms. Tan!", seryosong sabi niya.

"Stalker siguro 'to, alam surname ko eh", mahinang kausap ko sa sarili ko. Di bale nang magmukha akong baliw kesa kausapin ko ang baliw na 'to.

"Anong sabi mo?!", galit na sigaw niya.

"Wala akong sinabi", bored na sabi ko.

"Meron! I heard that!", 'yan na naman ang maarte niyang pagsasalita, parang masisira na ang eardrums ko sa boses niyang panget.

"May naririnig ka ba na hindi ko naririnig? Shocks! Magpa-checkup ka na girl! Malala na 'yan!", pinagmukha ko pang natatakot ang hitsura ko para naman maasar siya ng bongga!

"Stop fooling around! You dickhead!", kitang kita na ang pagkairita sa mata niya. Well, same vibes! Dahil kanina pa 'ko naiirita sa boses niya.

Hindi ko na siya sinagot pa, tumalikod na lang ako at lumakad papunta sa pinto. Iiwan ko na lang siya kesa makipagtagisan pa ko sa kaniya, wala naman akong mapapala sa bruha na 'yan kung hindi bad vibes.

Natigil ako sa paglabas nang magsalita siya.

"Stay away from Bright habang maaga pa at may oras ka pa, soon enough ay mapapasaakin na siya. Can't you see? His father wants me to be his son's girlfriend. Not anyone else and not especially you! Get a life, get lost!"

Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niya at nagpasiya nang umalis doon. Kapal niya namang sabihan ako ng gano'n. Of all people, siya pa talaga? Ni hindi nga kami close! Pero kung makapagsalita akala mo kilala talaga 'ko. Edi pakasalan niya ang papa ni Bright! Kung yun pala ang pinuputok ng buchi niya!

Sarap sapakin! Sarap ipatapon sa mars!

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong natulog. Kailangan ko ng beauty rest para naman maganda ako mamaya sa dinner and get to know the parents ni Bright na magaganap.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maiwasang kabahan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ang babaeng bagay kay Bright. Middle class lang kami, high class siya, o kung may highest class man, malamang doon siya kabilang. Napakayaman! Palibhasa napakagaling sa negosyo ng ama. Yung ina? Ano kayang trabaho? Baka house wife lang. Kahit naman siguro hindi sila magtrabaho sa loob ng isang taon ay kikita pa din sila. Samantalang ako? Taga-sana all na lang sa sulok. Baka sakaling maambunan ng yaman nila.

Though aware ako sa kung anong meron kay Bright, ni minsan ay hindi ko ito ginawang advantage para umangat sa buhay. Knowing mama, pinalaki niya ako ng maayos. Minsan kinakapos kami dahil nga binabayaran namin ang dream house namin na 'to, hindi man lang niya ako tinuruang kumita ng pera sa maling paraan, maging siya mismo. Lahat ng perang dumadaan sa kamay ni mama maging sa akin ay galing sa malinis na paraan. Ang resulta ng pagsisikap ni mama, nabayaran na namin ng buo ang bahay. May sarili na kaming bahay at lupa, mas lalong hindi ko na kailangan pang makita ang ama 'kong hindi man lang ginawang silayan ang paglabas ko sa mundo.

Sa dami ng iniisip ko, nawala na ang kabang nararandaman ko, napalitan naman ng pagkaantok. Nahiga na 'ko sa aking kama since then at napagpasiyahan nang matulog.

Gumising ka na Aeyu Tan! Gumising ka na Aeyu Tan!

Nagising ako nang marinig ang alarm sa aking phone. Nilagay ko pala sa highest volume ang sound, sino ba namang hindi magigising doon? Lalo na kung record ng boses ni mama! Hanep!

Hirap kase akong gisingin kaya nagpasiya si mama na i-voice record ang boses niya telling that line para daw magising agad ako.

May trauma kaya ako kay mama! Dati ay binuhusan niya ako ng malamig na tubig habang tulog dahil daw napakatulog-mantika ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang labhan ang mga kobre kama at kumot kong nabasa. Tulong naman kami ni mama sa pag-blower sa nabasa kong kama.

Inalis ko na sa isip ko ang masalimuot kong nakaraan kay mama dahil may importante pa akong gagawin. I need to be presentable kapag hinarap ko na ang magulang ni Bright. Sa malamang ay sopistikada ang mama niya.

Naligo na ako pagkalipas ng sampung minutong pagmumuni-muni.

Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay tumigil na ako sa paliligo. Pumula na ang balat ko kakagilgil gamit ang towel ko dito sa cr. Baka kase mamaya may libag silang makita. Nakakahiya naman!

Kanina ay pinag-isipan kong mabuti kung lalagyan ko ba ng makeup ang mukha ko o hindi, I want to be presentable later kaya gusto kong itry, but then, I just realized one thing, be me. If they didn't want me, I didn't want them too. I won't be ashamed of myself when there is nothing to be ashamed for.

Si Bright ang mahal ko. Kaya kung ayaw nila sa'kin, wala akong magagawa. Ipaglalaban ko kung anong tama. Nagmamahalan kami, there's nothing wrong with it.

Base sa kagustuhan ko at kung sino ba talaga ako, I decided to apply light makeup on my face. Marupok kase talaga ako. Inaakit ako ng makeup kit na binili sa'kin ni nama para daw magmukha akong babae. Kahit naman ayaw kong maglagay nito ay kailangang maging maganda ako sa dinner, malay ko ba kung bigla akong magustuhan ng parents niya kapag may ganito sa mukha.

Ang dami kong rants sa buhay kanina pero babagsak din ako sa paglalagay ng kung ano-ano sa mukha.

I wear my simple white dress na above the knee ang haba. Plain white lang siya pero bagay sa akin. Ang simple ng hitsura ko ngayon, nilugay ko lang ang buhok ko at nilagyan ng pin ang ilang hibla sa gilid. Mukha akong mahinhin hahaha.

Nagsuot lang ako ng white flat doll shoes dahil hindi ko trip magsuot ng may hills na sandals.

Napagpasiyahan ko nang bumaba at doon na lamang hintayin si Bright. Baka sabihin non lagi ko na lang siyang pinaghihintay. This time, naunahan ko siya!

7:00 pm na at wala pa din siya. Ang bagal niya grabe.

PEEP! PEEP!

Natigil ako sa pagrereklamo nang marinig ko ang pagbusina niya sa labas. Sure akong siya 'yan! Siya lang naman ang bisita namin na may sasakyan, saka memorized ko na ang bawat tunog na lumalabas sa sasakyan niya.

Lumabas na ako ng bahay para puntahan siya, si mama naman wala pa din, mukhang uhaw sa overtime dahil napapadalas na ang pag-uwi niya ng late, tapos kapag umuwi, hindi ko makausap ng maayos. Palaging tuliro at balisa.

Naabutan kong nakabukas ang pinto ng driver's seat ngunit wala si Bright.

Nasan 'yon?

Nagtaka ako nang bigla siyang lumitaw, galing doon sa malaking puno sa harap ng bahay namin.

"Anong ginawa mo doon?", tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sakin.

"Umihi", simpleng sabi niya at akmang yayakap sa akin ngunit pinigilan ko siya.

"Wait! Pagkatapos mong ihawak sa alaga mo, yayakap ka sakin? Asa ka! Mag-alcohol ka muna!"

Nauna na akong pumasok sa sasakyan at agad naman siyang sumunod. Naglagay siya agad ng alcohol sa kamay niya pagkapasok niya.

"Done. Can I hug you now?", nakakunot noo niyang tanong.

"Oo na", natatawa kong sabi.

Tinawid niya ang kaunting espasyo sa pagitan namin at agad akong niyakap.

"You're stunning beautiful tonight", bulong niya sa kaliwang tenga ko.

"Ah ganon? So ngayon lang ako maganda?", tinulak ko pa siya na naging dahilan ng paglayo niya sa akin.

"That's not what I mean baby, you're stunning beautiful everyday but tonight is different.", paglapaliwanag niya agad.

"Bilis gumawa ng explanation ah", natatawa kong sabi.

"Baka mamaya bigla ka na lang tumalon dyan eh", sabi niya at inistart na ang sasakyan.

Isang beses kase ay nag-asaran kami sa loob ng sasakyan, at dahil dakilang pikunin ako, tinakot ko siya na tatalon ako sa labas kapag hindi siya tumigil. Ang hudyo, hindi man lang natakot! Ngumisi pa nga! Ang resulta, binuksan ko ang pinto. Takot na takot naman siya at nagawa nang tumigil.

Tumigil ang sasakyan ni Bright sa labas ng isang japanese restaurant na malapit sa Flynn University.

Hindi ko alam kung anong pangalan ng restau na 'to, hindi ko naman kase mabasa dahil chingchong. Hindi naman ako japanese kaya kahit anong gawing basa ko, hindi ko maiintindihan. Chingchong Restau na lang ang itatawag ko.

"We're here", nasa parking na kami at naunang lumabas si Bright, gentlemen siya kaya alam kong pagbubuksan niya ko ng pinto.

Ilang minuto pa ang lumipas, natanaw kong may katawagan siya sa phone.

"We're here mama, yeah yeah. Just wait us there", yun lang ang narinig kong sabi ni Bright at pinatay na niya ang tawag.

Agad siyang lumingon sa akin.

"Let's go", he mouthed.

Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto at bumaba na sa sasakyan.

"Gentlemen natin brad ah", sabi ko sa kaniya at siniko pa siya sa braso.

"Yeah, thanks", nakangisi niyang sabi na ikinaasar ko. Inirapan ko na lamang siya at hindi na nakipagtalo pa.

Nang nakapasok kami sa entrada ng restau ay hindi ko na nagawa pang ilibot ang paningin ko para namnamin ang ganda ng paligid. Itim at pulang motif lang ang nananatili sa mata ko at ang kabang nananalaytay sa buong katawan ko.

Biglang bilis ang tibok ng puso ko nang matapat kami sa table na naka-reserve sa amin. May isang babae at lalaking nakaupo. Likod lang nila ang nakikita namin pero siguradong sigurado ako na parents 'to ni Bright.

Marahan akong hinila ni Bright papunta sa vacant seat sa harap ng magulang niya. Naramdaman ko ang pag-angat nila ng tingin pero mas pinili kong yumuko. Hindi ko muna sila kayang harapin. Natatakot ako sa posibleng mangyari.

"Mom, Dad. This is Aeyu Tan. My girlfriend.", napalunok ako sa sarili kong laway nang basagin ni Bright ang katahimikang namuo sa pagitan namin.

"H-hello po", pinilit kong salubungin ang mapanuring tingin nila, pinilit ko ding ngumiti kahit nanginginig na ang labi ko.

"Son, you told me this would worth my time. I thought you'll brought Nicole tonight and introduce her to us as your girl. But this woman named Aeyu with a surname of mine will appear in front of us?", maawtoridad na sabi ng papa ni Bright.

Nanlamig ang kamay ko habang nagsisink-in sa utak ko ang bawat salitang binanggit niya.

"Andrew!", pagsaway ng mama ni Bright.

"Stop this dad. Let's eat now.", dama ko ang pagka-frustrate ng boses ni Bright.

"No. I won't stop. Stay away from my son. Una pa lang, binabalaan na kita. Magkano ba ang kailangan mo? Para maibigay ko na agad sayo at nang mahiwalayan mo na ang anak ko", natatawang sabi ng papa niya.

Kusang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang mga luha kong nagbabadyang lumabas. Ayokong magmukhang mesirable sa harap nila.

"Stop this shit dad!", malakas na sabi ni Bright.

"Stop Andrew. Please.", napapikit pa ang mama ni Bright.

"I'll stop now. Such a waste of time", hindi ko na napigilan pa, tila may sariling utak ang mga luha ko at kusa silang tumulo papalabas sa aking mata. May kung anong kirot sa puso ko ang ayaw maalis dahil sa mga sinabi ng papa ni Bright.

Ibang sakit ang nararamdaman ko, parang may mga pakong tumutusok at pinupukpok pa ng martilyo.

"I'm sorry iha, Andrew didn't mean it.", umalis na pala ang papa ni Bright.

Naramdaman ko ang pagpunas niya sa aking mata gamit ang daliri niya.

"Stop crying baby, everything will be okay huh?", naramdaman ko na lang ang bisig niyang pumulupot sa akin.

"Ako na ang humihingi ng dispensa sa mga nasabi ni Andrew sa'yo iha", mahinhing sabi ng mama ni Bright.

"Okay lang po ma'am. Naiintindihan ko po", seryosong sabi ko.

"Crop that ma'am. Tita na lang, Tita Aubrey", nakangiting sabi niya.

"Uhm s-sige po Tita Aubrey", medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil ang pag-aakala kong sopistikadang mama ni Bright at mali pala. Simple lang siya, mahinhin at malumanay. Bagay na mahugustuhan ng mga kalalakihan.

Hindi siya tulad ni mama na magaslaw, bulgar at madada.

Sinimulan na naming kainin ang mga inorder ni Bright na pagkain, namula ako  nang makakain ako ng sobrang anghang na putahe, tinawanan lamang ako ng mag-ina. Dali-dali naman akong uminom ng shake na nakalagay sa table.

Amp! Sobrang pait naman!

"That's ampalaya shake baby", natatawang sabi ni Bright.

"Bakit may ganito?", naluluha kong tanong dahil sobrang pait talaga.

"That's my favourite iha, bawal sakin ang matatamis because of my diabetes.", nakangiting sabi ng mama niya.

"I ordered 3 for us para may karamay ka mom", natatawang sabi ni Bright.

"So ilang months na kayo?", biglang tanong ni Tita Aubrey.

"1 month pa lang po kami", nahihiyang sabi ko.

"Pero matagal na kaming magkakilala mom", hirit ni Bright na ikinatawa naming dalawa ng mama niya.

"Napaka-defensive mo naman masyado son. Hindi naman ako kokontra sa inyo hahaha", kahit pagtawa ni tita ay kakikitaan ng kahinhinan.

Napuno ng tawanan ang table namin dahil pinagtutulungan namin ni Tita Aubrey si Bright. Mapang-asar din kase siya. Akala ko katulad siya ni Tito Andrew, hindi pala.

Isinabay na ni Bright si tita dahil tuluyan na siyang iniwanan ng kaniyang asawa.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, natanaw ko si mama na nag-aabang sa labas ng gate.

"Una na po ako Tita, nag-aabang na si mama oh hahaha", pagbibiro ko at lumingon sa mama ni Bright na kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana, sa pwesto ni mama rather.

"Siya ang mama mo?", seryosong tanong niya.

"Yes mom", si Bright na ang sumagot.

"Uhm mauna na po ako. Goodnight po.", sabi ko.

Bumaling naman ako kay Bright.

"Goodnight baby", I mouthed.

Lumabas na ako ng sasakyan at hinarap ang seryosong mukha ni mama.

"Lumabas na naman kayo ni Bright?", tanong niya nang yakapin ko siya.

"Opo. Tara pasok na. Gabi na oh"

Nakumbinsi ko naman si mama na pumasok na sa loob, hindi na siya nagtanong pa tungkol sa pinuntahan namin ni Bright dahil inaantok na daw siya, sinugurado niya lang daw na uuwi ako dito sa bahay.

Wala din akong balak ikwento kay mama ang nangyari ngayong gabi. Panigurado paghihiwalayin niya din kami ni Bright kapag nalaman niya ang pagtrato sa akin ni Tito Andrew. I don't want that to happen. Masyado na akong naattached ka Bright. Mahihirapan na akong umahon sa pagkalunod 'pag nagkataon.

Dumaan ang kirot sa dibdib ko nang maalala ang mga sinabi ng papa ni Bright. Masyado akong nasasaktan sa hindi malamang dahilan. Kapag naman nakakarinig ako ng ganyan, pasok sa isang tenga, labas sa kabila ang ginagawa ko para hindi ako masaktan. Pero iba ngayon. Tumagos sa puso ko.

Iwinaglit ko sa isip ko ang senaryong iyon. Gumaan ang loob ko at inisip na lang ang bonding namin kasama si Tita Aubrey.

Someone's POV

This can't be. How come? She's not her mother. Masyado nang komplikado ang lahat, bakit kailangan niya pang bumalik?

I need to talk to him about our son. Ayokong maging mesirable ang buhay niya dahil sa pag-ibig. Inilayo ko siya sa katotohanan para maging maganda ang buhay niya.

I can see through his eyes na masaya siya ngayon sa piling niya. Ngayon ko lang nakitang ngumiti ang mga mata niya.

His life was being manipulated. Do I need to tell the truth now?

𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧'𝙨 𝙉𝙤𝙩𝙚: 𝒀𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒈𝒓𝒆𝒂𝒕 :)